You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Pangalan: Lyka Joy A. Macadangdang

Takdang oras: 1 sesyon/oras

Grade: Grade 9

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 1 oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahanang:
a. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng Industriya sa ekonomiya ng isang
bansa.
b. Napapahalagahan ng mga mag-aaral ang sektor ng Industriya sa pagtugon sa pang araw-
araw na pangangailangan ng bawat tao.
c. Nakaguguhit ng mga produktong nagpapakita ng ugnayan ng promarya at sekondaryang
sektor ng ekonomiya.

II. NILALAMAN

PAKSA: Sektor ng Industriya

SANGGUNIAN: Aklat ng Ekonomiks

KAGAMITAN: Mga larawan, Manila paper, Marker, Metacards

METODOLOHIYA: Cooperative/Collaborative Learning

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A.PANG ARAW-ARAW NA GAWAIN
-Pagdarasal
-Pagbati

B. PAGGANYAK
May mga larawan akong ipapakita sa inyo klas
at iyong obserbahin ang mga ito at ipaliwanag
kung ano ang nakikita o napapansin niyo dito.
Maliwanag? Opo Ma’am.

(Magpapakita ng Larawan) Pinapakita po nito kung paano ang raw


materials na nagiging isang produkto sa ating
bansa.

Magaling! Ano pa? Pinapakita din po sa larawan ang dapat at


maaring gawin sa mga produktong galing sa
sub-sektor ng agrikultura.

Lahat ng inyong kasagutan ay tama! Klas,


pinapakita dito sa mga larawan kung ano ang
ugnayan ng Sektor ng Agrikultura sa Sektor ng
Industriya. Tutal, natapos na natin ang apat na
sektor at mga suliranin sa sektor ng agrikultura
base sa mga larawang aking pinakita ano sa
alam niyo ang paksang ating tatalakayin sa
araw na ito? Ang Sektor ng Industriya Ma’am.

C. PAGLALAHAD
Ang paksang tatalakayin natin ngayong araw
na ito ay sektor ng Industriya at ang mga
bahaging ginampanan nito sa ekonomiya sa
loob ng ating bansa.

D. PAGTATALAKAY
Mayroon tayong apat na sektor ng Industriya.
Ano ang mga ito?
Pagmimina
Pagmamanpaktura
Konstruksiyon
Utilities
Ating bigyang pagpapaliwanag ang
Pagmimina. Ano ang Pagmimina?
Ito ay sekondaryang sektor na kung saan ang
mga metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay
dumadaan sa proseso upang gawing tapos na
produkto o tinatawag nating Finished Product.
Tumpak! Ibig sabihin lang niyan klas, na ang
pagmimina ay pagbubungkal at pagkuha ng
mga yamang mineral gaya ng ano?
Ginto
Pilak
Copper
Silver
Diamond
Magaling! Ano naman ang
pagmamanupaktura?
Ang pagmamanupaktura ay tumutukoy sa
paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng
Manual Labor o ng mga makina.
Maari ba kayong magbigay ng halimbawa ng
mga produktong dumadaan sa
pagmamanupaktura?
Mga damit, sapatos at iba pa Ma’am.
Mahusay! Yan ang mga halimbawa ng
produktong dumadaan sa
pagmamanupaktura. Atin isunod na bigyang
kahulugan ang Konsytruksiyon. Anong ibig
sabihin nito?
Ang Kontruksiyon ay pagtatayo ng mga
estraktura, gusali at iba pang tinatawag natin
na pang Land improvement.
Ano ang mga halimbawa nito klas?
Mga Tulay, kalsada, riles, daungan, parke at
iba pa na isang bahagi ng serbisyong publiko
ng pamahalaan sa mga mamamayan.
Ano ang panghuli?
Utilities.
Ano ang Utilities?
Ito ay binubuo ng mga kompanyang na ang
pangunahing layunin ay ang matugunan ang
lahat ng pangangailangan ng mga
mamamayan sa koryente, tubig, at maging sa
gas Ma’am.
Tama! Okay klas, ngayon kung talagang
naintindihan niyo papangkatin ko kayo sa apat
na grupo at magkakaroon tayo ng aktibidades.
Ang mga hawak kong envelop ay diyan
nakapaloob kung ano ang inyong gagawin.
Gawin lamang yan ng 15 minuto. Pagkatapos
ay pumili kayo sa grupo niyo ng isa o dalawang
reporter upang ipaliwanag an gang inyong
mga ginawa. Nagkakaintindihan ba tayo?
Opo Ma’am.
PANGKAT 1:
Gumuhit ng mga primary at sekondaryang
bagay o produktong dinadaan sa proseso
upang maging bagong produkto. Ang inyong
iguguhit ay dapat nakalaan sa PAGMIMINA.

