You are on page 1of 31

PAMAGAT: 

MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO

TARGET:  MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT

TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG


PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA

LAYUNIN:

1. Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa pagtuturo at ang
iba pang makabagong paraan sa pagtuturo nito (wika).
2. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika.
3. Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng
wika.
4. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang
komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo.

1. I.   Ang mga Katangian ng Isang Mabisang  Estratehiya sa Pagtuturo

Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng


Filipino na ipinalalagay na mabisa:

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.


2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.
6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

1. II.            Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika

 EDCOM REPORT – nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa


pagsapit ng taong 2000.

1. Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat
ng asignatura.
2. Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na ituturo
bilang hiwalay na subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
3. Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng
pagtuturo para sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng
haiskul.
4. Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.
5. Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas na
larangan, dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong
pangkolehiyo.
6. Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa
pamamagitan ng Filipino.

1. III.         Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika

Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

                  NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin

NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o


ang kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?

 Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang  language


competence (kaalaman sa wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng
wika).
 TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning
gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at
pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap.

Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita at matanggap ng lipunan


na binuo ni Hymes sa akronim na SPEAKING.

SPEAKING ni Hymes. . . .

            S-Setting (saan nag-uusap)

P-Participants (sino ang nag-uusap)

E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)

A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati, pangungumusta, pagtatanong)

K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)


I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)

N-Norms (ano ang paksa ng usapan)

G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)

1. IV.        Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika

Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga mag-aaral: personal,
interpersonal, directive, referential at imaginative.

Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng wika kundi
binibigyang-diin ang paglinang ng kakayahang umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita
sa aspetong pambalarila.

Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng inilalarawan sa


dayagram.

                                                                                  

 
 

Mga Estratehiyang Tuwiran

 
 

 
Mga Estratehiyang Di-tuwiran

(Mga Estratehiyang Pangmetakognitib, Pang-apektib at Pansosyal)

1. V.   Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika


2. A.   Ano ang Pamaraang Komunikatib?
 Nag-ugat  sa notional-functional approach na pinaunlad ni David Wilkins ng Britanya.
(pokus sa mensahe kaysa sa porma o istruktura)
 Pinansin at binago ni Wilkins ang kanyang sariling pagtuturo ng wika.

1. B.      Ang Batayan ng Pamaraang Komunikatib

 Iba’t iba ang batayang lumalaganap na teorya ng communicative competence.


 Pinakapopular ang batayang pinaunlad ni Michael Canale at Merril Swain.
 Ayon sa kanila may apat aspekto o elemento ng communicative competence

1. Linguistic Competence-kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika


na sang-ayon sa mga tuntunin sa gramatika.
2. Socio-Linguistic Competence-isang batayang interdisciplinary.  Nakakaunawa at
nakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika.
3. Discourse Competence-may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap
kundi ng buong diskurso.
4. Strategic Competence-Wala raw taong perpekto ang kaalaman tungkol sa kanyang wika
at nakagagamit ng kaalamang ito sa tuwina na walang problema. (Coping o survival
Strategies)

1. C.      Ang mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Pamaraang Komunikatib

Ano ang mga prinsipyong sinusunod ng pamaraang komunikatib?

ü  Una, sa paggamit ng wika, malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano an konteksto ng


talastasan.

ü  Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di katulad noong araw na


ang gawain ng guro ay ituro partas o istruktura ng wika na gumagamit ng mga pagsasanay tulad
ng  substitution drills, pattern practice at iba pa.

ü  Pangatlo,higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kung gaano kahusay sa


pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao, hindi kung gaano ang nalalaman sa gramatika ng
isang wika.

ü  Pang-apat, mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na tumatawag sa
pakikipagtalastasan.

ü  Panlima, may iba’t ibang antas ng communicative competence, lalo na hindi maasahan na ang
isang hindi negative speaker ay magiging mahusay sa bawat uri ng pakikipagtalastasan.

EBALWASYON

1. I.   MALAYANG TALAKAYAN


1. A.   Paghambingin ang mga sumusunod:
1. estratehiyang tuwiran at estratehiyang di-tuwiran
2. language competence at language performance
3. socio-linguistic competence at discourse competence
4. linguistic competence at strategic competence
5. B.   Sagutin at pagbigyang paliwanag ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang  ang estratehiyang gagamitin sa
pagtuturo ay dapat na nakaugnay sa kakayahan at kawilihan ng
mga mag-aaral? Maglahad ng mga patunay.
2. Anu-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang
makabagong  kaalaman sa mga estratehiya sa pagtuturo?
3. Ano ang pamaraang komunikatib? Paano ito nakatutulong sa
mabisang pagtuturo ng wika?
4. II.      PAGLALAPAT
1. Muling ilahad ang nilalaman ng akronim na SPEAKING ni
Hymes pagkatapos ay bumuo ka ng isang sitwasyon na
aangkop dito.

