You are on page 1of 21

ILOKANO

KASAYSAYAN
Ang mga Ilokano ay ang ikatlong pinakamalaking etnolingguwistikong grupo
sa Pilipinas. Ang terminong “Ilocano” ay nagmula sa salitang “i-” (mula sa) at “looc” (bay), na
kapag pinagsama ay nangangahulugan ng “Tao ng bay”. Sila rin ay tinukoy bilang Samtoy, na
kung saan ay isang pagpapaikli ng pariralang sao mi ditoy (ito ay ang aming wika).
Ang dayalekto ng Ilocano ay may kaugnayan sa wika ng Indonesian, Malay, Fijian, Maori,
Hawaiian, Malagasy, Samoan, Tahitian, Chamorro, Tetum at Paiwan. Ngayon, ang mga
Ilocano dialect ay ang ikatlong pinaka pasalitang wika sa Pilipinas.

WIKA
Ang Iloko (o Iluko, maaari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika
ng Pilipinas. Ito ang wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon lalo
na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan.
Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan
sa Mindanao. Tinatayang may mahigit 9 milyong gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas.
Maraming bahagi ng mundo, kung saan nadako at namamalagi ang mga Ilokano, ang
katatagpuan din ng malaking bahagdan ng mga nagsasalita ng Iloko katulad sa mga estado
ng Hawaii at California sa Amerika.

Ang wikang Ilocano ngayon, bukod sa gamit nito bilang lingua franca ng Hilagang
Luzon, ay kinikilala rin bilang Heritage Language ng Estado ng Hawaii. Ito ay sa kadahilanang
nakararami sa mga Filipino-Americans ay may dugong Ilocano at sa kadahilanan ding marami
sa mga nauna nang sakada (mga Pilipinong nagpunta sa Amerika noong panahon ng
pananakop) ay dugong Ilocano at hindi nakapagsasalita ng Tagalog. Samakatuwid, mas
nakararaming Filipino-Americans ang may lahing Ilocano at nakapagsasalita ng Ilocano,
bagamat ang mga bagong henerasyon ngayon ay marunong kahit papano sa Tagalog.
Idagdag pa diyan na sa loob ng libu-libong taon ay napayaman pa ang bokabularyo ng wikang
ito. Sa katotohanan, tinatayang ang Iloco ang pinakamatandang wika sa Pilipinas at isa sa mga
may pinakamayamang bokabularyo. Sa katotohanan, sinasabi ng mga eksperto na ang wikang
Iloco ay may kompletong bokabularyo bago pa dumating ang mga Kastila ngunit ito'y nawala
dahil sa gahum ng wikang banyaga.
Tunay na mayaman ang wikang Iloco dahil may mga salita itong panumbas sa ibang
dayuhang salita na hindi naman natutumbasan ng Tagalog, ang kinikilalang lingua franca raw
ng Pilipinas. Isa na diyan ay ang region, na tinatawag na rehiyon ng mga Tagalog, ngunit sa
mga Ilocano ay deppaar.
Sa Honululo ngayon ay may sinimulang layunin ang mga anak at kaapu-apuhan ng mga
naunang sagada. Ito ay ang pagpapalawak ng salitang Ilocano at ang paghihikayat sa mga
Ilocano sa Pilipinas na ito ay gamitin at ituro sa mga anak. Nakita nilang nasa panganib ang
wika dahil na rin sa propaganda ng mga Tagalista na naglalayong patayin ang lahat ng wika sa
Pilipinas maliban sa Tagalog.
Idagdag pa na ang wika ay itinuturo sa Unibersidad ng Hawaii bilang isang kurso. Wala
silang kurso para sa Tagalog. Ang Ilocano ang tanging Wika sa Pilipinas na kinikilala bilang
Heritage Language sa Hawaii.
Tinataya ring may humigit-kumulang na 20 milyon native speakers ang Ilocano sa buong
mundo.
Ilocos Sur (Region 1).

MGA PANINIWALA, KAUGALIAN AT TRADISYON

PANLILIGAW
Matagal ang proseso kapag nangliligaw at nag-uusap din ng matagal. Sinisuguro muna
nila na kilala na nila ang isa’t isa bago maging sila. Ang harana ay isang paraan rin ng
panliligaw.

