You are on page 1of 24

FILIPINO 3- DALUMAT

Ikalawang Linggo at Ikatlong Linggo


Unang Paksa sa Pagdadalumat

Ang DALUMATFIL

 ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa 
malalim at mapanuring  pagbasa, pagsulat at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t
ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at pangangailangan ng
bansa at ng mga mamamayang Pilipino. 
 Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, g
amit ang mga makabuluhang  pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng 
pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga 
estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat “makapag-
teorya” sa wikang Filipino, batay sa mga piling  lokal at dayuhang  konsepto at 
teorya  na akma  sa konteksto ng komunidad at bansa. 

Mga Layunin
 Maipaliwanag ang wikang Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya.
 Matukoy ang mapagkakatiwalaan , makabuluhan, at kapaki-
pakinabang na sanggunian sa pagdadalumat at pananaliksik.
 Malikhain at mapanuring makapag ambag sa pagpapaliwanag 
at pagpapalawak  ng piling makabuluhang konsepto at 
teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at bansa
 Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang 
larangan.
 Maisaalangalang ang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa 
pagsasagawa ng pananaliksik
 Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng teorya at praktika sa pananaliksik
 Makapagambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan
at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang 
wika ng pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.

Mga Pangangailangan sa Kurso
Upang makapasa sa kurso, kailangan mong:

1.Basahin ang mga teksto na may kaugnayan sa paglikha ng mga gawain.
2. Gawin ang mga aktibiti na may kaugnayan sa tinatalakay.
3.Isakatuparan ang mga pagsusulit sa tamang panahon.
 4.Isumiti ang pinal na proyekto  (Portpolyo) 

Sa online na pagkakaklase, panatilihin ang mga sumusunod:

 Maging maagap sa pagdalo.
 Siguraduhing nabasa ang mga tekstong dapat basahin sa araw ng pagkaklase na 
ibinigay ng guro o nakatalagang talakayan sa araw na iyon.
 Kung maaari iwasan ang mga distraksyon na makaabala sa pagkaklase.
 Ihanda ang inyong mga gagamitin sa pag-oonline na klase.
 Iwasang gumamit ng iba pang aplikasyon habang nagkaklase.
 Makisali sa talakayan. Hintaying matapos ang isang kaklase sa pagsasalita. Buksan 
ang mikropono at kamera kapag nagsalita.
 Isuot ang akmang damit sa pagdalo sa klase.
 Ang pagdadalumat ay tumutukoy sa pagteteorya at pagbubuo ng mga konsepto o ka
isipan na mailalapat sa pagsusuri  ng mga bagay-bagay sa lipunan
 Taliwas
sa akalang mga nagdududa pa sa bisa at kakayahan ng wikang Filipino, kayang-
kaya  na ng wikang Filipino, kayang
kaya na ng  wikang pambansa  na maging bihikulo ng pagteteorya.
FILIPINO 3- DALUMAT

 Binigyang-diin ni Dr. Rhoderick Nuncio
ang bisa ng mga salita sa sariling wika sa pagteteorya: “Tinanatawag na dalumat –
salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya  batay sa masusi, 
masinop, kritikal, at analitikal na paggamit  
ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya  at 
kaalamang nagiging konsepto sa malalimang  pag-uuri’t paggamit nito.
 Tinitingnan sa paraang ito ang ugnayan ng salitang ugat at ang varyasyon ng mga 
pagbabanghay ng mga salita na nagluluwal ng sanga-sangang kahulugan.” Tinukoy  
ni Nuncio “…ang ilang paraan ng pagdadalumat –salita ng ilang kritiko, teorista,
at palaisip sa iba’t ibang disiplina:

 Pagiimbento/ pagkatha ng mga bagong salita / konsepto: Pilipinolohiya ni Covar,
Pantayong Pananaw ni Zeus
Salazar, Pamathalaan ni Consolacion Alaras, Sarilaysay ni Rosario Torres -YU
 Pagsasalin at pagdagdag ng kahulugan: kritika, , at gahum ni Isagani R.
Cruz, loob at labas;
 Pag-aangkop/ rekontekstuwalisasyon: Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio
Enriquez, kasaysayan bilang “Salaysay” na may saysay” at “pag-uulat sa sarili”

Dalumat
 Pagpapakahulugan ng konsepto (Chua, 2014)
 Ang pagkakaroon ng kakayahan na mag-isip ng higit sa malalim na makita ang kahu
lugan ng salita o pahayag sa mas  makabuluhang pag-iisip.
 Makita ang kahulugan ng salita o pahayag sa mas makabuluhang pag-iisip. 
 Hindi ito basta-basta o simpleng salita o pangangatwiran o pag-
iisip na madalas na nagagamit ng tao.
 Kadalasan ito ay nagsasaad ng kahulugan sa mga simpleng salita at paksa o 
partikular na sitwasyon ng isang tao.

Dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas.
 pagteteorya na may kabatayan sa masusuri at kritikal na paggamit ng salita na uma
ayon sa ideya o konsepto sa malalim  na kadahilanan o uri ng paggamit nito.

Pakikinig ng musika
 Pagdalumat sa awitin ni Jess Santiago Na pinamagatang “loob”.
 Pakinggang mabuti at isulat ang mga salitang may kaugnayan sa salitang loob.

 Looban – sulok ng pook
 Nanloob - magnanakaw
 Dalawang loob- alinlangan
 Sama ng loob - hinanakit
 Pagbabalik-loob - pagsisisi
 Kapalagayang-loob - kabarkada
 Katapatang-loob - kaibigan
 Kulo’y nasa loob - nagtitimpi
 Niloloob — isip at damdamin
 Masasamang loob - mandurugas
 Lakas ng loob – katapangan
 Mahina ang loob - natatakot

Ikalawang Linggo at Ikatlong Linggo


FILIPINO 3- DALUMAT

Ambagan

 Ayon sa pabatid ng KWF (2015) “ang proyektong Ambagan ay proyekto ng Filipinas


Institute of Translation
(FIT) na ginaganap kada  dalawang  taon” bilang pagkilala at pagpapatupad  sa 
hangarin  ng ispesipikong  probisyong pangwika ng Konstitusyong 1987, Artikulo 
XIV, Seksiyon 6 na nagbibigay - diin sa papel  ng mga wika  sa Pilipinas sa pag-
unlad ng  wikang pambansa: Ang Wikang Pambansa  ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang , ito ay dapat payabungin at pagyamanin 
pa salig  sa umiiralna mga wika  ng Pilipinas  at iba pang mga wika.”
 Sa ganitong diwa, ayon sa KWF, ang ambagan  ay proyekto ng 
“paghalaw mula sa kaban ng bokabularyo ng iba’t ibang wika  sa Pilipinas upang  ila
hok sa korpus  ng Wikang Pambansa.”

 “Ang Bug-at kang Lamigas kag Bugas”
 “Ang Bigat ng Lamigas at Bigas” ni Dr. Genevieve L. Asenjo ng DLSU (2011)

12 salitang Kiniray-a
 Baliskad - pangalawang  pag-aararo para mapino 
ang nabungkag na tigang na lupa. Dito sinusuyod ng tao  at 
kalabaw at araro ang mga ligaw na damo. Dito nagkakalukso-lukso, nagkakabaliktad
-liktad ang lupa at  laman nito: nadudurog hanggang sa lumitaw ang pino at kinis na
bahagi at anyo
 Binati  ito ang palayan na naararo na at napatubigan;  handa na para taniman ng 
palay. Dito, ang palay na tinutukoy ay iyong tumubo na –panggas – at nag-
baot  na o nabunot at ngayon, itatanim na uli sa binating ito.
 Binangto - sinangag na mais. Maaaring may mantika at asin. Maaaring wala. Low-
class o home-made na popcorn. Imahen ng gutom at kahirapan.
Kaya isa rin itong pang-uri.
 Hamod - lupa na mabato, iyong kung tawagin ay dalipe.
Hindi masustansya o hindi mainam pagtaniman.
 Hanalon - na pakaitim na lupa
 Inupong - bugkos ng ma naani
 Limbuk – bigas na sinangag mula sa bagong aning palay
Proseso ng pagaalis , paghihiwalay ng lamigas sa uhay nito sa pamamagitan ng pagkiski
s sa  dito ng mga paa. Sayaw ng  paa sa palay  upang magkahiwa-hiwalay 
ang mga butil nito.
 Panudlak – ritwal bago ang pagbubungkal ng lupa at pagtatanim.
 
Sa sanaysay na ito ay dinadalumat ang konsepto ng pagtatahip (na mula sa agrikultura)  
bilang lunsaran ng pagtalakay sa isyung  pang-edukasyon.
Ang maikling sanaysay na ito ay isang magandang halimbawa 
ng interdisiplinaring papel na maaaring  maihalintulad sa mga papel sa Ambagan 
at mga Susing Salita.
 
 

Ikalawang Linggo at Ikatlong Linggo


FILIPINO 3- DALUMAT

Teorya ng Pagtatahip sa Edukasyon

 Paghihiwalay ng ipa sa bigas sa pamamagitan ng sistematikong at tantiyadong 
pagtataas-baba
ng dulo ng bilao upang ang magaang bahagi ng binayong palay ay gaya  ng  ipa at 
batong maliliit  ay pumunta sa dulo  ng bilao at sa ganitong paraan naiihiwalay ang
bigas sa ipa.
 Sa panig ng guro , kailangang maihiwalay ang mga ideyang mahalaga upang 
mabigyang diin ang konsepto at hindi ang husay  ng paggamit ng visual
aids, mga jokes  at iba pang kasangkapan  upang mapanatiling buhay ang klase
 Nakadepende siyempre sa subject
ang pamamaraan at atake ng guro sa bawat paksa ngunit sa panig ng estudyante , 
mahalagang matahip  din mula sa palitan  ng mga ideya  kung alin ang dapat 
paniwalaan at dapat tutulan  mula sa talakayan.

Ano ang ipa sa sistemang edukasyon?


 
Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa mga Pangunahing Sanggunian sa 
Pagdadalumat/Pagteteorya  sa Kontekstong P/Filipino  (unang bahagi)

 Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya.
 Matalakay ang mga alternatibong paraan na magagamit sa pag-unawa ng kasaysay
an.
 Matukoy ang mga pangunahing suliranin na kinakaharap  ng ating bansa at mga 
kontradiksyon  sa loob ng lipunan
 Maipakita ang ugnayan ng nakaraan at
ng kasalukuyan na sinasalamin ng mga akdang pampanitikan.
 Maipaunawa ang kahalagahan ng wika bilang kasangkapan sa pagpapalaya ng 
kaisipan at bayan
 
 
Lunsaran
 Asan si Lolo mê? Ni Sari Estrada na matatagpuan sa Viddsee.
 Paano hinubog ng wika, partikular ng pagtawag sa kambing na “lolo”,
ang kamalayan  ng bata na nasa pelikula? Paano sinasalamin  ng pelikula ang 
kultura at lipunang Pilipino?
 “Karaniwan ang mananakop ang lumalabas na bida, habang ikinukubli  ang 
pandarahas na ginawa sa mga katutubong unang naninirahan sa mga bansang 
kanilang sinakop”
 Malaking bahagi ng kultura ng mga Pilipino ay impluwensya ng mga dayuhan.
 Kahit pa ilang dekada na rin mula noong nakamit natin ang sinasabing kalayaan, 
nananatili pa rin tayong nakatanikala sa utak-alipin.
 Mahaba ang pagtingin natin sa ating sarili, dahil na rin sa itinuturo sa atin na “utang 
na loob” natin sa mga mananakop ang ating sibilisasyon at edukasyon.
 Sa akademya, karaniwan nating ginagamit ang mga dayuhang mga teorya at 
metodo na inilalapat lamang natin sa lokal na  konteksto ng lipunan.
 May mga pagkakataon na hindi sapat ang teorya at metodo na ito upang lubos na 
maunawaan  ang mga pangyayari  sa ating bansa.
 Dahil dito malaki ang pangangailangan sa pagsasakatutubo ng mga kaalaman at 
paglikha  ng karunungang Filipino.
 Sa nakaraang mga dekada ay sinikap ng iba’t ibang iskolar na suriin ang ating 
lipunan at magbigay  ng mga alternatibong pananaw sa ating kasaysayan upang 
higit na maunawaan ang ating pagka-Pilipino.
 Alternatibong Pagtingin sa Kasaysayan ng Pilipinas
 Tunggalian ang lumikha ng Kasaysayan
 Ang Nakaraan at kasalukuyan sa Lente ng Panitikan
FILIPINO 3- DALUMAT

 Ang Wika Bilang Mahalagang Salik ng Pagbabagong Panlipunan

Ika-apat na Linggo
Sawikaan

Sawikaan 2005
 Sa Sawikaan 2005, itinanghal na Salita  ng Taon ang salitang “huweteng”,
sinundan ng  “pasaway” at sa ikatlong puwesto ang salitang “tibak/ T-back.”
Samantala, nakaayos alpabetiko ang iba pang nominado gaya ng “blog”, “call
center,” “e-vat,” “gandara”,  “networking.” “tsunami,” at “wiretapping.” Samantala, sipi
lamang  ang itinampok sa mga kalahok na “caregiver,” at “conõ” kaya ito inilagay sa
dulo ng aklat. Ayon sa editor na si Galileo Zafra, hindi nagrebisa  ng papel ang mga
awtor ng dalawang aklat bukod sa kulang  nakulang ang kanilang saliksik.