PAMAGAT:  MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO

TARGET:  MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT

TAPIK:   ANG PAGTUTURO NG FILIPINO SA BINAGONG KURIKULUM

LAYUNIN:

1. Napalalawak ang kaalaman sa binagong kurikulum tungo sa pagtamo ng layunin sa


pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas ng pag-aaral.
2. Natatalakay at nasusuri ang iba’t ibang estratehiya/pagdulog na nakapaloob sa binagong
kurikulum sa iba’t ibang antas ng pagtuturo ng Filipino.
3. Nalalaman ang kalagayan ng nakaraan at kasalukuyang kalagayan ng pagtuturo ng
Filipino sa batayang edukasyon.
4. Nabibigyang-halaga ang kurikulum ng batayang edukasyon ng 2002 sa mga naisin nitong
mapaunlad ang pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas.

1. A.   Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng kasanayang Akademik

–  Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagrereistruktura ng kurikulum sa batayang


edukasyon dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1. Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro  sa kanilang


mga estratehiya sa pagtuturo.
2. Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat
silang masikap na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.
3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang
disiplina, sa mga gagamiting kagamitang paturo at multi-media sources.
5. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at 
ito’y behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.

Sa ginawang pagrebyu ng DepEd sa dating kurikulum sa Filpino lumitaw ang mga sumusunod
na obserbasyon:

(1)   Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mula elementary hanggang
tersyarya. Hindi pang-linggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa

(2)   Hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang kailangan sa pag-
aaral sa kolehiyo.

(3)   Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang
gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang istratedyik at kaalamang sosyo-linggwistik.)

(4)   Hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang isang disiplina.

(5)   Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at kaalaman sa
maunawang pagbasa at malikhaing pagsulat.

(6)   Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang sabdyek na
ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo at

(7)   Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT (kabuuang 64% sa loob ng 3 taon)

Napagpasyahang magkaroon ng pagrepokus sa kurikulum ng Filipino sa batayang framework.


ü  nilinaw na ang pangunahing mithiin sa pagtuturo ng Filipino ay ang makalinang ng mag-aaral
na pangkomunikasyon.(gramatikal, diskirsal,istratedyik at sosyo-linggwistik)

ü  Tiniyak na ang diskripsyon ng Filipino bilang isang sabdyek.

ü  bilang pantulong na sabdyek sa elementary, bibigyan ng diin ang paglinang ng apat na


kasanayang makro at kaisipang Pilipino.

 lebel 1-3, idedebelop ito sa mga komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng iba’t ibang
awtentikong materyal.
 lebel 4-6, lilinang naman sa paggamit ng Filipino sa malikhain at kritikal na pag-iisip

ü  Sa lebel sekundarya,makikilala bilang Filipino sa iskolarling pakikipagtalastasan.

 Sa unang dalawang taon, ang pokus ay gramatika at pagbasa (1-2)


 sa huling dalawang taon naman ay panunuring pampanitikan.(3-4)

ü  Maibubuod sa mga sumusunod na katangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa bagong


kurikulum.

a)      May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa


pag-aaral.

b)      Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mga


pagpapahalaga o values at mga kompetensi mula sa Agham Panlipunan at iba pang lawak ng
makabayan.

c)      Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga kasanayan sa


batayang komunikasyong interpersonal at sosyal.

d)     Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na matutuhan ang


nilalaman anuman ang anyo nito-teksto, grap, ilustrasyon at iba pa.

e)      May interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimedia.

f)       Humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na


wika.

g)      Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga


alternatibong paraang ebalwasyon, kooperatib/kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at
paglinang ng mga estratehiya sa pag-aaral.

h)      Hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto at pag-
oorganisa ng klase

