Professional Documents
Culture Documents
A. Ang isa sa mga pangunahing tauhan sa maikling kwento ay ang bunsong anak.
Sa buong kwento, siya ang nagsasalaysay at nagbibigay paliwanag sa bawat
pangyayaring nagaganap. Noong yumao ang kanilang ama, lahat silang
magkakapatid ay naghanapbuhay upang tulungan ang ina at upang maitaguyod ang
pamilya. Sa murang edad ay naranasan na niyang maglako ng mga gurgorya.
Napalaki siya ng maayos ng kaniyang ina at napangaralang huwag na huwag
ikahihiya ang paghahanapbuhay sapagkat wala naman silang natatapakan at
nasasaktang tao, pinaghihirapan nila ang kanilang mga itinitinda at natatanggap na
pera. Sa kaniyang paglaki, nakapagtapos siya ng kolehiyo at nakahanap ng trabaho.
Dinadalaw niya lagi ang kaniyang ina kahit pa man siya’y nagkaroon na rin ng
sariling pamilya. Ngunit sa tuwing siya ay pupunta sa bahay ng ina, hindi niya ito
maiwasang bigyan ng pera sa bawat pamamaalam. Ang masaklap nga lang dito ay
inuutang niya lamang ang perang iyon upang maipakita sa inang nakaluwag na
siya at hindi na kailangan pang alalahanin.
B. Ang isa pang pangunahing tauhan na aking napili ay ang ina ng limang
magkakapatid. Minana niya kay Impo ang gilingang bato at siya rin lamang sa
pitong magkakapatid ang nakamana ng talino sa pagpuputo. Noong yumao ang
kaniyang asawa, wala silang ibang nagawa ng kaniyang mga anak kundi ang
magtulungan upang mabuhay. Noong napaaway ang bunso nang dahil sa minaliit
ng ibang bata ang paglalako niya ng gurgorya, sinabihan niya ang anak na hindi na
nararapat pang pansinin at patulan ang mga ito. Kahit gaano kasimple ang kanilang
hanapbuhay ay hindi dapat ito ikinahihiya sapagkat ang mahalaga dito ay wala
silang tinatapakan o ninanakawang tao. Pinaghihirapan nilang lahat ang mga
itinitinda at wala silang nililinlang na sinuman. Sa abot ng kaniyang makakaya,
naibigay niya ang mga pangangailangan ng mga anak. Napagtapos niya silang
lahat at nakuha niya paring tulungan at alagaan ang mga ito kahit pa man ang lahat
ay nagkapamilya at nagkatrabaho na. Siya ang takbuhan ng kanilang panganay at
Diko sa tuwing nagigipit. Hindi na niya ipinapabalik pa sa mga anak ang perang
hiniram, sinasabi niya lamang na mahirap na sila pa ang kapusin lalo na’t sila ay
nasa Maynila, walang malalapitan. Kahit nga sa kaniyang pagtanda ay gumagawa
at nagbebenta parin siya ng puto at suman. Kahit nakailang sabi na ang mga anak
na itigil na ito at magpahinga na lamang ay hindi niya ito mga sinusunod, ang
katwiran niya lamang dito ay madadali’ng ang kaniyang buhay kapag sinunod niya
ang kanilang payo. Noong isang beses rin na dumalaw ang bunso, pinigilan at pilit
na inagaw sakanya ang giniling bato ngunit hindi ito nagtagumpay. Ang sinabi
niya lamang dito ay hindi na siya kailangan pang tulungan sapagkat ayaw na
niyang mahirapan pa ang anak. Ikinatwiran niyang trabaho niya raw iyon dati at
kaya pa naman ng kaniyang katawan.