HUWÉTENG ( Anonuevo, 2005, 1-9)


 Itinanghal  na salita ng Taon ang “huwéteng” ni Roberto T. Anunuevo,  isang
manunulat, dahil sa  sumusunod na dahilan:
1. una, naipaliwanag nang mabuti ang tindig sa huweteng bilang isang diskurso sa
pang-araw-araw na buhay, hanapbuhay ,politika, at ekonomiya ng Filipinas. Tila
lahat ng mamamayan mula mayaman at mahirap, bata o matanda, ordinaryong
mamamayan o naglilingkod sa gobyerno ay naging sangkot  sa kontrobersyang
ito. Ayon  kay Anonuevo (2006):
“ Binago ng huweteng ang network ng mga ugnayan at balance  ng
kapangyarihan sa lipunan. Kayang tumbasan ng mga kobrador ang
gahum ng konsehal o barangay  kapitan, , at  siyang higit  na nakakikilala 
sa mga tao doon sa mga sulok-sulok ng kalyehon at purok;  ang mga
kabo ay waring Mafiosi  na makapagbubulong kung sino ang dapat
manalo, at kung sino ang dapat balatuhang kandidatong politiko o kaya’y
suhulan o pataying kalaban, tiktik o awtoridad;  at ang “jueteng lord”  ay
sukdulang sambahing gaya ng diyos na kayang magpamudmod  ng
biyaya sa mga karaniwang mamamayang karamihan ay dukha, o dili
kaya’y magpaulan ng salapi para sa mga heneral, artista  mambabatas,
huwes, obispo, at  maging sa pangulo ng bansa tuwing may halalan,
kalamidad, piyesta, rali, at kung ano-ano pang pangyayaring
nangangailangan ng salapi.”
 
 Hindi lamang sa popularidad  ng salitang huweteng  ang naging batayan  ng
argumentasyon  ni Anunuevo, kundi ang huweteng bilang isang hiwalay sa mundo,
na may sariling salita at ekpresyon ,  at sariling kultura na hindi mauunawaan ng
isang  hindi tumaya ng huweteng. Narito ang listahan  ng mga kaugnay na salita
ayon kay Anonuevo:
 baláto  pang  [Esp barato]: salapi, pabuya, o anumang bagay na kusang loob na
ibinigay ng nanalo  sa huweteng sa sinumang tao.
 bangkâ pang [Esp banca]: tao o sindikatong nagpapatakbo ng operaasyon  ng
huweteng sa isang pook.
 bolítas pang [Esp  bolita =s]: mumunting bilog na kahoy na ang bawat  isa’y may
               numero mula 1 hanggang 37.
 deskuwénto png [ Esp descuento]:  paraan ng paghahati-hati  ng kabuuang
            kobransang naipon, menos  ang lahat ng gastos ng Bangka, sakali’t  maraming
               mananaya  ang tumama sa bolahan  var DISKUWENTO, DISKWENTO.
 kábo png [ Esp  cabo]: ang tumatayong superbisor  ng mga kobrador  sa isang
pook.
 kobransa png [Esp cobranza]: mga nalikom na taya.
 lastílyas png [ Esp las+telas?]: putting pepel o bond paper na ititiklop sa walong
bahagi upang pagsulatan ng mga numerong tatayaan.
FILIPINO 3- DALUMAT

 tama  png [Bik, Hil, Seb,Tag, War]: salaping ipinupusta  sa dalawang numrong


pinili ng mananaya.
 Porsíyento pang [Esp po ciento] 1: bahagi ng kabuuang kobransa na ibinibigay
ng Bangka o kabo sa kaniyang kobrador 2: bahagi ng kabuuang tinamaang
salapi na obligadong ibigay ng nagwagi  doon sa kaniyang kobrador  var
PORSYENTO.
 tambiyolo [Esp tambiolo]: sisidlang hugis  bote na pinaglalagyan ng bolitas.
 Tumbók  [Bik Tag]; magkasunod na numerong tinayaan, at siyang tumama  sa
                                       bolahan; TUMBUKAN.

Iba pang salitang iniluwal ng huweteng:


 Jueteng Lord, \
 Anak ng Huweteng,
 Juetengate,
 Jueteng Payola,
 Huweteng Intelihensiya,
 Juwetsing,
 Jueting Blue Book,
 Jueteng Operator,
 Jueting King,
 Maghuweteng,
 Jueteng Country,
 Jueteng Republic,
 Jueteng Conspiracy
 Huweteng Nobela
                       
 Repleksiyon din ang nakakahikayat  sa mga mananaya upang pakinggan  ang
kanilang “kuto” at alamin ang kapalaran sa panaginip o sa signos ng panahon o
sa pahiwatig  ng unga ng kalabaw  o huni ng ibon. May ibang tao  na
sumasangguni  sa diksyunaryo  ng mga panaginip upang alamin ang katumbas
na numero  ng isang imahen. Halimbawa, ang ahas ay 8, Samantalang ang
palaso ay 1. At kapag nanaginip  ng tae o pagtatae  ay pinaniniwalaang 
magdudulot iyon ng malaking pera o yaman sa nanaginip. Ang iba ay
nagkakasiya na lamang sumangguni  sa Kalendaryong Tagalog ni Don Honorio
Lopez, at itapat  sa masuwerteng  araw ng pag-araro o pagtatanim  ang mga
tatayaang numero. May ibang tao naman  na malimit  nag-aabang at kumukuha
sa pinakamalaking itlog ng gagambang –pari, at makaraang basain  iyon ang
tubig ay itatapat sa sinag ng araw upang aninawin ang anumang hugis numero.
Marami pang paraan  ang ginagawa ng mga nararahuyo sa huweteng upang
magwagi, ngunit iisa ang pinakasalalayan: Huweteng ang magtuturo ng
deskarte ng tao”

Sa simpleng pagpapakahulugan  sa isang diksyunaryo, maaaaring magkaroon ng


entering  ganito ang huweteng:
 Hu-wé-teng png [Tsi jue+teng]  isang uri ng sugal sa Filipnas na ang mananalo 
ay nakabatay sa mabubunot na pares  ng numero mula I hanggang 37.  
 Hindi isang bagong salita ang huweteng at sa katunayan, halos dalawang siglo
na itong umiiral sa Lipunang Filipino ngunit naging kontrobersiyal lamang sa
pagpasok ng ika- 21 siglo nang madawit ang dating pangulo ng  Filipnas  na si
Joseph Ejersito Estrada, na naging dahilan ng pagkawala ng tiwala ng
mamamayang Filipino sa kaniyang panunungkulan hanggang sa
pagkakapatalsik sa kaniya, ngunit naging  kahit sa sumunod na pangulo ay
patuloy pa rin ang kalakaran sa illegal na huweteng.
 May impak ang huweteg sa politika, ekonomiya, at kultura. Sa politika, binago
ang ugnayang pangkapangyarihan ng lipunan sa paraang ang mga sangkot  sa
operasyon  ng sugal ay nakapagpapakilos sa mga awtoridad  at
FILIPINO 3- DALUMAT

nakakapagmamani - obra sa galaw ng politika sa bansa. Maging ang simbahan


ay nayanig mang makatanggap ng donasyong  mula sa kita ng huweteng.
 Sa ekonomiya, ang kita sa huweteng ay ginagamit sa pagpundar at
pagpapalago  ng iba-ibang negosyong legal o illegal; sa kultura, nagbibigay ito
ng pag-asa sa karaniwang mamamayan na may pangakong ginhawa sa panalo,
samantalang sinisira ang halagahan ng mga sangkot sa sugal, pati na ang
institusyong panlipunan.

Ref: Narvaes Eilene Antoinette G. (2015) Sawikaan Isang Dekada ng pagpili ng Salita ng


Taon.Aklat ng Bayan, Metro Manila

Ika-apat na Linggo

Mga Salita ng Taon


 Makabuluhang ambag  sa pagdadalumat –salita  ang proyektong kumperensya
ng Sawikaan: Mga Salita  ng Taon  ng  Filipinas Institute of  Translation.
 Pagpili sa Salita ng taon  na inilathala ng Komisyon  sa Wikang Filipino
(KWF ). Nagsimula ito noong  2005- 2010, 2012,2014 at 2016.
 
Itinanghan ng Salita ng Taon  ang

 “canvass”  noong 2004  “fotobam”  noong 2016
 “huweteng” noong 2005
 “lobat” noong 2006
 “miskol” noong  2007
 “jejemon” noong 2010
 “wangwang “ noong  2012
 “selfie” noong 2014
 
 Ang lahat ng itinampok  sa kumperensiya ng Sawikaan ay mga Salita ng Taon  dahil 
naging laman  ito ng diskurso ng lipunang 
Filipino sa nakalipas na dalawang taon  dahil sa mga kontrobersiya  
at mahahalagang  usapin sa  politika, teknolohiya, 
trapiko, kultura , sosyolohiya , kulturang popular, at iba pa.
 Nais ng Sawikaan na mamulat ang madla  sa mahahalagang isyu sa lipunan na 
kinakailangan ng pagkilos  na binubuksan ng mga salitang natatampok sa  
Sawikaan.”

Ang mga katangian  ng mga salitang karaniwang  napipili sa wikaan:
—1. bagong imbento
—2. bagong hiram  mula sa katutubo o banyagang wika;
—3. luma ngunit  may bagong kahulugan, at;
—4. patay na salitang muling binubuhay

 Sa naturang mga katangian,  nakapag-aambag ang Sawikaan  sa pagpapalawak ng 
bokabularyo ng wikang Filipino
at nagpapalawakin ng kakayahan ng wikang pambansa na maging mabisa sa 
diskursong panlipunan sa iba’t ibang larangan.
Sa pangkalahatan, narito ang  pamantayan ng FIT sa pagpili ng Salita ng Taon:

—1. Kabuluhan ng salita  sa buhay nating mga Filipino
at/o pagsalamin nitong katotohanan o bagong pangyayari  sa ating lipunan.
—Lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag,
at paraan ng pagkumbinsi sa mga tagpakinig; at
—Paraan ng presentasyon
 
FILIPINO 3- DALUMAT

—Ayon kay Prof. Zarina Joy
Santos, ang nagpresenta para sa salitang "pandemya" bilang entry, ang pandemya ang 
ugat ng lahat ng mga salitang isinali sa presentasyon, na ginawa sa pamamagitan ng
webinar. Larawan mula sa SawikaanFacebook page.

