You are on page 1of 9

Radio Station: 103.

7 FM KALAWAG RADIO
Episode No. 7
Program ID: Radyo Eskwela _

Title: School-on-the-Air in ARALING PANLIPUNAN


Format: School-on-the-Air
Date of Airing: __________
Time of Airing: 10:00- 10:30
Host: ____________________

Paksa: Ang mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya


Haba/ Oras: 30 minutes
Manunulat ng Iskrip: Mildred L. Magsipoc
Layunin: Pagkatapos mapakinggan ang episode na ito, ang mga mag-aaral sa
Ikatlong baitang ay inaasahang:
- natutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon
at topograpiya.

ACTUAL TIME CONTENT RUNNING TIME


10:00 – 10:01 Introduction (Alamin) 1:00
10:01 – 10:04 Pre-Test (Subukin) 3:00
10:04 – 10:05 Review of the Previous Lesson 1:00
(Balikan)
10:05 – 10:06 Introduction/Presentation of the 1:00
Lesson (Tuklasin)
10:06 – 10:11 Lesson Proper (Suriin) 5:00
10:09 – 10:16 Activity (Pagyamanin) 7:00
10:17 – 10:18 Abstraction (Isaisip) 1:00
10:18 – 10:20 Application (Isagawa) 2:00
10:21 – 10:23 Paglalagom sa Leksiyon 2:00
10:23 – 10:28 Assessment (Tayahin) 5:00
10:28 – 10:30 Reminders (Karagdagang Gawain) 2:00
at Pamamaalam
Total: 30:00

Prepared by: MILDRED L. MAGSIPOC


Script writer

Reviewed by: NEDIJEAN E. MOSNGE


Headgrade

Checked by: RONALD F. RAMIREZ


MT-I

Recommending Approval: RONALD F. RAMIREZ ELSIE S. YSON


Executive Producer RBI Consultant

Approval: RAZUL B. MACASAYON


Principal I
Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya ….1111

Paksa: Ang mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya


Haba/ Oras: 30 minutes
Manunulat ng Iskrip: Mildred L. Magsipoc
Layunin: Pagkatapos mapakinggan ang episode na ito, ang mga mag-aaral sa
Ikatlong baitang ay inaasahang:
- natutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at
topograpiya.

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP AND UNDER

3 HOST : Hello, Magandang araw! sa mga minamahal naming mag-aaral sa ikatlong

4 baitang. Narito naman tayo sa Panibagong araw, panibagong kaalaman na

5 naman ang hatid namin sa inyo. Ito ang inyong paaralang panghimpapawid

6 sa ARAling PAnlipunan. Kumusta kayo sa araw na ito. Nagagalak ako sa

7 iyong ipinakita sa nakaraang aralin. Ako ay nakakasiguro na makakaya mo

8 ulit sagutin ang gawain sa modyul na ito.

9 BIZ: MSC UP AND UNDER

10 HOST: Kami ay nasisiyahan na makasama kayo sa ating pag-aaral sa

11 pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong lingkod, ________.

12 BIZ: MSC UP AND UNDER

13 HOST: Siguraduhing kayo ay nasa isang komportableng lugar habang nakikinig

14 nang ating broadcast.

15 HOST: Kumusta na ang iyong pag-aaral? Sa araling ito, ikaw ay inaasahang

16 natutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at

17 topograpiya.

-MORE-
Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya….2222

18 BIZ: MSC UP AND UNDER

19 HOST: Handa ka na ba? Magaling! Subukin natin ang inyong kaalaman

20 tungkol sa mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya.

21 Panuto: Unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng wastong

22 sagot.

23 1. Ano ang tumutukoy sa hugis,anyo,porma,daloy ng anyong tubig, anyong lupa o

24 kabuoang pisikal ng isang lugar?

25 A. bagyo B. baha C. diksyonaryo D. topograpiya

26 2. Ano ang tawag sa pag-agos ng tubig sa mababang lugar dulot ng malakas na

27 pag-ulan o mula sa mga malapit na ilog?

28 A. landslide B. lindol C. pagbaha D. tsunami

29 3. Anong lugar na madalas nakararanas ng pagbaha?

30 A. General Santos C. Lungsod ng Cotabato

31 B. Isulan sa Sultan Kudarat D. Lungsod ng Kidapawan

32 4. Alin sa mga sumusunod na lugar sa rehiyon ang madalas nililindol?

33 A. Cotabato C. Sarangani

34 B. Lungsod ng Cotabato D. South Cotabato

35 5. Bakit mababa ang antas ng paglindol sa Cotabato City?

36 A. Ito ay nasa kapatagan.

37 B. Ito ay nasa tabing dagat.

38 C. Malapit ang lokasyon nito sa fault line.

39 D. Malayo ang lokasyon nito sa fault line.

40 Alam kong kayang-kaya niyong sagutin ang mga iyan. Maari ka nang magsimula.

41 (PAUSE)

-MORE-
Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya…3333

42 BIZ: MSC UP AND UNDER

43 HOST: Nasagot niyo ba ang mga tanong. Ngayon, maari niyo bang

44 itaas ang inyong mga lapis at papel.