 
KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO

NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon

A. DESKRIPSYON
MGA LAWAK O KASANAYAN SAKLAW NG MGA LAWAK O
KASANAYAN
           Ang Filipino bilang isang aralin o            Para sa MABISANG PAGTUTURO,
asignatura ay lumilinang  sa kasanayan sa ang mga TIYAK NA KASANAYAN ay
PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon
PAGSULAT at PAG-IISIP. ng iba’t-ibang kagamitan sa LUBUSANG
PAGKATUTO.
          Bukod sa kasanayan sa PAKIKINIG,            KONSEPTO NG SIBIKA AT
PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT, KULTURA, ang NILALAMAN ng Filipino
ang FILIPINO bilang isang aralin ay sa una hanggang ikatlong baitang
lumilinang sa kasanayan ng PAG-IISIP.
a. Maaaring gamitin ng Filipino ang
  nilalaman ng SK/HKS. Ang pokus ay nasa
PAGLILINANG ng mga kasanayan sa
PAKIKIPAGTALASTA-SAN.

      b.Inaasahang ang mga BATAYANG


KASANAYAN sa pagbasa ay matutuhan
nang lubusan sa tatlong unang baitang.
2. PAGBABAGO SA MGA KASANAYAN O KOMPETENSI SA PAGKATUTO
 
1. Pagsasaayos ,pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad upang
3. MGA
maiwasan ang pag-uulit-ulit INAASAHANG
ng mga ito. BUNGA  
2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan  
 
3. Pagbibigay diin saMITHIIN
PAGBASA at PAKIKIPAGTALASTASAN para sa pag-unawa sa
            Nagagamit ang Filipino  
mga BATYANG KAISIPAN O KONSEPTO SA sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN
MATEMATIKA AT AGHAM. (pasalita o
 
pasulat) , nagpapamalas ng kahusayan  sa pagsasaayos ng iba’t-ibang impormasyon at
mensaheng narinig at nabasa para sa KAPAKINABANGANG PANSARILI   at
  PANGKAPWA at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.
4. NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO

PAGBABAGO
BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO
I-III 60 80 Dagdag na 20 minuto
IV-VI 60 60 Walang dagdag
PAGBABAGO
1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto
samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto
2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80 minuto.
Walang dagdag sa Baitang IV-VI.
3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA
BAITANG IV-VI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG KASANAYAN  sa pag-aaral
ay natutuhan na sa unang tatlong baitang..

5. MGA DAPAT ISINASAALANG –ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

1. PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD

Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills –Based


Integration)
HULWARAN 1
May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa isang aralin,
kung saan sama-sama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.
Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng mga
kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGSULAT AT PAG-IISIP.
Isaalang –alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI O LUBUSANG
PAGKATUTO.
HULWARAN 2
Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang ang lahat ang lawak o
kasanayan nang sabay-sabay.
2.  PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA FILIPINO SA    NILALAMAN O
KONSEPTO NG IBANG ASIGNATURA (CONTENT-BASED INTEGRATION
TANDAAN
a.) SA BAITANG I-III
Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa kasanayan sa Pakikipagtalastasan
ang pokus.
                        TEKSTO/BABASAHIN/PAKSANG ARALIN NG SK AT
b.) PAGPAPAHALAGA O EKAWP GINAGAMIT NA MGA KAGAMITANG
PANLITERATURA (TULA, KWENTO, ALAMAT AT IBA PA)
              Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD  sa paglinang ng mga kasanayan sa
Filipino.
                Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN  ay isang kwento. Ang PAKSA o
NILALAMAN ng kwento ay nauukol sa SK  at EKAWP , sa ganitong sitwasyon nalilinang hindi
lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO.
  BIGYANG DIIN ANG GANITONG PAGSASANIB SA ORAS NG
TALAKAYAN SA NILALAMAN NG MGA TEKSTO O
  KAGAMITANG PANLITERATURA NA GINAGAMIT NA
LUNSARAN NG PAGLINANG NG KASANAYAN
c.)
  INTERAKTIBONG PAGDULOG (INTERACTIVE APPROACH)

3.
  BATA BATA K-PANG

GURO
  1 2 PAGTUTURO
  Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon
(meaningful interaction)
a.)
   

b.) Isang gawaing sama-sama (collaborative activity)


  Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan

c.)
    Pagpaphayag ng sariling ideya

1.)
    Pag-unawa sa ideya ng iba

2.)
    Nakikinig sa iba

3.)
    Bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto (shared context)

4.)

