You are on page 1of 4

PAKSA 5

(MGA SULIRANIN SA
AKADEMIKONG FILIPINO
NOONG PANAHON NG MGA
DATING PANGULO NA SINA
FIDEL RAMOS AT JOSEPH
ESTRADA)

Ipinasa kay:
PROF. MARIA RIZA A. ADOLFO

Ipinasa nina:
SANCHEZ, NOVE KATE
TAMBONG, JOBELLE
DELA CRUZ, WILLJHAN
PRECIOSO, RONIEL
(BSE-FIL2)
LAYUNIN
• Nalalaman ang mga suliranin sa Akademikong Filipino noong panahong ng mga
pangulong sina Fidel Ramos at Joseph Estrada.
• Nabibigyang kahalagahan ang Akademikong Filipino.

SULIRANIN SA AKADEMIKONG FILIPINO SA PANAHON


NG DATING PANGULONG FIDEL RAMOS

FIDEL V. RAMOS
(ipinanganak 18 Marso 1928)
ikalabing-dalawang Pangulo ng Republika
ng Pilipinas
(30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998)
Isinilang siya noong 18 Marso 1928
sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa
tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela
Valdez.

1996 Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59


na nagtatadhana ng siyam (9) na unit na pangangailangan sa Filipino sa
pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa
:
 Filipino I (Sining ng Pakikipagtalastasan) - Komunikasyon sa Akademikong
Filipino
 Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t- Ibang Disiplina) Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik
 Filipino 3 (Retorika)

 1997 (Hulyo) Nilagdaan at ipinalabas ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklama


Blg. 104 na nagtatakda na ang Buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan
ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t-ibang sangay/tanggapan ng
pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa
taunang pagdiriwang.
 SAPAGKAT, ang dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang itinuturing na Ama
ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong Agosto 19, 1878;

SULIRANIN SA AKADEMIKONG FILIPINO SA PANAHON


NG DATING PANGULONG JOSEPH EJECITO ESTRADA

Joseph Ejercito Estrada


ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998
hanggang 2001.
Siya ay isang dating aktor at nagsilbi
bilang alkalde ng San Juan, senador at
pangalawang pangulo bago naging
pangulo ng Pilipinas noong 1998. Siya
ay napatalsik sa pagkapangulo noong
2001 matapos akusahan ng korupsiyon
na humantong sa impeachment at
pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag
na "EDSA II"

 Siya ang kauna-umahang bumigkas ng kanyang pasiyang talumpati gamit ang


wikang Filipino
 2001 Tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng
Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001
Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.

DO 45, S. 2001 – ANG 2001 REBISYON NG ALPABETO


AT PATNUBAY SA LSPELING NG WIKANG FILIPINO
1.  Kaugnay ng itinatadhana ng Konstitusyon ng 1986 hinggil sa patuloy na
pagpayabong at pagpayaman ng Filipino bilang wikang pambansa at
pampamahalaang wika, at bilang tugon sa mabilis na pagbago, pag-unlad, at
paglaganap ng wikang pambansa, ang Komisyon sa Wikang Filipino, sa tulong
ng mga dalubwika, manunulat, editor, tagapaglimbag, propesor / guro, at mga
kinatawan ng samahang pangwika, ay nagsagawa ng pag- revisa sa mga
alituntunin sa ispeling at primer hinggil sa wikang Filipino.

2. Kalakip nito ang “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng


Wikang Filipino” na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino.

3.  Simula ngayon ay gagamiting gabay ang “2001 Revisyon ng Alfabeto at


Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” sa pagtuturo, pagsulat ng teksbuk at
korespondensyang opisyal, at iba pang gawain ng Departamento.

4.  Hinihiling ang pagpaabot ng Kautusang ito sa lalong madaling panahon sa


lahat ng mga kinauukulan.

REAKSYON
Totoo ngang dapat nating maunawaan ang kahalagahan ng akademikong
Filipino sa ating paaralan dahil ang mga nagdaang pangulo ng pilipinas ay
ipanakita kung paano nila inilaban at pinahalagahan ang Akademikong Filipino at
hinanapan ng solusyon ang mga naging suliranin ukol dito.

KONKLUSYON
Nakamamanghang napakalayo na ng narating ng Ademikong Filipino sa
bansang Pilipinas at patuloy pa rin itong pina-uunlad ng pamahalaan upang ito’y
patuloy na gamitin sa mga paaralan oo nga’t marami pa ring kinahaharap na
suluranin patungkol sa akademikong Filipino ngunit kung ang bawat isa ay
magtutulungan at pahahalagahan ang Akademikong Filipino ay magiging
maayos din ang lahat.

You might also like