You are on page 1of 11

KUNG BAKIT DAPAT MAY FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO

Tinipon ni:

PROP. JOHN PAUL M. DELA PAZ


Wasto at napapanahon pa rin ang tinuran ni Prop. Renato Constantino sa kanyang pamphlet na “The
Miseducation of the Filipino”:

“What should be the basic objective of education in the Philippines? Is it merely to


produce men and women who can read and write? If this is the only purpose, then
education is directionless. Education should first of all assure national survival. No
amount of economic and political policy can be successful if the educational programme
does not imbue prospective citizens with the proper attitudes that will ensure the
implementation of these goals and policies. Philippine educational policies should be
geared to the making of Filipinos. These policies should see to it that schools produce
men and women with minds and attitudes that are attuned to the needs of the country.”

Ang ganitong makabayang sistemang pang-edukasyon ang dapat ipatupad sa Pilipinas, isang sistemang pang-
edukasyon na tungo sa bansang pinapangarap ng mga makabayang lider tulad ni Senador Jose W. Diokno sa
talumpating “A Nation For Our Children”:

“x x x a nation full of hope and full of joy, full of life and full of love—a nation that may
not be a nation for our children but which will be a nation of our children.”

KAYA NAPAKAHALAGA NA MAGKAROON NG MANDATORI SABJEK NA FILIPINO AT PANITIKAN SA


KOLEHIYO.

Sa kasalukuyang ulat ng Tanggol Wika, pasulong ang aksyon ng ilang mga unibersidad at pamantasan sa
Maynila sa pagkakaroon ng matatag na Filipino at Panitikan sa Kolehiyo, pinagtibay ng mga dalubhasa at
paham sa wika at panitikan ang kanilang malalimang pagdalumat sa bagong tatahakin ng disiplinang Filipino sa
kolehiyo. Sa katunayan, mariing ipinabatid ng ilang mga unibersidad at pamantasan sa Maynila na hindi
kailanman maaalis ang pag-aaral sa Filipino at Panitikan sa antas-tersiyarya. Pinatunayan ito ng Unibersidad ng
Pilipinas, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Unibersidad ng Santo Tomas, Unibersidad ng De La Salle,
Unibersidad ng Ateneo De Manila, Pamantasang Normal ng Pilipinas, at gayon na rin ang pasulong na hakbang
ng Unibersidad ng Mapua na nasa lokasyon ng makasaysayang lugar ng Intramuros, mula sa pananakop ng
mga dayuhan, na kinasangkapan ang kinikilala nating Filipino at Panitikan bilang mga naging lunsaran, daluyan
ng mabubulas na ideya, matatalinong kaisipan at aksyong may pagpapahalaga sa wika at bayan tungo sa
matagumpay na kasarinlan na tinatamasa natin ngayon.

BAKIT DAPAT MAY ASIGNATURANG FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO?

1. Alinsunod sa Artikulo labing-apat (14), seksiyon (6) anim na itinadhana ng saligang batas, itinakda ang
Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang- ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal ng
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Malinaw na
kinakailangang ituro ang asignaturang Filipino (wika, panitikan, at kultura) mula Kindergarten,
patungong Elementarya, Sekundarya, Antas- Tersyarya at inaasahang lagpas pa para maging
epektibong wikang panturo ang Filipino.

2. Taong 1996 nang maging mandatory core course para sa lahat ng estudyante sa kolehiyo ang
asignaturang Filipino, kaya’t makatarungan lamang na magkaroon pa rin ng asignaturang Filipino sa
bagong GEC. Ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa iba’t ibang larangan ay magiging
epektibo lamang kung may mga asignaturang Filipino sa kolehiyo na magtitiyak sa mataas na antas
ng kasanayan ng mga estudyante sa paggamit nito at magamit ang Filipino bilang wika ng intelektuwal
na diskurso.

3. Ayon pa sa ARTIKULO II, SEKSYON 17, Dapat mag-ukol ng prayoriti ang Estado sa edukasyon,
siyensya at teknolohiya, mga sining, kultura at isports upang mapabulas ang pagkamakabayan at
nasyonalismo, mapabilis ang kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang ganap na paglaya at pag-
unlad ng tao dagdag pa sinasabi sa ARTIKULO XIV, SEKSYON 2 (1) Ang Estado ay dapat magtatag,
magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop
sa mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan ganon din sa ARTIKULO XIV, SEKSYON 3 (2)
Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo. Malinaw na ang mga asignaturang
Filipino, Panitikan/Literatura ay mga asignaturang mahalaga sa pagtataguyod ng nasyonalismo
at pambansang kaunlaran, at edukasyong nakabatay sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Samakatuwid, pundasyon ng intelektuwalisasyon ang epektibong paggamit ng Filipino sa mataas na
antas ng diskurso, hindi ito mabubuo o maisasakatuparan kung walang espasyo para sa asignaturang
Filipino sa mataas na antas at kung hindi rin mabibigyan ng matibay na papel ang mga dalubgurong
pumapanday sa makabayang edukasyon.

