You are on page 1of 12

1.

Makrokasanayang Pangwika

Ang apat na makrong kasanayang pangwika na dapat mapaunlad ng bawat Pilipino sa


kasanayang pakikipagtalamitan ay ang 1. Pakikinig 2. Pagbasa 3. Pagsulat at 4. Pakikinig.

Kahulugan ng PAKIKINIG

 Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng


sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na
pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang
kanyang napakinggan.

 Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng


mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo
ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave
stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

 Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may


ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli
na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

Kahalagahan ng Pakikinig

• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa


tuwirang pagbabasa.

• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon
ng mabuting palagayan.

• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o


paggunita sa narinig.

MGA URI NG PAKIKINIG

Deskriminatib

Layunin;

 matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon

 binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya


kumikilos habang nagsasalita

Komprehensibo Kahalagahan

 Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.

 Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan


Paglilibang

Layunin:

 upang malibang o aliwin ang sarili

 ginagawa para sa sariling kasiyahan Paggamot Kahalagahan:

 matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa


pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita

Kritikal

Layunin:

 gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o


pagsusuri sa paksang narinig.

 Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig

 Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan

Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

 Edad o gulang Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang
pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan
sa pang-unawa. Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin mabuti ang mahabang
pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa
katawan bunga ng kanilang kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang
kahinaan na ng kanilang pandinig.
 Oras Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.
 Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di
kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang
kamalayan.
 May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng
panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga
tagapakinig.
 Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig
kaysa mga estudyante panghapon.

Kasarian Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae


 Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy
masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo
para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang
paksang may pansarili silang interes.
 Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng
mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa
pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip
Tsanel
 Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang
magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp.
 Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-
usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe
gayon din ang kanyang emosyon.
Kultura • Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-
mabuting kawilihan sa pakikinig.
 Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga
kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.
 Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang
nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang
nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag
tapos na itong magsalita.
• Konsepto sa sarili ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa
pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.
 Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng
kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.
• Lugar Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng
level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam.
 Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang
makinig ng mga tagapakinig.
MGA URI NG TAGAPAKINIG
 Eager Beaver Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may
nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig
ay isang malaking tanong.
 Sleeper Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala
siyang tunay na intensyong makinig.
 Tiger Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang
sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod
at mananagpang
 Bewildered Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa
naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong
pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.
 Frowner Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at
pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi
lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay
lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag- paimpres.
 Relaxed Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang
kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at
walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.
 Busy Bee Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang
siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa
katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
 Two-eared Listener Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi
lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon
niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.
Makrong Kasanayan sa Pagsasalita
Kahulugan ng Pagsasalita
 Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya,
paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap.
 Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang
kinakausap
Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
 naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
 nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
 nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
 naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang
panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa
pagpapatupad ng mga ito.
Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalita
• Kaalaman • Kasanayan • Tiwala sa Sarili
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

 tinig, bigkas, tindig, kumpas, kilos


Limang Kasanayan sa Pagsasalita Pakikipag-usap pakikipanayam pangkatang talakayan
pagtatalumpati pakikipagdebate

 Pakikipag-usap Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang:


1. kailangang kakitaan ng paggalang sa isa’t isa
2. may matapat na layunin sa pakikipag-usap
3. sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag solohin ng isa sa
alinman sa nag- uusap ang pagsasalita
4. ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag-uusap
5. ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob
Pakikipanayam (Interbyu)
Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng pakikipanayam:
 Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras, at lugar na maluwag sa
kakapanayamin
Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang paksa
Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayamin
Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras
Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng kawilihan
Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at mga katanungang
sinasagot ng oo o hindi lamang
Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu
Pangkatang Talakayan
Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan;
1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan
2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik
3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan
4. Magkaroon ng bukas na isipan
5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa katuwiran ng higit na
nakararami 6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama
Pakikipagdebate o pagtatalo Tungkol sa pagtuligsa:
a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban
b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban
c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban
d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban Tungkol sa
pagtatanong.
Makrong kasanayang Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
 Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
 Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng
damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
 Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang
panahon. Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at
paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di- inaasahang
suliranin sa buhay.
 Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin
 Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang
binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.
 Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa
kabatiran at krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa
mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan:
 May nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan
 May nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang
mapag-iwanan ng takbo ng panahon
 May nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at pagkabagot
na nararamdaman

