You are on page 1of 4

SEMI-DETAILED LESSON PLAN

Subject: Araling Panlipunan


Prepared By:
/ Year level: Grade 8
Date: October 16, 2023
Time Frame: 45 minutes

I. Layunin

1. Mabibigyang kahulugan ang mahahalagang konsepto na may kaugnayan sa paksa.


2. Makapagsuri ng mga talahanayan, larawan at mapa at mga babasahin na
magpapaliwanag ng paksa.
3. Makabubuo ng mga konklusyon hinggil sa kalagayan,pamumuhay at debelopment ng
sinaunang pamayanan.
4. Makapagsulat ng iyong repleksiyon o realisasyon tungkol sa naging pag-unlad ng
pamayanan patungo sa pagtatatag ng mga imperyo.
5. Mapapahalagahan ang mga naging ambag / kontribusyon ng kabihasnan sa lipunan.

II. Nilalaman

Paksa: Sinaunang Kabihasnan sa Asya (Konsepto at kahulugan ng Kabihasnan)


Sanggunian: Pinagmulan Kasaysayan Kayamanan Pagkakakilanllan, Pahina 103-110
Kagamitan: Libro, LCD projector, Module at Laptop

III. Pamamaraan

A. Mga Paunang Gawain


• Pagdadasal
• Pagtataya ng liban

B. Balik aral

C. Paglalahad
1. Halina’t tuklasin!
Subukin ang mga mag aaral sa kakayahan sa pagsagot sa mga paunang pagsusulit/pagtataya na
magtatakda kung ano ang kanilang alam sa mga aralin makikita ito sa modyul at sa screen.

2. Pagtatalakay
Basahin ang Pahina 103-110
Mga itatanong:
1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lamba

2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan


A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring panlipunan,sining, arkitektura
at sistema ng pagsula
B. Kapag may pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura at sistema ng pagsulat
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan

3. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na
pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng
marami nitong kontribusyon sa daigdig.
B. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
C. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng political
D. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent

4. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pan daigdig?


A. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
C. Mga seda at porcelana
D. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system

5. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang
dambana ng kanilang diyos o diyosa?
A. Great Wall of China
B. Taj Mahal
C. Ziggurat
D. Hanging Garden 99

3. Gawaing Pagpapayaman
Makibaka!
Ang mga mag aaral ay magbabahagi ng kanilang ideya, kaalaman o karanasan sa kanilang
grupo. Makikita mo ang salitang kabihasnan at sibilisas- yon. Magbigay ka ng iyong ideya o
kaalaman tungkol sa salitang nabanggit base sa iyong saril- ing pananaw at pag-unawa.

IV. Paglalahat

Venn Diagram Matapos mabasa at masuri ang tungkol sa sibilisasyon at kabihasnan at sa tulong
ng mga larawan ay sagutan mo ang mga gawain upang matukoy ang kahulugan ng paksa gamit
ang venn diagram Sa bilang na 1at 2- ibigay ang katangian ng kabihasnan at sibilisasyon Sa
bilang na 3 - ibigay ang pagkakatulad ng dalawa.
V. Paglalapat

Pakinggan ang babasahing teksto ng guro at isulat ang mga mahahalagang impormasyon sa
papel.

VI. Takdang Aralin

Magtala ng limang (5) kahalagahan ng Kabihasnan sa panahon ngayon.

You might also like