—Naging batayan sa pagpili ng salita ngayong taon ang lalim ng pagkakasaliksik sa salit
a,paano ito naging makahulugan ngayong taon, at
kung gaano ito kasikat o madalas na nagagamit hindi lang sa social
media kundi sa mga nababasa, napapanood at sa personal na talakayan.
—https://news.abs-cbn.com/news/12/19/20/pandemya-napiling-salita-ng-taon-2020
 
—Halaw sa pinagtiyap na mga salitang Binisaya na toktok (“katok”)
at hangyo (“pakiusap”), Tokhang ang mukha ng giyera kontra-droga ng rehimeng Duterte

—Ang Oplan Tokhang ay isa sa dalawang kampanyang inilunsad ni Ronald
“Bato” dela Rosa habang nagsisilbi bilang pinuno ng Davao City Police
Office mula Enero 2012 hanggang Hunyo 2016. 
FILIPINO 3- DALUMAT

MODYUL 1
DALUMAT-SALITA: MGA SALITA NG TAON/SAWIKAAN

Pagtalakay/ Pagpapakahulugan

Pagdalumat
 mula sa salitang ugat na ‘’dalumat’’ na ibig sabihin ay masusi, kritika at analitikal
 pagteteorya ng wika
 Sa simpleng pagpapahayag, ang pagdadalumat ay tumutukoy sa pagteteorya at
pagbubuo ng mga konsepto o kaisipan na mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay-bagay
sa lipunan.
 Taliwas sa akala ng mga nagdududa pa sa bisa at kakayahan ng wikang Filipino,
kayang-kaya na ng wikang pambansa na maging behikulo ng pagteteorya.
 Binigyang-diin ni Dr. Rhoderick Nuncio ang bisa ng mga salita sa sariling wika sa
pagteteorya: “Tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas
ng pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal, at analitikal na paggamit ng mga
salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa malalimang
pag-uuri’t paggamit nito.
 Tinitingnan sa paraang ito ang ugnayan ng salitang ugat at ang varyasyon ng mga
pagbabanghay ng salita na nagluluwal ng sanga-sangang kahulugan.” Tinukoy ni Dr.
Rhoderick Nuncio “…ang ilang paraan ng pagdadalumat-salita ng ilang kritiko,
teorista, at palaisip sa iba’t ibang disiplina:
1. Pag-imbento/pagkatha ng mga bagong salita/konsepto: Pilipinolohiya ni
Covar, Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar, Pamathalaan ni Consolacion
Alaras, Sarilaysay ni Rosario Torres-Yu. S
2. Pagsasalin at pagdagdag ng kahulugan: kritika, anda, at gahum ni Isagani
R. Cruz, loob at labas;
3. Pag-aangkop/rekontekstuwalisasyon: Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio
Enriquez, kasaysayan bilang “salaysay na may saysay” at “pag-uulat sa sarili.”
 
Pagsipat sa mga Awitin Bilang Panimulang Pagdadalumat
() Loob
Ang awiting “Loob” ni Jess Santiago (2008), isang musikero at kompositor ng mga
awiting may kamalayang panlipunan, ay isang magandang halimbawa ng matalinong
pagdalumat sa salitang “loob” na maituturing na mahalaga sa kulturang Pilipino. Nagsimula
ang awitin sa mga pangungusap na “Wika nati’y simpleng-simple/Pero ubod ng lalim/Para sa
hindi Pinoy/Napakahirap sisirin.” Pagkatapos nito ay iniisa-isa na ng awit ang napakaraming
mga salita, parirala, at konsepto na kaugnay ng salitang “loob” gaya ng sumusunod:
 Looban - sulok ng pook
 Nanloloob - magnanakaw
 Dalawang-loob - alinlangan
 Sama ng loob - hinanakit
 Pagbabalik-loob - pagsisisi
 Kapalagayang-loob - kabarkada
 Katapatang-loob - kaibigan
 Kulo’y nasa loob - nagtitimpi
 Niloloob - isip at damdamin
 Masasamang-loob - mandurugas
 Lakas ng loob - katapangan
 Mahina ang loob – natatakot
Mahalagang Tanong
Bakit mahalaga sa kulturang Pilipino ang konseptong “loob” ayon sa awitin ni
Jess Santiago ?-
Sa kulturang Pilipino, di natin maipagkakaila na maraming mga salita o
katagang may ibat-ibang kahulugan. Na para sa hindi pinoy ay mahirp itong
maunawaan. Kaya’t ang konseptong loob ay mahalaga sapagkat kung tangi nating
magtuloy tuloy sa kaloob-looban ng puso’t utak ng Pinoy tanging ang pag-aaral ng
wika ang magsisilbi nitong tulay.
FILIPINO 3- DALUMAT

 
        Mula sa napakinggang awitin ay nakabuo ng iba’t ibang konsepto mula sa salitang loob.
Ang awit na nabanggit ay isang halimbawa sa pagdalumat. Ang mga sumusunod na awitin 
ay maaari ring  magamit sa pagdadalumat ng iba’t ibang konsepto.

MODYUL 2
SAWIKAAN SA PAGDALUMAT (UNANG BAHAGI)
Mga Kagamitan/Nilalaman
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga teksto upang lubos na
maunawaan ang ang mga halimbawa ng pagdadalumat.

Ambag ng Sawikaan sa Pagdadalumat


Sa mas malawak na larangan, makabuluhang ambag sa pagdadalumat-salita ang
proyektong kumperensyang Sawikaan: Mga Salita ng Taon ng ‘Filipinas Institute of
Translation. Detalyadong tinalakay sa artikulong Tanong- Sagot Ukol sa Sawikaan: Pagpili sa
Salita ng Tao na inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino(KWF) (2016) ang pinagmulan at
direksyon ng Sawikaan. Nagsimula ito noong 2004 at sinundan noong 2005, 2006, 2007,
2010, 2012, 2014 at 2016. itinanghal na Salita ng Taon ang “canvass” noong 2004,
“huweteng” noong 2005, “lobat” noong 2006, “miskol” noong 2007, “jejemon” noong 2010,
“wangwang” noong 2012, at “selfie” noong 2014, at nitong huling Sawikaan 2016, “fotobam”
na ipinagtanggol ni Michael Charleston “Xiao” Chua, isang historyador at propersor mula sa
Departamento ng Kasaysayan ng De La Salle University-Manila. Ang ikalawa at ikatlong
puwesto ay tinanggap ng mga salitang “hugot” ni Junilo Espiritu at “milenyal” ni Jayson
Petras. Kabilang sa iba pang Salita ng Taon ang “bully,” “foundling,” “lumad,” “meme,”
“netizen,” “tukod,” at “viral.”” idinagdag pa ng nasabing artikulo na “…ang lahat ng itinampok
sa kumperensiya ng Sawikaan ay may mga Salita ng Taon dahil naging laman ito ng diskurso
ng lipunang filipino sa nakalipas na dalawaang taon dahil sa mga kontrobersiya at
mahalagang usapin sa politika, teknolohiya, trapiko, kultura, sosyolohiya, kulturang populae,
at iba pa… nais ng Sawikaan na mamulat ang madla sa mahahalagang isyu sa lipunan na
kinakailangan ng pagkilos na binubuksan ng mga salitang natatampok sa Sawikaan.”

Sa nasabi ring artikulo, tinukoy ang mga katangian ng mga salitang karaniwang
napipili sa Sawikaan: 
1) bagong imbento;
2) bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika;
3) luma ngunit may bagong kahulugan, at;
4) patay na salitang muling binuhay.” Sa ganitong diwa, nakapag-aambag ang Sawikaan
sa pagpapalawak ng bokubalryong wikang Filipino, at pagpapalawak din ng kakayahan ng
wikang pambansa na maging mabisa sa diskursong panlipunan sa iba’t ibang larangan. 

Sa pangkahalatan, narito ang pamantayan ng FIT sa pagpili ng Salita ng Taon:


 Kabuluhan ng salita sa buhay nating mga Filipino at/o pagsalamin nito ng
katotohanan o bagong pangyayari sa ating lipunan;
 Lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag, at
paraan ng pagkumbinsi sa mga tagapakinig; at
 Paraan ng presentasyon. Mababasa sa mga kahon sa ibaba ang sipi mula sa
paliwanag sa artikulo ng KWF hinggil sa mga namayaning salita sa Sawikaan mula 2004.
2004: Canvass…Noong Sawikaan 2004, bagaman maraming salitang naitampok ay mga
luma na, na ayon kay Galileo Zafra (2005), isinaalang-alang kasi ang mga salitang matagal-
tagal na ring tinangkilik upang mabigyan ng pagkakataong mapag-usapan sa isang venue
gaya ng Sawikaan. Ngunit sa kabila noon, ang itinanghal pa ring Salita ng Taon ay ang
“canvass” na isang napapanahong salita dahil sa katatapos na eleksiyon. Pinakamahalagang
pangyayari sa taóng 2004 ang pambansang halalan. At sa tuwing sasapit ang panahong ito,
mainit na isyu ang dayaan, maaaring sa pamamagitan ng “flying voter” o botanteng
nakarehistro sa magkakaibang presinto kaya ilang ulit na nakaboboto, “ghost voter” o
botanteng patáy na ngunit nagagamit ng iba ang pangalan sa pagboto, “vote-buying” o pagbili
ng boto, at “dagdag-bawas,” may kinalaman sa pagbibilang ng boto na ang kandidatong
lamáng sa boto ay babawasan at ang kalabang nandadaya ay daragdagan. Ang halalang
2004 ay isa sa pinakakontrobersiyal sa kasaysayan ng Pilipinas kung kailan tinálo ni Gloria
FILIPINO 3- DALUMAT

Macapagal-Arroyo si Fernando Poe Jr. nang halos isang milyong boto lamang. Naging
napakainit na balita ito at gaya ng inaasahan, may mga haka ng dayaan sapagkat
napakabihira ang ganitong kadikit na resulta sa pampanguluhang eleksiyon…Dahil mainit na
usapan sa taóng iyon, dalawang salita kaugnay ng eleksiyon ang naging nominado sa
Sawikaan—ang “canvass” at “dagdag-bawas.” Tatlo ang pakahulugan ni David sa salitang
canvass: ang una ay tumutukoy sa telang ginagamit sa pagpipinta o trapal na pantapal;
ikalawa, may kinalaman sa komersiyo na tumutukoy sa pangangalap ng pinakamahusay sa
kalidad ng isang produkto o serbisyo sa mababang presyo; ngunit ang namayani ay ang
ikatlo na may kaugnayan sa politika, na isang mapagpabagong gawain sa eleksiyon na
nangangailangan ng isang masusing pagkilates ng mga dokumentong naglalaman ng resulta.
Mapagpabago sapagkat nakasalalay sa masusing inspeksiyon at pagbibilang ng sagradong
boto ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan. At dahil sa itinakbo ng halalan noong mga
panahong iyon, ayon kay David: “dahil sa canvassing, maaari kang manalo sa botohan at
matalo sa canvassing… Mayroon tayong presidenteng nailusot sa mga butas ng magaspang
na canvas(s).”
Sawikaan 2005: Huweteng. Ayon kay Galileo Zafra, nagwagi ang “huweteng” dahil sa
malaking epekto nito sa pamumuhay ng mga Filipino sa aspektong pampolitika, pang-
ekonomiya, at pangkultura: …napatunayan ni Roberto T. Añonuevo na mahalaga ang salita
hindi lamang dahil sa popularidad ng sugal sa buong kapuluan kundi dahil sa pagpasok ng
huweteng sa larang ng buhay ng mga Filipino. Sa larang ng politika, binago ng huweteng ang
mga ugnayang pangkapangyarihan sa lipunan sa paraang ang mga kasangkot sa operasyon
ng sugal ay nakapagpapakilos sa mga awtoridad at nakapagmamaniobra sa galaw ng politika
ng bansa. Sa ekonomiya, ang malaking kinikita ng huweteng ay nagagamit sa pagpundar at
pagpapalago ng iba’t ibang negosyo, legal man o hindi. Sa larang naman ng kultura, ang
huweteng ang nagbibigay ng pag-asa sa karaniwang mamamayan samantalang sinisira ang
mga halagahan ng mga sangkot sa sugal, pati na ang mga institusyong panlipunan (2006,
vii). Ang epekto nito ay mas lalong napatunayan sa pagbibigay ni Añonuevo ng mga
naimbentong salita kaugnay ng paglalaro sa salitang huweteng at iba pang lumang salita na
may ibang kahulugan sa mundo ng huweteng, gaya ng “balato,” “bangkâ,” “bolitas,”
“deskuwento,” “kabo,” “kobrador,” “kobransa,” “lastilyas,” “tamà,” “tayâ,” “porsiyento,”
“tambiyolo,” at “tumbók.” Mga kapatid na salita ang tawag ni Añonuevo sa sumusunod:
“jueteng lord,” “anak ng huweteng,” “juetengate,” “jueteng payola,” “huweteng intelihensiya,”
“Juwetsing,” “Jueteng Blue Book,” “Jueteng operator,” “Jueteng king,” “Maghuweteng,”
“Jueteng Country,” “Jueteng Republic,” “Jueteng Conspiracy,” at “Huweteng Nobela.” Isang
problemang marapat harapin ang huweteng, iyon ang tila kontekstong nais na sabihin ni
Añonuevo. Isang realidad na kumukuwestiyon sa umiiral na politika ng bansa na pinakikilos
ng limpak-limpak na salapi mula sa isang ilegal na sugal at ugat ng mas malalim na
katiwalian na nagsisimula sa indibidwal, sa pamilya, hanggang sa lipunang Filipino sa
pangkalahatan.