45 BIZ: MSC UP AND UNDER

46 HOST: Maaari ninyong isangguni ang inyong mga sagot sa Susi ng

47 Pagwawasto. (PAUSE) Nukuha ba ninyo ang tamang sagot? Magaling! Kung

48 mali ang inyong sagot, huwag kayong mag-alala dahil sa pagpapatuloy ng

49 ating talakayan marami pa kayong matutunan tungkol sa ating paksa.

50 BIZ: MSC UP AND UNDER

51 HOST: Mga bata, May mga panganib na naidudulot ang ating kapaligiran.

52 Mahalagang malaman kung ano-ano ang mga likas na panganib na ito

53 upang mapaghandaan at maiwasan ang anumang sakuna na maaaring

54 maidulot nito. Sa pag-aaral ng ating lalawigan at rehiyon, mahalagang

55 matukoy at malaman ang mga lugar na sensitibo sa panganib. Ipinababatid

56 nito ang kaugnayan ng topograpiya at lokasyon ng lalawigan o rehiyon sa

57 maaaring ibungang panganib sa pamumuhay natin.

58 BIZ: MSC UP AND UNDER

59 HOST: Handa na ba kayo para sa matutunan ang iba pang kaalaman? .Pero

60 bago tayo magpapatuloy, balikan muna natin ang inyong nakaraang

61 leksiyon . Buksan ang inyong modyul sa pahina 7. Panuto: Panuto: Isipin

62 ang mga dapat tandaan sa paggawa ng pisikal na mapa. Isulat ang sagot sa

63 tsart. Galingan mo ang pagsagot ha.

-MORE-
Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya….4444

64 BIZ: MSC UP AND UNDER

65 HOST: Ngayon para tuklasin ang iba pang kaalaman, halina’t ating basahin

66 ang mga ideyang napapaloob dito. Maari niyo bang basahin ang mga

67 ideyang nasa bahaging Suriin nasa pahina 8.

68 BIZ: MSC UP AND UNDER

69 HOST: Ang topograpiya ay tumutukoy sa kabuoang katangiang pisikal ng

70 isang lugar. Inilalarawan nito ang hugis, anyo, porma, at daloy ng anyong

71 tubig o lupa sa isang lugar. Batay sa pagtaya ng Mines and Geo-Sciences

72 Bureau (MGB) ng Rehiyon XII, ang mga lugar na maaaring maapektuhan ng

73 pagguho ng lupa ay ang mga lungsod ng Kidapawan, Cotabato at General

74 Santos. Kabilang din ang Isulan sa Sultan Kudarat at ang mga bayan ng

75 Malungon, Maasim, Kiamba, Maitum at Alabel sa Sarangani. Sa South

76 Cotabato naman ay ang mga bulubunduking bahagi ng T’boli, Lake Sebu at

77 Surallah.

78 Ang mga lugar na madalas nakararanas ng pagbaha ay ang mga mababang

79 bahagi at malapit sa mga ilog tulad ng Ilog Tamontaka at Rio Grande sa

80 Lungsod ng Cotabato.Karaniwang binabaha ang mga Barangay Kolambog,

81 Dansuli, Kalawag III, Impao, Mapantig, Kenram, Sampao, at Laguilayan sa

82 Isulan. Malapit kasi ang mga ito sa mga Ilog ng Allah at Banga. Ang mga

83 patag at mababang lugar na malapit sa Ilog Marbel at Lutayan. Sultan

84 Kudarat ay naaapektuhan din ng pagapaw ng tubig. Kabilang dito ang

85 Lutayan Proper, Mamali, Maindang, at Bayasong. Ang mababang lupain at

86 ang pag-apaw ng Bulok Creek ang nagiging sanhi naman ng pagbaha sa

87 Barangay Poblacion, Saravia at Carpenter Hill sa Lungsod ng Koronadal.

88 -MORE-

89
Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya…5555

90 BIZ: MSC UP AND UNDER

91 HOST: Marami pang bahagi ng South Cotabato ang binabaha lalo na kapag

92 malakas ang buhos ng ulan. Ilan ditto ay ang mga barangay ng New Iloilo,

93 Bukay Pait, at Cabuling ng Tantangan. Kabilang din ang mga lugar na

94 malapit sa ilog na bahagi ng Banga, Sto. Nino, Norala, T’boli, Tupi, at

95 Tampakan. Pag-apaw ng ilog at sapa rin ang dahilan kung bakit

96 nakararanas ng pagbaha ang Barangay Maribulan at ang poblacion ng

97 Alabel sa Sarangani. Ganito rin sa Sitio Siguil at Barangay Tinoto ng

98 Maasim. Ang bayan ng Glan na karaniwang mababa ay madalas ding

99 binabaha.( Halaw sa Region XII 2009 Socio-Economic Profile-NEDA

100 (neda12.neda.gov.ph)( Halaw sa http://www.mindanews.com/top-

101 stories/2013/07)(Halaw sa KM pp. 94-95)

102 BIZ: MSC UP AND UNDER

103 HOST: Naiintindihan niyo ba ang binasa mga bata? Ngayon, maari niyo bang

104 sagutin ang mga katanungan na nasa pahina 9 na bahaging Suriin ng

105 inyong modyul. Maari mo nang simulan.

