Professional Documents
Culture Documents
Pagsusuri Sa Pelikulang Die Beautiful
Pagsusuri Sa Pelikulang Die Beautiful
FILSOS 1115
PANUNURING PAMPELKULA
PAGSUSURI SA PELIKULANG
DIE BEAUTIFUL
ni
RONNEL P. MALONG
BSCE 3-1
JACKSON A. PARCHAMENTO
GURO
I. PANIMULA
• Trisha Echevarria
a. Eksena/Sitwasyon: Pagdedesisyon nyang lumayas sa bahay, pagsuway
nya sa kanyang ama na huwag sumali sa beauty pageant, pagdedesisyong
ampunin si Shirlie Mae at ang pagkikipagrelasyon nya sa iba’t ibang lalaki
b. Running time: 00:00 – 1:55:39
c. Teoryang Ginamit: Eksistensyalismo
d. Pagtalakay/Paliwanag: Sa mga eksenang ito, iisa ang nais ipahiwatig ng
may- akda ukol sa pangunahing tauhan ng pelikula. Ito ay ang kakayahan
niyang magdesisyon para sa kanyang sarili sa kabila ng mga maaaring
sabihin o isipin ng ibang tao. Ipinapakita rito ang kanyang kalayaang
patakbuhin ang sariling buhay kabilang na ang pagsasakatuparan ng
kanyang mga personal na kagustuhan ng walang pag-aalinlangan. Sa
kabila nito, sa kabuuan ng kwento ay makikita ang kanyang paninindigan
at pagtupad sa responsibilidad na kaakibat ng kanyang mga aksyon. Sa
pangkalahatan, ito ay nauugnay sa Teoryang Eksistensyalismo sapagkat
ipinapahayag ng pelikula na “ang pag-iral ay laging partikukar at indibidwal,
nakatuon sa mga pagsubok ng buhay mismo o ng pagiging nilalalang,
maging ang patuloy na pagsusuri na mayroong iba’t ibang posibilidad na
patunay na ang buhay ng tao ay itinakda ng kaniyang mga desisyon”.
• QUEER
Mailalapat sa buong istorya ang Teoryang Queer dahil sa mga sumusunod na mga
eksena:
1. Pagsali ni Trisha sa iba’t ibang beauty pageant
2. Pakikipagrelasyon ni Trisha sa kapwa lalaki
3. Mga eksenang sekswal sa pagitan ng mga lalaki
4. Pagiging ina ni Trisha kahit wala syang matres
5. Uri ng pananamit ni Barbs at Trisha sa kanilang pang araw-araw na buhay sa
kabila ng kanilang tunay na kasarian