MODYUL 2
SAWIKAAN SA PAGDALUMAT (IKALAWANG BAHAGI)
 Sawikaan 2006: Lobat . Ito ang itinuturing na pinakaunang paramdam ng epekto sa
wika ng umuunlad na industriya ng teknolohiya ng bansa noong mga panahong iyon.
Nagsimula nang dumami ang gumagamit ng cell phone at marahuyo ang mga Filipino sa
gamit nito sa pakikipag-ugnayan hindi na lamang sa kumbensiyonal na pagtawag kundi pati
sa pagtext, pagkonek sa Internet, at pakikipag-ugnayan sa social network. Mula sa orihinal na
“low battery” o pagkaubos ng enerhiya ng baterya at napipintong kamatayan ng cell phone,
isang penomenon ang inilatag ni Jelson Capilos na kaniyang ipinaliwanag bilang
“technological dehumanization” o di namamalayang epekto ng makina sa búhay ng isang tao
na dulot umano ng salimuot ng modernong pamumuhay sa sarili at nagagawa niyang
ihambing ang sarili sa isang mákináng gaya ng cell phone. Kaya “lobat” ang deskripsiyon sa
sarili kapag nakaramdam ng matinding págod o panghihina ng katawan matapos ang isang
mabigat na gawain, lobat din kapag nawawalan ng gana o lakas. Sa madaling salita, ang
lobat ay isang isyu ng pakikipagtunggali ng lipunan sa hindi napipigilang modernisasyon ng
mundo. Bukod dito, ang estado ng pagiging lobat ng cell phone ay ginamit ding negosyo ng
ilan gaya sa ilang restoran sa mall tulad ng Burger King (BK) na may charging station. Siguro,
kahit ayaw mong kumain sa BK, mapipilitan kang kumain para makapag-charge. Sa
kasalukuyan, makaraan ang halos walong taon mula nang maitampok ang salitang ito sa
FILIPINO 3- DALUMAT

Sawikaan, umiiral pa rin ang lobat sa bokabularyong Filipino kaya masasabing lehitimo na
itong bahagi ng wikang Filipino.
 
Sawikaan 2007: Miskol. Sinimulan ng “lobat” noong nakaraang Sawikaan, noong taóng
2007 naman ay “miskol.” Isa na namang salita na iniluwal ng teknolohiya ng cell phone ngunit
pumasok sa diskurso ng sikolohiyang Filipino bilang paraan ng paramdam at
pagmamayabang. Inilahad ni Romulo P. Baquiran, Jr. ang dahilan ng pagkapanalo ng miskol:
Katulad ng lobat ng 2005, lumaganap ang miskol dahil sa pagkahumaling ng mga Filipino sa
komunikasyong cell phone. Nasasalamin sa mga bagong salita tulad ng miskol ang mga
bagong realidad na nanghihimasok kundi man sadyang pinatutuloy sa ating kultura at
nagiging bahagi ng praktika ng pilosopiya natin sa buhay. Ngunit inangkin na natin ang
bagong teknolohiya at ginamit ito sa sariling paraan. Ang marahas at nais sanang iwasang
paghihiwalay ng maraming Filipino dulot ng mga udyok na panlipunan at pangkabuhayan ay
panandaliang pinagdurugtong ng tawag sa telepono, kahit miskol lamang. Nararamdaman
ang presensiya ng mahal sa buhay kahit parang “multo” lamang sa telepono ang naririnig na
tinig. Mahalaga ang papel ng wika sa pandarambong na ito. Sinasabi nating “Miskulin mo
ako” para mairehistro ang bagong numero, makita ang naiwaglit sa cell phone, o ipagyabang
ang bago at magandang ringtone.” Mula sa literal na kahulugan nitong hindi nasagot na
tawag sa cell phone, kinilala ng Sawikaan ang naging malawak na ebolusyon ng salita. Mula
sa paggamit ng cell phone sa pamamagitan ng simpleng pagpapa-ring upang marinig ang
ringtone, magrehistro ng numero ng cell phone ng kausap, matsek kung gumagana ang cell
phone, at paghahanap sa nawawalang cell phone sa pamamagitan ng pagpapatunog dito,
pagtest kung may load pa na maaaring gamiting pantawag, hanggang sa mas malalim na
konteksto nito sa sikolohiyang Filipino na isang makabagong paraan ng pagpaparamdam na
umaangkop sa mabilis na pag-imbulog ng modernong panahon. Ayon kay Adrian Remodo
(2008, p.8), “Ang miskol ay tekstong hindi lamang tumutukoy sa salitang bunga ng isang
rebolusyon na dulot ng makabagong teknolohiya at komunikasyon. Tumutukoy rin ito sa
pagbabagong nagaganap sa ating sarili, sa pakikitungo natin sa iba, at sa ating pagnanasa
na patuloy tayong magparamdam sa panahon ng tunggalian at mas pinipili na lamang ng
karamihan sa atin ang magparamdam sa pamamagitan ng pinakamadali ngunit
pinakamagastos na paraan: ang cell phone.” Natatangi sa kulturang Filipino ang
pagpaparamdam na dulot ng halagahang nakamulatan kaugnay ng pagmamahal sa pamilya,
kaibigan, at sinumang mahalaga sa buhay. At isang katotohanan ang ipinakikita ng miskol, na
ang teknolohiya ay napakalakas na puwersa hindi lamang sa pag-impluwensiya sa pisikal na
kaakuhan ng isang indibidwal, kundi maging ng kaniyang paraan ng pag-iisip at kilos. Bukod
dito, binubuwag ng miskol ang limitasyon sa oras at distansiya ng mga tao sa isa’t isa
sapagkat maaari nang makapagparamdam anumang oras o gaano man kalayo ang
distansiya sa isa’t isa. Ngunit mayroon ding panganib na dahil sa hindi kaharap ang kausap o
pinagpaparamdaman, lagi’t laging nariyan ang posibilidad na hindi siya ang kaugnayan sa
kabilang espasyo. Kung pagbabatayan ang unang criterion ng Sawikaan na nauugnay sa
kabuluhan ng salita sa búhay ng mga Filipino at/o pagsalamin nito ng katotohanan o bagong
pangyayari sa ating lipunan, pasók na pasók ang miskol.
 
Sawikaan 2010: Jejemon. Gaya ng naunang mga naitanghal na Salita ng Taon noong
2006 at 2007, iniluwal pa rin ng teknolohiya ang salitang “Jejemon.” Ngunit mas mabigat ito
kaysa “lobat” at “miskol” na pagsasakonteksto lamang ng karanasan ng paggamit ng cell
phone, ang Jejemon ay isang bagong likhang salita upang kumatawan sa isang umuusbong
na uri ng kulturang nabuo dahil sa epekto ng teknolohiya ng cell phone. Samakatwid, hindi
lamang ito paglalarawan sa isang karanasan sa lipunang Filipino. Mula teknolohiya tungong
politikal ang pagdulog ni Tolentino, na tinitingnan ang Jejemon bilang isang repleksiyon ng
umiiral na kalagayang politikal at ekonomiko ng isang subkultura sa lipunan. Ayon nga kay
Tolentino (2011, p.7), isa itong asersiyon ng politikal na identidad sapagkat umiinog ang
mundo sa ekonomiyang kapasidad na makabili ng load at makapagtext, at makaipon ng pera
para makapag-Internet at Facebook. Dagdag ni Tolentino, sa direktang politikal na
pakikitunggali lamang nagkakaroon ng lagusan para sa politikal na pagkamamamayan ang
naisasantabi. Tila patuloy ang tunggalian ng gitnang-uri at ng nasa mababang-uri. Ang isa ay
nakikipaglaban sa kumbensiyon upang maiangat ang sarili (Jejemon) at ang isa’y
nagpapanatili ng dekorum at nilalabanan ang Jejemon bilang “jejebuster” at “grammar Nazi.”
Sa kabilang banda, sapagkat karamihan ng mga sinasabing nabibilang sa “Jejemon” ay mga
kabataan, isang malaking hámon ito sa mismong sistemang pang-edukasyon ng bansa. Kung
FILIPINO 3- DALUMAT

sa US at England, ipinagbawal ang paggamit ng cell phone sa loob ng paaralan dahil sa


pagbagsak ng kanilang marka sa spelling at achievement test, maaaring pinag-isipan ng
DepEd ang regulasyon hinggil dito. O kaya’y sa halip na tuligsain ito, dapat pag-usapan ang
penomenong ito gaya ng ginawa sa Sawikaan upang maunawaan mismo ng mga guro kung
dapat ba itong katakutan o hindi. Bagaman sa kasalukuyan, hindi na gaanong mainit na
usapin sa edukasyon ang Jejemon gaya noong 2009-2010 ngunit umiiral pa rin ito sa
bokabularyong Filipino na isang paraan ng kakaibang pakikipagtalastasan gamit ang cell
phone. Ang isang hindi Jejemon ay hindi namamalayang nagiging Jejemon sa simpleng text
na, “Musta na u? D2 na me.” Na hinihingi ng pangangailangan sa pagpapaikli ng mga salita
bunsod ng limitasyon sa espasyo ng mensahe sa cell phone na limitado sa 160 karakter.
 
 Sawikaan 2012: Wangwang. Sa introduksiyon ni Romulo P. Baquiran, Jr., pangulo at
editor ng hindi pa nalalathalang Sawikaan 2012, bagaman naging popular ang salitang
“wangwang” bilang sagisag ng pamamahala ng kaluluklok na pangulo ng Pilipinas noong
2011 na si P-Noy na lumalaban sa katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan, ang
wangwang ay ginamit din bilang pagtuligsa sa mga pangako ni P-Noy na mas maunlad,
ligtas, at matuwid na lipunang Filipino. Sabi ni Baquiran (2012): … ang “wangwang” ay
kinilalang emblematikong representasyon ng administrasyong Aquino at maituturing na
islogan ng estilo ng pamamalakad ng Pangulo. Sinasabi nga ng iba, sa tonong hindi malaman
kung papuri o pambasag, na ito ang rurok ng mga achievement ni P-Noy. Maparikala ang
pagpapakahulugan ni David Michael San Juan sa “wangwang,” na matimbang na rason para
itong maging Salita ng Taon. Habang ang retorika at semantikang inaasam ng
administrasyong Aquino ay malinaw na para sa sariling nitong ikariringal at angkop na
representasyon ng prinsipyong “daang matuwid,” iminumungkahi ng mga pakahulugan ni San
Juan na maaaring agawin ng taumbayan itong termino at baguhin upang maging kasalungat
ng gusto ng administrasyon. Apropriyasyon samakatwid ang nais mangyari dito, ang pagkiling
sa makamasang konotasyon ng salita, paggiit sa diwa ng protesta at pagiging kritikal.
Napagsasanga kung gayon ang produksiyon ng kahulugan para sa iisang salita. Mula sa
onomatopeikong tunog na “wangwang” tungo sa isang dikskursong sosyo-politikal—ito ang
naging saysay ng salitang ito sa lipunang Filipino. Ginamit ni P-Noy bilang sagisag ng tiwali,
abusado, at korap na pinunò ng pamahalaan gayundin sa kanilang gawi ng pagmamalabis sa
paggamit ng awtoridad at pribilehiyo bilang opisyal. Samakatwid, ang wangwang ay ginamit ni
P-Noy bilang sagisag sa kaniyang “matuwid na daan” na kontra katiwalian. Simula lamang ito
sa talakay ni David Michael San Juan upang ipaliwanag ang naging umpisa ng popularidad
ng wangwang ngunit sa kaniyang paliwanag, mas namayani sa kaniyang diskurso ang
wangwang bilang panawagan sa pagbabago. Maraming tumuligsa sa pagkakapanalo sa
wangwang bilang Salita ng Taon sapagkat isa diumanong lipás na salitang ginamit ni P-Noy
sa kaniyang talumpati noong 2011. Ngunit gaya ng nauna nang nabanggit, mas tumimo ang
diskurso ni San Juan sa wangwang bilang panawagan sa pagbabago. Kung sagisag ni P-Noy
sa kaniyang matuwid na daan ang wangwang, kinontra ng mga “makakaliwa” ito sa
pamamagitan ng paggamit din sa wangwang bilang “hungkag at walang lamán” na gaya ng
ingay na nalilikha nito. Ayon kay San Juan, isang “bagong batingaw, pag-iingay o panawagan
para sa tunay na pagbabago, paggising sa mga opisyal ng gobyerno at maging sa
mamamayan na nakalimot sa tungkulin sa bayan.” Ang ebolusyon ng salitang wangwang ay
isang pinakamagandang halimbawa ng pagbabago ng pagpapakahulugan sa salita batay sa
nagbabago ring karanasan ng isang lipunan. Sa unang taon ni P-Noy, marami ang umasa sa
pagbabago ngunit para sa mga “nagbabantay” sa katuparan ng kaniyang mga pangako,
nagkaroon ng bagong danas sa wangwang bilang isang kritikal na pagpuna sa pamamahala
ni P-Noy makaraan ang isang taon ng kaniyang panunungkulan bilang pangulo. Sa huli, mas
tumimo ang pangwakas na pahayag ni San Juan na: “ililigtas tayo ng salitang wangwang sa
luma nating sakit: ang pagsasawalambahala sa mga usaping pambayan at ang pagkalimot sa
ating mga tungkulin bilang Filipino.” Tila nakapukaw sa mga hurado at delegado ng Sawikaan
ito kung kaya napili bilang Salita ng Taon.
FILIPINO 3- DALUMAT

