You are on page 1of 4

School: SAMAR NATIONAL SCHOOL Grade Level: 10

Learning ARALING
Teacher: ROBERTO V. MABULAC
Area: PANLIPUNAN

Teaching January 16, 2024 (Tuesday)


Grades 1 to 12 2:20-3:20 G10-AGUINALDO, M4 Quarter:
Dates and 2nd
Daily Lesson 5:40-6:40 G10-DEL PILAR, ARTS Bldg R4
Time:
Plan

I. OBJECTIVES
A. Content Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga
Standards lokal at pandaigdigang isyung pang-ekonomiya upang mapaunlad ang
kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.
B. Performance
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-
Standards ekonomiyang nakakaapekto sa kanilang pamumuhay.

C. Learning Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon. (MELC 3)


Competencies/
Objectives Tiyak na Layunin:
Nailalarawan ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon
Values Integration:
 Pagpapahalaga ng lugar na kinalakihan
II. CONTENT
Isyu at Banta ng Migrasyon sa Ekonomiya ng Bansa

III.LEARNING
RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Araling Panlipunan 10 TG Pp. 120-140
Guide pages
2. Learner’s Q2 Modyul 3, Migrasyon pahina 11-17.
Materials
pages
3. Textbook pages LM-AP10 p.200-220
4. Additional
materials from
Learning
resource (LR)
portal
B. Other LCD Projector, laptop, mga larawan, graphic organizer
Learning
Resources
IV.PROCEDURES
A. Preliminary
Activities
Review Gawain: Balikan Natin!
Panuto: Magkakaroon ng isang malayang tanungan tungkol sa pinag-aralan
noong nakaraang talakayan batay sa mga katanungan sa ibaba.
1. Ano ang pinag-aralan natin noong nakaraang talakayan?
2. Ibigay ang mga kahulugan ng nasabing mga salita.

Motivation Gawain: Jigsaw Puzzle


Panuto: Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat at ang bawat pangkat ay
bibigyan ng jigsaw puzzle at ibibigay nila ang kanilang saloobin tungkol sa
larawan nabuo.

Unlocking of Gawain: Ipaliwanag Mo!


Difficulties Panuto: Ibigay ang saloobin tungkol sa kasabihan na ipapakita ng guro.

“LEAVING FOR LIVING”


B. Lesson Proper
Panuto: Babasahin ng mga mag-aaral ang isang kwento ng isa nating
Activity kababayan na nangarap at nakipagsapalaran sa ibang bansa. Sasagutin nila
ang mga katanungan sa kanilang AP Notebook.

Taong 1992 nang makipagsapalaran si Martin Ramos bilang Overseas


Filipino Worker sa Saudi Arabia. Pagkaraan ng ilang taon bilang
empleyado ng isang travel agency, natutunan niya ang kalakaran ng
nasabing negosyo at kalaunan ay itinatag niya ang kanyang sariling
travel agency na tinawag niyang InterContinental Travel. Bilang isang
matagumpay na OFW, hindi nawala sa kanya ang pagmamalasakit at
pagtulong sa mga kapwa niya OFW sa Saudi Arabia. Ibinabalik ni Ramos
sa kapwa ang nakamit na biyaya sa paraan ng pagtulong sa mga
distressed OFW, pagkakaloob ng trabaho sa mga kababayan at
nagbibigay-kasiyahan sa mga naho-homesick na OFW. Bukod dito,
nagbibigay din siya ng diskwento sa presyo ng pamasahe sa mga
kababayan at ang mabilis na pagkumpirma ng kanilang flight schedule.
Para sa kanya, lahat ng timatamasang tagumpay ay bunga ng sipag,
tiyaga at malakas na pananampalataya sa Diyos. Umaasa siya na mas
marami pang OFW ang magtatagumpay din gaya niya.
Panuto: Magkakaroon ng isang malayang tanungan tungkol sa binasa ng mga
Analysis mag-aaral.
1. Batay sa teksto, alin sa mga dahilan ng migrasyon ang nag-udyok kay
Martin Ramos na
pumunta sa Saudi Arabia? Pangatwiranan.
2. Anu-ano ang mga katangiang taglay ni Martin Ramos na nagdala sa kanya
sa tagumpay?
Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Ano ang pangunahing aral na mapupulot sa teksto na may kinalaman sa
pamamalagi ng
mga Pilipino sa ibang bansa? Ipaliwanag ang sagot.
4. Ano ang maibibigay mong solusyon dito?

Abstraction Magkakaroon ng isang malayang talakayan tungkol sa Mga Epekto ng


Migrasyon

Generalization
 Alin sa tingin ninyo sa mga epekto ng migrasyon ang lubos na
nakakaapekto sa ating lungsod ng Catbalogan?

Application Gawain: Nalaman Ko Na…


Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap upang masukat ang iyong napag-
aralan ukol sapaksa. Isulat sa AP Notebook

1. Isa sa mga mabubuting epekto ng migrasyon ay


__________________________________________________________________
2. Isa sa mga di-mabubuting epekto ng migrasyon ay

__________________________________________________________________

Assessment Panuto: Uriin ang mga epekto ng migrasyon kung ito ba ay mabuting epekto o
di-mabuting
epekto. Iguhit ang simbolong thumbs up kung ito ay mabuting epekto at
thumbs down naman kung ito ay di-mabuting epekto. Sumulat ng maikling
paliwanag sa ginawang pag-uuri. Isulat sa sangkapat na papel.

_____1. Pagbabago ng populasyon


_____2. Pagtaas ng kaso ng paglabag sa karapatang-pantao
_____3. Negatibong implikasyon sa pamilya at pamayanan
_____4. Pag-unlad ng ekonomiya
_____5. Brain drain
_____6. Integration at multiculturalism

Assignment Matapos mong malaman ang mahahalagang konsepto tungkol sa aralin, gawin
ang map of conceptual change. Kumuha ng isang kapareha (maaaring kapatid
o magulang at sagutan ang gawain kasama siya. Isulat ang mga sagot sa isang
buong papel.
V. REMARKS
VI.REFLECTION

Prepared By: Checked by: Reviewed by:

ROBERTO V. MABULAC ARMANDO A. CABACANG JR. RHUM O. BERNATE


SST - II OIC - HEAD TEACHER School Principal IV

You might also like