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon

MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA


SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON
1. Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino,
kinakailangang taglay niya angm mga kasanayang makro: ang pagbasa, pagsulat,
pagsasalita, pakikinig at pag-iisip.
2. Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan ,
nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng kasanayang
komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyo-linggwistik at istratedyik.
Sa Unang Dalawang Taon
               Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak  
na istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay ng pagtatamo ng  wastong
Sa Huling sa
kasanayan Dalawang Taon
maunawang pagbasa. Upang matamo ang mga ito, pinagsanib ang mga
interdisiplinaring
             Ang pokuspaksa at ang
ay ang makabagong
pagtatamo nakapaloob
ng mapanuring sa iba’t-ibang
pag-iisip uri ng teksto
sa pamamagitan ng tulad
ng
kritikal na pagbasa at pag-unawa sa iba’t-ibang genre ng panitikan na nakasalin sa at
mga tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic, literasi at politico-ekonomik
ang pagkatuto ng iba’t –ibang istrukturang gramatikal.
Filipino.
Sa Bawat Taon
          Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa  
pamamagitan ng eksposyur sa iba’t-ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito
Sa pinagtutuunan
ay Apat na Taonang isang liggong leksyon sa bawat markahan.
Binibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa
akademikong wika.
Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat Taon
Unang Taon Ikalawang Taon Ikatlong Taon Ikaapat na Taon
Ibong Adarna Florante at Laura Noli Me Tangere El Filibusterismo

Ang Thematic Curriculum

          Ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan sa


pagkatuto gaya ng programa, kurso at iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan sa
mga mag-aaral sa higit na malawak at pangnilalamang tema.
Ang mga Benepisyong Matatamo sa Paggamit ng Thematic Curriculum
1. Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga
karanasan sa pagkatuto.
2. Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at
pagkatutong nagaganap sa lugar ng paggawa at komunidad.
3. Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan awtentik.
4. Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain.
5. Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay.
6. Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na mataas na edukasyon at
paghahanapbuhay.
7. Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkariniwang interes

Ang mga Benepisyong Matatamo Para sa mga Edukador


1. Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng grupo ng
mga propesyunal na may mga estratehiya sa pagkatuto.
2. Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay nama’y mga positibong  impak sa
mga mag-aaral.
3. Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng pamumuno sa pagsasaayos
ng paaralan at pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga matagumpay na
karanasan sa paaralan.

Ang mga Pangunahing Salik sa Lahat ng Aspeto ng Thematic Curriculum


1.  Ang Thematic Curriculum ay maaaring maipatupad sa maraming paraan gaya ng
kurso, akademya klaster, magnet at ang buong paaralan.
2. Ang Thematic Curriculum ay maaaring maisanib  sa ibang mga reporma gaya ng
integrasyon ng edukasyong bokasyunal at akademiko, transisyong paaralan-paggawa.
3. Ang Thematic Curriculum ay nakalaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat
maaari ring maging kapakipakinabang sa paaralang elementarya.
4. Ang Thematic Curriculum ay magsisilbing tulay upang mapagsama angmga
karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa paaralan at paggawa.
5. Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na
produksyon at tradisyon ay binawasan ang pagpapatupad ng thematic curriculum na
nabuo mula sa mga aspekto.

Ang mga Pangunahing Pagdulog sa Pagtuturo ng Filipino sa Antas ng Elemenytarya


Lapit/Pagdulo Tradisyunal Istruktural Komunikatib Whole Language
g
   Isang    Sistemang Isang pormal na sis- Isang prosesong
organismo pasalita, Global at nakabase
Teorya/Prinsip nasusulat, tema ang wika at sa wika (language-
yo kumbensyun arbitraryo at pang may mga gamit ding based) ang  
al ang wika – functional para pagkatuto kaya
pagkilala at nasa mga  
pagbuo komunikasyon sa mga integradong
ang komunikatibong kasanayan ang  
  pangangailangan oryentasyon.Mapag
wika, mekanikal -aralan  
  ang
ang wika bilang  
pagkatuto at tugon sa
huhubog sa mga espisipikong  
kaugalian (habits) pangangailangan.
 
 
  Pagkilala at Pagtatamo ng Pagtatamo ng kasa- Pagtatamo ng  
pagbuo ng mga literasi
Mga Layunin mga nayan
kasanayan pang- na
bahagi ng ling- -linggwistik nangangahulugan
pananalita,
was- gwistik (pagbuo -sosyo-linggwistik ng magkasanib na
ng mga ponema,
tong gamit morpe- -pang-diskors paggamit ng mga
ng salita ka-
ma at -pang-estratehiya
  pangungusap sanayang pangwika
 
