You are on page 1of 2

Oo nga’t Pagong

Alam kong batid mo na ang kwento ng pagong at matsing na nakapulot ng punong saging. Natapos ang kwento nang
itapon ng hangal na matsing ang pagong sa ilog. Hindi ba't malaking kahangalan iyon? Pero hindi doon natapos ang
kwento. Ganito iyon.

Matagal-tagal ding hindi umahon ang pagong. Natatakot kasi siyang muling magkita sila ni matsing. Nang
inaakala niyang matagal nang panahon ang lumipas, naglakas-loob siyang umahon sa ilog at maglakad-lakad naman sa
dalampasigan.

Nakarating si Pagong sa isang taniman ng mga sili. Marahang-marahang naglalakad si Pagong sa paligid ng
taniman. Natutuwang minamasdan ni Pagong ang mga puno ng sili na hitik na hitik sa bungang pulang-pula dahil sa
kahinugan. Wiling-wili siya sa panonood sa mga mapupulang sili at hindi niya namalayan ang paglapit ni matsing.

"Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makaliligtas ngayon sa akin," ang sabi ni Matsing sabay sunggab sa nagulat na
pagong. "Kung naloko mo ako noon, ngayon ay hindi na. Hinding hindi na," nanggigigil na sigaw ni Matsing.

"Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko kayo naiintindihan sa pinagsasasabi ninyo," ani Pagong.

"Ano? Hindi ba't ikaw ang pagong na nagtanim ng saging? Ikaw ang pagong na inihagis ko sa ilog?" sabi ni
Matsing.

"Aba! Hindi po. Hindi ko po nalalaman iyon. At hindi ko rin kilala kung sino mang pagong iyong inihagis nyo sa
ilog," tugon ni Pagong.

"Hindi nga ba ikaw iyong damuhong pagong na iyon?" tanong ni Matsing na pinakasipat-sipat ang hawak na
pagong.

"Talaga pong hindi!" ani Pagong. "Matagal na po ako rito. Ang gawain ko po ay magbantay ng mga mapupulang
bungang ito," dugtong pa ni Pagong.

"Bakit, ano ba ang mga mapupulang bungang iyan?" ang tanong ni Matsing.

"A, e, ito po ay gamot sa mata ng lola ko. Inilalagay niya po ito sa mata kapag kumakati. Pero hindi po kayo
maaaring kumuha nito, para sa lola ko lamang ito," sabi ni Pagong.

"Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo't sa gusto, kukuha ako nito," ani Matsing at namitas agad ng maraming
pulang sili. Piniga niya't niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya itong ipinahid sa kanyang mga mata.

"Kra-kra-kra..." nagtatatarang na sigaw ni Matsing pagkat halos umusok ang dalawang mata nya sa hapdi at
kirot. Mainit na mainit ang mga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala na ito at nakalayo nang
nagtatawa. Naisahan na naman ang hangal na matsing.

Maraming araw ding nangapa-ngapa ng mga bagay sa kanyang paligid si Matsing. At si Pagong naman ay
malayang nakapamamasyal.

Isang araw, nasa isang bakuran si Pagong. May handaan doon at nagkakatay ng baboy. Sa malapit sa
kinalalagyan ni Pagong ay may mga taong nagpapakulo ng tubig sa isang malaking kawa. Tahimik na nagmamasid-masid
doon si Pagong. Nagulat siya. Bigla kasi siyang sinunggaban ni Matsing.

"Nahuli na naman kita. Niloko mo ako noon. Hinding hindi na kita paliligtasin ngayon," ang sabi ni Matsing.
"Dahil sa iyo, matagal akong hindi nakakita."

"Ako po ang dahilan? Bakit po?" tanong ni Pagong.

"E, ano pa! Hindi ba't ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo'y gamot sa mata ng lola mo? E iyon pala'y
nakabubulag," ang sabi ni Matsing.

"Aba, naku! Hindi po. Ako po'y matagal na rito sa pwesto kong ito. Ako po'y nagbabantay ng kawang iyon na
paliguan ng aking nanay," ang sabi ni Pagong. Itinuro kay matsing ang tubig na kumukulo sa kawa.

"Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng nanay mo?" manghang tanong ni Matsing.

"Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit kanino. Iyan po ang pampapula ng pisngi
ng Nanay ko," paliwanag ni Pagong.

"Ibig ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ni Matsing.

"Ay hindi po maaari ito para sa inyo. Talagang para sa nanay ko lamang po iyan," sabi ni Pagong.

"A, basta! Gusto ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ng hangal na matsing at tumakbong mabilis at lumundag sa
loob ng kawa ng kumukulong tubig.