MGA URI NG PAGBASA


Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin
A. Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan
Mabilisang pagbasa – (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang
tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na
matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din
itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa.
Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na
impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha
ang kaisipan ng sumulat
Pagsusuring Pagbasa – (Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang
gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit ditto ng matalino at malalim na pag-iisip.
Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring
pag-iisip.
Pamumunang Pagbasa (Critical reading) Dapat na matiyak ng mambabasa na
naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman
ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula,
katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura
ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may- akda.
Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.
Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang
ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha
ng bumabasa ng teksto. Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto na
inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang
sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.
Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng
guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at
mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto. Pagpapabasa sa mag-
aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang
buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang
kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.

B. Ayon sa layunin
Pagbasang nakapagtuturo – nagbabasa ang isang tao dahil mayroon siyang nais
malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng bago an
gating dating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na
ating tinatahak.
Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam gawing libangan dahil
nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may
kaligayahang naidudulot sa ating buhay.

Makrong Kasanayan sa Pagsulat


Kahulugan ng Pagsulat

 Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag
sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan
naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
 kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na
kompetisyon sa ngayon.
 Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng
resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay
bahagi ng pananagumpay.
 Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng
balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo,
sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.
Proseso ng Pagsulat Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng
maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang
kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa
buong mundo.
Pamamaraan ng Pagsulat Pag-asinta (Triggering) Kailangang may isang bagasy na
magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili,
matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng
mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.
Pagtipon (Gathering) Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa
masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales
at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong
magsaliksik sa dyornal, magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa
panonood ng sine at telebisyon.

Paghugis (Shaping) Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin


ng hugis an gating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari
ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang
pokus n gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na
paksa.
Pagrebisa (Revising) Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang
isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal
na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga
nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa
maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.
Mga Bahagi ng Pagsulat Panimula Katawan Konklusyon Rekomendasyon
Mga Uri ng Gawaing Pagsulat:
Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang sulating pormal at ang sulating di-pormal.
Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum,
seminar. Maaaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita.
Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang
mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda
at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.
Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pasulat at pasalitang simbulo (Webster, 1974) Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong gawaing pantao. (Archibald Hill, what is language, c1980s) Ang wika ay
isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
KATANGIAN:
1. Ang wika ay tunog – nagsisimula ang isang wika sa mga tunog na nagsisilbing berbal
na mga simnolong nabubuo at nirerepresenta ng mga letra.
2. Ang wika ay arbitraryo – pinagkakasunduan ng isang grupo ng taong gumagamit ng
wika gayundin, ang bawat wika ay may kakaibang katangiang nabubukod sa iba pang
wika.
3. Ang wika ay masistema – ang anumang wika ay may sinusunod na organisasyon at
may taglay na istruktura (ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika at pragmatiks).
Ponerma – tumutukoy sa makabuluhang tunog ng isang wika. Ponolohiya –
makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog sa isang wika Morpema – tumutukoy
sa pinakamaliit na yunit ng isang salita. Morpolohiya – makaagham na pag-aaral sa
mga morpema ng isang wika. Sintaks – tumutukoy sa masistemang palabuuan ng mga
sugnay, parirala at pangungusap. Semantiks – Pag-aaral sa kahulugan ng isang wika.
Pragmatiks - Pag-aaral kung papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng
paghahatid ng impormasyon ng mga sentens. Samakatwid, ito ay pag-aaral ng aktwal
na pagsasalita.
4. Ang wika ay sinasalita – nabubuo ang wika sa tulong ng mga aparato at iba’t ibang
sangkap sa pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong, lalamunan at iba pa.
5. Ang wika ay nakabuhol sa kultura – Pinatutunayan lamang na walang superyor na
wika sapagkat ang bawat wika ay may sariling kakanyahang kultural. Ibigsabihin,
hinuhubog ng wika ang kultura at hinuhubog naman ng kultura ang wika (Sapir at Whorf,
w.p.)
6. Ang wika ay daynamiko – nagbabago ang wika batay sa nagbabagong panahon.
Nagkakaroon ng mga bagong salita at nakapaglilinang din ng bagong
pagpapakahulugan batay sa sumusulong na panahon. Halimbawa: Ang toxic noon ay
lason ngayon ay labis na pagkapagod.
7. Ang wika ay malikhain – paggamit ng wika sa sariling kaparaanan at batay sa
sumusulong na mga pangkat ng taong may itinatampok na identidad. Binigyang-diin nito
ang pagiging distinct na anyo ng ekspresyon o paggamit ng wika sa pagpapahayag ng
saloobin, damdamin o naiisip. Hallimbawa: ang sumisibol na pamamaraan ng mga
jejemon at bekimon.
8. Ang wika ay makapangyarihan – ginagamit ang wika sa pagtatamo ng impluwensiya
para makapagpabago ng pananaw, makaimpluwensya ng kaisipan, makabuo ng mga
bagong ideya, makapaapekto sa pagsusulong ng mga pamamaraan at polisiya at higit
ay makapagpakilos.
Apat na Yugto Tungo sa Maugnaying / Maunlad na Pag-iisip
Napakahalagang mahasa at mapaunlad ang pag-iisip ng mga estudyante sa antas kolehiyo
dahil ito'y isa sa mahahalagang sangkap upang mapagtagumpayan ang pag-aaral at
pananaliksik na ginagawa o gagwin sa hinaharap. Ayon kay Benjamin Bloom (1956) bukod sa
kakayahang pangkaisipan (kognitibo), kailangan din ang kakayahang
pandamdam/pandamdamin (afektibo) at pampisikal (psychomotor). Kaugnay ng kakayahang
pangkaisipan, may apat na yugto ng maunlad na pag-iisip.
Kaunay ng kakayahang pangkaisipan, may apat na yugto ng maunlad na pag-iisip na
kailangang matutuhan ng mga estudyante.