KASAL

Ang matandang tradisyon sa pag-aasawa ay kapag handa na sa paglagay sa


estado ang bridegroom (kalalakihan), ipaaalam niya ang intensiyong mag-asawa sa
kinauukolang babae (kababaihan). Uulitin niya ang intensiyon sa pamilya ng dalaga, saka pag-
uusapan nila ang dote (sab-ong) sa ringpas o danon. Sabi ng ilang matatandang Ilocano, di lang
sab-ong ang pinag-uusapan ng pamilya kundi pati ang sagut (damit pangkasal ng babae).
Danon o pumanhik ito ang tawag sa pag-uusap ng dalawang pamilya bago ang kasal. Mag-
dadala ang pamilya ng lalaki sa panahon ng danon ng Basi isang alak na gawa sa tubo. “No
adda arak mo, dumanon ka” ang karaniwang sinasabi sa Danon na ang ibig sabihin ay
“Kapag mayroon kang alak, pwede kang makipagkasundo”. Habang nag-uusap ang dalawang
pamilya ay uupo sila sa buri mat na kung saan ang alak ay nasa kanilang gitna. Ang pag-iinom
ng alak na gamit ang parehong baso ay sumisimbolo sa pakikipag-isa at pagiging matatag ng
pamilya. Naniniwala din ang mga Ilocano na sa pamamagitan ng pag-iinom ng basi
maipapahayag ng lubusan ang mga nais sabihin at nararamdaman.

Kung hindi kaya ng pamilya ng lalaki ang dote at iba pang kailangan, maaaring hindi
na ituloy ang kasal o kaya’y magtatanan na lang ang magkasintahan. Kung magkakasundo
naman sa danon magkakaroon ng selebrasyon, ang saksi o boda sa bisperas ng kasal ipakikilala
ang magpapakasal na babae at lalaki sa kanilang mga ninang at ninong at mga kamag-anak. Ito
ang gabi ng sayawan at kasiyahan. Sa gabing ito ng selebrasyon, “magpapatalbugan” o
magtatangkang magpalakihan ng mga regalo o salapi (cash) ang mga kamag-anak at kaibigan
ng mga kalalakihan at kamag-anak at kaibigan ng kababaihan. Tinatawag na topak ang
kaugaliang ito ng kompetisyon ng mga pamilya na magpataasan ng kakayahan sa pagbibigay
ng mga regalo. Pagkatapos ng pag-aabot ng mga regalo pagsasayawin ang ikakasal at saka
magkakabit ng pera ang mga bisita sa damit ng dalawa. At pagkatapos ay bibilangin ang perang
naipon at magpalakihan kung sino talaga ang may kaya, ang perang naipon ay siyang gagawing
puhunan sa negosyo o anumang klase ng paghahanapbuhay at hindi ito pwedeng ipautang.
Noong unang panahon ang mga magulang ng lalaki ang diretsong magbibigay ng pera sa
magulang ng babae bilang gantimpala sa pagpapalaki nito. Sa ibang lugar, ang topak ay
ginagawa sa araw mismo ng kasal. Pagkatapos ng saksi o boda na inaabot halos ng madaling-
araw gaganapin na ang kasalan. Saka aakyat ng bahay ang dalawang ikinasal na buong ingat
na hindi mag-uunahan sa paglalakad. May pamahiin sila kapag may nauna sa paglalakad, iyon
ang dodomina sa buhay ng mag-asawa. Magdadasal sa harap ng altar sa sala ang ikinasal
pagkatapos. Sa kabahayan ay may mga sampol ng pagkaing inihahanda para sa pagpipista ng
kasal (atang) dahil naniniwala silang dapat ding makibahagi sa pagkain ang kanilang mga
ninuno.

Pagkatapos ng kasal ang mag-asawa ay sasabuyan ng bigas para daw sa masaganang


pamumuhay. Ang babaeng bagong kasal ay susuklayan ng isang byuda o ng isang matandang
babae. At meron ding seremonya na tinatawag na saka, dito pinapasalamatan ang kanilang
sponsors. Ang huling seremonya ay ang mangik-ikamen na kung saan isang matandang babae
at lalaki ay kakanta ng dal-lot. Sa kantang ito ay sinasabi ang saya at lungkot ng magasawa pati
na rin ang dapat at hindi dapat gawin ng magasawa.
Masama ang pagsukat ng damit ng babae at bawal din sila magsabay sa isang sasakyan
papunta sa simbahan dahil nagdadala ito ng kamalasan. Isang posporo lang dapat ang ginagamit
sa pagsindi ng kandila ng babae at lalaki.