Magkahiwal   sa iba’t-ibang
ay na   gamit
pagsasa-  
  (akademik ,
nay sa Patterns, komuni-
pagbuo ng substitution  
mga ba- kasyon)
Drills, Cooperative/interactti
hagi ng mimicry,tag- ve learning (dyadic  
pananalita
memics (pokus sa exchange, group  
  anyo ng work information
wika)magkahiwal gap,task-oriented) Cooperative/interac
  ay na pagtuturo ti-
ng wika at  
  pagbasa ve
interaktibong pag- learning,problem
 
aaral ng wika at solving , peer
coach-
pagbasa
ing student
empower-

ment
IBA’T-IBANG MODELO

Ang Modelong Batay sa Tema o Paksa ng Pag-aaral (Theme o Topic CourseModel)

                                                             

Wika

 Agham

                                                           

                                                              Matematika

              Agham Panlipunan

 Iba pang saklaw ng nilalaman

Ang Modelong Magkakahiwalay (Sheltered Courses Model)

 
 

Ang Modelong Magkasanib (The Adjunct Model)  

Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (Content –Based Instruction o


CBI)
            Binibigyang kahulugan nina Brinton , Snow at Iverche (1989) Ang
pagtuturong Batay sa Nilalaman bilang integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman at
sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y tumutukoy sa kasalukuyang pag-aaral
ng paksa at paksang aralin , nang may porma at pagkakasunud-sunod ng  
presentasyong taglay ng nilalaman ng teksto. Naka-pokus ito hindi lamang sa
pagkatuto, kundi sa wikang gamit bilang midyum ng pagkatuto ng matematika,
agham panlipunan, at iba pang mga asignaturang pang-akademiko.

 
Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA)
MGA ESTRATEHIYA
1. Ang estratehiyang metakognitib. Ito’y tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan,
kaalaman at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa
(Royo,1992). Ito’y pagpaplano para sa pagkatuto, pagmomonitor at produksyon, sa
pagtataya kung paano natamo ang layunin sa pagkatuto.
2. Ang estratehiyang kognitib. Ito’y interaksyong may kasamang materyal
(pagpapangkat-pangkat, pagtatala, pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental,
pagbabahagi ng bagong impormasyon sa dati nang natutuhang mga konsepto o mga
kasanayan. Ito’y estratehiyang gingamit ng mga manmbabasa sa pagkatuto ng mga
akademikong disiplina.
3. Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Ito’y interaksyon sa iba pa upang makatulong sa
kanyang pagkatuto.

PARAAN/TEKNIK
Pagkatutong  Tulung-tulong (Cooperative Learning)
Ito’y isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na
humihikayat sa mga mag-aaral na gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat upang
matutuhan ang aralin. Natutuhan ng pangkat ang isang partikular na konsepto o nilalaman
kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang miyembro sa diskusyon/usapan.
Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong tulung-tulong na nilahad nina Johnson
at Johnson (1986):
1. Pagbuo ng pangkat
2. Paggawa bilang isang pangkat
3. Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat
4. Pagbuo ng magkakaibang ideya.

Mga Kasanayan sa Pagbuo ng Pangkat

 
 

Mga Kasanayan sa Paglutas ng Problema  

PANGKAT

1. Pagbuo ng suliranin
2. brainstorming
3. paglinaw ng mga ideya
4. pagsang-ayon sa mga ideya
5. pagpapalawak ng mga ideya
6. pagtingin sa maaaring maganap
7. pagpuna sa mga ideya
8. pagbuo ng impormasyon
9. paghanap ng solusyon

Ang Mga Estratehiya sa Pagkatutong Tulung -Tulong

1. Pagsasatao (Role Playing)


2. Mag-isip, Humanap ng Kapareha at Makibahagi (THINK, PAIR, and SHARE)
3. Brainstorming
4. Graphic Organizer

 
 

ANG FILIPINO SA BATAYANG ANTAS NG EDUKASYON

ni Clemencia C. Espiritu, Ph. D

Ang Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002

Ang mga sumusunod ang naging batayan ng Kurikulum 2002

ü  Ang layunin ng edukasyong elementary, ayon sa Education Act of 1982

ü  batayang patakaran sa edukasyon sa isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987

ü  Governance of Basic Education Act of 2001 GOVERNANCE OF BASIC EDUCATION ACT


OF 2001

Inilahad ang pangkalahatang tunguhin ng batayang edukasyon:

ü  linangin ang mga mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga batayang


kasanayan sa literasi, numerasi, kritikal na pag-iisip at mga kasanayang pampag-aaral at mga
kanais-nais na halagahan(values) upang sila’y maging mapagkalinga, makatayo sa sarili, maging
prodaktibo, magkaroon ng kamalayang panlipunan, maging makabayan at responsableng
mamamayan.