1. Sentido komon (common sense)


Kadalasang ginagamit natin ang kutob (intuition). Pakiramdan, hinuha sa ganitong uri ng
pag-iisip. Naksalig ito sa persepsyong pandamdam at sanhi-bungang pangyayari ayon
sa obserbasyon at karanasan natin.
Halimbawa: kapag makulimlim ang langit maiisip nating magdala ng paying.

2. Lohikal na pag-iisp
Binubuo ito ng tatlong uri:
a. Lohika ayon sa pangangatwiran o argumento:
Higit pa sa sanhi at bunga(casuality), ang lohikal ay umiikot sa ugnayan ng mga
pahayag at konklusyon.
b. Lohika batay sa pagkakasunod-sunod;
Kasama rin sa lohikal nap ag-iisip ang pagtukoy sa pagkakasunod ng pangyayari
o proseso.
c. Lohika ayon sa analisis
May dalawang anyo ito: hinuhang pangkalahatan at hinuhanh pamabatayan.
 Hinuhang pangpatakaran- nagsisimula sa isang mahalagamg ideya o tesis na
kailangan patunayan sa pamamagitan ng pangangatwiran, ebidensya, halimbawa,
obserbasyon o pananaliksik.
Halimbawa: uunlad ang Pilipinas sa implementasyon ng k-12 sa ating sistemang
edukasyon.
 Hinuhang Pamabatayan- kabaligtaran sa nauna, isinasaad muna ang mga batayan
bago makahain ng kongklusyon o pangkalahatang ideya.
Halimbawa: samut-sari ang batayan upang masabing maunlad ang isang bansa.

3. Kritikal na pag-iisip
Mataas na antas ng pag-iisp na ummikot sa tatlong hakbang:
a. Masusuning pagtukoy sa kaligirang suliranin,
b. Pagsusuri-suri, pag-uuri, at pag-puna
c. Alternatibo o kawaksing paliwanag.

Sinasabi ng ilan na madaling pumuna kaysa gumawa. Subalit hungkag na


kritisimo ito at walang lugar ang ganitong puna s akademikong pagsulat. Ang
kritikal nap ag-iisip ay nanganagilanga ng balanseng apag-iisip.
4. Maugnaying (SYNTHETIC) pag-iisip
Ito ang pinakamataas na antas ng pag-iisip. Dito binabalanse ang iba’t ibang ideya mula sa
maraming larangan, karansan, at pagninilay-nilay.
Halimbawa:

 Repleksyon- pagninilay-nilay hingil sa sariling karansan.


