You are on page 1of 20

Kasaysayan ng

Wikang Filipino

1959-1987
1959 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

(Jose F. Romero)

- Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng

Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na

nagtatakdang “kailanma`t tutukuyin ang Wikang

Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.”


1967 (Oktubre 24) Kautusang

Tagapagpaganap Blg. 96

(Ferdinand E. Marcos)

- Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na

ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng

pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino.


1968 (Marso 27) Memorandum Sirkular Blg. 96

(Rafael Salas)

- Inilabas ng Kalihim Tagapagpaganap na si Rafael Salas ang

Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas na lahat ng

letterhead ng mga tanggapan, kagawaran, at sangay ng

pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino at may

katumbas na Ingles sa ilalim nito. Iniuutos din ng sirkular na

gawin sa Pilipino ang pormularyo ng panunumpa sa

tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan .


1969 (Agosto 7) Memorandum Sirkular Blg. 277

(Ernesto M. Maceda )

- Ito ang bumago sa Memorandum Sirkular

Blg. 199 na nananawagan sa mga taong

kabilang sa gobyerno ano man ang ranko,

na dumalo sa mga idinaraos na seminar ng

SWP (Surian ng Wikang Pambansa).


1970 (Agosto 17) MS Blg. 384

(Alejandro Melchor)

- Nag-aatas na magtalaga ng

korespondensiya ng opisyal sa Pilipino

na wika.
1970 Resolusyon Blg. 70

– Ang wikang pambansa ay ang wikang

panturo sa elementarya
1971 Marso 4 Memorandum Sirkular Blg. 443

(Alejandro Melchor)

– Anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco Balagtas

Baltazar sa Abril 2 , 1971


1971 (Marso 16) KT Blg. 304

(Ferdinand E. Marcos)

– Nilagdaan ito ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa

ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 upang

liwanagin ang kaniya-kaniyang responsibilidad at tungkulin

sa Surian ng Wikang Pambansa


1971 (Hulyo 29) MS Blg. 488

- Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa,

Agosto 13-19 (na ngayon ay “Buwan ng Wika”,

Agosto 1-31).
1971 Kautusang Panlahat Blg. 17

- Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand E. Marcos ang

Kautusang Panlahat Blg. 17 na ang panukalang

Saligang Batas ng 1972 ay limbagin sa Pilipino at

Ingles sa Official Gazette at mga pahayagang may

malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebesito

para sa ratifikasyon ng Saligang Batas noong Enero

15, 1973.
1972 Atas ng Pangulo Blg. 73

(Ferdinand E. Marcos)

- Nag-aatas sa SWP na ang Saligang-Batas ay isalin sa

mga wikang sinasalita ng may limampung libong

(50,000) mamamayan alinsunod sa provisyon ng

Saligang-Batas (Art XV, Sec. 3 [1]).


1974 (Hunyo 9) KP Blg. 25

(Juan L. Manuel)

- Pagtatakda ng mga panuntunan sa

pagpapatupad ng patakarang edukasyong

bilingguwal sa mga paaralan na magsisimula sa

taong aralan 1974-1975.


1974 Resolusyon Blg. 73

- Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon,

isinama ang Ingles at Pilipino (Pilipino pa ang tawag noon) sa kurikulum mula

elementarya hanggang kolehiyo, publiko man o pribado,


1974 (Oktubre 22)

(Robert V. Reyes)

– Ang pahintulot sa SWP na makapagdaos ng mga

panglingkurang pagsasanay, seminar, gawaing

kapulungan at iba pang kauring gawain tungkol sa

bilinggwalismo para sa mga pinuno`t tauhan ng lahat

ng tanggapang pamahalaan, sa lahat ng guro,

propesor, pinuno`t tagapangasiwa ng mga paaralan.


1978 (Hulyo 21) Kautusan Blg. 22

(Juan L. Manuel)

– Nagtatakda sa Pilipino na bahagi na ng kurikulum sa

kolehiyo. Simula sa unang semestre ng taong 1979-

1980, ituturo ang anim na yunit ng Filipino sa kolehiyo:

Filipino I (3 yunit) Sining ng Pakikipagtalastasan

(Communication Arts) at Filipino II (3 yunit)

Panitikang Filipino; Pahapyaw na Kasaysayan at mga

piling Katha (Surveys and Readings of Literature in

Pilipino).
1987 (Marso 12) Kautusang Pangkagawaran Blg. 22

– Sinabing gagamitin ang Filipino sa

pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas.

Kasunod ito ng pagpapatibay sa Konstitusyon

ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang

wika ng Pilipinas ay Filipino.


1987 Kautusan Blg. 52

Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing

ng Departamento ng Edukasyon, Kultural at

Isports ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos

ng paggamit ng Filipino bilang wikang

panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan

kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa

patakaran ng edukasyong bilinggwal.


1987 Kautusang Pangkagawaran Blg. 81

- Sa rekomendasyon ng Linangan ng mga Wika sa

Pilipinas (ang dating Surian ng Wikang Pambansa),

nilagdaan ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng

Edukasyon, Kultura at Isports ang Kautusang

Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng bagong

alfabeto at patnubay sa pagbaybay ng wikang Filipino.


Migz
Nix Reina

You might also like