MODYUL 2
SAWIKAAN SA PAGDALUMAT (IKATLONG BAHAGI)
Sawikaan 2014: Selfie. Nangangahulugan ang “selfie” ng pagkuha ng sariling larawan
gamit ang smart phone o webcam at agarang pagpapaskil sa social media. Itinuturing na
penomenal ang paglaganap ng salitâng ito sa buong mundo sapagkat isa itong bagong
likhang salita para sa isang bagong karanasang dulot ng abanteng teknolohiya. Unang
kinilala ito sa wikang Ingles at sa katunayan ay itinanghal ding Word of the Year noong 2013
ng Oxford Dictionaries. Dahil sa pagkahumalingng mga Filipino sa social media at tíla isang
adiksiyon na ang pagtutok dito lalo na sa Facebook at Instagram, isang paraan ang pagse-
selfi e sa pagkonekta dito at sa ibang taong gumagamit din ng Facebook, Instagram, at ng iba
pang katulad na social media site. Naging parte na ng buhay ng lahat ang pagkuha ng retrato
ng iba lalo na ng sarili para manatiling konektado sa mundong ito. Babae man o lalaki,
matanda o bata, sikat na personalidad, o kahit nga ang pinakamatataas na tao sa lipunan ay
nagse-selfi e. Mula sa sariling mundo kaharap ang computer o cell phone tungo sa
pagkonekta sa mas malawak na mundo ng cyberspace. At mula sa pagiging pribado, ayaw
man ng isang tao na maging pag-aari ng publiko, maaari siyang malait o mapuri, sumikat o
lumubog, at maging kontrobersiyal. Lalaganap ang retrato sa kung sino-sino at hindi na
mapipigilan ang anumang susunod pang mangyayari. Kung bakit itinanghal na Salita ng Taon
ang selfi e ay dahil binuksan nina Noel Ferrer at Jose Javier Reyes ang isang katotohanang
wala sa pinagmulan nitó sa wikang Ingles. Isa na itong salita na umiiral sa wika at lipunang
Filipino na nagpapakita ng isang litaw na kultura ng gitnang-uri o nakaririwasa dahil sa
kakayahan nitong bumili ng kasangkapan sa pagkuha ng retrato at akses sa Internet,
nagsusulong ng isang kultura ng pagkamakasarili dahil sa labis na pagtutok sa sarili at
pagmamahal sa sarili o narsisismo, at isang kultura ng konsumerismo. Bagaman sa
maraming pagkakataon ay nagagamit din ito sa pagpapalaganap ng konsepto ng
pagkakawanggawa.
 
Sawikaan 2016: Fotobam. Hango sa salitang Ingles na “photobomb,” ginamit ni Michael
Charleston Chua ang salitang “fotobam” (upang maihiwalay sa orihinal nitong Ingles, bukod
sa ito rin ang ginamit sa isang dokumentaryo ng kaniyang mga estudyante noong 2014)
upang ilarawan ang isyu ng pagsira ng isang gaya ng Torre de Manila sa isang pambansang
simbolo. Mula sa mababaw na pagsingit lang sa retrato ng ibang tao, hinubdan nito ang
realidad na hindi nakikita sa isang retrato—ang realidad kung paanong ang mga awtoridad
mismo ay mas minamahalaga ang negosyo kaysa ang mga pamanang pangkultura ng bansa.
Ayon kay Chua, ang pag-iiba sa baybay ay isa niyang paraan ng paglalapit sa konteksto ng
kanilang ipinaglalaban kaugnay ng pangangalaga sa mga simbolong pangkasaysayan at
pangkultura ng bansa. Ang bansag na “pambansang photobomber” ang nagbukas sa isyu sa
madla na umabot hanggang sa Kataas-taasang Hukuman upang mapag-usapan ang mga
isyu kasaysayan, kultura, at pamana na madalas umanong hindi napag-uusapan.
Samakatwid, ang salitang mungkahi ni Chua ay isang pagmumulat at isang panawagan ng
pagkilos hindi lamang sa kapuwa niya historyador kundi sa lahat ng mamamayang Filipino sa
buong bansa.
 
https://kwf.gov.ph/tanong-sagot-ukol-sa-sawikaan-pagpili-sa-salita-ng-taon/
 
Noong 2018, “tokhang” ang naging pangunahing Salita ng Taon. Idinepensa ng
manunulat na si Mark Angeles ang nasabing salita. Ayon sa balitang inilathala sa website ng
UP-Diliman, halaw sa pinagtiyap na mga salitang Binisaya na toktok (katok) at hangyo
(pakiusap) na ibinansag sa giyera kontra-droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R.
Duterte ang salitang tokhang.
Binigyang-diin ni Angeles (2018) sa kanyang pagtalakay ang impluwensya ng salitang
tokhang maging sa midya: “(s)a Tokhang era, ang mga palabas ay minarkahan ng Tokhang.
Halimbawa nito ang mga action drama series na Tokhang ng Cignal TV at Amo sa Netflix.
Ipinalabas noong isang taon ang mga pelikulang Double Barrel ni Toto Natividad at Si
Tokhang at ang Tropang Buang ni Roland Sanchez. Ipinalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino
nitong Agosto ang Madilim ang Gabi ni Adolfo Alix Jr. Na ang naunang pamagat ay Tokhang.
Hinihintay na lamang ipalabas ang indie film na Hangyo ni Willan Rivera. Hindi na mabilang
ang mga tula, aklat, forum, workshop, at painting exhibit na may pamagat o may temang
FILIPINO 3- DALUMAT

Tokhang. (“Tokhang Passage 1” at “Tokhang Passage 2” ni Michael Baco).  Lumitaw sa


social media ang mga katagang tokhang days, before and after tokhang, at tokhangable na
tumutukoy sa payat na mukhang adik.” Inilahad din ni Angeles ang iba’t ibang paraan ng
paggamit sa salitang tokhang na lumalagpas na sa orihinal na ibig sabihin nito. Aniya,
“ginagamit na ang salitang tokhang na halos wala na itong bahid na karahasan ng giyera
kontra-droga. Nag-post ang isang Instagrammer na suiya ay ‘Natukhang ni Lord.’ Nag-viral
ang ‘Love in the Time of Tokhang’ na napagkamalang isang Tokhang operation, pero isa
palang wedding proposal.” Sa kuro-kuro ni Angeles, dapat “kilalanin natin ang magkabilang
mukha ng salitang Tokhang. Nakangiti, pero naninindak. Mapaghanap na katarungan, pero
bulag at marahas. Sundan natin kung paano lumapad at lumikha ng napakaraming salita ang
Tokhang.”
 
Gaya sa mga nakaraang taon, malinaw sa pagkapanalo ng ‘tokhang’ na buhay at
dinamiko ang paggamit ng mga salita sa Filipino dahil patuloy ang pagbubuo ng mga bagong
salita na nagkakaroon ng bagong kahulugan at konteksto. Ipinakita rin ng mga lahok sa
Sawikaan 2018 na hindi maihihiwalay ang mga salitang Filipino sa politika ng lipunang
Pilipino. Sa ulat ni Jee Geronimo (2018), binigyang-diin na “karamihan sa mga salitang
pinagpilian ang development pati ng wika,’ sabi ni National Artist Virgilio Almario,
taagapangulo ng Komisyon sa wikang Filipino.” Bukod sa tokhang ay kasama sa mga
pinagpiliang salita ang sumusunod: Quo Warranto ni Atty. Aileen V. Sicat, “Federalismo” ni
Xavier Roel Alvaran, “Dilawan” nina Jonathan V. Geronimo at John Robert B. Magsombol,
Train ni Junilo Espiritu, “DDS” ni Schedar Jocson, Troll ni Roy Rene Cagalingan; “Resibo” ni
Zarina Joy Santos-Eliserio; fake news ni Danilo Arao; Dengvaxia ni Dr. Ralph Fonte;
at Foodie ni Myke “Chef Tatung”Sarthou.
 
Matatagpuan naman sa “Sawikaan: Isang Dekada ng Pagpili ng Salita ng Taon” ang
masaklaw na pananaliksik ni Eilene Antionette G. Narvaez hinggil sa proseso ng pagpili ng
mga salita, at ng pangkahalatang nilalaman ng mga papel na karaniwang binabasa sa
kumperensya ng Sawikaan. Batay sa ilang dekadang pag-iral ng Sawikaan, nilagom naman
ng artikulo ng KWF (2016) ang sumusunod na mga katangian ng mga salitang
karaniwang napipiling mga Salita ng Taon:
 “Naglalarawan ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan sa isang
partikular na taon na kadalasan ay politikal. Gaya ng canvass na pahlalarawan sa
kalakaran sa eleksiyon; sa huweteng bilang malaking eskandalo sa politika, sikolohiya,
ekonomiya, at kultura ng mga Pilipino; sa impak ng teknolohiya ng mobile phone sa
pagpasok din ng ika-21 siglo na makikita sa sunod-sunod na pagkakalikha ng bagong
pagpapakahulugan sa mga salitang “lobat,””miskol,” at “selfie” na natatangi sa
karanasang Pilipino (at naiiba na sa orihinal na kahulugan nito sa Ingles), at halo sa
pagkakalikha ng bagong salitang “Jejemon” na isang pakikipagtunggali ng
nagbabanggaang uri sa lipunan; at gayundin sa “wangwang” na isang sagisag ng
magkasalungat na pagpapakahulugan ng isang pinuno at ng mga mamamayan nito-ng
isang nangangako ng isang pagbabago kontra sa paniningil sa pangakong napako. At
“fotobam”na pagtuligsa sa lokal na awtoridad, dahil sa pagiging kasangkapan nila sa
pagsira sa mga dambanang pangkasaysayan at mas pagpapahalaga sa negosyo kaysa
pangangalaga sa pamanang pangkultura. Nagawa nitong imulat ang lahat ukol sa
pagrebyu at pagpapalakas sa mga batas ukol sa dito; Nagtatampok sa mga
kontrobersiyial na isyu sa lipunan. Gaya sa “canvass” na nagbubunyag sa isyu ng
dayaan sa eleksiyon; sa “huweteng” na nagbunyag sa pagkakasangkot ng matataas na
opisyal ng pamahalaan gayundin ng simbahan na repleksiyon ng malawakang katiwalian
sa lipunan na ugat ng lalong tumitinding kahirapan; sa “miskol,” “lobat,” at “selfie,” na
naglalarawan sa hindi namamalayang impluwensiya ng teknolohiya sa sikolohiya at
pilosopiya gayundin sa halagahang kinagisnan ng mga Pilipino at ang pinakamasama ay
ang hindi namamalayang pagyaman ng mga pribadong kompanya sa pagkarahuyo ng
mga Filipino sa cell phone na umaangat ang antas bilang pangunahing pangangailngan
sa halip na isa lamang luho o pantulong sa komunikasyon. Ang cellphone ang tila
kumokontrol sa mga tao sa halip na ang tao ang kumokontrol sa cellphone na dahilan
din ng pagkakabuo sa uring Jejemon sa lipunan. Samantala, binuksan sa selfie ang di
namamalayang naging epekto nito sa pag-iisip at pamumuhay ng isang indibidwal gaya
ng pagkahumaling sa sarili at pagkamakasarili, at pati ang hindi ring namamalayang
pagtatagumpay ng konsumerismo dahil sa pagtangkilik sa anumang produkto o
FILIPINO 3- DALUMAT

pamumuhay na may kaugnayan sa teknolohiya at pagseselfie. Laban ng mga


nagmamahal sa kasaysayan at kultura kontra sa mga awtoridad na walang
pagpapahalaga sa yamang pangkultura ng bansa ang binuksang isyu ng fotobam. Sa
halip na sila ang magbigay ng proteksiyon sa kasaysayan at kultura, sila mismo ang
instrumento sa pagyurak ng negosyo at kapitalismo sa lahat ng simbolong
pangkasaysayan mula sa mga monumento hanggang sa lumang gusali ba ipinatitibag o
tinatakpan para lamang maging negosyo.
 
