You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

SET
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
A
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte

PRE-TEST SA FILIPINO 7
55
PANGALAN: ________________________________________
BAITANG at SEKSIYON: ______________________________ PETSA_______________

PANGKALAHATANG PANUTO:
1. Basahing mabuti ang mga tanong.
2. Isulat ang sagot BAGO (before) ang bawat bilang.
3. Iwasan ang PAGBUBURA (erasures).
4. HUWAG MANGOPYA!
5. Tapusin ang pagsusulit sa isang oras lamang.

I. TALASALITAAN
PANUTO: PILIIN ANG PINAKAMALAPIT NA KAHULUGAN NG SALITANG MAY
SALUNGGUHIT. GAWING GABAY ANG PAGKAKAGAMIT NITO SA
PANGUNGUSAP. ISULAT ANG LETRA NG SAGOT BAGO ANG BILANG. (15
PUNTOS)
1. Madalas na nag-iisa at walang imik ang batang babae.
a. Maingay b. tahimik c. natutulala d. natutulog
2. Tinigpas isa-isa ng hardinero ang mga damo sa hardin.
a. Iginupit b. sinunog c. winalis d. pinutol
3. Tumitindi ang pambubukas at panlalait ng mga kaklase sa batang babae.
a. Pang-iinis b. pang-aapi c. pag-aalipin d. pang-aalipusta
4. Napatigalgal ang aking ina ng magsimula akong kumanta sa entablado.
a. Napatigil b. natutulala c. balisa d. natatakot
5. Naghunos na mga bituin ang mga hiya’s at mutya ni Alusina.
a. Nagpalit anyo b. nawawala c. natunaw d. nagkikislap
6. Ang dibdib ko’y kumakabog tuwing nakikita ko ang aking crush.
a. Na excite b. galit c. kinakabahan d. nahihimatay
7. Ginagad niya ang kilos at pananalita ng kanyang idolong artista.
a. Kinopya b. kinutya c. ginaya d. inangkin
8. Namamalirong ang mga sugat ko sanhi ng inpeksyon.
a. Namamaga b. namumula c. natutuyo d. nadudugo
9. Biglang tinutop ng kaibigan niya ang kanyang mga bibig habang nagsasalita ito.
a. Tinakpan ng kamay b. hinawakan c. sinampal d. sinuntok
10. Mahilig kaming magpadausdos sa palaruan.
a. Bumababa b. rumaragasa c. maghahabulan d. magtakbuhan
11. Akin siyang kinakamusta na kami ay makasabat sa daan.
a. Makahuli b. makain c. makasalubong d. mag-usap
12. Ang dibdib ko’y kumakabog tuwing nakikita ko ang crush ko.
a. Kinakabahan b. galit c. nahihimatay d. na excite
13. Langkay ng mga lasenggo ang natangay ng cellphone at pitaka ko.
a. Kapatiran b. kasamahan c. Utusan d. grupo
14. Tanging sa pag-aagwador lng umaasa ang pamilya nina Impen.
a. Utusan b. taga-igib ng tubig c. kargador d. namamasura
15. Nakatinghas ang mga balahibo ko nang marinig ko ang huni ng aswang.
a. Nakatindig b. nangangapal c. nanlalamig d. nangangati

Pahina 1 PRE-TEST FOR THE 1ST GRADING Gng. Felibeth S. Saladino

II. PAGPIPILI
PANUTO: PILIIN SA KAHON KUNG ANO ANG HINIHINGI NG BAWAT BILANG.
ISULAT ANG LETRA NG SAGOT BAGO ANG BILANG. (10 PUNTOS)

A. Mito B. Sa katunayan C. Ang totoo/sa totoo D. Ayon kay/ayon sa

E. Salaysayin F. Pabula G. Buwan at Araw H. Orak

I. Lalapindiguwa-I J. Odang

1. Ang pangalan ng mag-asawa sa Alamat ng Eklipse.

2. Ito ay salaysaying kalimitang gumaganap na tauhan ay mga hayop, halaman, o bagay na

nagsasalita at kumikilos na parang tunay na tao.

