You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
Marciano del Rosario Memorial Elementary School

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5


Agrikultura

I. Layunin
A.Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng hayop
bilang gawaing mapagkakakitaan.

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-aalaga ng hayop bilang gawaing
mapagkakakitaan.

C. Layunin
Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat ihanda upang
makapagsimula sa pag-aalaga ng hayop o isda

C.Most Essential Learning Competencies (MELCs)


Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat ihanda upang
makapagsimula sa pag-aalaga ng hayop o isda. EPP5AG-0h-16

II. Nilalaman
Kagamitan at Kasangkapan sa Pag-aalaga ng Hayop o Isda
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pp.86-87, EPP5 (Agrikultura)
Modyul 6

2. Mga pahina sa kagamitang Pang- Mag-aaral


LM pp 96-98

3. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resource


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6931
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/7243

B. Iba pang Kagamitang Panturo:


Online Platform: Google Meet
Cellphone, computer, images/powerpoint

IV. Pamamaraan
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin.
Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat sa nakalaang linya ang tamang sagot na mapipili
mula sa mga salita na nasa loob ng kahon.
Broiler Pugo Tilapia
Layer Minorca Itik

__________ 1. Nangingitlog ng 200 pirasong itlog sa isang taon


__________ 2. Ang itlog nito ay mayaman sa protina kung kaya’t ito ay mainam sa pagpapalaki
ng katawan at mga kalamnan.
__________ 3. Inaalagaan ang manok na ito para sa mga itlog nito.
__________ 4. Karaniwang pinalalaki ito sa mga palaisdaan sa likod-bahay.
__________ 5. Inaalagaan ang manok na ito para sa taglay nitong karne.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Inquiry-Based Learning Approach)


Mahilig ba kayo sa hayop? Nais mo bang mag-alaga ng mga hayop? Anong uri ng hayop
ang gusto ninyong alagaan at pagkakakitaan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Integrative Learning Approach)


Pagbasa ng isang dayalogo.
Itanong: Nakabasa na ba kayo ng isang dayologo?
Ipapaliwanag kung ano ang dayologo.
Pasagutan ang mga gabay na tanong.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Talakayin ang mga kagamitan at kasangkapan na dapat ihanda upang makapagsimula
sa pag-aalaga ng hayop o isda.
1. manok
2. pugo
3. itik
4. tilapya

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Gumawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng hayop o isda.
HAYOP KAGAMITAN/KASANGKAPAN

F. Paglinang sa Kabihasaan (Collaborative Learning Approach)


Pangkat 1: Gamit ang web map organizer, itala ang mga kasangkapan at kagamitan sa
pag-aalaga ng manok.
Pangkat 2: Hanapin sa word puzzle ang mga kasangkapan at kagamitan sa pag-aalaga
ng pugo at itik.
Pangkat 3: Pumili ng isang hayop batay sa ating napag-aralan at iguhit ang mga
kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga nito.

G. Paglalapat
Basahin ang maikling talata at ayusin ang mga salitang nakasalungguhit upang
mabuo ang mga konsepto. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.
Maraming dapat isaalang-alang na kagamitan kung tayo ay magsisimulang mag-
alaga ng hayop. Kailangan ng lngakunu upang masiguro na ligtas sila sa init at lamig.
Upang maging malakas at hindi magkasakit, lagi silang painumin ng tanbmiai. Lagyan ng
malinis na bgtiu ang kanilang inuman para manatili silang maliksi at masigla. Bigyan din
sila ng sapat at wastong pikanga. Sa mga aalgaang isda, mainam na magtayo ng isang
maliit na ofndsihp. Ilan lamang yan sa mga dapat nating ihanda kung mag-aalaga ng
hayop.

H. Paglalahat
Ano-ano ang mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng:
1. manok
2. pugo
3. itik
4. tilapia
Bakit mahalaga na maitala ang mga kasangkapan at kagamitan sa pag-aalaga ng hayop?

I. Pagtataya
Itala kung anong kagamitan o kasangkapan ang tinutukoy na kailangang ihanda bago
magsimulang mag-alaga ng hayop. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Growing mash starting mash fishpond dropping board kulungan
Artificial brooder bitamina at gamot buhangin laying mash pawid at kawayan

_____1. Paglalagyan ng aalagaang isda na gawa sa semento.


_____2. Pagkain ng pugo sa loob ng isang buwan.
_____3. Kailangan ng mga hayop upang mapanatiling malusog.
_____4. Ilaw na nagbibigay init sa mga sisiw.
_____5. Pagkain ng manok para sa anim na linggo.
_____6. Nagsisilbing tirahan ng mga hayop upang maging ligtas sa init at lamig ng panahon.
_____7. Inilalagay sa kulungan ng pugo na ginagamit sa pangingitlog.
_____8. Inilalagay na tabla o yero sa ilalim ng kulungan upang mapadali ang paglilinis ng dumi
ng manok.
_____9. Dito yari ang kulungan ng mga itik.
_____10. Pagkain para sa manok na nagsisimulang mangitlog.

J. Karagdagang Gawain
1. Pumili ng angkop na hayop na maaaring alagaan sa inyong bakuran. Iguhit ito sa kuwaderno.

2. Iguhit mo ang mga kagamitan at kasangkapang gagamitin sa pag-aalaga ng piling hayop.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

MA. LORELYN A. CENTENO MA. CECILIA J. PASCUAL


Guro I Punong Guro I

You might also like