Sa nireistrukturang Kurikulum 2002, binigyang ibayong pansin ang pagsasanay para sa


pagtatamo ng mga kasanayan sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga halagahan at ang
pagkilala sa iba’t ibang katalinuhan ng mag-aaral (multiple intelligence)

Ang Kurikulum ng Filipino sa Antas Elementarya

 Mithiin sa pagtuturo ng Filipino ang:

“Nagagamit ang Filipino sa makabuluhang pakikipagtalastasan, (pasalita at pasulat):


nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng narinig at
nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto para
makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig”

 Layunin ng pagtuturo ng Filipino sa elementary na linangin ang apat na makrong


kasanayang pangwika:pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat gayundin ang pag-iisip,
sa mga baiting I-VI, ang mga tiyak na kasanayang ito ay lilinangin sa mga sitwasyong
pangkomunikasyon, gamit ang iba’t ibang materyal tungo sa pagkakaroon ng masteri.
 Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng Filipino sa mga baiting I-III upang magkaroon ang
mag-aaral ng sapat pag-unawa sa bawat aralin at maisama ang barayti ng mga tekstong
literari at di-literari sa mga gawain sa pagbasa at pag-unawa.

Ang Filipino sa Antas Sekundarya

 Ilan sa mga obserbasyong iniulat ni G. Arturo Cabuhat ang mga sumusunod:

a)      Repetisyon at overlapping ng mga itinuro lalo na sa wika mula sa elementarya hanggang
tersyarya.

b)      Kakulangan, kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas.

c)      Mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang

d)     Walang kaayusan at pokus sa pagpili ng kontent at pagtalakay sa panitikan

e)      Di-lubusang paglinang ng kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa pagkatuto ng mga
asignaturang itinuturo sa Filipino.

 Nagsagawa ang DepEd ng mga hakbang tungo sa pagrereporma ng kurikulum. Sa antas


Sekundarya, mithiin ng pagtuturo ng Filipino na “ makadebelop ng gradweyt na mahusay
na komyunikeytor sa Filipino…”
 May atas din na ang pagtuturo ng Filipino ay dapat gamitan ng mga tekstong hango sa
mga asignaturang pangnilalaman tulad ng Aralin/Agham Panlipunan, Agham at
Teknolohiya. Literatura at iba pang kaugnay na disiplina.
 bago makagradweyt sa batayang edukasyon, dapat taglay ng mag-aaral hindi lamang ang
mga kasanayang pangwikang batayan at interpersonal, kundi pati ang mga kasanayang
pangwikang kognitib at akademik.

Pananaw sa Wikang Filipino sa Bagong Kurikulum

Ang WIKA sa dating KURIKULUM ay tinitingnan bilang asignatura na nakapokus sa paglinang


ng kaalamang panggramatika at ng apat na makrong kasanayang pangwika.
Sa binagong KURIKULUM ang WIKA ay itinuturing ito hindi lamang obdyek ng pagkatuto o
isang asignatura, kundi instrument rin para matuto ang mag-aaral ng marami pang bagay bukod
sa Filipino.

PANANAW SA PAGTUTURO NG WIKA

 Tunguhin ng bagong kurikulum sa Filipino na:

a)      maituro ng holistic at natural ang wika

b)      malinang hindi lamang ang kasanayan sa komunikasyong interpersonal kundi ang kognitib-
akademik na kasanayang pangwika.

c)      mabigyan ang mag-aaral ng eksposyur sa mga paksang nakapaloob sa mga asignaturang
pangnilalaman.

d)     malinang ang mataas na kasanayan sa pagbabasa at pagsulat

e)      malinang ang kritikal na pag-iisip ng mga-aaral

f)       maitaas ang kaalaman at pagpapahalagang pampanitikan.

MGA BAGONG PANANAW SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

a)      Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at ang kaugnayan ng mga ito sa
nagbabagong layunin ng edukasyon

b)      Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at makatotohanang


pakikipagtalastasan.

c)      Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at paggamit ng alternatibong pagdulog


sa pagtuturo ng wika na batay sa pangangailangang komunikatib.

d)     Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong komunikatib

e)      Higit na malawak na pagkaunawa sa pagkakaugnay-ugnay o integrasyon ng mga


kasanayang pangwika tulad ng pagbasa at pagsulat, pakikinig at pagsasalita .

f)       Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa iba’t ibang antas ng
pangangailangan.
g)      Interes sa mga pinagsanib na programa tulad ng wika at araling panlipunan.

h)      Pokus sa pangangailangan, interes at motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin sa proseso


ng pagkatuto at ang mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

i)        Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral sa silid-aralan. Pagbibigay-diin sa


tambalan at pangkatang interaksyon at sa peer teaching.

j)        Pagbuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic tulad ng pagdulog na komunikatib.

