You are on page 1of 3

Basahing mabuti ang seleksyon at sagutin ang bawat pagsubok.

Maaga pa. Naparaan ako sa nayong Maligaya sapagkat ako’y paluwas ng Maynila.

Nang ako’y makarating, kay saya saya nila. Tila may pagdiriwang. Ano kaya ang
dahilan? Isang bulong sa sarili ang aking naitanong. May kasalan kaya? May binyagan
o isang okasyong di-pangkaraniwan?

Nagmasid-masid ako upang magtamo ng kasagutan ang aking mga tanong.


Iginala ko ang aking paningin. Ang buong nayon ay naroon sa pagtitipon. Matanda’t
bata. May awitan. May tugtugan. Anong sarap ng amoy! Hindi ko napigil ang sarili. May
nakita akong isang tinedyer na nasa gawing likuran ng umpukan.

“Binata, maaari bang pumarito ka at ako sana ay may itatanong lang?”

“A, e ano po iyon, ginoo?,” marahan niyang tanong nang makalapit na sa akin.

“Bakit waring pagkasaya-saya?”

“Isa po itong pagpapasalamat sa Poong Maykapal! Paano pong, tunay na


napakasagana ng ani ngayon! Higit pa sa nagdaang taon, ang ani ngayon ay mainam
dahil bago po ang palakad sa taniman. Sa halip po na araro, bagong pamamaraan ng
pagsasaka ang gamit ng mga magsasaka,” mapitagan niyang sagot.

“Salamat naman! Ganyan sana sa lahat ng nayon. Mabuting pagsasamahan,


isang mabuting kinabukasan para sa lahat. Paalam na,” natutuwang sambit ko at saka
nilandas ang daang patungo sa estasyon ng bus.

A. Balikan ang seleksyon. Hanapin at i-higlight ng kulay bughaw sa loob ng mga


talata ang 10 pangungusap na hindi litaw ang paksa at isulat sa
patlang sa ibaba ang uri nito. Pagsunurin batay sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangungusap sa talata ang pagsulat ng sagot sa bawat bilang.

FIL 104 YUNIT 5 Gng. Florie Mae J. Molina


1. Pamanahon

2. Eksistensyal

3. Eksistensyal

4. Eksistensyal

5. Eksistensyal

6. Eksistensyal

7. Paghanga

8. Paghanga

9. Pormulasyong Panlipunan

10. Pormulasyong Panlipunan

B. Isulat sa patlang ang isang pangungusap ayon sa gamit (uri) na


matatagpuan sa seleksyon. Sa Ikalawang patlang naman ay isulat ang kabaliktarang
karaniwan o karaniwang ayos ng pangungusap nito (kung ang pangunahing
pangungusap ay nasa karaniwan isulat ito na nasa kabaliktarang ayos at kung ito ay
nasa kabalktarang ayos, isulat ito sa karaniwang ayos.)

Paturol / Pasalaysay

_ Naparaan ako sa nayong Maligaya sapagkat ako’y paluwas ng Maynila. ________________

FIL 104 YUNIT 5 Gng. Florie Mae J. Molina


__Ako ay naparaan sa nayong Maligaya sapagkat ako’y paluwas ng Maynila. ________ ______

Patanong

__ “Binata, maaari bang pumarito ka at ako sana ay may itatanong lang?” ________

__” Maaari ka bang pumarito Binata at ako sana ay may itatanong lang?” ______________

Pautos/Pakiusap

___ Ganyan sana sa lahat ng nayon. __________________________________________

___Ang lahat ng nayon ay ganyan sana. ____ ______________________________________

Padamdam

____ “Isa po itong pagpapasalamat sa Poong Maykapal!” _____________________________

____ “Pagpapasalamat po ito sa Poong Maykapal!” ________ ___________________________

FIL 104 YUNIT 5 Gng. Florie Mae J. Molina

You might also like