You are on page 1of 3

Mallari, Lailani D.

FIL-4
Kalagayan ng Dula sa Iba’t ibang Panahon
Ano ang dula? Ano nga ba ang importansya ng dula sa atin lalong-lalo na sa
ating mga mag-aaral at magiging guro sa hinaharap. Ito ba ay nakapagbibigay aliw sa
mga tao. Ito ba’y nagsilbing daan upang maipakita ng mga manunulat ang kanilang
paghihimagsik sa panahon ng pananakop. Ano-ano kayang uri at anyo ng dula ang
mga naitala at naitanghal noon magpahanggang ngayon.
Sa panahon ng katutubo ang mga panitikan ay pasalin-dila lamang. Walang
pormal na paglilimbag sa mga ito. Kaya’t ang dula noon ang pinakasangkap ay tugtog,
sayaw at ritwal. Ang mga dula noon ay ang mga bulong, tugmang-bayan, bugtong,
epiko, salawikain at awiting-bayan na nasa anyong patula. Mga kwentong-bayan,
alamat at mito na nasa anyong patula at mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan
bilang pinaka anyo ng dula sa panahong ito.
Samantala sa panahon ng Kastila, sa kanilang pagdating dala nila ang 3G ito
ang kanilang pangunahing layunin na ipalaganap ang Kristyanismo sa ating bansa,
maghanap ng ginto at upang lalo silang mapabantog sa pamamagitan ng kanilang
pandagdag sa kanilang mga nasasakupan. Kung mapapansin ang mga dula sa
panahong ito ang pinakapaksa ay tungkol sa relihiyon gaya ng moro-moro, senakulo,
karagatan, duplo, tibag, santacruzan, flores de mayo at iba pang dula na napatutungkol
sa relihiyon. Karamihan sa mga dulang ito ay ginagawa pa magpahanggang ngayon.
Ilan sa mga ito ay mga dulang pang-entablado at panglansangan.
Sa panahon naman ng Amerikano ang mga dula noon ay pumapaksa sa
pagiging nasyonalismo at pagkamakabayan ng mga Pilipino. Higit na nangibabaw ang
diwang makabansa ng mga manunulat noon. Kung sasaliksikin ang mga dula noon sa
panahong ito. Kapansin-pansin ang diwang maka-Pilipino ng mga manunulat.
Karamihan sa mga naitanghal na mga panitikan ay ang mga dulang may iisang yugto.
Ilan sa mga sikat na pangalan sa panahong ito ay sina Severino Reyes at Aurelio
Tolentiono. Naging anyo din ng dula ang Dulang Sedisyoso na napapatungkol sa
pulitika at pag-ibig sa bayan. Ilan sa mga sikat na dula noon ay ang Walang Sugat ni
Severino Reyes at Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino. Sa panahon ding ito
sumikat mga pelikula at ang tinatawag na bodabil.
Sa panahon ng Hapon, ang panahong ito ay tinawag na “Gintong Panahon.” Ang
mga paksain sa panahong ito ay buhay lalawigan. Ang dula sa panahong ito ay
nagtangkang bumangon sa upang magbigay ng kaunting aliw sa mga mamamayan.
Nangangailangan sila ng aliw o paglilibang upang maibsan at makalimutan ang
pangamba, pag-aalala at iba’t ibang emosyon na sumanib sa kanilang katauhan. Sa
panahon ding ito, bumagsak ang dulang seryoso, at tinagkilik ang mga pelikula ng mga
Amerikano sa katatawanan, sayaw at awit.
Sa panahon ng Republika ito’y nahahati sa apat na panahon, una ay ang
panahon ng liberasyon, ikalawa ang panahon ng aktibismo, ikatlo ang panahon ng
bagong lipunan at ang huli ay ang panahon ng kasalukuyan.
Sa panahon ng liberasyon, sa panahong ito pansamantalang nakamit ng mga
Pilipino ang Kalayaan kaya ang mga Pilipinong manunulat ay nakapagsaad ng
saloobin. Ang karaniwan sa kanilang paksa ay kalupitan ng mga hapones, kahirapan ng
pamumuhay noon, pamahalaang hapon, at kabayanihan ng mga gerilya. Sa panahong
ito ang namalasak ang mga panitikan na dulang may isang yugto sa taong 1953, dulang
ganap ang haba noong 1975, dulang pantelebisyon noong 1990, at dulang pampelikula
noong 1994 na karaniwang ginaganap at mapapanood sa pampublikong lugar o
telebisyon.
Sa panahon ng aktibismo. Sa panahong ito naging ganap na mapanghimagsik