Batay sa mga nabanggit, nagmungkahi ang DepEd ng mga pananaw at estratehiya sa


pagtuturo:

1. PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN O CONTENT-BASED


INSTRUCTION (CBI)

C Integrasyon ng kontent ng mga asignaturang tulad ng Heograpiya, Kasaysayan, Sibika at


Kultura, Agham at iba pa sa pagtuturo ng wika.

C mahalaga ang kolaborasyon ng guro ng wika at ng content area subject dahlia sa paggamit ng
input sa dalawang lawak.

C ang layunin ng guro ay malinang nang sabay ang kasanayang pangwika at pagtatamo ng
akademikong kaalaman.

Pangunahing katangian ng Pinagsanib na Pananaw

a)      Nalilinang ang mga kasanayang kognitib at pangwika

b)      Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol dito sa pokus kundi kung ginagamit itong
instrument sa pagkatuto.

c)      Naipauunawa ang input sa iba’t ibang kaparaanan tulad ng demonstrasyon, biswal, aktwal
na pagsasagawa at manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng guro sa mga aralin.

d)     Inaalam ang eskrima o datihang kaalaman at iuugnay ito sa bagong tapik.

e)      Ipinakikita ang mga kasanayang komunikatib sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik,
interaksyon sa materyal, kapwa mag-aaral at mga guro

f)       Hinihikayat/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto

g)      Nililinang/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto


h)      Nahahamon ang katalinuhan ng mag-aaral.

i)        Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng awtentikong
materyal para maituro nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat.

2. TEMATIK NA PAGTUTURO

Ipinaliliwanag ng DepEd ang pakahulugan dito:

“Thematic teaching recognizes learning around ideas. It provides a framework for linking
content and processes from a variety of disciplines. The theme provides coherence and focus for
accompanying activities. The theme enables learners to see the meaningful connections across
content or skills areas. .”

3. INTERAKTIB NA MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO

C Mahalaga ang interaksyon sa anumang pagtuturo.

C ayon kay Well Rivers (1987) ay isang gawaing kolaboratib na kinapapalooban ng tatsulok na
ugnayang nagpapahatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging
pasalita o pasulat man ang komunikasyon.

C May tatlong interaksyon na maaaring lahukan ang mag-aaral:

 interaksyon sa guro
 sa kapwa mag-aaral
 sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral

4. KOLABORATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

C Nakapokus sa KOOPERASYON ng mga mag-aaral sa mga gawaing pagkatuto.

SINTAKS NG KOOPERATIBONG MODELO SA PAGKATUTO

a)      Ilahad ang tunguhin ng gawain.

b)      Ilahad ang impormasyon.

c)      Pangkatin ang mga mag-aaral.

d)     I-monitor ang mga pangkat.

e)      Ipalahad sa pangkat ang resulta ng kanilang gawain.

f)       Kilalanin ang pagsisikap ng indibidwal at pangkat, gayundin ang kanilang natamo.
g)      Paglaanan ang mga gawaing lilinang sa iba’t ibang katalinuhan.

h)      Pagsanibin ang kahalagahan (values) sa pagtuturo at aplikasyon ng mga pagpapahalagang


ito.

          Samakatuwid…

C Napakalaking hamon sa kaalaman at kakayahan ng guro ang pagpaptupad ng kurikulum lalo


na ng 2002 sapagkat ang kurikulum ng 2002 ay interaktib, kolaboratib at integratib, nakapokus
sa mga batayang kasanayan at kahalagahan at lumilinang ng iba’t ibang katalinuhan.

