You are on page 1of 1

Pantay na karapatan para sa lahat ng tao, mayaman

man o mahirap, kailangan na respetuhin ang bawat isa.

Ang kwentong ito ay nagpapakita kung gaano kalupit ang Sistema ng pamumuhay sa panahong iyon.
Mas matimbang ang mayayaman kaysa mahihirap. Sa puntong ito, sa sobrang kahirapan at ang hindi
pagtrato ng maayos sa kapwa na nila, ang ilan ay nakakagawa ng di kaaya-ayang pangyayari dahil na
din sa sakit ng kanilang kalooban.

Ang pangunahing tauhan ay ang dalawang preso na naguusap patungkol sa kanilang kaso. Ang ang
isang preso ay may kasong arson dahil sa pagsunog sa isang hospital baya’t sa sama ng loob ng
hindi nila inasikaso ng maayos ang kanyang buntis na asawa na si Luding at dahil rin sa estado ng
kanilang buhay kaya’t namatay ang kaisa-isa nilang anak.

Naipapakita sa kwentong ito na walang lugar ang mga mahihirap sa mundo ng mga
makapangyarihan tao sa paghingi palang ng tulong ni Ludang sa asawa ng taga-BIR ay wala ng
kusang loob ngunit naawa ang mister kaya’t idinala sa hospital sa takot na may masamang
mangyari, ngunit hindi nagtapos ang pagdiskriminasyon sa puntong iyon dahil pagkarating sa
hospital ay hindi na sila na bigyan ng karapatan na serbisyo galing sa hospital.

Ang pagtulong sa kapwa ay isang utang na loob ng bawat isa lalo’t kung buhay ang
pinaguusapan. Madaming mapanghusga sa katayuan ng buhay ng ibang tao sa panahon na ito.
Madami ang hindi alam tumingin sa kanilang pinanggalingan, mga mapangmaliit na tao at
mapagmataas. Ngunit gayunpaman, sa kabila ng hirap na nararanasan natin huwag mawalan ng
pagasa, mas tibayan pa natin ang loob natin at ang paniniwala sa Panginoong Diyos dahil mas
mayaman ang may Diyos na kinikilla kaysa sa mayamang mapagmataas.

You might also like