ang mga kabataan. Naging madugo at mapangwasak ang mga demonstrasyon at
pagpapahayag. Nagkaroon ng kamulatang panlipunan. Pinaksa ang mga kabulukan ng
lipunan at pulitika. Ang dula sa panahong ito ay may malalaswang tema dahil ito’y
nagsisilbing “entertainment” sa mga Pilipino particular na sa mga kalalakihan.
Sa panahon ng bagong lipunan. Sa panahong ito, ang kaguluhan ay pinalitan ng
disiplina. Nanumbalik sa panahong ito ang katahimikan at naging matatag ang bagong
lipunan. Nagkaroon ng pagbabagong isip ang mga mamamayan at ang mga naisulat na
akda ay may pagmamalaki sa pagka-Pilipino. Ang dula, telebisyon at pelikula ay muling
bumangon at sumigla. Naging aktibo muli ang mga mandudula sa mga palabas ng mga
sinaunang dula gaya ng sarsuela. Inilunsad ang taunang pista ng mga pelikulang
Pilipino tuwing buwan ng Disyembre sa pamamagitan ng Metro Manila Film Festival.
Sa panahon ng kasalukuyan. Sa panahong ito may mga samahan o pangkat na
nagbigay ng mga parangal sa mahuhusay na akda ng dula. Dahil dito maraming mga
bagong manunulat ang nagnais na makapagambag sa pagsulat ng dula. Di naglaon
umusbong ang telenobela. Ang dula na dati-rating nasa radyo ay tinangka ring ipalabas
sa telebisyon na umani naman ng di-matatawaring suporta ng mga tagatangkilik. Dito
nagsimulang magkaroon ng napakaraming linya ng iba’t ibang panoorin na ang naging
tagapanood ay karaniwang mga magbahay na noon ay hindi nagtatrabaho sa labas
bagkus ay naiiwan sa bahay. Di naglaon, naihambing ang dula at labas ng telebisyon
sa sabong pambahay. Sa kadahilanang madalas pakinggan ng mga maybahay ang
mga opera sa radyo ay tinawag ng Soap Opera. Hanggang nagsimulang ipinalaganap
ang telebisyon dito sa Pilipinas sa 50’s at kanilang isinalin sa telebisyon ang dula-dulaan.
Dekada 70 sumikat ang mga soap opera ng mga iba’t ibang istasyon Kabilang dito ang Analiza ni
Julie Vega na kinumpitensya ang kasabayang Flor de Luna ni Janice de Belen. Dekada 90 nang
nagpasimulang sumikat at nakilala sa highest rated at longest soap opera sa bansa, ang Mara Clara
na nagpasikat kay Judy Ann Santos.
Nang pumasok ang bagong milenyo, pumasok na ang teleseryeng Pangako
Sayo nina Jericho Rosales at ni Kristine Hermosa. Sa paglipas ng panahon tila ba
nainip ang mga manonood dahil sa haba na telenobela. Tila sumabay sa bilis ng
panahon ang damdamin ng mga manonood na naging mabilis din ang bawat
pagtalakay sa mga palabas. Pumasok sa bansa ang kauna-unahang serye na nagmula
sa Mexico na may pamagat na Marimar. Nasundan pa ito ng panooring mula sa iba’t
ibang bansa ngunit higit na tinangkilik ang mga nobelang mula sa Korea gaya ng
Jumong, Meteor Garden, Stairway to Heaven, Coffee Prince at marami pang iba.
Sa kasalukuyan, kilalang-kilala ang mga panooring pantelebisyon sa tawag na
KOREANOBELA. Ang dating Soap Opera na naging teleserye at naging telenobela na
naging koreanobela na sa ngayon.
Bilang isang Pilipino, nakakalungkot isipin na mas tinatangkilik na ang mga
panitikan lalong-lalo na ang dula ng mga taga ibang bansa partikular na ang mga
koreanobela. Mas malakas ito sa mga kabataan ngayon. Nakakalimutan at namamatay
ang mga dulang Pilipino na kung saan gawa ng mga manunulat na Pilipino. Bilang
kabataan, hindi ko tinatangkilik o wala akong hilig sa mga panitikan ng mga taga ibang
bansa lalo na Sa mga koreanobela ng mga taga Korea.

Sanggunian:
https://prezi.com/api5fl91popp/panahon-ng-liberasyon/
https://www.slideshare.net/vying1983/panitikan-sa-panahon-ng-republika
https://www.slideshare.net/daisypasobillo/pa-nahon-ng-aktibismo
https://www.scribd.com/document/338200367/Ang-Mga-Dula-at-Teleserye-Sa-
Kasalukuyan
https://prezi.com/ewgev2ht0jua/kasaysayan-ng-dula-sa-pilipinas/

You might also like