 Gumigising sa damdamin tungo sa pagbabago o paghahanap ng solusyon sa
isang problema sa lipunan. Tila isang kritikal na talasalitaang panlipunan ang lahat ng
mga salitang nagtatampok sa Sawikaan. Lumalampas ito sa literal na pakahulugan at
nagbibigay ng paliwanag sa kontekstong hindi maipapaliwanag sa pag-aaral lamang sa
estruktura ng isang salita o ng isang wika sa pangkahalatan. Naglalatag ito ng mga
problema at nananawagan sa pagbabago- maaaring pagbabago sa sarili, pamahalaan, o
sa bayan. Bilang buod, lahat ng mga salitang nagwagi sa Sawikaan ay nagwawagi dahil
sa tatlong salik: una, dahil sa paglalarawan nito sa isang mahalagang kasaysayan sa
isang tiyak na taon; ikalawa, sa pagiging kontrobersiyal ng diskurson na dahilan ng
pagiging bukambibig dito ng mga mamamayan; at ikatlo, nanawagan ito ng isang
pagbabago o solusyon sa isang malalim na problema sa lipunang Pilipino na hindi
napag-uusapan. Sa pamamagitan ng Sawikaan, nagagawang upuan, talakayin, lisahin,
suriin sa iba’t ibang konteksto ang suliranin sa lipunan sa pamamagitan ng mga salita at
ng wika. Babalikan ang sinabi ni Romulo P. Baquiran Jr. Sa unang bahagi ng saliksik na
“…kaugnay ng salita ang realidad. O ang realidad ba ang lumilikha ng mga bagong
salita? Ano’t anuman, magkatalik ang salita at realidad. At natatandaan natin ang
mundo-ang ating mundo-sa pamamagitan ng mga popular at mabebentang salita.”
FILIPINO 3- DALUMAT

MODYUL 3
DALUMAT-SALITA: AMBAGAN, MGA SUSING SALITA, AT IBA PA (UNANG BAHAGI)

Mga Halimbawa ng Lahok sa Proyektong Ambagan


Gaya nga Sawikaan, malaki rin ang papel na ginagampanan ng kumperensyang
Ambagan para sa pagsulong ng pagdadalumat sa Pilipinas. Ayon sa pabatid ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) (2015), ang “proyektong Ambagan ay proyekto ng Filipinas Institute of
Translation (FIT) na ginaganap kada dalawang taon” bilang pagkilala at pagpapatupad sa
hangarin ng ispesipikong probisyong pangwika ng Konstitusyong 1987, Artikulo XIV,
Seksiyon 6 na nagbibigay-diin sa papel ng mga wika sa Pilipinas sa pag-unlad ng wikang
pambansa: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika.” Sa ganitong diwa, ayon sa KWF, ang Ambagan ay proyekto ng “paghalaw mula
sa kaban ng bokabularyo ng iba’t ibang wika sa Filipinas upang ilahok sa korpus ng wikang
pambansa.” Ang Ambagan ay pagpapalawak ng mga nauna nang pagsisikap na lubusin ang
pagkalap ng mga salitang di-Tagalog para maging bahagi ng wikang Filipino.
Ayon sa sanaysay ni San Juan (2008), “matagal nang gumugulong ang kumpanya para
sa sabay na pagtataguyod ng wikang Filipino” at ng iba pang wika sa bansa, bilang pagsunod
sa “masaklaw na depinisyon at katangian ng Filipino bilang buhay na wika na Pilipino (na
batay sa Tagalog) ang korpus at lilinangin sa tulong ng iba pang wikang umiiral sa Pilipinas…
Unti-unti nang naging maluwag at maganda ang pagtanggap ng mga pangkat na di Tagalog
sa wikang Filipino.” Idinagdag pa ni San Juan na “aktibong nagsusumikap ang mga
akademista na ‘ipauso’ o palaganapin ang pag-asimila sa mga salitang katutubo para sa mga
salitang walang eksaktong katumbas sa Tagalog. Ang paglilimbang ng UP Diksyunaryong
Filipino ay isang malaki at makabuluhang ambag sa ganitong proseso sapagkat isinama ng
mga leksikograper nila ang mga salitang buhat sa iba’t ibang wikang katutubo ng Pilipinas.
Kaolangan ang malaganap at tuloy-tuloy na paggamit ng mga salitang gaya ng
“gahum” (hegemony), “bana”(husband), “bodong”(peace pact), “ábyan” (close friend),
“adi” (male friend), “faga” (small fragments from a meteor that fell to the earth from outer
space), “himuga” (heinous crime), “dán-aw” (small lake), “dág-om” (rain cloud),
“xappo” (green chili) at iba pa., upang unti-unting makapasok sa pang-araw-araw na
talasalitaan ng mga pangkaraniwang Pilipino ang mga salitang mula sa mga wikang katutubo.
Walang ibang dapat magpasimuno sa ganitong proseso kundi ang mga taal na tagapagsalita
ng mga dayalekto gaya ng mga Bisaya, ayon kay Leoncio P. Deriada (1995).” Sa ganitong
konteksto, ang Ambagan ay proyekto ng nasyonalisasyon - ang ganap na pagiging
pambansa- ng wikang pambansa, ang pagtitiyak na patuloy itong umuunlad batay sa iba
pang wika ng Pilipinas at hindi na lamang salig sa Tagalog, bagay na makatutulong nang
malaki upang hindi na muling magkaroon ng puwang ang mapanghating ideya ng
rehiyonalismo.
Isa sa mga papel na binasa sa Ambagan ang “Ang Bug-at kang Lamigas kag Bugas”
(“Ang Bigat ng Lamigas at Bigas”) ni Dr. Genevieve L. Asenjo ng De La Salle University
(DLSU) (2011). Nag-ambag ng 12 salitang Kinaray-a (na pawang hindi pa bahagi ng alinman
sa anim na diksyunaryong kanyang sinuri) ang nasabing papel: balískad, bínatí, binángto,
hámód, hanálón, inúpóng, límbûk, linás, márinhút, panûdlàk, pinálínpìn, at súkà. Pawang mga
termino sa agrikultura ang mga salitang ito. Nasa ibaba ang pagpapakahulugan sa ilan sa
mga nasabing salita na sinipi sa papel ni Asenjo:
 Balískad - pangalawang pag-aararo para mapino ang nabúngkág na tigang na lupa.
Dito sinusuyod ng tao at kalabaw at araro ang mga ligaw na damo. Dito nagkakalukso-
lukso, nagkakabaliktad-liktad ang lupa at laman nito: nadudurog hanggang sa lumitaw
ang pino at kinis na bahagi at anyo.
 Bínatí - ito ang palayan na naararo na at napatubigan; handa na para taniman ng
palay. Dito, ang palay na tinutukoy ay iyong tumubo na - pánggàs - at nag-abot na o
nabunot at ngayon, itatanim na uli, sa bìnátíng ito.
 Binángto - sinangag na mais. Maaaring may mantika at asin. Maaaring wala. Low-
class o home-made na popcorn. Imahen ng gutom at kahirapan. Kaya isa rin itonog
pang-uri.
 Hámód - lupa na mabato, iyong kung tawagin ay dalipe. Kung gayon, hindi
masustansya; hindi mainam pagtaniman.
FILIPINO 3- DALUMAT

 Hanálón- napakaitim na lupa. Kung gayon, masustansya at mainam pagtaniman.


 Inúpóng- bugkos ng mga naani; komunidad ng mga inaning palay, partikular sa
kontekstong ito. Gayundin, dinadala tayo sa mga katulad na konsepto: angkan, lipi,
sanga, tangkay, kumpol, bugkos.
 Límbûk- bigas na sinangag mula sa bagong ani na palay. Tradisyon ang paglímbûk,
kapag bagong ani, tanda ng pasasalamat.
 Linás - proseso ng pag-aalis, paghihiwalay ng laigas sa uhay nito sa pamamagitan ng
pagkiskis dito ng mga paa. Sayaw ng paa sa palay upang magkahiwa-hiwalay ang mga
butil nito. Naabutan ko ito noong bata. Tumulong kami sa paglilinas. Masaya sa una
ngunit kapag tumagal, isa itong mahirap na gawain - parusa. Kaya kapag sinabi mong
linásûn, may kaakibat itong bayolente na imahen at kahulugan, lalo na kapag hindi na
lamang palay ang linilinas kundi tao o hayop.
 Panûdlàk- ritwal bago ang pagbubungkal ng lupa at pagtatanim.

Halimbawa. 
1) Bago magtanim, maghanap ng kahoy na may tatlong sanga. Sabitan ito ng tatlong botelya
at ibaon sa unang idas o hanay ng nabungkal na lupa.

Halimbawa.
2) Ibalot sa itim na tela ang nabungi na ngipin ng kalabaw [na madalang kung mangyari, at
kung gayon, suwerte ka]. Ilagay ito sa tabig (lalagyan ng palay gawa sa kawayan) na may
lamang binhi at itago sa labas ng bahay, halimbawa sa kamalig.

Halimbawa.
3) Sa pagsisimula ng pagtatanim, humarap sa Silangan.

Halimbawa.
4) Kung may puno malapit sa bahay, halimbawa. Kawayan, magwalis sa hapon bago ang
pagtatanim. Sakaling marami ang nalagas na dahon kinaumagahan, at kailangan uling
magwalis, sensyales ito na huwag ipagpatuloy ang pagtatanim sa araw na iyon.

Halimbawa.
5) Maghanda ng isang pumpon ng bignay at isang puno ng tanglad. Isama rito ang suklay at
krus na nabalot sa itim na tela at isabit ito sa tagakan (isang uri ng imabakan gawa sa
kaawayan) habang nagsasabog o nagtatanim.

Halimbawa.
6) Sa pag-aani,  maglagay sa tagakan ng konting ani at ilagay ito malapit sa krus at huwag
mong kunin hangga’t hindi pa tapos ang pag-aani.

Halimbawa. 
7) Sa pagsubay ng palay (sako ng aning palay), itumpok bago linasin. Bago sumukob,
itumpok ang lahat ng palay, maglagay ng krus at itak sa magkabilang dulo ng amakan (gawa
sa kawayan kung saan binibilad ang bagong ani na palay), at lumuhod sa pagsukob ng palay
at dahan-dahan itong gawin.

Para kay Asenjo. Hindi lamang pagpapalutang ng kultura ng mga pamayanan ang
ambag ng mga salitang mula sa iba pang wika ng Pilipinas. 

Itinala niya ang mga praktikal na dahilan ng pagtatala ng mga terminong ito:
 Nariyan pa bilang mga buhay na salita, gawain, paniniwala na ginagamit ng iilan na
lamang, at yaon na lamang mga matatanda. Ang pagsinop at paggamit sa mga salitang ito ay
pagtanghal sa “kaluluwa ng lugar” na maaaring makapagbigay sa atin ng gabay at direksyon
para sa mga inisyatibong alternatibo at transisyonal sa usapin ng pagbuo, muli at muli, ng
mga komunidad. 2) Malapit ang pagkakatulad ng mga salitang naipakilala, kung hindi man
talagang katumbas ng mismo ring mga salita, sa Hiligaynon at Cebuano. Kung gayon, ang
identidad at integridad ng mga ito bilang mga salitang Bisaya. Mauunawaan ang mga ito sa
maraming probinsya sa kapuluan. Makakatulong din sa pagmamapa ng inter-rehiyunal na
pagkakaugnay-ugnay ng wika at pagkakatulad ng kultura. Baka pa lang matugunan ang isang
aspeto ng rehiyunalismo na naghihiwalay-walay sa atin, at madagdagan ang paggatong sa
FILIPINO 3- DALUMAT

pagiging pambansa ng tinataguyod nating “pambansa” na wika, kultura, at identidad na


Filipino. 3) Mapapayaman nito ang kasalukuyang kahulugan sa Tagalog.. 4) Madadagdagan
ang mga salitang pang-agrikultura sa diksyunaryo at maibalik tayo, hindi sa romantisismo
tungkol sa lupa at pagsasaka na kung susuyurin ang kasaysayan, pinamumugaran ng
naratibo ng pang-aagaw at pang-aalipin, kundi sa reyalidad na nananatiling agrikultural ang
malaking bahagi ng ating bansa, kahit pa nagsusulputan ang mga mall at housing
subdivision sa mga syudad sa labas ng Maynila. Kaalinsabay nito, ang pagpapaigting ng
kamalayan, at kung maaari pakikilahok sa mga isyu at kilos tungo sa pagkakaroon ng sariling
lupa ng mga magsasaka, pagdagdag ng pondo sa agrikultura at tamang paggamit nito,
pagpigil sa talamak na conversyon ng mga lupang sakahan para maging golf course at
distrito ng negosyo, at sa marami pang anyo ng komersyalisasyon na lalo lamang
magpapahirap sa atin, dahil wala na tayong kontrol sa ating mga produkto.”