4. Ang kahalagahan ng Panitikan/Literatura bilang bahagi ng kultura ng Pilipinas ay pinatutunayan ng


pagkakaroon ng Subcommission on the Arts sa ilalim ng National Commission on Culture and the Arts
(NCCA) na sumasaklaw sa “literary arts” o “mga sining na pampanitikan,” gaya ng ipinapahayag sa
Seksyon 15 ng Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the
Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes.”
Samakatuwid, ang preserbasyon at pagtuturo ng Panitikan/Literatura sa lahat ng antas ng edukasyon
ay tungkulin ng Estado, alinsunod na rin sa mga mandato ng Konstitusyon.
5. Mahalaga sa konteksto ng globalisasyon at ASEAN Integration. Paano haharapin ang mundo kung
hindi kilala ang sarili? Bahagi ng College Readiness Standards (CRS) sa CHED Resolution No. 298-
2011 ang Filipino at Panitikan.
6. Mahina pa ang mga Pilipino sa Filipino.
7. Ang ibang asignatura mayroon sa senior high school at mayroon din sa kolehiyo, kaya marapat na may
Filipino at Panitikan sa Kolehiyo sapagkat hindi kayang saklawin ng Filipino sa senior high school ang
itinuturo sa kolehiyo ngayon.

8. Paksang nasa lumang GEC na wala sa Senior High School.


• Pagsulat ng Reaksyon/Repleksyon (Writing Reaction/Reflection Papers)
• Isyu sa Filipino (Issues on Filipino Language)
• Paghahambing at Pagsusuri ng Sampling ng Register ng Wika Batay sa Heograpiya
(Comparative Analysis of a Sampling of Language Register Based on Geography)
• Introduksyon sa Filipinolohiya (Introduction to Philippine Studies)
• Paglalahad ng Mga Pangunahing Ideya/Argumento ng Sanaysay (Expressing/Explaining
the Main Ideas/Arguments of the Essay)
• Pagbuo ng Iba’t Ibang Pagpapakahulugan/Pagbasa sa Teksto (Meaning-Making)
• Ang Papel ng Wika sa Edukasyon (Language’s Role in Education)
• Pagtukoy sa Tesis ng Sanaysay at Pagbubuod (Identifying the Essay’s Thesis Point,
and Summarizing)
• Ang Bukal at Kahulugan ng Pilipinong Identidad sa Loob ng Pilipinas (Sources and
Meanings of Filipino Identity in the Philippines)
• Pagsusuri ng Mga Simbolong Kultural (Analyzing Cultural Symbols)
Pilipinong Identidad sa Labas ng Pilipinas/Diaspora (Filipino Identity Outside the
Philippines/Diaspora)
Pagsulat ng Tesis at Pagbabalangkas (Thesis Point Writing and Outlining)
Pag-oorganisa ng Lektyur-Forum (Organizing a Lecture-Forum)
Pag-unawa sa Kulturang Popular (Understanding Popular Culture)
Diskors ng Kasarian (Gender Discourse)
Pagsulat ng Sanaysay na Nangangatwiran o Naglalahad (Writing Argumentative or
Illustrative Essays)
• Pundasyon ng Pagpapahayag-Akademik (Foundation of Academic Expression)
• Wika at Ang Wika sa Akademya (Language and The Language in/of The Academe)
• Intelektwalisasyon ng Filipino (Intellectualization of the Filipino Language)
• Pagsasalin at Pagpapayaman ng Register (Translation and Enriching/Expanding the
Language Register)
• Ang Documentary Films BilanG Riserts (Documentary Films as Research)
• Pagpapayaman ng Bokabularyo sa Mga Disiplina (Enriching/Expanding Vocabulary in
Various Disciplines)
• Leksikograpiya sa Mga Disiplina (Lexicography in Various Disciplines)
• Pagsasalin: Simulain, Proseso, Kritiking ng Pagsasalin, at Worksyap (Translation:
Principles and Process, Critiquing and Workshop)
• Imersyon sa Disiplinang Inhenyeriya (Immersion in the Engineering Discipline)
• Imersyon sa Ekonomiks (Immersion in Economics)
• Imersyon sa Agham Panlipunan (Immersion in Social Sciences)