PAGBUBUNTIS

Sa pagbubuntis, ang nagdadalangtao ay magdadala ng asin sa labas upang maitaboy


ang masamang espiritu. Bawal ang buntis na dumalaw sa patay dahil manganganak siyang
tulog, bawal manahi dahil mag-buhol-buhol ang pusod ng bata at bawal ring umupo sa
hagdanan dahil mahihirapan daw siya manganak. Hilot o midwife ang karaniwang tumutulong
sa panganganak ng babae.

KAMATAYAN AT PAGLILIBING
Kung tungkol naman sa kamatayan, para sa Ilokano ang pagkamatay ay ang
pagsasakatuparan ng kanilang tadhana. Ang itim na paru-paro ay sumisimbolo ng kamatayan
para sa kanila. Ang paglagay ng bao sa ilalim ng kama ng patay para marinig ng mga tao sa
loob ng kwarto ang paglalaban ng anghel at demonyo para sa kaluluwa ng namatay. Kapag
namatay ang isang tao, hinuhugasan ang kanyang katawan ng pinaghalong tubig at basi. Yaon
lamang mga byuda ang pinapayagang tumulong sa ganitong seremonya, dahil pag ang isang
may-asawang babae ang tumulong baka mabyuda siya agad. Lahat ng tumulong sa paglilinis
ng patay, pagkatapos ay maghuhugas ng kanilang kamay gamit ang natirang pinaghalong tubig
at basi. Saka nila bibihisan ang patay at titiyaking ang mga braso niyo ay nakatuwid sa gilid ng
katawan para hindi makagambala ang mga braso nito sa paglalakbay niya sa kabilag buhay. Sa
ritwal ng paglalamay, kinakanta ang tulang para sa patay, ang dung-aw, na binubuo ng mga
saknong na aapating linya.
Habang may lamay, ang mga kasama sa bahay ay bawal magtrabaho. Bawal din linisin
ang bahay. Bawal din maligo sa loob ng bahay kung nasan ang patay. Ang pagmamay-ari ng
patay ay sinusunog para hindi na daw bumalik ang kaluluwa para dito. Bawal kumain ng
malunggay dahil baka sundan daw ito ng kapamilya, bago ilibing, ang mga anak nito ay
nagmamano bilang huling paraan ng pagbigay respeto. Ang kamag anak ng namatayan ay
magtatali ng puting tela sa noo. Ito ay pagbibigay galang sa namatay at upang mapunta ang
kaluluwa nito sa langit. Maglalagay ng panwelo sa ulo hanggang 40 araw, ibaba ang bandana
sa balikat hanggang sa babang luksa, magpadasal hanggang 9 na gabi, at bawal din kumain ng
mga gulay na gumagapang habang may lamay pa.
Bago ilabas ang kabaong sa bahay ay isang tandang o inahin, depende sa asarian ng
namatay, ay pupugutan at itatapon sa tapat ng bahay para sa seguridad ng kaluluwa papunta sa
langit. Lahat ng kapamilya ay nakaitim sa araw ng libing. Pagtapos ng libing ang mga
kamaganak ay maghuhugas ng tubig mula sa basin na kung saan ang tubig ay nilalagyan ng
barya para alisin ang kulam ng masasamang espiritu. Noong unang panahon, ang patay ay
nililibing sa ilalim ng kusina, sa lugar kung saan napagtatapunan ng tubig.