Sa pangkalahatan, ang papel ni Asenjo ay nagpapakita ng interdisiplinaring dulog sa


paggamit ng wikang Filipino sapagkat binaybay niya ang mga usaping lingguwistiko,
ekonomiko, at kultural, sa pamamagitan ng paggamit sa mga terminong Kinaray-a sa
agrikultura bilang lunsaran. Isa itong modelong halimbawa ng pagdadalumat gamit ang mga
salitang mula sa iba pang wika ng Pilipinas.

Dalawang konsepto naman mula sa Kinaray-a at Hiligaynon ang tinalakay ni Prop. John
Iremil Teodoro (2015), ngayo’y bahagi ng Departamento ng Literatura sa De La Salle
University-Manila, sa papel na “Bag-ong Yánggaw: Ang Filipinong may Timplang Bisaya sa
Kamay ng Makatang Tagalog na si Rebecca T. Anonuevo.” Aniya, ang “yánggaw ay paraan
ng mga aswang na hawaan ang isang tao ng pagiging aswang nila. Kadalasan ay
pamamagitan ng laway. Halimbawa iinom ka ng tubig na nilawayan ng isang aswang. Sa
diksiyonaryo ni John Kaufmann, ang yánggaw “attraction, inclination, propensity; to attract,
habituate, cause a liking for, make partial to, make (grow) fond of” (538). Kapansin-pansin na
wala ang kontekstong aswang sa pagpapakahulugan ni Kaufmann. Isa kasi siyang pari ng
mga misyonerong Mill Hill at ang diksiyonaryo niyang Visayan-English Dictionary
(Kapulungan Binisaya-Ininglis) na nalathala noong 1934 ay dinisenyo para sa mga
misyonerong tulad niya sa Panay na kailangang matuto ng Hiligaynon at Kinaray-a… Ang
dëngán saan ka man pumunta. Ang dëngán ay para ring aura na kung mahina ay
magkakasakit ka. Kapag malakas naman ang iyong dëngán, hindi ka matatalo, hindi ka
tatablan ng kulam o hiwit o barang, at hindi ka rin masasaktan ng mga nilalang na di nakikita
at ng mga aswang.”
 
Samantala, pagsusuri naman sa varayti ng Tagalog sa Binangonan, Rizal ang papel ni
Roberto Anonuevo (2009), isang mananaliksik at dating direktor ng Komisyon sa Wikang
Filipino. Ilan sa mga salitang binanggit niya sa panimula (pawang tungkol sa pangingisda) ay
pamilyar na marahil - at ginagamit din sa - sa iba pang lugar na Tagalog sa Gitnang Luzon:
 
Ang mga mangingisda ay gumagamit ng baklád (uri ng pitak-pitak na kulungan ng mga
isda na nababakuran ng lambat), pantí (uri ng lambat na ginagamit na pangaladkad sa ilalim
ng tubigan at panghuli ng ayungin at tilapya), búbo (buhô o anumang pahabang sisidlang
pinapainan ng darak o sapal ng niyog na pambitag ng hipon), pangáhig [pang+kahig] o
galadgád (lambat na may pabigat at ikinakahig wari sa ilalim ng tubig sa tulong ng mga
bangka para hulihin ang mga biya, sus, at katulad), sakág (uri ng bitag na panghuli ng hipon),
kitáng (uri ng pangingisdang ginagamitan ng serye ng mga tansi at bawat linya ng tansing
tinatawag na leting ay may pain ang kawil), paluwáy (uri ng lambat na panghuli ng dalág o
biya), púkot (uri ng malaking lambat na inihahagis sa laot) at dála (pabilog na lambat na may
pabigat ang mga gilid at ginagamit na panghuli ng dalag o kanduli).
 
Narito naman ang ilan sa mga terminong itinala ni Anonuevo (2009) “habang
nakikipaghuntahan sa ilang matatandang taga-Binangonan, at hindi matatagpuan sa mga
opisyal na diksiyonaryo o tesawro sa kasalukuyang “:

Hinggil sa Pagkain
 Alibutdán - hilaw na sinaing, o kulang sa tubig na sinaing. Sa Ilonggo, tinatawag itong
lagdós. 2: sa patalinhagang paraan, hindi pa ganap ang pagkakasanay sa talento,
kumbaga sa tao, halimbawa, “Alibutdan pa ang anak mo para sumali sa boksing.”
FILIPINO 3- DALUMAT

 Balinggiyót - taguri sa tao, hayop, ibon, isda, o anumang bagay na napakaliit,


halimbawa, “Aba’y balinggiyot namang itong nakuha mong isda!” Sa Bisaya Romblon,,
maitutumbas ito sa salitang isót na panuring sa anumang maliit o kakaunti.
 Gangó- hipong ibinilad sa araw para patayuin: HÍBI. Kung paniniwalaan ang lahok sa
diksiyonaryo-tesawro ni Jose Villa Panganiban, ang “hibi” ay hango umano sa wikang
Tsino. Kung gayon nga, maimumungkahing gawing pangunahing lahok ang “gango” at
gamiting singkahulugan na lamang ang “hibi.”
 Mambabákaw- mangunguha o manghihingi ng isda o anumang bagay doon sa
palengke o baybayin, halimbawa, “Mambabakaw muna ako sa palengke ng ating
pulutan, hane?” 2: mangungupit ng isda o anumang paninda o bagay sa palengke o
tindahan.
Hinggil sa Tao
 Barangkóng - taguri sa binti na malaki ang masel na parang sa atleta, at ikinakabit sa
tao na mahusay umakyat ng bundok.
 Gurárap - paniniwalang dinalaw ng kaluluwa o multo ang isang tao guni-guni hinggil
sa isang bagay na animo’y namamalikmata ang tumitingin.
 Halugaygáy- uri ng larong pambata na pinahuhuluan kung sino sa mga batang
nakahanay at pawang nakatikom ang mga palad ang nagtatago ng buto ng kanduli
habang nag-aawitan ang mag-kakalaro; awit pambata na isinasaliw sa naturang laro.
Muling pinauso ni Raul Funilas ang naturang salita, nang ilathala ang kaniyang aklat na
Halugaygay sa Dalampasigan (2006). Wala sa mga diksyonaryo ang halugaygay,
bagama’t nilalaro pa ng ilang bata ito sa gaya ng Isla de Talim.
 Tulatód - sa Binangonan, tumutukoy sa pinakabao ng tuhod: Knee Cap: Sa
diksiyonaryo-tesawro ni Jose Villa Panganiban, tumutukoy sa kukote..sa pinakadulong
bahagi ng gulugod na malapit sa puwitan. Katunog ng tulatod ang pilantód, na tumtukoy
naman sa paika-ikang paglakad sanhi ng pagkapilay o pinsala sa tuhod, binti, o paa.
 
Hinggil sa Hanapbuhay
 Bangkís - paraan ng pagtali na paagapay sa dalawang pinagdurugtong na kahoy o
kawayan, gaya sa katig ng bangka - pdw Bangkisan, Bangkisin, Ibangkis, Magbangkis,
Nagbangkis, Pabangkisan.
 Báoy- bawiin ang isang bagay na ibinigay sa ibang tao: sa sugal, bawiin o kunin sa
kalaban ang pustang salaping natalo - Bumaoy, Bumabaoy, Magbaoy. Halimbawa;
“Bumabaoy na naman si Pedro sa kalaban dahil wala nang pera!” Halos kautunog nito
ang máoy sa Bisaya Romblon, na tumutukoy sa “pagwawala o pagkawala ng bait tuwing
nalalango sa alak o droga.”
 Garaútan - bagahe; abasto: kargamento o anumang nakatali o nakakahong dala-
dalahan ng biyahero o manlalakbay: mga bagay na dala, bitbit, sunong, pasan o karga
ng tao na magbibiyahe.
 Tagapò- 1: Sa Isla Talim, pook na inaahunan ng tao, at tagaan ng kawayan. 2: ppok
na pinagkukunan ng kawayan o buho.
 
Sinasabing ang wika ay impukan- kuhanan ng karunungan. Buhat sa nabasa ninyong teksto,
may natutunan ka ba pagkatapos mong mabasa ang iba’t ibang ambag na salita  na
nakapagpayaman ng ating wika? Ano ang maibabahagi mong natatanging gawain sa inyong
lugar na maaaring paghugutan ng mga katawagan? May alam ka ba sa pagbuburda sa Taal,
Paggawa ng balisong, paggawa ng panutsa, paghahalamanan sa Talisay, pangingisada at
iba pa?
Ano pa kaya ang mga salitang Batanggenyo, na may kaugnayan sa okasyon, katangian ng
tao, hanapbuhay at iba pa  ang inyong maibabahagi?
Kung gayon, ibahagi mo, Pakikinggan namin!
 
FILIPINO 3- DALUMAT

Modyul 3
Dalumat-Salita: Ambagan, mga Susing Salita, at Iba pa (Ikalawang Bahagi)
Ilang mga Susing Salita at Iba pa
 
Bukod sa Ambagan ng FIT, umiiral din ang proyektong “Mga Susing Salita” ng Sentro ng
Wikang Filipino ng UP-Diliman (UP-SWF). Ayon sa website ng UP-SWF, ito “…ang unang
pambansang palihan sa wika na nakatuon sa pagbuo ng kaalaman gamit ang mga
konseptong nakapaloob sa isang susing salita na hango sa anumang wika sa Pilipinas.
Pangunahing layunin ng palihan na paunlarin ang inisyal na mga ideyang nakapaloob sa
piniling salita at alamin ang potensyal na ambag nito sa larangan ng pag-aaral at pananaliksik
tungo sa produksyon ng kaalaman.” Idinagdag pa sa nasabing artikulo na “(i)naasahang
maging lunsaran din ng nabuong kaalaman na hango sa napiling susing salita sa artikulasyon
ng mga pambansa at akademikong usapin tulad ng panunuring pampanitikan, identidad,
migrasyon, modernismo, urbanisasyon, pagpaplanong komunidad, wika at kultura, agham
panlipunan, araling midya ay kulturang popular, agham at teknolohiya at iba pang mga paksa,
at tema na umuusbong sa iba’t ibang larangan.” Kung gayon, gaya ng Ambagan,
interdisiplinaring dulog din ang direksyon ng proyektong Mga Susing Salita. Ang kaibahan
lamang ay nakapokus ito sa isang tiyak na salita na lunsaran ng mas malawak na
pagtalakay sa iba’t ibang magkakaugnay na usapin ang mga lahok sa proyektong Mga
Susing Salita, habang ang Ambagan naman ay nakapokus sa maramihang pag-aambag
ng mga terminong magkakaugnay.
 