 Kritika- paglalapat ng teorya sa pagsusuri ng teksto.
 Interpretasyon- paglalapat ng pagliwanag o kahulugan batay sa isang disiplina ng
kaalaman (paliwanag ng epekto ng musika sa tao.
 PiliFilipino:Isang Teorya ng Wika ni Dr. Rhod V. Nuncio 
PiliFilipino – ito ang inihahaing panimulang teorya upang suriin ang paimbabaw, malaliman at
kaibuturan ng wika. Ang tatlong bahagdang ito ng wika ang magiging punto ng analisis at
pagdadalumat. Hango ito sa sinabi ni N. Chomsky (sa Searle 1971) na mayroong surface
structure (paimbabaw) at deep structure (ubod) ang wika. Ang sa akin naman, may
pumapagitna sa dalawang level na ito, ang middle structure na tatawagin kong lalim ng wika. Ito
ang nawawala sa kayarian ng wikang Filipino (WF). Sa madaling salita, walang lalim ang wika
dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng ating kamalayan. Tanging ang
malakas at dominanteng paimbabaw na puwersa na mula sa iba’t ibang direksyon, ideolohiya,
adbokasi ang kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong pangwika. Sa
ngayon hangga’t di matutugunan ang kakulangan sa lalim at ubod ng WF, ang paimbabaw na
level ng wika ang tumatayong stratehiya sa pagpili, pagpilipit at pagpipilit na lumabas ang
kakanyahan ng wika. Ang tanong nga lang, hanggang kailan ito tatagal? At aasa lang ba ang
lahat sa politikal at ideolohikal na bangayan ng mga makawika ang hinihintay na pagkagulang
ng WF? Ika nga’y matira ang matibay!
a. Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa pinagbatayang wikang Tagalog at ang
nakalululang hamon na paglinang nito mula sa mga katuwang na wika sa bansa,
b. Mabilis na paglaganap ng Taglish sa iba’t ibang domain ng kaalaman at praktika,
c. Interbensyon ng gahum (estado, iskolar, media) na nakakaapekto sa menu ng pagpili,
pamimilit at pagpilipit sa wikang Filipino.
PAIMBABAW NA WIKA
Ang puwersa ng pagbabagong wika ng WF ay hindi nakatarak sa kognitibong kakayahan ng tao
kundi sa samutsaring timpla (o gimik) at interbensyon ng mga institusyon, grupo at mga
polisiyang bitbit ng mga ito. Bakit hindi nagmumula sa kognisyon o sa mental na proseso ng
paglikha ng wika? Dahil madalas at sa maraming pagkakataon ang internal na lohika at
istruktura ng pag-iisip natin ay nakakapit sa banyagang padron, sa banyagang wika.
LALIM NG WIKA: GRAMATIKANG FILIPINO?
Lahat ng buhay na wika (natural languages) ay dumaraan sa mahabang panahon ng
pagbabago at madalas hindi developmental ang yugto ng pinagdadaanan nito kundi
retardasyon at tuluyang pagkawala. Alam natin ang magiging kahihinatnan ng maramihang
puwersang pangwika na paimbabaw na nagtatalo-talo at naghahalo-halo sa isip at kamalayan
ng tao. Higit pa riyan, nagpapaubaya at nagpaparaya ang mga ispiker-tagapakinig ng wika dahil
wala silang masandigang internal na lohika o gramatika ng wikang naririnig at nababasa nila.
Alalahanin natin ang sinabi ni Emerita S. Quito (1989/2010: 23): “Hanggang ngayon, tayo ay
nasasadlak sa kabulukan ng Taglish. Ang maikling kasaysayang ito ng wika sa ating bansa ay
nagpapahiwatig ng dalawang bagay. Una: pagkatapos ng 88 taon, hindi pa rin maaaring sabihin
na ang Pilipino ay natuto na ng wikang Ingles; at ikalawa, lumaganap ang isang bulok na wika,
ang Taglish, na hindi Ingles at hindi Filipino.”
PAGDADALUMAT-SALITA: Kung Bakit Hindi na Hikain ang Wika ng Teorya sa Wikang Filipino