MGA PANINIWALA SA ANITO AT ESPIRITU


Naniniwala din sila sa mga anito at espiritu. Kagaya ng mangmankik na nakatira sa
kakahuyan at puno, ang kaibaan mga duwendeng nasa anthills, bagbagutot na nasa mga
halamanan, namagayak ang kaluluwa ng bigas. Sa paniniwala ng mga sinauang Ilocano, tatlo
ang kaluluwa sa katawan ng tao. Isa na rito ang karma na nagpapadama nang normal sa isang
indibidwal. Ang paniniwala nila, isang singaw ito kapag umalis sa katawan ng tao, nagsasaanyo
ng insekto. Sa ganitong paglisan sa katawan ay lilikha ng mania sa indibidwal at
kinakailangang pabalikin ito sa pagsasabi ng “Intayon kadua” o kayay sa pamamagitan ng
paghawak sa isang alaw na pwede lamang magawang pabalikin ito ng isang matandang
babaeng mangagas. Ang alingagas (anino) at kararwa (kaluluwa) ang dalawa pang uri ng
kaluluwa na mananatili kahit hanggang kamatayan. Naniniwala din sila sa mga katataoan
(higante), sa duwende na sinliit ng isang daliring tinatawag na ansisit, sa duwendeng may
dalawa haggang tatlong piye ang taas na tintawag na kaibaan, sa mga pugot, ang mga espiritung
galing sa ninunong ita na nagbabantay ng mga kayamanan, sa kumao (hayop na kalahating
ibon) at sa mga espiritung nangingidnap at nagbebenta ng bata, ang mga aswang. Dahil sa
ganitong mga paniniwala, gumawa sila ng maraming klaseng panlaban sa mga ito tulad ng iba-
ibang babato (agimat) at maraming klaseng ritwal ng panlaban sa mga espiritu kabilang dito
ang golgol, atang, at alaw.

PANANAMIT

Ang hindi naaangkop na damit para sa edad ng isang tao o ang pinaghihinalaang yaman
o kalagayan ay umaakit ng tsismis tulad ng mabaag ti ruar ngem matay ti uneg (panlabas na
buhay, ngunit sa loob ay namamatay); uray napintas no inutang (kahit na ito ay maganda, ito
ay nakuha sa pamamagitan ng credit). Ang isa pa ay dapat na magsuot ng mabuti para sa mga
espesyal na pagdiriwang. Ang pang-araw-araw na damit, lalo na sa bahay, ay binubuo ng
maikling pantalon para sa mga lalaki, at dusters, maluwag na skirts, kamiseta, at maikling
pantalon para sa mga batang babae. Ang mga nagtatrabaho sa mga patlang ay nagsusuot ng
mga mahabang manggas na kamiseta, mahabang pantalon, at malapad na mga sumbrero bilang
proteksyon laban sa araw at putik.

Sa panahon ng tag-ulan, ang mga tao ay nagsusuot ng isang headress ng labig na dahon
na umaabot sa pababa. Ang mga matandang kababaihan ay nagsusuot ng mahabang buhok at
nakatago sa isang tinapay, habang ang mga lalaki ay maikli at nag-aplay ng mga pomade sa
mga espesyal na okasyon.

PAGKAIN

Ang pagkain ng Ilocano ay kahawig na sa ibang lugar sa bansa, ngunit ang mga Ilocanos
ay lalong mahilig sa bagoong (isang maalat na hipon o isda). Ang isang rehiyonal na
espesyalidad na pumasok sa lutuing pambansa ay ang pinakbet- talong, mapait na melon, okra
at green beans na niluto ng bagoong, mga kamatis, at isang maliit na tubig (maaaring
maidagdag ang pinatuyong o inihaw na isda, karne o hipon).

Ang iba pang mga paborito ay ang dugo ng baboy dinardaraan (dinuguan sa Tagalog-
Pilipino); at kilawen-ang karneng baka at tupa ng tubig na kalabaw, baka, tupa, o kambing,
kinakain raw o bahagyang luto na may sarsa ng suka, asin, mainit na paminta, at baboy ng
baboy.

Ang pagkain sa kanilang mga kamay, ang mga miyembro ng pamilya ay naglilikom ng
pagkain na inilatag sa sahig o kumain at kumain sa iba't ibang bahagi ng pangunahing silid.
Tulad ng pagkain ay itinuturing na isang simbolo ng biyaya ng Diyos, dapat na walang ingay,
tumatawa, umaawit, o malupit na mga salita (kabilang ang mga magulang na nagsasabog ng
mga bata) habang ang pagkain ay nagpapatuloy. Ang isa ay hindi dapat mag-drop ng pagkain
sa mesa o sahig, o ang pagkain "ay galit at iwanan ang sambahayan." Gayundin, walang
sinuman ang dapat umalis sa bahay habang ang isang tao ay kumakain pa rin, sapagkat ang
biyaya ng Diyos ay lalakip sa kanya, sa labas ng bahay.