Nasa ibaba ang ilang sipi mula sa ulat sa website ng UP-Diliman hinggil sa
kumperensya ng Mga Susing Salita noong 2017 hinggil sa salitang indie na tinalakay ni
Dr. Rolando Tolentino ng UP-College of Mass Communication at delubyo na tinalakay
naman ni Dr. Alfreedo Mahar A. Lagmay, executive director ng UP Resilience Institute
(UPRI) at Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards).
Indie. Ang salitang “indie” ay pinaikling salita sa Ingles na independent at kadalasang
ginagamit na katawagan sa mga pelikulang iba ang linya ng pagkukuwento kung saan “hindi
siya masayahing kuwento. Hindi siya kuwento na sadsad ng fictional na drama. Ito ay sadsad
ng katulad ng [pelikulang] ‘Pamilya Ordinaryo,’ mga dramang nagaganap sa lansangan na
hindi natin nababalitaan,” ani Tolentino.
“Pag sinabing ‘indie’ nagkakaintindihan na kung ano’ng klaseng pelikula ang panonoorin
o tatalakayin natin. Kasi nga ay nagpapahiwatig na ito ng ibang mundo ng paggagawa ng
pelikula,” dagdag pa niya.
Karaniwan sa mga pelikulang indie ay pinopondohan ng mas maliliit at/o independenteng
pampelikulang istudyo ngunit ayon kay Tolentino, mayroon din namang mga indie na
ipinapalabas, halimbawa, sa cable channels tulad ng Cinema One Originals na pinondohan
ng higanteng istasyong pangtelebisyon tulad ng ABS-CBN…Sa usapin ng panonood,
“Kailangan natin ng particular access dito sa mga pelikulang ito para matunghayan.
Kailangang karerin nating pumunta sa Cultural Center of the Philippines para panoorin
halimbawa itong Cinemalaya na klase ng mga pelikula,” ani Tolentino…Sa usapin naman ng
paksa, ayon kay Tolentino, “Hindi masasaya ang paksa ng mga pelikula kaya for most part,
hindi siya Marvel superhero films na masaya at makakalimutan mo ang problema mo. Dito,
maalala mo ang problema ng lipunang Filipino at kung gaano kabigat iyon kaya hindi siya
masayang panoorin.”
Ilan sa mga filmikong istilo ng indie, ayon kay Tolentino, ay ang pagiging neorealismo
nito kung saan ipinapakita ang buhay sa isang araw; ang karakter at sitwasyon mula sa
laylayan, ginagampanan ng karakter aktor; mabigat ang pasanin ng karakter (o tunay na may
hugot); tracking at babad shots o parang documentary films; matagtag na kilos ng kamera;
walang malinaw na tapos; poverty porn, at pang-award. Ikahuli, ayon kay Tolentino, ang
tunguhin ng indie ay maging kabahagi ng pambansang sinema; may manonood dapat na ma-
develop; magretain ng kilusang artistiko na ibig sabihin ang artistic integrity nito ay parating
nandoon; manatili ang kilusang politikal, at maging bahagi ng kilusang transformatibo at hindi
iyong napapanood lang sa mga film festival.
 
Delubyo. Samantala, tinalakay naman ni Lagmay ang paggamit ng “wika kontra delubyo”
o disaster. Aniya, may dalawang klasipikasyon ang salitang ito: warning at response.
FILIPINO 3- DALUMAT

Ang warning umano ay “responsibilidad ng gobyerno. Kailangan ito ay accurate, reliable,


understandable at timely.” Ang response naman ay “kailangang matumbasan iyung warning o
abiso ng gobyerno ng tamang aksiyon ng mga mamamayan sa komunidad,” ani Lagmay.
Ayon kay Lagmay ay mahalaga ang paggamit ng siyensya kontra delubyo ngunit, hindi lang
siyensya o teknolohiya ang solusyon para maibsan ang mga panganib ng delubyo.
“Kailangang palitan ang ating kultura at gawing culture of safety. Dapat nakalarawan iyung
kaalaman natin sa ating mga lugar, sa ating mga komunidad sa pamamagitan ng sining o
wika,” ika nga ni Lagmay. Kadalasan ay umaasa ang mga komunidad sa mga ulat o
impormasyon mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA) tungkol sa lagay ng panahon o kaya’y may paparating na ulan o
bagyo sa bansa.
Ayon kay Lagmay, ang forecast model na gawa ng PAGASA kung saan nakalarawan ang
mga ulap, ulan at kung saan tatahak ang bagyo ang ginagamit ng naturang ahensiya upang
ma-warningan ang komunidad na mayroon panganib. “Ngunit, gusto kong maintindihan natin
na ang siyensya ay hindi perpekto. Walang model na naglalarawan ng ginagawa ng
kalikasan one, two days in advance. At dapat iyon ay nasasabi sa taong bayan na
mayroong uncertainty o limitasyon ang siyensya,” ani Lagmay.
Kanya ring binigyang-diin ang kahalagahan ng paggamit ng wika sa pagpapalaganap ng mga
impormasyon tungkol sa kalamidad, ulat ng panahon at iba’t iba pang mga panganib ng
delubyo upang mas epektibo itong maiparating sa taong bayan. Sa bandang huli, umapila si
Lagmay sa mga kalahok na karamihan ay mga guro ng Filipino sa unibersidad mula sa iba’t
ibang panig ng Pilipinas na tulungan ang PAGASA na gawing mas epektibo ang
pagpapalaganap ng impormasyon sa taong bayan sa pamamagitan ng wika.
https://upd.edu.ph/mga-susing-salita-indie-at-delubyo/
 
Sa pagdadalumat, kagaya ng mga papel na mula sa proyektong Ambagan at Mga
Susing Salita, maaari ding gamiting sanggunian/modelong papel ang sumusunod:
 
“Kubeta” - premyadong sanaysay ni Nancy Kimuell-Gabriel tungkol sa personal na danas
ng may-akda, hinggil sa kontekstong panlipunan ng paksa.
https://katimawaan.wordpress.com/kubeta/
 
“Ang Filipinong Dalumat ng Katarungan” - sanaysay ni Sen. José W. Diokno hinggil sa
konsepto ng katarungan ng mga Pilipino, batay sa iba’t ibang wika ng bansa.
http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/Pandiwa-Hulugway-ng-Filipino.pdf
 
“Tungo sa Dalumat ng Bayan: Isang Metonimiya” - artikulo ni Christian Jil R. Benitez
tungkol sa dalumat ng terminong bayan at iba pang kaugnay na salita
 
https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/kk/article/view/KK2017.02917
 
“Dalumat ng ‘Inang Bayan’ at ang Pananaw ni Andres Bonifacio sa Kababaihan” -
artikulo ni Mary Jane B. Rodriguez-Tatel hinggil sa konsepto ng ‘Inang Bayan’ sa mga sinulat
ng tinaguriang Supremo ng Katipunan
 
https://apps.pup.edu.ph/ojs//data/issue/attachment/fc6fc9cfc5ccdd358de9fbcfd1c9bfd6ee
16466c.pdf
 
“Suson-susong Suso” - premyadong sanaysay ni Jing Panganiban hinggil sa personal at
panlipunang danas ng isang babae kaugnay ng itinuturing na isang aspekto ng pagkababae
 
https://www.scribd.com/doc/180968358/Suson-SusongSuso-pdf
 
“Konsepto ng ‘Bayan’ sa mga Tagalog na Awiting Liturhikal” - artikulo ni Praksis Miranda
Mendiola na tumatalakay sa konsepto ng ‘bayan’ sa mga awiting pansimbahan
 
https://www.jstor.org/stable/44211751
FILIPINO 3- DALUMAT

KARAGDAGAN
Sa sanaysay na ito’y dinadalumat ang konsepto ng pagtatahip (na mula sa agrikultura)
bilang lunsaran ng pagtalakay sa isyung pang-edukasyon. Ang maikling sanaysay na ito ay
isang magandang halimbawa ng interdisiplinaring papel na maaaring maihalintulad sa mga
papel sa Ambagan at Mga Susing Salita.

Teorya ng Pagtatahip sa Edukasyon


Joel Costa Malabanan

Ang pagtatahip ay isang mahalagang gawain sa produksyon ng bigas. Sa


sinaunang pamamaraan, ang ipa ng bigas ay naihihiwalay sa pamamagitan ng
sistematikong at tantiyadong pagtataas-baba ng dulo ng bilao upang ang magaang
bahagi ng binayong palay ay gaya ng ipa at batong maliliit ay pumunta sa dulo ng bilao
at malaglag habang ang mga ipa ang naiipon sa kabilang dulo ng bilao. Sa ganitong
paraan ay naihihiwalay ang bigas sa ipa at natatanggal ang mga labis na bagay na hindi
kakailanganin sa pagsasaing. Ganito rin ang sistema kapag nais paghiwalayin ang mga
munggo o balatong mula sa mga patay na buto na hindi sisibol kapag itatanim. Sa
pamamagitan ng pagtatahip ay naihihiwalay ang mga malulusog na munggo mula sa
mga may sira, patay o mga butong walang kakayahang sumibol pag itinanim. Ang
pakikinig sa pagtalakay sa isang paksa sa loob ng silid-aralan ay kagaya rin ng
pagtatahip. Sa panig ng guro, kailangang maihiwalay amg mga ideyang mahalaga upang
mabigyang diini ang konsepto at hindi ang husay ng paggamit ng visual aids, mga jokes
at iba pang kasangkapan upang mapanatiling buhay ang klase. Nakadepende sa panig
ng estudyante, mahalagang matahip din mula sa palitan ng mga ideya kung alin ang
dapat paniwalaan at dapat tutulan mula sa talakayan. Hindi monoployo ng guro ang
katotohanan at mahalaga ang pakikisangkot ng mga estudyante sa pagdukal ng tunay
na karunungan. Sa pamantasan ay nagbabanggaan ang mga kaisipan ng mga “pantas”
at hindi dapat na ituring na pagbangga sa pagkatao ang palitan ng pananaw sa usapin
ng relihiyon, pulitika, wika at panitikan. May sarili tayong mga pamantayan at perspektiba
ngunit hindi masamng pag-sisipan din ng masinsinan ang pananaw ng iba na hindi
tugma sa ating nakagisnan. Kahit ang ipa ng palay, sa literal na pagsusuri ay
mapakikinabangan pa rin kapag giniling at inihalong pakain sa isda o alagang manok.
Ngunit sa pagpapakadalubhasa ng mga magiging guro, ang ipang ideya ay maaaring
maging pang-abala sa pagbubuo ng prinsipyo bilang gurong tunay na nakikisangkot
sapagbubuo at pagpapalaya ng bayan. Walang silbi ang alinmang materyal na panturo
kung hindi nagtutulak ng makabuluhang kasanayan hinggil sa lipunan sa pagtatangkang
baguhin at paunlarin ito.
At sapagkat ang mga Thomasites ang bumuo ng sistema ng ating edukasyon, hindi
maiiwasang buo pa rin ang balangkas ng kolonyal na bakas maging sa kurikulum ng K-
12. Hindi perpekto ang kurikulum at kailangan ang pagtatahip upang maiwasto ito batay
sa pangangailangan ng bansa at hindi sa interes ng dayo. Kung ang layunin ng
pagdadagdag ng dalawang taon sa high school ay upang tugunin ang labor-export policy
ng gobyerno ay lumilitaw na isa itong malaking kahangalan. Kung ang pagtatanggal ng
Filipino sa kolehiyo at ang pagpalabnaw ng pagtuturo ng Araling Panlipunan sa
elementarya at high school ay dikta ng mga dayong patakaran, naararapat itong tutulan.
Ito ang mga ipa sa sistema ng ating edukasyon na dapat alisin sa bilao ng pagkatuto ng
sambayanan. Ang kolonyal na edukasyon ay hindi makabubusog sa sambayanan
bagkos lalo lamang magbubulid sa susunod na henerasyon sa bangin ng
kamangmangan at pagkaalipin. Hindi ito tugon sa kaloobang bayan (Vicente Villan,
2015) ng buhay, dangal at ginhawa na hangad ng ating mga ninuno bago pa man
dumating ang mga Kastila at hanggang sa kasalukuyan. Hindi rin monopolyo ng mga
medyor ng Social Sciences, Filipino, at Values Education ang pagtatangkang ikintal sa
puso at diwa ang bawat mag-aaral ang malasakit sa kapwa at sa bayan. Bawat guro sa
English, Math, Science, Computer, at iba pang aralin ay maaaring makapag-ambag ng
“bigas” na maisasaing at mapakikinabangan ng lipunan tungo sa makatuwirang
pagbaklas ng kamangmangan at pagpapalaya ng bayan. Sikapin natin palaging
maihiwalay ang bigas at ipa sa bawat oras ng ating pagtuturo.

 
FILIPINO 3- DALUMAT

Pagpapalalim:
Mula sa sinusundang  sanaysay na pinamagatang Teorya ng Pagtatahip sa Edukasyon,
Ano ang  ibig sabihin ng pagtatahip?ano ang isinisumbolo ng ipa na mula sa tinahip?
Ano ang isinisimbol ng bigas?
Paano mo iaangkop sa konteksto ng pag-aaral ng mga kabataang Pilipino ang
pagtatahip?
Sa pang-araw-araw nating Gawain, may dapat bang tahipan?
 
PAGPAPAHALAGA
Mayaman ang mga wika ng bansa sa mga salita at konsepto na hindi lamang maaaring
maging panumbas sa mga dayuhang salita at konsepto, kundi maaari pa ngang lumagpas sa
mga limitasyon ng mga dayuhang parirala. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga
gawaing pampananaliksik na kagaya ng Ambagan at Mga Susing Salita ng Taon,
makatutulong ang mga kabataang Pilipino sa pagtitiyak na ang wikang pambansa ay
magiging mabisang wika ng interdisiplinaring pagtalakay.

You might also like