At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na matsing.


A. Pagbibigay ng damdamin o reaksyon sa nabasa.
Sabihin ang damdaming isinasaad sa bawat pahayag. Isulat sa patlang ang galit, inggit, hinanakit, inis, pagmamalaki
lungkot o hiya.
__________1. Huwag na huwag kang magpapagabi. May kapreng gumagala sa ating barangay.
__________2. Sir, baka naman tayo mapahamak ng dahil sa akin.
__________3. Kinakabahan po ako tuwing kami ay mag-iinsayo ni Gng. Anoy.
__________4. Maaari ka nang lumaban kahit pa sa Bagong Kampeon!
__________5. “Mananalo ka Pedrito!”
__________6. “Walang makakasama sa iyo, Pedrito. May sakit si inay at si itay naman ay doon sa
bukid magpapalipas ng gabi”.
__________7. “Patutunayan natin sa kanilang lahat na ang tagapagmana ni Martin Nievera ay
manggagaling sa Barangay Sto. Domingo”.
__________8. “Akala ko pa naman ay mapanonood ako ni itay at inay”.
__________9. “Narito ang gintong medalya para kay inay!”
_________10. “ Inay ko po! Inay ko po!”

B. Pagbibigay Hinuha sa Pangyayari


Makapagbibigay ng hinuha ang isang mambabasa sa paggamit ng dati niyang kaalaman at sa mga pahayag o
nangyari sa pangungusap. Makatutulong nang mabuti kung magiging mapanuri siya.
Halimbawa: Pangyayari: Natutuwa ang buong bansa nang manalo ang tatlong mag-aaral mula sa Manila Science
High School sa International Competition. Itatala sa buong mundo ang pangalan ng tatlo at ipapangalan pa sa kanila
ang tatlong asteroid sa kalawakan.
Hinuha: Karangalan ng bansang Pilipinas ang tatlong bata
Paggamit ng Magalang na Pananalita
Ang paggamit ng mga magagalang na salita ay tanda ng pagkakaroon ng magandang ugali ng isang bata.
Kinatutuwaan ninuman na marinig ang isang bata na gumagamit ng magagalang na salita sa pakikipag-usap pa sa
isang nakatatanda.
Ang mga magagalang na salitang maaaring magamit ay:
- Opo, po - Maaari po bang…? - Pwede po bang…? - Paki…po…
A. Panuto: Basahin ang bawat talataan. Ibigay ang maaaring kalabasan ng mga pangyayari. Bilugan ang titik ng
napiling sagot.
1. Matalinong bata si Raul. Siya ang nangunguna sa klase subalit ang hindi niya matutuhan ay ang dumating sa
takdang-oras. Isang araw, mayroon silang pagsusulit sa paaralan. Nag-aral siyang mabuti. Kinabukasan, tinanghali
siya ng gising kaya nahuli sa pagpasok. Nang umuwi si Raul matapos ang pagsusulit, mukha siyang malungkot na
malungkot.
Sagot:

2. Iniwan ni Aling Puring na nag-iisa sa bahay ang kanyang bunsong anak. Naisipan ng batang maglaro ng lutu-
lutuan. Kinuha niya ang posporo at sinindihan ang kanilang kalan. Biglang sumiklab ang apoy.
Sagot:

3. Isang araw, naisipang ayusin ni Flora ang kanilang altar. Hinugasan niya ang plorerang mahal na mahal ng
kanyang ina, pinunasan at nilagyan ng magagandang bulaklak. Ilalagay na lamang niya ito sa altar nang dumating
ang rumaragasang pusang hinahabol ng aso. Lumundag ang pusa sa kamay niyang may hawak na plorera.
Nabitawan niya at nabasag ang plorera.
Ano kaya ang gagawin ni Flora?

Sagot:

4. Kaisa-isang anak ni Aling Perla si Ramil. Si Ramil ay laging malungkot, masakitin at mahinang kumain. Isang araw,
pinayuhan ni Aling Perla ng kanyang kaibigan na pabayaan niyang maglaro ang anak sa labas ng bahay upang
makalanghap ng sariwang hangin at mainitan ng araw. Pinakain din siya ng mga gulay at bungang-kahoy at
pinainom ng sariwang gatas.
Sagot:

5. Malakas ang buhos ng ulan. Baha na sa mga daan. Inggit na inggit si Roberto sa mga batang nagtatampisaw
subalit kagagaling lamang niya sa sakit. Dumaan ang kanyang mga kaibigan at niyaya siyang maligo sa ulan.
Ano kaya ang ginawa ni Roberto?

Sagot:

You might also like