LARO

Ang mga bata ay nagtatamasa ng mga laro tulad ng balay-balay (paglalaro ng bahay),
pagtago-at-hanapin, tag ng koponan, paglukso ng "mga hadlang" (sticks o nakabukas na mga
armas o binti), jacks, at chess.
SINING AT KINAGIGILIWAN

Ang mga Ilocanos ay nakikibahagi sa parehong libangan tulad ng lahat ng mga Pilipino.
Kabilang dito ang paghabi, pag-ukit ng kahoy, at paglalaro ng chess.

IBA PANG UGALI NG MGA ILOKANO

Ang mga Ilokano ay kilala sa pagiging kuripot sapagkat hindi sila basta bastang
gumagastos kung hindi nila talaga kailangan. Sila rin ay masipag sapagkat hindi sila namimili
ng trabaho basta ito’y marangal.
LITERATURA AT PANITIKAN

MGA KATUTUBONG AWITIN

Ang mga Ilocanos ay may kakaunti ngunit makabuluhang mga awiting etniko. Ang
mga awiting ito ay nagsasalaysay ng mga istorya ng buhay ng mga katutubong Ilocanos na
halos lahat ay nagpapatungkol sa panliligaw, pag-aasawa, paghahanap-buhay at marami pang
iba.

1. PAMULINAWEN (Hardened Heart)- pinakatanyag na awitin na naglalarawan sa


isang babae na hindi nakikinig sa pagsusumamo ng kanyang kasintahan.
Ikinukumpara ang puso ng babae sa isang matigas na bato.

Pusok imdengam man


Toy umas-asug
Agrayo ita sadiam.
Panunotem man
Dika pagintultulngan
Toy agayat, agruknoy ita emmam.

Issemmo diak kalipatan


Ta nasudi unay a nagan,
Ta uray sadin ti ayan,
Disso sadino man,

Aw-awagak a di agsarday
Ta naganmo nga kasam-itan
No malagipka, pusok ti mabang-aran

Adu nga sabsabong, adu nga rosrosas


Ti adda't ditoy, Nena, nga mabuybuyak,
Ngem awan manlaeng ti sabali nga liwliwak
No di la dayta sudim ken imnas.

No umulogak nga mapan magmagna


Dayta raniagmo, Neneng nga gapu kenka.

2. O NARANIAG A BULAN (O Radiant Moon)

O naraniag a bulan
Un-unnoyko indengam
Dayta naslag a silawmo
Dika kad ipaidam
O naraniag a bulan
Sangsangitko indengam
Toy nasipnget a lubongko
Inka kad silawan
Tapno diak mayyaw-awan
No inka nanglipaten
Karim kaniak nagibusen
Samsam-itek ni patay
O bulan ket aklunem
Nanglaylay ti ayatko
Inka kadin palasbangen
Un-unnoyko, darasem nga ikeddeng
No inka nanglipaten
Karim kaniak naumagen
Samsam-itek ni patay
O bulan ket aklunem
Nanglaylay ti ayatko
Inka kadin palasbangen
Un-unnoyko, darasem nga ikeddeng

3. TI AYAT TI MAYSA NGA UBING (Pag-ibig ng isang Bata)

Ti Ayat Ti Maysa Nga Ubing


Nasamsam-it ngem hasmin
kasla sabong nga apag-ukrad
iti bulan ti abril
ti ayat ti maysa nga lakay
aglalo no agkabaw
napait, napait,
napait nga makasubkar
baybay-am ta ubing lelong
sumapulka ta balo
a kapadpada ta ubanmo
ken dayta tuppolmo
baybay-am nga panunuten
ti ayat ti maysa nga ubing
aglalo, aglalo
no addan makin-aywanen

4. DUAYYA NI AYAT (Love’s Lullaby)- isang awitin na nagpapahayag ng


pagmamahal ng isang lalaki para sa kanyang babae. Hinihiling ng lalaki ang
babae na maging maingat sa pagpapalit ng kanyang isip at pagpili ng ibang
lalaki.
Dungdunguenkanto unay unay,
Indayonenkanto’t sinamay
Tultuluden kanto’t naalumamay
Pagammuanen inkanto mailibay
Apaman nga inkanto makaturog
Iyabbongkonto ta rupam daytoy paniok.
Tapnon dinakanto kagaten ti lamok
Ken maimasmonto’t maturog.
Annay, puso, annay, annay,
Nasaem, naut-ut la unay.
Itdem kaniak ta pannaranay
Ta kaasiak nga maidasay.