9. Bakit dapat may Filipino? Filipino ang wika ng 99% ng populasyon

10. Bakit dapat may Filipino? Filipino ang wika ng pambansang midya, midyang popular, radyo,
telebisyon. Filipino ang wika ng diskursong pambansa. Nagkakaintindihan ang lahat ng mga Pilipino sa
Filipino. Filipino ang kaluluwa ng ating pagkabansa, simbolo ng ating pagkakaisa, salamin at
tagahubog ng ating kultura.
11. Sa mga bansang nagpapatupad na ng K to 12 gaya ng Estados Unidos, Espanya, Indonesia, at
Malaysia, itinuturo pa rin bilang asignatura at ginagamit ding wikang panturo sa kolehiyo ang kanilang
wikang pambansa at/o opisyal

American Universities Where English (The American National Language) is Taught as a Required
Core Course (PARTIAL LIST)

▪ Princeton University ▪ Harvard University

▪ Illinois State University ▪ Stanford University

▪ California State University ▪ North Carolina State University

▪ Columbia University ▪ Washington State University

▪ University of Alabama ▪ University of Wisconsin-Madison

▪ Duke University ▪ State University of New York

▪ Yale University ▪ University of Michigan


▪ College of Engineering ng Ohio ▪ University of Arizona
State University
▪ College of Food, Agricultural, and
▪ University of Vermont Environmental Sciences ng Ohio
State University
▪ California State Polytechnic
University

▪ University of Kentucky

American Universities Where English Literature is Taught as a Required Core Course (

PARTIAL LIST) ▪ University of Michigan

▪ University of Chicago ▪ University of Kentucky

▪ Harvard University ▪ University of Oregon

▪ Duke University ▪ University of Texas

▪ Massachusetts Institute of
Technology

▪ University of Alabama

▪ University of Wisconsin-Madison
12. Bakit dapat may Filipino? Wikang global na ang Filipino (wika ng diasporang Pilipino;
wika ng mga dayuhang nakapag-aral sa Pilipinas; wika ng mga Pilipino at dayuhang
nag-aral/nag-aaral nito sa ibang bansa. Kapag binura ito sa kurikulum sa Pilipinas, baka
masayang pa ang inabot na nito sa mundo.

40 Philippine Schools Overseas (PSOs) with 27,500 students in 10 countries Where


Filipino is Taught

▪ Bahrain ▪ Libya

▪ China ▪ Oman

▪ East Timor ▪ Qatar

▪ Greece ▪ Kingdom of Saudi Arabia

▪ Kuwait ▪ United Arab Emirates

Universities Abroad Teaching Filipino Language and/or Philippine Studies

▪ University of Hawaii-Manoa ▪ University of Michigan


▪ Osaka University ▪ University of Queensland (Australia)

▪ Kyoto University ▪ Universiti Brunei Darussalam

▪ Sorbonne University (France) ▪ University of Malaya (Malaysia)

▪ University of Melbourne ▪ University of Wisconsin-Madison

▪ University of Pennsylvania ▪ Loyola Marymount University (USA)

▪ University of Washington ▪ Columbia University (USA)

▪ Beijing University ▪ Tokyo University of Foreign Studies

▪ University of California, Los Angeles ▪ Moscow State University


(UCLA)
▪ St. Petersburg State University
▪ University of California, Berkeley
Other Overseas Institutions That Teach Filipino Language

1. Filipino Language and Culture School of Calgary (FLCSC)

2. 70 high schools in San Diego, California

3. Converse International School of Languages (USA)

4. Philippine Language School of Victoria (Australia)

6. Council for Teaching Filipino Language and Culture (USA)

13. Bakit dapat may Filipino? Posible ang inter/multidisiplinaring pagtuturo ng


FilipinoHalimbawa: Mga Babasahin sa Araling Pilipinas/Readings in Philippine Studies;
Panitikan Filipino Tungo sa Pagbabagong Panlipunan/Literature Towards Social
Transformation; Mga Wika at Kultura ng Pilipinas/Languages and Culture of the Philippines;
Filipino Bilang Wikang Intelektwal/Filipino as An Intellectual Language

14. Batay kay G. Renato Constantino, “Ang edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may
pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong
lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na
kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Samakatuwid, pundasyon ng
intelektuwalisasyon ang epektibong paggamit ng Filipino sa mataas na antas ng diskurso, hindi
ito mabubuo o maisasakatuparan kung walang espasyo para sa asignaturang Filipino at
Panitikan sa mataas na antas, para sa mas mataas na kritikal na pag-iisip sa mga suliraning
pambayan at makalikha ng mga progresibong kaisipan tungo sa pambansang kaunlaran.

