You are on page 1of 3

Performance Task

PANUKALANG PROYEKTO SA PAGTATATAG NG BANTAY BAYAN WEBSITE AT DESK


SA BARANGAY SAN ISIDRO

Pagpapahayag ng Suliranin:

Ang Barangay San Isidro ay isa sa mga pinakamalaki at pinaka-


urbanisadong barangay sa Lungsod ng Heneral Santos. Maraming mga subdivision at mga
establisyemento ang matatagpuan sa nasabing barangay. Marami ring mga gawaing
ekonomikal sa nasabing barangay na siyang nakakatulong upang magkaroon ng sapat at
malaking badyet ang nasabing barangay na siyang makakatulong sa mga proyekto nito.
Ngunit, noong tumama ang pandemya. Binalot ng korupsyon at katiwalian ang nasabing
barangay. Naranasan mg mga naninirahan sa nasabing barangay ang kawalan ng aksyon at
ang patronage system sa pamamahala ng Barangay. Naramdaman din ng mga kabataan ng
nasabing barangay ang kawalan ng presensya ng mga programa ng Sangguniang Kabataan
ng Barangay San Isidro. Walang nakuhang mga pinansyal at sosyolohikal na tulong ang mga
kabataan ng nasabing barangay sa kabila ng reyalidad na malaki naman ang badyet na meron
ang nasabing barangay. May kakulangan sa transparency at accountability ang nasabing
barangay. Dahil dito higit na nangangailangan ang mga mamamayan ng Barangay San Isidro
ng isang website na siyang makakatulong sa kanila upang ipaabot ang kanilang mga hinaing
sa Integrated Barangay Affairs Division at maipaabot ang kanilang mga kailangan na hindi
inaaksyunan sa barangay.

Layunin:

Makapagtatag at makabuo ng kauna-unahang good governance portal sa


Rehiyon Dose na siyang tutulong sa mga mamamayan ng Barangay San Isidro upang
maipaabot ang kanilang mga hinaing at mga suhestyon sa Integrated Barangay Affairs
Division hindi lamang para mapabuti ang pamamahala sa nasabing barangay ngunit upang
masigurado na rin na ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa Barangay San Isidro
ay natutugunan.

Plano ng Dapat Gawin


 I-propose ito sa Local Youth Development Council ng Gensan upang maisama sa
Taunang Pagpaplano ng Lungsod at barangay at maisaayos ang badyet.(1 buwan)
 Gumawa ng resolusyon sa Sangguniang Panglungsod upang masuportahan ang
pagpapagawa ng Bantay Bayan Website and desk.(3 Araw)
 Pagsasagawa ng pambublikong bidding para sa Transparency nito.(1 araw)
 Pagpupulong ng mga nangunguna sa proyekto, opisyales ng lungsod at konseho ng
barangay para sapagpili ng contractor at programmer. (1araw)
 opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor at programmer ( 1 araw)
 Pagpapatayo ng estruktura at paggawa ng website ng Bantay Bayan sa ilalim ng
pamamahala ng nangunguna sa proyekto at ng mga opisyales ng Barangay San
Isidro( 10 Buwan at 3 linggo)
 Pagpapasinaya at pagbabasbas ng opisyal na Bantay Bayan Website and building
ng Barangay San Isidro(1 araw)
IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


Halaga ng pagpapagawa ng Php 500, 000.00
Bantay Bayan building batay sa
isinumite ng napiling contractor.
(Kasama na rin rito ang mga
pintura, cemento, Bakal at atip.)
Sweldo ng mga manggagawa Php 80,000.00
Gastusin ng mga materyales sa Php 200,000.00
loob ng istraktura ng Bantay
bayan:
Mga Lamesa
Mga Upuan
Mga Pantakip na plastic
Alkohol
Pang kuha ng Temperatura
Set ng Kompyuter
Mga Papel
Mga Panulat
Mga Istamp
Mga Istapler at mga pandikit
Gastusin para sa pagpapagawa Php 150,000.00
ng sariling websayt batay sa
hinihingi ng mag pro-program
nito.
Gastusin sa pagpapakabit ng wifi Php 19,000.00
at buwanang bayad nito sa loob
ng isang taon.
Gastusin para sa pagpapsinaya Php 11, 000.00
at pagbabasbas.
Estimated na gastusin para sa Php 24,000.00
pagpapanatili ng kalinisan at
protocol na nakaayon sa ‘New-
Normal Set- up’ at kaayusan sa
loob ng isang taon.
Kabuoang Halaga Php 984,000.00

Ang pagtatatag ng Bayan Bayan website at pagpapatayo ng Bantay Bayan Building ay hindi
lamang isang hakbangin upang makamit ang transparent at accountable Governance ngunit
isa rin itong hakbangin upang masigurado na ang pangangailangan ng mga mamamayan ng
Barangay San Isidro ay natutugunan. Ito rin ay isang hakbangin upang makamit natin ang
pagiging ehemplo sa karatig Bayan sa Rehiyon Dose sa larangan ng inklusibong
pamamahala.

You might also like