5. NO DUADUAEM PAY (If you still doubt) - ay isang etniko kanta na nagbibigay ng
ideya na ang kasintahan ang nararamdaman na ang kanyang minamahal ay nag-
aalinlangan sa kanya. Ang lalaki ay tinanong ang babae upang maunawaan siya
at kumbinsihin siya na maniwala na ang kanyang pagmamahal ay totoo.

No duaduaem pay laeng ti pegges ni ayat


Nalawag unayen a ranggas mo kaniak
Ala man biagko, sawem ti pamuspusak
Tapno mabalinka a lipaten o imnas
Lipatenkanton wen ngem
addaakton sadiay tanem
Ngem no itan, saanen nga mabalinen
Ay, itdem ni ayat, dinak kad pagtuoken
Yantangay siksika ti innak ay-ayaten.

6. KASASAAD TI KINABALASANG (The life of a Maiden)- isang payo para sa mga


kabataang babae upang maingat na isaalang-alang ang kanilang mga plano sa
pag-aasawa.

Kasasaad ti kinabalasang
Paset ti biag kararagsakan,
No idiamon ket inka panawan
Aminmonton dika masublian
Adda ragsak ti makiasawa,
No ni ayat kabarbarona,
Ngem inton kamaudiananna
Rikut ti biag pasamakenna.
Ay, annadam, ti kinabalasang
Ti dana nga inka addakan,
Ta no dika makapudno ken asawam
Ay, di lumbes kugtaranna dayta rupam.

7. AGDAMILI (We are pot makers)- isang kanta sa trabaho

Taga-San Nicolaskami nga agdamdamili


Naragsak ti biagmi, awan dukdukotmi
Nupay aduda a manglalais kadakami
Ta napanglawkam’ nga agdamdamili
Tay napigket a daga
Gamayenmi nga umuna
Warakiwakan ti darat,
Ramasen tukelen
Ta tapnon agdedekketda nga nalaing
Ket nalaklaka nga intay bibiren
Isagana’t pagbibiran
Tay rigis ken danum
Tay natukel a daga
Teptepen nga umuna
Ket itan buklen tay ngarab ti banga
Pulpuligusem tapno nalinis latta.
Tay nabibir a daga
Nga inkam’ inpamaga
Pitpiten a buklen
Nalaka a padakkelen
Idiiden pulaan sa ibilag manen
Santo gebbaen ading intan mangilin.

8. MANANG BIDAY- ay isang sayaw sa panliligaw na karaniwang ginagawa ng mga


kabataan.

Manang Biday, ilukatmo man


‘Ta bintana ikalumbabam
Ta kitaem ‘toy kinayawan
Ay, matayakon no dinak kaasian
Siasinnoka nga aglabaslabas
Ditoy hardinko pagay-ayamak
Ammom ngarud a balasangak
Sabong ni lirio, di pay nagukrad

Denggem, ading, ta bilinenka


Ta inkanto ‘diay sadi daya
Agalakanto’t bunga’t mangga
Ken lansones pay, adu a kita
No nababa, dimo gaw-aten
No nangato, dika sukdalen
No naregreg, dika piduten
Ngem labaslabasamto met laeng

Daytoy paniok no maregregko


Ti makapidut isublinanto
Ta nagmarka iti naganko
Nabordaan pay ti sinanpuso
Alaem dayta kutsilio
Ta abriem ‘toy barukongko
Tapno maipapasmo ti guram

MGA GAWA-GAWANG AWITIN


Nagpasalin-salin sa dila ng mga Ilokano na hanggang ngayon ay kinkanta pa nila.

1. Ni Apong Lilay
Napan diay away
Napan nangalia ti kalunay
Nasiitan pay an-nay, an-anay kumana pay
2. Intan o ading diay, rabaw ti ulep
Intan agindayon agpalpalamiis
Ading ko agsing-singpet ka
Ta ni Nanang napan Manila
Gumatang dan t o ti monyika
Munyika tan to nga dud-dudua

MGA KATUTUBONG SAYAW


Ang mga etnikong sayaw ng Ilocano ay karamihan ay namumula sa mga ritwal at
pagdiriwang.