106 BIZ: MSC UP AND UNDER

107 HOST: Nasagot niyo ba nang wasto ang mga tanong? Magaling mga bata!

108 BIZ: MSC UP AND UNDER

109 HOST: Ayan Mga bata marami na kayong natutunan tungkol sa ating aralin,

110 Siguradong masasagot ninyo ang susunod na mga gawain.

111 BIZ: MSC UP AND UNDER

112 HOST: Ngayon, handa na ba kayo sa inyong mga gawain? Kumuha ulit ng isang

113 pirasong papel. Simulan ninyo ito sa Gawain 1 sa bahaging Pagyamanin sa

114 pahina 9.

-MORE-
Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya…6666

115 BIZ: MSC UP AND UNDER

116 HOST: Bilang Panuto: Gawain A . Pag-aralan ang mapa ng fault line at

117 Geohazard Map ng rehiyon at tukuyin ang mga lugar na maaaring

118 maapektuhan ng paglindol. At pagkatapos sagutin ang mga katanungan sa

119 ibaba. Maari na kayong magsimula mga bata.

120 BIZ: MSC UP AND UNDER

121 HOST: Para nama sa Gawain B Punan ng impormasyon ang Data Retrieval

122 Chart. Itala ang pangalan ng lalawigan o lungsod, katangiang pisikal at ang

123 mga panganib na maaaring maranasan dito dahil sa topograpiya at lokasyon

124 ng naturang lugar.

125 BIZ: MSC UP AND UNDER

126 HOST: Ang galing niyo naman. Bigyan nga malakas na palakpak ang inyong

127 mga sarili.

128 BIZ: MSC UP AND UNDER

129 HOST: Kumusta kaya pa ba? Alam kong sabik na kayong ipagpatuloy ang ating

130 talakayan.Dahil diyan, maaari na ninyong sagutin ang bahaging Isaisip ng

131 inyong Module sa pahina 11, at sagutin ang mga tanong. Panuto: Punan

132 ang patlang upang mabuo ang talata.

133 BIZ: MSC UP AND UNDER

134 HOST: Oh! Kumusta mga bata? Kaya pa rin ba? Maaari muna kayong tumayo,

135 ipalakpak ang inyong mga kamay at kumaway-kaway. Ngayon, para sa iba

136 pang gawain, simulan ninyo itong may ngiti at galak sa iyong mga labi.

137 Gawin ninyo ang Isagawa sa pahina 11.

138 BIZ: MSC UP AND UNDER

139 HOST: Narito ang Panuto: Sa unang kolum ng inyong papel gumuhit ng

140 -MORE-

141
Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya…7777

141 tatlo (3) na maaaring mangyari sa inyo kung sakali kayo ay handa sa

142 anumang panganib ng kalamidad na dumating sa inyong lugar at dalawa (2)

143 sa kanang kolum kapag kayo ay hindi handa.

144 Simulan mo na ang iyong gawain. Galingan mo ha.

145 BIZ: MSC UP AND UNDER

146 HOST: Nasagutan ba ninyo nang tama ang lahat ng tanong? Magaling!Ano

147 ang natutunan ninyo mula sa ating leksyon? Ngayon, alam kong handa

148 kana para subukin ang inyong galing sa pagsagot. Buksan ang inyong

149 module sa bahaging Tayahin sa pahina 12. Panuto: Panuto: Pag-aralan ang

150 mapa ng mga lugar na tinatayang makararanas ng tsunami sa Rehiyon XII.

152 Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot. Maari

152 na kayong magsimula.

153 BIZ: MSC UP AND UNDER

154 HOST: Magaling mga bata. Bago kayo magtapos, huwag ninyong

155 kalimutang sagutin ang nasa karagdagang gawain. Panuto: Itala sa chart

156 ang mga kalamidad na posibleng mangyari sa inyong lugar at iba pang lugar

157 ng SOCCSKSARGEN . Maari na kayong magsimula. Pagbutihin niyo ha.

158 BIZ: MSC UP AND UNDER

159 HOST: Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito!

160 Sana’y marami kayong natutunan sa araling ito. Ako ang inyong guro sa

161 himpapawid, _______________________ para sa Paaralang Panghimpapawid

162 sa Araling Panlipunan para sa ikatlong baitang. Salamat sa pakikinig!

163 Hanggang sa susunod nating talakayan. Laging tandaan, Mag-aral mg

164 mabuti, ito ang susi ng iyong kinabukasan. Hanggang sa muli. Paalam!

165 BIZ: SOA PROGRAM ID UP THEN FADE OUT

166 -END-

113

You might also like