You are on page 1of 1

JOHN PATRICK A.

POSTRADO FIL 101


BSCRIM 1-INDIA

1. Ano ang pakikinig?


Ang pakikinig ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon at ito ron ay isang
makapangyarihang instrumento ng komunikasyon na nagsisislbing impluwensya upang
makipagusap ng naaayon. Ito ang nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay
magkaunawaan.Kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa nito. Ito rin ang isa sa
mga tulay upang makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng lahat, pag-unawa ng damdamin,
kilos at gawi ng iba. Isa rin ito sa nakakatulong sa pagbuo ng pagkakaisa.
2. Paano mo masasabi na mahalaga ang pakikinig?
Mahalagang maunawaan ng bawat isa ang tunay na pakahulugan ng pakikinig sapagkat ito ang
dahilan kung bakit mayroong pagkakaunawaan ang bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng
pakikinig nalalaman ng bawat magkabilang panig kung sang-ayon o hindi sang-ayon ang isang
tao sa isang pahayag. Samakatuwid, ang pakikinig ay napakahalaga sapagkat mabilis ang
pagkatuto kung gagamitan ito ng kakayahang pandinig na kung saan nabibigyang interpretasyon
at nasusuri ang ating kaalaman sa istruktura ng wika at naisasaisip ang mensahe impormasyon at
naipapahiwatig sa napakinggan.
3. Magbigay ng isang uri ng awiting-bayan at ipaliwanag ang nais ipabatid nito.
 Ang kundiman ay awiting bayan na tumatalakay sa pag – ibig. Ito ang ginagamit ng mga
kalalakihan upang suyuin ang kanilang nililiyag na mga kababaihan sa pamamagitan ng
paghaharana. Ang halimbawang kundiman ay Manang Biday ng mga Ilokano.
 Ang maluway ay awiting bayan na nagpapahayg ng kaligayahan sa sama – samang
paggawa. Ang mga  halimbawa nito ay Bahay Kubo at Leron, Leron Sinta.
 Ang suliranin ay awiting bayan na karaniwang inaawit ng mga manggagawa. Ang
halimbawa nito ay Magtanim ay Di Biro.

You might also like