You are on page 1of 3

Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Kolehiyo ng Artes, Siyensiya, at Edukasyon


General Education Department

DISKURSO SA PAGSASALIN

PAGHAHANDA SA PAGSASALIN
Madali na mahirap ang pagsasalin. Lagi na’y hinahamon ng isang orihinal na teksto ang kakayahan, sipag
at sigasig ng isang tagasalin sa paglikha ng isang bagong akda batay sa isang umiiral nang teksto.

HAKBANG SA PAGHAHANDA SA PAGSASALIN


1. Pagpili ng teksto. Kung may pagkakataong pumili ng tekstong isasalin, ano ang pamantayang
dapat magsilbing gabay? Ayon kay Justin O’Brien (sinipi ni Nida 1964,1951), “one should never
translate anything one does not admire”, at hanggang maaari, “a natural affinity should exist
between translator and translated”.
Tandaan: hindi maiiwasan sa pagsasalin ang bahaging personal. Sa pagpili ng tekstong isasalin,
ang isang tagasalin ay dapat gabayan ng sariling panlasa, ang tekstong nakaantig sa kanyang
damdamin, ang panulat na umani ng kanyang paghanga ay mas madaling isalin kaysa isang
tekstong hindi niya gusto.
2. Pagbasa sa teksto. Bago isulat ang unang salitang salin, kailangan munang mabasa ng tagasalin
ang tekstong SL. Paano magbasa ang isang tagasalin? Iba bang pamamaraan ng pagbasa ang
kailangan niyang ilapat sa tekstong isasalin?
3. Pagsusuri at interpretasyon ng tekstong isasalin. Kasabay ng panimulang pagbasa ang
pagsususri at pagpapakahulugan sa tekstong SL. Sa yugtong ito, kailangang tiyakin ng tagasalin
ang uri ng teksto upang makaisip siya ng angkop na estratehiyang ilalapat niya sa pagsasalin.
4. Pagsasaliksik sa awtor at sa tekstong isasalin. Upang lubusang maunawaan ng tagasalin ang
tekstong isinasalin, lalo’t kung ito’y pampanitikan, makatutulong ang pananaliksik sa talambuhay
ng awtor at pagbasa sa iba pang mga obra nito. Tinawag ito ng isang tagasalin ng mga dula, si
Jerry Respeto (2004), na “pagkapa sa orihinal”.
5. Pagtukoy sa layon ng pagsasalin. Bakit isasalin ang partikular na tekstong ito? Ito ba ay pasalin
ng iba? Ano ang layon ng nagpasalin, para ba magpalaganap ng impormasyon, o magturo kung
paano isasagawa ang isang bagay?
6. Pagtukoy sa pinag-uukulan ng salin. Para kanino ang salin? Mahalagang mabatid ng tagasalin
kung sino ang pinag-uukulang tagabasa ng kanyang salin. Kailangang alamin niya ang mga
sumusunod tungkol sa kanyang mambabasa: antas ng edukasyong natamo, edad at kaalamang
kultural. Makikilala ng tagasalin ang uri ng teksto sa pamamagitan ng pagsusuri sa mismong
teksto, ngunit kung sino ang pinag-uukulan ng salin ay matutukoy lamang sa pakikipag-usap sa
kliyenteng nagpapasalin.
7. Pagtukoy sa teorya sa pagsasalin. Kapag natukoy na ang mga nabanggit sa itaas, bubuo na ang
tagasalin ng teorya sa pagsasalin na magsisilbing gabay sa pagsasalin, sa pagpili ng mga
panumbas at iba pang dapat isaalang-alang. Ang teorya sa pagsasalin, ay hindi mahigpit na
simulaing ilalapat sa lahat ng uri ng pagsasalin, kundi para sa partikular na gawaing
pampagsasalin lamang. Hindi ito batas na di mababali, kundi ito ay gabay o patnubay na laging
isasaisip ng tagasalin sa proseso ng isang partikular na pagsasallin.
ANG UNANG PAGBASA

Ayon kay Newmark (1982), ang unang pagbasa ay paraan upang (a) tukuyin ang uri ng teksto at (b)
matiyak kung ano ang tungkuling ginampanan ng wika sa teksto. May tatlong uri ng tungkulin ng wika na
binanggit si Newmark:

1. Expressive function –(for self-expression, creative, subjective) ipinapahayag nito ang “ako” ng
teksto dahil nakasentro ito sa personal na paraan ng awtor ng paggamit ng wika. Ginagamit ito
sa mga di pormal na sanaysay, sa seryosong panitikan at mga pahayag tulad ng talumpati at
personal na opinyon.
2. Imformative function – (for cognitive, denotative, representational, intellectual,
descriptive,objective) ito ang nilalamang extralinguistic ng teksto, o ang impormasyong
nakapaloob sa teksto. Kabilang dito ang mga balita sa pahayagan, siyentipiko at teknikal na ulat,
pangkalahatang teksbuk at mga hindi pampanitikang sulatin na mas magtutuon ng pansin sa
nilalaman kaysa sa estilo.
3. Vocative function – (for social, injunctive, emotive, rhetorical, affective, excitatory, conative,
dynamic, directive, connotative, seductive, stimulative, operative, suggestive, imperative,
persuasive) nakasentro ito sa mambabasa; ginagampanan nito ang lahat ng paraang
makaaapekto sa mambabasa, lalo na ang “emotive” upang lubusang maunawaan ng
mambabasa ang mensahe. Kabilang dito ang mga anunsiyo, panitikang popular, patalastas,
panuto, at iba pa.

Makikilala ang layon ng awtor kapag natukoy kung


aling tungkulin ng wika na nabanggit sa itaas ang
nangingibabaw sa isang partikular na teksto.
Seryoso ba ang tono ng teksto? Mas binigyan ba
ng diin ang lawak ng impormasyong taglay ng
teksto? O baka naman personal ang paglalahad at
gumamit ng panghalip na “ako” at ang salaysay ay
ANG LAYON NG AWTOR nakatuon sa mga personal na pangyayari sa
kanyang buhay? O baka gumamit ang awtor ng
lenggwaheng nanghihikayat o nagbibigay ng
babala. Kailangang mtukoy ng tagasalin ang layon
ng awtor kaugnay ng tungkulin ng wikang ginamit
sa tekstong SL; sa ganitong paraan , maililipat din
niya sa TL ang gayon ding tungkulin ng wika.

Dati, papel at pluma. Ngayon, sa makabagong


teknolohiya, abot na ng mga daliri ng tagasalin ang
mga kakailanganin niya. Kahit nakaupo lamang, sa
pamamagitan ng computer at internet ay
makapagsasaliksik ang tagasalin tungkol sa lahat
KAGAMITAN SA PAGSASALIN na ng paksa sa balat ng lupa. Isang pindot lamang
sa Google at tatambad na sa kanyang mga mata
ang talaan ng mga sangguniang
mapapakinabangan niya. Ang isa pang mahalagang
kagamitan sa pagsasalin ay isang
mapagkakatiwalaang diksiyonaryo ng kapwa
simulaan at tunguhang lengguwahe.
1. Diksiyonaryong monolingguwal - isang
wika lamang ang sangkot sa
diksiyonaryong ito; ang mga salitang
nakatala at ang kahulugan ng bawat isa ay
nasa iisang wika. Ang isang halimbawa nito
ay ang diksiyonaryong kilalang kilala ng
mga estudyanteng Pilipino, ang Webster’s
Dictionary, na nasa wikang Ingles. Ang
Diksiyunaryo ng Wikang Fillipino Sentenyal
Edisyon (1998) ng Komisyon sa Wikang
Filipino at ng UP Diksiyonaryong Filipino
ANG DIKSIYONARYO SA PAGSASALIN (2001).
2. Diksiyonaryong bilingguwal – magkaiba
ang mga wikang ginagamit sa mga salitang
nakatala at sa kahulugan. Halimbawa:
English – Tagalog Dictionary ni Leo James
English, C.Ss.R. at Pilipino – English
Dictionary ni Vito C. Santos. Ingles at
Filipino ang mga wikang ginamit sa
dalawang diksiyonaryong ito.
3. Diksiyonaryong espesyalisado – ito ang
diksiyonaryo ukol sa isang tiyak na
larangan, halimbawa, English-Filipino Legal
Dictionary ni Judge Cezar C. Peralejo.

Mga reperensiyang ginamit:


1. Teksbuk sa pagsasalin by: Aurora E. Batnag
2. Patnubay sa pagsasalin by: Virgilio S. Almario
3. Sining ng pagsasaling-wika sa Filipino mula sa Ingles by: Alfonso O. Santiago
4. Isang bagong aklat tungkol sa pagsasalin by: Dr. Michael M. Coroza
5. Pagsasaling wika slide share.com

You might also like