EBALWASYON

1. I.   MALAYANG TALAKAYAN


1. A.   Ipaliwanag ang mga sumusunod na mahahalagang salita/parirala sa
Binagong Kurikulum:
2. tematik na pagdulog
3. interaktibong pagdulog
4. kooperatibong pagkatuto
5. kolaboratibong pagdulog
6. pagtuturong batay sa nilalaman
1. B.   Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:
1. Anu-ano ang naitulong ng binagong kurikulum sa pagtatamo ng layunin sa
pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas? Maglahad ng ilang patunayan.
2. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng pagbabago o
baguhin ang/sa kurikulum ng ating edukasyon? Makabuluhan ba ito?
Bakit? Patunayan ang iyong kasagutan.
3. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Thematic Curriculum sa
pagpapatupad ng binagong kurikulum sa batayang edukasyon?
4. Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan. Ano kaya ang kaugnayan nito sa
pagtamo nang layunin ng binagong kurikulum ng 2002 sa batayang
edukasyon?

“Tell me and I forget

Show me and I remember,

Involve me and I understand”

-Chinese Proverb

1. II.   PAGLALAPAT
2. Pag-aralan ang mga pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino sa antas elementary.
Pumili ng 1-2 angkop na gamitin sa pagtuturo. Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang
napili.

Advertisements

Share this:

 Twitter
 Facebook

Related

MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINOIn "MAED-FLT"

ANG EDUKASYONG BILINGGUWAL NG 1974 (1974-1986)In "MAED-FLT"

Wika? ano ba ang WIKA?In "kahalagahan"

Posted in MAED-FLTTagged estratehiya, pagtuturo, teknik, wika7 Comments

Post navigation
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG KORIDONG IBONG ADARNA
TULANG ROMANSA
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO

7 thoughts on “ANG MGA ESTRATEHIYA SA


PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG
KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA”

1. jovina lazo says:

June 13, 2013 at 3:24 am

Ano po ang mga saklaw na ituturo ngayong K-12 na ang kurikulum? Salmat po…
Reply

1. filipinotek says:

July 8, 2013 at 10:56 am

@jovina lazo, depende sa asignatura at sa antas ng pag-aaral ng mag-aaral…may


inihanda ng Learning Materials at Teachers Guide ang department of Education
upang maituro sa mga mag-aaral…isa ka rin bag guro?

Reply

2. Mary Ann Hortilano says:

July 8, 2013 at 7:52 am

dagdag impormasyon lang po tungkol sa makabagong pagdulog at estratehiya sa


malikhaing pagtuturo ng komposisyon..

Reply

3. teresa f. espinosa says:

December 5, 2013 at 1:19 pm

ano po ang diskripsiyon ng asignaturang filipino para sa mag-aaral sa unang baitang?

Reply

4. alice says:

March 16, 2014 at 10:13 pm

maraming salamat sa mga impormasyong ibinahagi ninyo…nakakatulong ito nang


malaki sa akin bilang isang guro…Mabuhya po kayo!

Reply
5. cristy rolle says:

March 23, 2014 at 9:23 am

anu pa po ung ibang estratehiya sa pagtuturo ng filipino

Reply

6. julie ann bolivar says:

April 4, 2014 at 10:43 am

PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKANG PILIPINO AT ANTAS NG


KASANYANG PANG-KOMUNIKATIBO NG MGA MAG AARAL SA IKA- 7
BAITANG.
TESIS NMIN TO.SA FIL…. TULONGAN MONAMAN AKO KAHIT KAUNTE
LANG. THAXKS

Reply

Leave a Reply

Search for:

FILIPINOTEK CALENDAR
March 2013
M T W T F S S
    Jun »
  1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31

MAY-AKDA
 filipinotek

Recent Posts
 Halimbawa ng Scavenger Hunt sa Filipino
 Halimbawa ng Instruksyunal Teknik
 Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino
 PILOSOPIYA NG WIKANG FILIPINO
 SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO: Tungo sa Maka-Pilipinong Pananaliksik

Categories
 FILIPINO 7
 FILIPINO IV
 KATHA
 MAED-FLT
 PANITIKAN
 Uncategorized
 WIKA

Archives
 October 2016
 February 2015
 June 2014
 March 2013

Recent Comments

shane on Kasaysayan ng El Filibust…

JhamMailah on Ibong Adarna bilang Tulang…

em-em on Kasabihan ng dalubhasa tungkol…

julie ann bolivar on ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTU…


cristy rolle on ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTU…

Blogs I Follow
 Metamorphosis of Letters
 Aklatang Bayan
 FILIPINOTEK

Meta
 Register
 Log in
 Entries RSS
 Comments RSS
 WordPress.com

https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ang-mga-estratehiya-sa-pagtuturo-ng-wika-at-ang-
pamaraang-komunikatib-sa-pagtuturo-ng-wika/

You might also like