Nais kong buwagin ang matagal nang paniniwala na walang kakayahan ang ating wika—ang
wikang Filipino—na magamit sa larangan ng pagteteorya. Hindi pa raw ganap na
intelektwalisado ang wikang ito sa iba’t ibang larangang pang-akademya (liban na lamang daw
sa panitikan) kung kaya’t nananatiling lingua franca pa lamang ito sa kalye. Ganyan ba
kababaw ang tingin natin sa wikang Filipino? O dili kaya’y ganyan ang tingin nating nasa
akademya sa wika ng mamamayan natin? Sa isang maliit na pulong na dinaluhan ko, talagang
tingin ng iba na kapag ituturo ang isang aralin (na nakasanayan na sa Ingles) sa Filipino ay
nagmumukhang mababaw daw. Sa isang pulong din, binatikos at tinarget ng pagmamaliit ang
kurikulum ng Araling Filipino dahil wala pa raw corpus ng pag-aaral tungkol sa Midya at
Pagtuturo. Marami silang puna, lalong-lalo na ang hindi naman gumagamit ng Filipino kesyo
Ingles at Ingles pa rin ang wika ng teorya, wika ng akademya, wika ng pagtuturo, ang wika ng
gahum.
Sa pagtatapos ng aking pagbabasa na pagtanto ko ang halaga ng ating wika, makikita na sa
artikulong ito ang mga makabagong pananaw ng mga tao sa wikang Filipino. Dito malalaman
na sa bawat takbo ng panahon ay ganon narin kabalis na nawawala ang tinatawag na malalaim
na wika, dito nahati ang pagsulat ng wikang Filipino. Sa ngayon ay mismo ating sariling bansa
ang pumapatay, masyado nang niyakap ang globalisasyon at tinapon ang kulturang nagbibigay
salamin sa ating bansa. marami ng pagkakataon na binatikos ng ating bansa an gating sariling
wika, at nais pa ito tanggalin bilang asignaturang sa antas ng kolehiyo. Dahil ika nga madali
lang
itong umawain, at sakabila ng pagpupulong nakita na marami paring Kolehiyo ang hirap
unawain ang gramatika at Sistema ng wika.
Narito ang limang kaisipang nabuo ko sa akdang ito:
1. Mabilis na paglaganap ng Taglish- makikita na sa ating panahon na kalahati na ng
Pilipino ang hindi makapagsalita ng tuwirang wikang Filipino.
2. Gramatika- sinasabi na madali lang ang wikang Filipino ngunit kung pag-aaralan ito ay
kaylangan din gamitan ng lohila at agham na pag-iisip.
3. Walang kakayahan ang wikang Filipino- isa ito sa mga katagang hindi kayang lunikin ng
tunay na Pilipino, kung isisipin lang ng lahat ng Pilipino ang nagawa ng ating wika baka
hindi nila ito kayang tapakan at madaliin lamang. Naniniwala ako na wikang Filipino ang
dahilan kung bakit tayo ay nanatiling Pilipino kahita n maraming pagkakataon na minaliit
natin ito. Wika anhg intrumento upang pagpayamanin ang ating kultura.
4. Interbensyon ng gahum- isa ito sa mga dahilan kung bakit hirap parin ang bansa sa
pagpapayaman ang ating wika dahil sa balakid nito, mapapansin na magkakaiba ang
bawat tao ng kultura at relihiyon kaya naman sa hirap ang bansa sa pag adapt ng iba’t
ibang pananaw ng bawat tao.
5. Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon sa Ingles. May implikasyon ito
sa ponetika dahil nabaligtad ang prinsipyo ng “kung ano ang bigkas, siya ang baybay”.
Imbis na phonocentric (una ang tunog kasunod ang baybay) naging graphicentric (kung
ano ang letra sa Ingles, ito ang baybay). Kung kaya’t mamimilipit sa pagbigkas ang
maraming batang mag-aaral ng WF kung ito ang prinsipyong susundin sa ponetika ng
WF. Ang “bahay” ay bibigkasing “bey-hey”.

You might also like