1. BINIGAN-BIGAT (Every Morning) - isang sayaw ng panliligaw na nagsasalaysay


ng kuwento ng isang batang lalaki na nagmamahal sa isang batang babae mula sa
kung saan siya humingi ng awa.
2. SABUNGANAY (Banana Blossom)-ay sumisimbolo sa isang kabataang babae na
napakabata pa upang ligawan.

3. PANDANGGO LAOAGUENA- ito ay isang sayaw ng panliligaw na ginagampanan


ng alinman sa mga bata o lumang mga Ilocanos.
4. ILOCANA A NASUDI (Chaste Ilocano) -ay isang sayaw na naglalarawan ng isang
malinis at marangal na Ilocana. Ang sayaw na ito ay maaaring isagawa sa
pamamagitan ng apat na pares.
5. SURTIDO NORTE (Iba't-ibang Sayaw mula sa North) -ang sayaw na ito ay isang
kumbinasyon ng iba't ibang mga hakbang sa sayaw ng Ilocano na nagpapakita ng pag-
iimpok bilang isang katangian ng mga tao.
6. RABONG (Bamboo Shoot) -Ito ay isang sayaw na niluluwalhati ang bamboo shoot
bilang isang delicacy ng Ilocanos. Sa Rabong, ang mga kalahok ay siyang kumakanta
ng liriko mismo.

ALAMAT
Ayon sa isang alamat ng Ilokano, isang higanteng si Aran ang nagtayo ng kalangitan
at nag-lagay ng araw, buwan, at mga bituin dito. Sa ilalim ng kanilang liwanag, ang
kasamang si Aran, ang higanteng Angalo, ay nakikita ang lupain, na kanyang hinubog sa mga
bundok at lambak. Natuklasan ng mga higante ang mundo na nilalang nila ang hangin at
nawasak. Ang Angalo ay nilamon sa lupa, at mula sa kanyang tuhugan lumitaw ang unang
lalaki at babae. Inilagay niya ang mga ito sa isang tubong kawayan na isinaksak niya sa
dagat. Nahuhugasan ang kawayan sa baybayin ng rehiyon ng Ilocos, at mula sa mag-asawang
ito ay dumating ang mga taong Ilocano.

BUGTONG

1. Adda maysa a lakay


Kalbo ngem nakawaray
Sagot: kurita (oktupos/pugita)
2. Adda maysa a prinsesa
Nakatugaw iti tasa
Sagot: (Kasoy)

3. Tinudukko ni digo
Timmaray ni tinunu.
Sagot: Tekkan ken rakit (Kawayan at Balsa)
4. Olnos lan-olnas, sanga lan sanga
Ag balet mambunga
Sagot: kawayan
5. Sangapulo ti mangiyawat
Taltallo iti mangawat
Sagot: Agisaang (Paglagay ng kawali sa kalan)
6. Adda tapis ni kaka
Saanman a mabasa
Sagot: Aba (Dahon ng gabi)
7. Napanak diay bantay
Adda nasabat ko a lakay
Sinagid ko, natay
Sagot: Bain-bain (makahiya)

SIKAT NA MANUNULAT

Si Pedro Bukaneg ay isang dakilang Pilipino na mula sa lupain ng mga Samtoy


(bandang Ilocos). Itinuturing siyang unang edukadong Ilokano, orador, musikero, leksikograpo
at dalubwika. Siya ang itinuring na Ama ng Panitikang Ilokano.
Batay sa haka-haka si Bukaneg ay maaaring isinilang noong taong 1592. Buwan
ng Marso, 1592 nang matagpuan siya sa isang tampiping lulutang-lutang sa isang ilog sa
pagitan ng bayan ng Bantay at Vigan, Ilocos Sur ng isang labandera. Isang batang lalaki na
bukod sa bulag ay pangit pa. Pinaniwalaang si Bukaneg ay biktima ng isang malupit na
kaugaliang kapag may kapansanan ang isang bata, ito ay hindi magiging katanggap-tanggap sa
Samtoy na noong panahong iyon ay hindi lamang dito nangyayari kung di nangyayari rin sa
mga bansang Sparta at Persia. Isa sa mga gawa niya ay ang sikat na sikat na epiko na Biag ni
Lam-ang.