PANGKAT 2:
Gumuhit ng mga primary at sekondaryang
bagay o produktong dinadaan sa proseso
upang maging bagong produkto. Ang inyong
iguguhit ay dapat nakalaan sa
PAGMAMANUPAKTURA.

PANGKAT 3:
Gumuhit ng mga primary at sekondaryang
bagay o produktong dinadaan sa proseso
upang maging bagong produkto. Ang inyong
iguguhit ay dapat nakalaan sa
KONSTRUKSYON.

PANGKAT 4:
Gumuhit ng mga bagay na angkop sa
UTILITIES.
Okay! Ang 15 minuto na naibigay sa inyo ay
sapat na. Okay ung magrereport pumunta na
sa harapan upang ipaliwanag ang mga inuong
ginuhit.
(Mag-uulat sa harapan)
Palakpakan niyo ang inyong mga sarili dahil
naipaliwanag niyo ng mabuti.

E. PAGBUBUOD
Kung talagang naintindihan niyo ang paksang
ating tinalakay sa araw na ito ano na nga ulit
ang apat na sektor ng Industriya?
Pagmimina
Pagmamanupaktura
Konstruksyon
Utilities.
Ano ang pagmimina?
Ito ay sekondaryang sektor na kung saan ang
mga metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay
dumadaan sa proseso upang gawing tapos na
produkto o tinatawag nating Finished Product.
Mahusay! Ano ang pagmamanupaktura?
Ang pagmamanupaktura ay tumutukoy sa
paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng
Manual Labor o ng mga makina.
Magaling! Ano ang Konstruksyon?
Ang Kontruksiyon ay pagtatayo ng mga
estraktura, gusali at iba pang tinatawag natin
na pang Land improvement.
Tumpak! Ano ang Utilities?
Ito ay binubuo ng mga kompanyang na ang
pangunahing layunin ay ang matugunan ang
lahat ng pangangailangan ng mga
mamamayan sa koryente, tubig, at maging sa
gas Ma’am.
Tama! Sa anong sektor ng ekonomiya
nagmumula ang mga hilaw na sangkap na
ginagamit sa sektor ng Industriya?
Sektor ng Agrikultura Ma’am.
Magaling! Sa anong sektor ng ekonomiya
naman nagmumula ang mga naproseso ng
hilaw na materyales upang ,aging bagong
produkto.
Sektor ng Industriya Ma’am.
Mahuhusay! Talagang naintindihan niyo ang
ating talakayan klas.

G. PAGPAPAHALAGA
Ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng
Industriya sa ekonomiya ng bansa at sa ating
mga mamamayan?
Dahil sa mga produktong nagmumula sa
sektor ng Industriya ay nagkakaroon tayo ng
mas matiwasay na pamumuhay sa pang araw-
araw Ma’am.
Tama! Ano pa?
Dahil sa sektor ng mga Industriya nagiging mas
komportable an gating mga pamumuhay at
mas napapagaan ito.
Magaling!

F. PAGLALAPAT
Ngayon, kumuha o maghanap kayo ng isang
bagay na nandito lang sa loob ng silid aralan at
sabihin niyo kung anong produktong primary
ang pinagmulan ng bagay na ito.
(Maghahanap ang mga mag-aara at kanilang
tukuyin ang mga bagay na kanilang nahanap)
Magagaling!

IV. PAGTATAYA

Gumawa ng slogan patungkol sa paksang natalakay. Ipaliwanag kung bakit ito ang
nilalaman nh iyong Slogan. Gawin lamang yan ng sampung (10) minuto.

Pagkamalikhain 30%
Mensahe 30%
Kaayusan 20%
Balanse 20%
KABUUANG PUNTOS 100%

V. TAKDANG ARALIN

PANUTO: Basahin, unawain at pag-aralan ang susunod na aralin.

PAKSA: Kahinaan ng sektor ng Industriya at Epekto ng Industriyalisasyon

Sanggunian: Modyul sa Ekonomiks, pahina 96-397

You might also like