15. CHED continue to promote international benchmarking with regard to educational policies
There is wisdom in following global standards whenever they apply to our situation. Hence, in
the name of international benchmarking, we urge CHED to retain Filipino and Panitikan as
mandatory subjects in college.
POINT 5: IN THE NAME OF INTERNATIONAL BENCHMARKING AND GLOBAL
COMPETITIVENESS, TEACHING OUR OWN LANGUAGE IN TERTIARY INSTITUTIONS IS A
MUST. HERE’S A LIST OF SOME COUNTRIES WHERE THEIR OWN
OFFICIAL/NATIONAL/DOMINANT LOCAL LANGUAGE IS TAUGHT AS A SUBJECT IN
TERTIARY EDUCATION, WHILE AT THE SAME TIME USED AS THE PRIMARY MEDIUM OF
INSTRUCTION AT ALL LEVELS OF EDUCATION:

USA: English – their de-facto national language – is a core course in the following universities:
Princeton University, Illinois State University, California State University, Columbia University,
University of Alabama, Duke University, Yale University, Harvard University, Stanford
University, North Carolina State University, Washington State University, University of
Wisconsin-Madison, State University of New York, University of Michigan, University of
Vermont, California State Polytechnic University, University of Kentucky at University of Arizon;
and in the following universities, Literature is also a required subject for all courses: University of
Chicago, Harvard University, Duke University, Massachusetts Institute of Technology, University
of Alabama, University of Wisconsin-Madison, University of Michigan, University of Kentucky,
University of Oregon at University of Texas.

THAILAND: Thai language is a required subject in the General Education program of


Chulalongkorn University

MALAYSIA: Bahasa Melayu is a required subject for all courses in Universiti Sains Malaysia,
Universiti Kebangsaan Malaysia, and Universiti Tenaga Nasional.

INDONESIA: Bahasa Indonesia is a required subject in Universitas Gadjah Mada and Institut
Teknologi Bandung

16. Sa Antas-Tersiyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektuwalisasyon ng Filipino sa


pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, at pagsasalitang pangmadla at
kaalamang pangmidya.

17. Iniugynay rin ng mga Komisyoner ang kahalagahan ng wikang Filipino sa iba pang mithiing
nakasaad sa Konstitusyon gaya ng nasyonalismo, kaalamang siyentipiko at teknikal,
pambansang industriyalisasyon, at iba-mga mithiin na hindi kayang abutin kung mahina ang
wikang pambansa:

G: BENNAGEN: “We are saying that the State shall foster nationalism and, therefore, we need
to have a national language in the same manner that we need a national flag and some other
things that we associate ourselves wit in the pursuit of national identity and unity. We are also
saying that the State shall foster creative and critical thinking; a broaden scientific and
technological knowledge; and develop a self-reliant and independent economy to
industrialization and agricultural development.”

18. Kaugnay nito, ayon naman sa pahayag ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng


Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), ang CMO No. 2053:
“[T]ahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang pambansa, at ang mapagtakdang papel
ng wika sa pagpapaunlad ng isang bayan. Ang Wikang Filipino ay Kasaysayan ng Pilipinas.
May mahabang kasaysayan na ang wikang pambansa. Simula nang ituro ito sa sistema ng
edukasyon noong dekada 1940, hanggang sa maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng
Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970, yumabong na ang Filipino bilang isang ganap na
disiplina at pananaw sa pakikipag-ugnayang pandaigdig. Isa rin itong maunlad na larangan—
maunlad dahil sa pagkakaroon nito ng iba’t ibang sub-erya at dahil sa interdisiplinal at
transdisiplinal na ugnayan nito sa ibang larangan gaya ng panitikan, pilosopiya, antropolohiya,
kasaysayan, sikolohiya, at politika. Isa sa mahahalagang trajektori ng pag-unlad ng Filipino ay
ang intelektuwalisasyon nito. Resulta ito ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina
na ibinunga rin naman ng mga ipinunlang kasanayan at oryentasyon sa mga kursong GE sa
Filipino. Kung ibinaba sa senior high school ang pagtuturo ng mga kasanayan, nararapat kung
gayon, na maging lunan pa ang mga kursong GE sa Filipino ng pagsustine sa pagpapaunlad ng
gamit ng Filipino sa mga diskursong panlipunan sa iba’t ibang disiplina.”