TULA
1. Nalpay a Namnama ni Leona Florentino
Amangan a ragsac ken talecda
Lagiti adda caayanayatda
A adda piman mangricna
Adagiti isuamin a asugda

Ni gasatco a nababa
Aoanen ngatat capadana,
Ta cunac diac agduadua
Ta agdama ngarud nga innac agsagaba.
Ta nupay no agayatac
Iti maysa a imnas
Aoan lat pangripripripac
Nga adda pacaibatugac.

Ilunodconto ti horas
Nga innac pannacayanac
Ta mamenribo coma naseseat
No natayac idin ta nayanacac.

Gayagayec coma a ipalaoag


Ngem bumdeng met toy dilac,
A ta maquitac met a sibabatad
Nga ni paay ti calac-amac.

Ngem umanayento a liolioac


Ti pannacaamon itoy a panagayat,
Ta icaric kenca ket isapatac
Nga sica aoan sabali ti pacatayac.

2. NAPANAWAN NGA UMOK


Pinanawan dan ti umokda,
nagtayab da aminen;
kasla ti naapa unay nga
isasangpet iti lam-ek ken
panag-uyos ti biag.

Kitaem man, Nanang! Kitaem!


Napigsadan dagiti bil-lit;
pimmanawdan --- agtaytayab da
payen nga agturong iti saan nga
ammo nga pagkamangan ---
adayo dan, adayo unay iti
pinagtayabanda tapno saan dan
nga agsubli sadiay umok
nga pinanawanda --- balay kano
iti naled-daang nga puso,
napanawan ken ub-baw nga biag,
umok kan iti angin-nen.

Ay, Nanang! Inak nga dungdungwen!

MGA SALAWIKAIN
o Ubing, lakay, seknan, amen ni patay
Bata man o matanda’y daratnan ng kamatayan.
o Ti tao nga awan kuartana awan ti maara-midna
Walng magagawa ang taong walang pera.
o Ti panaganus napait, ngem ti bunganga nasam-it
Ang pagtitiyaga’y mapait ngunit ang bunga nito’y matamis
o No makikuyogka kadagiti dakes a tattao, pagpananna a dumakeskanto
Kung makikisama ka sa masamang tao, ang ibubunga’y magiging
masama ka rin.
MGA ASPEKTONG NAKAAAPEKTO SA PAGKAWALA NG KANILANG
TRADISYON, LITERATURA AT PANITIKAN

Sa kasalukuyang henerasyon, marami ang mga salik na nakakaapekto sa pagkawala ng


tradisyon ng mga Ilokano lalo pa’t nasa modernong pamumuhay na ang mga ito. May mga tao
parin namang sinusunod ang mga tradisyong ito kadalasan ay mga matatanda na lang. Sa
kasalukuyan tiyak ibang iba na nag mga prosidyur sa panliligaw at pagpapakasal. Maaaring
ang paimbabaw na kaibahan ay makikita sa uri ng kalagayang sosyal at ng lugar. Una, sa
paglilibing, dati ay sa ilalim ng kusina, sa lugar kung saan napagtatapunan ng tubig pero sa
kasalukuyan ay sa sementeryo na at kung dati ay karaniwang inililibig nang sumunod na araw
ang patay at sinusunod ang ritwal ng simbahang katoliko para sa patay pero ngayon mas
mahaba na ang araw ng pagluluksa. Dulot ng makabagong panahon ang mga tao ay hindi na
nagpapahuli sa mga bago, kagaya ng sa pananamit, kung ano ang uso siya ng gagayahin ng
karamihan. Malungkot mang isipin na unti-unting nawawala na ang mga tradisyong kinalakhan
ng mga ninuno ng mga Ilokano. Ang mga literatura at panitikan ay buhay pa naman pero hindi
na masyadong tinatangkilik ng mga Ilokano lalo na ng mga kabataan. Ayon sa aming
nakapanayam na si Gng. Bermudez, hindi na niya masyadong naaalala ang mga tradisyon nila
sapagkat sila mismo ay hindi na ito masyadong tinatangkilik maliban daw sa mga taga Ilocos
talaga.

You might also like