You are on page 1of 2

LEYTE NORMAL UNIVERSITY

TACLOBAN CITY

Gawain 1 sa FIL 116 Panunuring Pampanitikan


Pagbuo ng Pamagat, Tesis na Pahayag at Tiyak na Layunin

PANGALAN: Neil Edward V. Navarrete SEKSYON/ISKEDYUL: SF2-3 (MTH 2:30 – 4:00)

PAMAGAT:

KAY STELLA ZEEHANDELAAR


Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

TESIS NA PAHAYAG:

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tesis sa pahayag ukol sa sanaysay na Kay Stella
Zeehandelaar:

1. Ang sanaysay na Kay Stella Zeehandelaar ay nabuo dulot ng heograpikal na lokasyon ng


lugar.
2. Ang sanaysay na ito ay kinpapalooban ng mga impormasyon tungkol sa pinagmulang lugar
nito.
3. Ang sanaysay na Kay Stella Zeehandelaar ay kakikitaan ng mga tradisyon, paniniwala at
kultura ng mga Javanese.
4. Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng personal na opinion ng may akda, isang halimbawa
ng pormal na sanaysay dahil sa pagiging seryosong paksa na pawing nakatuon sa kanilang
tradisyon at kultura.
5. Ito ay isang sanaysay mula sa Indonesia na naglalahad at nagtatalakay sa isang babaeng
nagnanais na kumawala sa nakasanayang tradisyon.

Ang sanaysay na Kay Stella Zeehandelaar ay kakikitaan ng mga tradisyon, paniniwala at kultura
ng mga taga-Indonesia.

Tinitiyak ng pananaliksik na ito na matatalakay ang mga sumusunod:

1. Tema
2. Buhay ng Tauhan at May-akda
3. Kaugalian ng mga Javanese nakapaloob sa sanaysay
4. Iba’t – ibang kultura ng mga taga-Indonesia

Ang mga sumusunod ay tesis na pahayag ukol sa Kultura ng mga taga – Indonesia:

1. Ang mga babae ay nakakapag-aral lamang hanggang elementarya.


2. Ikinukulong ang mga babae sa pagsapit ng kanilang ika-12 taong kaarawan at
pinapakawalan lamang sa pagsapit ng kanilang ika-16 na taong gulang para makapag-
asawa.
3. Mga lalaki ang binibigyang pagkakataong makapag-aral.
4. Ang mga babae ay pinag-aaral hanggang Grammar School lamang.
5. Sapilitang pinag-aasawa ang mga babae
6. Pinakamalaking kasalanan ng isang babaeng Muslim kung hindi ito mag-aasawa.
Ang mga taga-Indonesia ay may iba’t – ibang uri ng mga mahahalagang pagdiriwang:

Tinitiyak na masagot sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod na layunin:

1. Ang mga mahahalagang pagdiriwang


2. Sistema ng iba’t-ibang pagdiriwang
3. Sosyo-kultural na kaligiran

Niepi – Bagong Taon sa Indonesia at Iba pang mga Pagdiriwang

1. Ang pagdiriwang ng Bagong taon sa Indonesia at iba pang kaganapan ay mahahalagang


elemento ng kultura ng lipunan ng bansa, pati na rin ang palaging mga kadahilanan sa buhay
ng mga Indonesian.
2. Ang mga kapistahang ito ay bahagi na ng mga atraksyon at kultura ng mga taga-Indonesia na
ipinapakita ang mayaman na mga tampok na masining at kulturang nagpapakilala sa
Indonesia sa iba pang lugar
3. Isa sa mga pinakamahalagang konsepto na karaniwan sa mga seremonya ng Indonesia ay
tumutukoy sa konsepto ng “desha kala patra” na tumutukoy sa lawak ng kung aling mga
aktibidad.

Ang pagdiriwang ng mga iba’t-ibang kapistahan sa Indonesia ay mabisang paraan ng


pagpapakita ng kultura, paniniwala, tradisyon at pagkakaisa ng mga Indonesian.

Tinitiyak na matatalakay sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod:

1. Karanasan ng mga taga-Indonesia sa pagdiriwang ng kanilang mga kapistahan.


2. Kahalagan ng bawat kapistahan sa mga Indonesian
3. Kahalagahan ng turismo sa nasabing bansa
4. Epekto ng turismo sa kanilang ekonomiya

You might also like