3. Siya ang tinatawag na Hipon sa Pabula ng Maranao.

4. Tinatawag siyang Putakti sa Pabula ng Maranao at isang masipag na magsasaka.

5. Siya rin ang tinatawag na Itlog sa Pabula at mabunganga kaya naluto sa kaserola.

6. Ginagamit sa paglalahad ng mahahalagang impormasyong nakalap upang mapatunayan ang

mga pahayag na inilatag.

7. Pagpapatunay na ginagamit sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga pangalan ng mga

dalubhasang tao na nagsabi ng pahayag.

8. Ginagamit ito bilang pagpapatunay sa ipinahahayag na paniniwala upang mahikayat ang

nakikinig o kausap.

9. Ito ay naglalahad ng mga pangyayari daigdig tulad ng pagkakaroon ng langit at lupa,

panimula ng daigdig o tao, at kamatayan. Ito ay pagsasalaysay rin tungkol sa mga diyos at
diyosa.

10. Isang uri ng maikling kuwento na ang pokus ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.

III. PAGSUSURI
PANUTO: BILUGAN ANG PANG-UGNAY NA GINAMIT SA BAWAT
PANGUNGUSAP. PAGKATAPOS, GAMITIN ITO SA SARILING PANGUNGUSAP.
(20 PUNTOS)

Halimbawa: 1. Siya ay naglayas sa kanilang bahay dahil pinagalitan siya ng kaniyang ama.
Ang aming bahay ay nasira dahil sa bagyo.

1. Walang ganang kumain si Agnes dahil napuyat siya kagabi.

______________________________________________________________________
2. Tumigil na sa pag-aaral si Agnes kasi di na siya kayang pag-aralin pa ng kaniyang magulang.
______________________________________________________________________
3. Wala nang magawa ang mag-ina kaya naman naghanap sila ng paraan kung paano
makararaos sa pang-araw-araw na buhay.
______________________________________________________________________
4. Kinausap ng babae ang kaniyang asawa sapagkat gusto niyang malutas ang kanilang
suliranin.
______________________________________________________________________
5. Natauhan ang lalaki kaya naman naisip nitong tumigil na sa pag-inom.
______________________________________________________________________

Pahina 2 PRE-TEST FOR THE 1ST GRADING Gng. Felibeth S. Saladino

6. Mahalaga ang pagmamahalan at pagkakaisa sa bawat pamilya dahil ito ang nagiging gabay
tungo sa mapayapang buhay.
______________________________________________________________________
7. Ang mga mamamayan sa Mindanao ay maligayang namumuhay sapagkat sagana sila sa likas
na yaman.
______________________________________________________________________
8. Subalit ang kaligayahang iyon ay napalitan ng takot dahil sa pagdating ng pat ba halimaw.
______________________________________________________________________
9. Nanalo si sulayman sa pakikipaglaban sa mga halimaw kasi binigyan siya ng mahiwagang
singsing at espada ni Indarapatra.
______________________________________________________________________
10. Nawala ang kapayapaan sa kabundukan dahil dumating ang mga halimaw.
______________________________________________________________________

IV. PAGBUBUOD (10 PUNTOS)

PANUTO: IBUOD ANG PABULA NG MGA MARANAO NA “LALAPINDIGOWA-I:
KUNG BAKIT MALIIT ANG BEYWANG NG PUTAKTI.” ILAHAD ITO SA SARILING
PAGKUKUWENTO.

“Lalapindigowa-i: Kung Bakit

Maliit Ang Beywang Ng Putakti.”

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________

“Ang pandaraya ay ‘di nagtatamong pala.”

Inihanda ni: Ninotahan ni:

GNG. FELIBETH S. SALADINO GNG. ORIENTE BELLO
Guro sa Filipino Punongguro

Pahina 3 PRE-TEST FOR THE 1ST GRADING Gng. Felibeth S. Saladino

You might also like