19. Kailangan ng Panitikan sa Kolehiyo sapagkat malinaw na bahagi ng kultura ang


Panitikan/Literature, gaya ng binabanggit sa UNESCO Universal Declaration on Cultural
Diversity na pinagtibay noong Nobyembre 2, 2001:

“[C]ulture should be regarded as the set of distinctive spiritual, material, intellectual and
emotional features of society or a social group, and that it encompasses, in addition to art and
literature, lifestyles, ways of living together, value systems, traditions and beliefs.”

20. Batay sa ARTIKULO XIV-EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING,


KULTURA, AT ISPORTS, SEKSYON 3. (1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pagaaral ng
Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pangedukasyon. Gaya ng sa usapin ng pagtakda sa
Filipino bilang wikang panturo, walang pagtatangi ang Konstitusyon sa kung anong antas, sa
elementarya, sekundarya, o tersarya man, dapat ituro ang Konstitusyon. Muli, ang mandato ay
patungkol “sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon.”

21. Ayon nga sa paninindigan ng mga guro ng Sining at Mga Wika sa National Center for
Teacher Education (NCTE), ang Philippine Normal University (PNU):

“Bukal ng karunungan ang Filipino bilang larangan na humuhubog ng kabuuan, kaakibat ang
pagpapahalaga sa ating pagkamamamayang Pilipino. Gamit ang Filipino bilang isang larangan,
itinatampok at binubuo nito ang pagkatao at pagkakakilanlan ng ating lahi na pundasyon ng
ating kamalayan at kalinangan. Malinaw na ang wikang Filipino ang pangunahing instrumento
upang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral tungo sa pambansang
kaunlaran.”
22. THE EDUCATIONAL SYSTEMS CHAPTER 1 Formal Education, Sec. 23. Objective of
Tertiary Education. — The objectives of tertiary education are:

1. To provide a general education program that will promote national identity, cultural
consciousness, moral integrity and spiritual vigor;
2. To train the nation's manpower in the skills required for national development;
3. To develop the professions that will provide leadership for the nation;

Mapapansing inuulit lamang ng Education Act of 1982 ang esensya ng mithiin ng Konstitusyon
na magkaroon ng makabayan at maka-Pilipinong edukasyon sa pamamagitan ng
paghahain ng mandatory sabjek na Filipino at Panitikan sa Kolehiyo gaya ng giniit ng mga
nagbalangkas ng Konstitusyon gaya nila Komisyuner Bennagen at Villacorta.

23. TITLE III Miscellaneous Provisions, SECTION 5. Culture by the People. The Filipino
national culture shall be evolved and developed by the people themselves in a climate of
freedom and responsibility. National cultural policies and programs shall be formulated which
shall be: x x x b) democratic, encouraging and supporting the participation of the vast masses of
our people in its programs and projects; x x x and d) liberative, having concern for the
decolonization and emancipation of the Filipino psyche in order to ensure the full flowering of
Filipino culture. SECTION 6. Culture for the People. The creation of artistic and cultural
products shall be promoted and disseminated to the greatest number of our people. The level of
consciousness of our people about our own cultural values in order to strengthen our culture
and to instill nationhood an cultural unity, shall be raised formally through the educational
system and informally through extra-scholastic means, including the use of traditional as well as
modern media of communication. SECTION 7. Preservation of the Filipino Heritage. It is the
duty of every citizen to preserve and conserve the Filipino historical and cultural heritage and
resources. The retrieval and conservation of artifacts of Filipino culture and history shall be
vigorously pursued.

Nilalabag ng CMO No. 20 ang mga nasabing probisyon ng Batas Republika 7356 sapagkat ang
pagtanggal sa Filipino bilang asignatura at wikang panturo ay magpapalabnaw sa kaalaman,
kasanayan, at kadalubhasaan at awtoridad sa wikang Filipino bilang malaking bahagi ng
kulturang Pilipino. Ito ay malinaw na paglabag sa naising “kultura ng masa at kultura para sa
masa.” Kaya marapat na mayroong asignaturang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo at mas
lagpas pa para sa makabayang oryentasyon at maka-Pilipinong edukasyon, para sa
pagpapalaya at dekolonisasyon ng kamalayang Pilipino para matiyak ang pamumulaklak ng
kulturang Pilipino, at makatulong sa pagtataguyod ng mapagpalayang kultura ng bansa na
tungkulin ng bawat mamamayan.

You might also like