Professional Documents
Culture Documents
Activity Sheets Sa Filipino 6 Kuwarter 1, Linggo 1
Activity Sheets Sa Filipino 6 Kuwarter 1, Linggo 1
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Pangasinan II
Binalonan, Pangasinan
Inihanda ni:
CATHERINE R. FERNANDEZ
Master Teacher I
Pangalan: ___________________________________________________ Petsa: ____________
Baitang/Seskyon:_____________________________________________ Iskor:_____________
ASIGNATURA: FILIPINO
KUWARTER: 1
Worksheet No.
Pamagat ng Gawain: Pagbabalangkas
Panuto: Basahin ang pabula. Gawin ang mga pagsubok ayon sa nailahad na
mga Gawain o pamatnubay na tanong.
Ito ang inaawit ni Pilandok habang naglalakad sa masukal na gubat. Maliit man ay hindi
siya nangangamba kahit alam niyang maraming malalaking hayop ang gustong kumain sa kanya.
Walang ano-ano’y nakarinig siya ng malakas na ungol. “Rorr! Kumusta ka Pilandok?
Tamang-tamang nagugutom ako, ikaw ang aking pananghalian,” ang bungad ni Tigre. Agad na
nag-isip si Pilandok, kailangan niyang mailigtas ang sarili. Nakita niya ang burol sa di-kalayuan,
maputik ito at kulay tsokolate dahil sa kauulan lamang.
“Ipagpatawad mo, Tigre, hindi mo ako puwedeng kainin dahil inuutusan ako ng hari na
magbantay sa kanyang tsokolateng tinapay,” sabay turo sa burol. “Ito ang pinakamasarap na
tinapay sa buong mundo,” dagdag pa nito.
“Gusto kong tikman ang tsokolateng tinapay na iyon,” wika ng tila nasasabik na si Tigre.
“Naku! Hindi maari, magagalit ang hari,” ang tanggi ni Pilandok.
“Konting tikim lamang, hindi naman malalaman ng hari,” ang pagpupumilit ni Tigre.
“Sige, ngunit kailangan ko munang makalayo upang hindi ako masisi,” ang wika ni
Pilandok. Pumayag si Tigre at nang makalayo na si Pilandok ay agad itong dumampot ng putik sa
gilid ng burol. Nang malasahan ang putik, nagwawala ito sa galit. Hinabol nito si Pilandok, at nang
maabutan ay galit na galit itong sinita.
“Akala mo yata’y makakawala ka, naloko mo akong minsan, hindi na ito mauulit pa.
Ngayon ikaw ang aking pananghalian,” galit na wika ni Tigre.
“Naku, hindi mo ako pwedeng kainin, dahil inutusan ako ng hari na magbantay sa kanyang
tambol,” ang katwiran ni Pilandok, sabay turo sa malaking bahay ng bubuyog na nakasiwang sa
sanga ng puno.
“Iyan ba ang tambol ng hari? Gusto ko hatawin ang tambol ng hari,” giit nito.
“Naku, walang sinuman ang maaring humataw rito.”
“Hindi naman malalaman ng hari,” ang patuloy na pagpupumilit ni Tigre.
“O sige, ngunit hayaan mo muna akong makalayo upang hindi ako masisi,” depensa ni
Pilandok. Tumakbo papalayo si Pilandok. Agad-agad, nakakuha ng isang putol ng sanga ng puno
si Tigre at hinataw ang bahay ng bubuyog.
“Zzzzzzzz” naglabasan ang napakaraming bubuyog at agad pinutakte ng kagat si Tigre.
Nagtatakbo ito patungo ng sapa at doon nagtampisaw upang hind na mahabol pa ng mga
bubuyog. Nang maabutan si Pilandok ay galit na galit itong sinigawan, “akala mo yata makakawala
ka! Naloko mo akong minsan, naloko mo ako muli, pero hindi mo na ako maloloko sa ikatlong
pagkakataon,
“Wala ka ng ligtas, gutom na gutom na ako, ikaw ang aking pananghalian,” giit nito.
Maagap na nag-isip si Pilandok, kailangan niyang mailigtas ang sarili. Pagkaraa’y “hindi mo ako
maaring kainin mahal kong Tigre, napag-utusan ako ng hari na bantayan ko ang kanyang sinturon.”
Sabay turo sa ahas na nakapulupot sa sanga ng puno.
“Gusto kong isuot ang sinturon ng hari,” giit ng tigre. Itinuro nito ang ahas na nakapulupot
sa sanga ng puno. “Naku, walang dapat na magsuot nito,” mahigpit na tanggi ni Pilandok.
“Sandaling-sandali lamang naman, wala namang makakaalam,” pagpupumilit na naman ni
Tigre.
“O sige, pero hayaan mo muna akong makalayo sa iyo para di ako masisi,” ang sabi ni
Pilandok.
“Biruin mo ang sinturon ng hari, maisusuot ko,” ang tila di-makapaniwalang sambit ng
tusong si Tigre. Dinampot niya ang ahas na tulog at ipinulupot sa kanyang bewang. Habang
ipinupulupot sa bewang ay lalo itong kumakapit, mahigpit, pahigpit nang pahigpit hindi na
makahulagpos pa ang tusong si Tigre.
“Pilandok, tulungan mo ako!” sigaw nito. Hindi na siya narinig ni Pilandok. Malayo na ito
at pasipol-sipol pa habang kumakandirit sa himig ng kanyang awitin:
2. Ang pagpapakita ng liksi ng kilos at isip ni Pilandok sa oras ng kagipitan (Lagyan ng mga
Letrang A, B, at C ang mga bilog)
3. Ang mga ginawa ni Tigre sa mga bagay na itinuro ni Pilandok (Lagyan ng mga letrang A,
B, at C ang mga bilog)
I. 1. tsokolate ng hari
2. tambol ng hari
3. sinturon ng hari
Sanggunian:
A. Books
1. Emila L. Banlaygas at Eleanor D. Antonio. 2016. Yaman Filipino 6. 856 Nicanor Reyes
Sr. St., Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.
pp. 3-5