You are on page 1of 3

1.

Ano ang kalikasan ng Wika

Ayon kay Henry Gleason Jr. dalubhasa sa wika na nagsabing ang wika ay may limang kalikasan:

(1.) masistemang balangkas.

(2.) Ito ay sinasalitang tunog.

(3.) Ito ay pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo.

(4.) Ito ay pantao.

(5.) Ito ay bahagi ng kultura.

Ang wika ay masistemang balangkas. Ang bawat wika ay may tuntunin o sistemang sinusunod sa
paggamit ng wika. Iang halimbawa ay ang pagbubuo ng mga pangungusap. Sa bawat gramatika ng wika
may sistema ng tama o angkop na pagbabalangkas o pagbuo ng pangungusap. Ang bawat pangungusap
ay may simuno at panaguri.

Ang wika ay sinasalitang tunog. Ang pangunahing katangian at paglalarawan sa wika ay ito ay tunog.
Tunog na kumakatawan sa ating mga ipinahahayag na ideya. Nililikha ang tunog sa pamamagitan ng
mekanismo ng pagsasalita, kung kaya't ito ay sinasalitang tunog. Ang bawat tunog na nililikhang ito ay
makabuluhan sapagkat ito ay nagdadala o sumisimbolo sa mensahe upang magkaroon ng
komunikasyon.

Ang wika ay arbitraryo. Sinasabing ang wika ay napagkasunduan at sinang - ayunan ng lahat. Ito ay isang
katangian ng wika na masasabing napakahalaga sapagkat dito nakasalalay ang pagtatakda ng konteksto
o pagpapakahulugan sa bawat salita ng isang wika.

Ang wika ay pantao na kabilang sa iisang kultura. Ang wika ay ang kasangkapan ng tao para sa ating
gampanin at pagkamit ng ating mga pangangailangan kung kaya't ang wika ay pantao.

Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay kolektibong kaban ng karanasan ng tao
sa tiyak na lugar at panahon ng kanyang kasaysayan. Sa wika makikilala ng bayan ang ang kanyang
kultura at matututunan niyang angkinin at ipagmalaki.
2.Gamit ng wika

May apat na gamit ang wika ayon kay Michael A.K. Haliday.

1 Interaksiyonal-nakakapagpanatili

2. nakapagpapatatag ng relasyon sa kapwa.

3. Instrumental-tumutugon sa mga pangangailangan.

4. Regulatori-komokontrol

3. Pakikinig
– Ang pakikinig ay proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pakikinig at pag-
iisip.Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais iparating ng taong nagdadala ng mensahe.
Ang pandinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.45% ng oras ng tao ay
nagagamit sa pakikinig. Ito ang unang natututunan ng tao.

I.Kahalagahan-Ito ay mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kung ikukumpara sa


pagbasa.Nagsisilbi itong daan sa mabisang pagkakaunawaan.Sa pakikinig ay kailangan ng konsentrasyon
sa pag-unawa at pagtanda ng mga narinig.

II.Pagsasalita-Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maipahayag ang kanyang


ideya,pinaniniwalaan at nararamdaman sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap.30% ng oras ng tao ay pagsasalita. Ito ang ikalawang natututunan ng tao.

III.Kahalagahan-Naipapabatid sa kausap ang kaisipan at damdamin ng nagsasalita.Nagsisilbi itong


kasangkapan upang magkaunawaan ang mga tao. Naiimpluwensiyahan at naaanyaya ang
nakikinig.Naipapahayag sa madla ang opinyon at katwirang may kabuluhan na papakinabangan ng
bawat isa.

IV.Pagbasa-Kahulugan At Kahalagahan- Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo.


Pagbibigay ito ng kahulugan sa mga sagisag/simbolo sa iyong kaisipan.Ito ay pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga simbolo (titik) na nakalimbag sa pahina.
Ito ay susi sa malawak na karunungan.16% ng oras ng tao ay sa pagbasa. Ito ang ikatlong natutunan ng
tao.William S. Gray, “Ang Ama ng Pagbasa”

V. Pagsulat-Isang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan ng tao sa pamamagitan ng mga simbolo (titik) 6%


ng oras ng tao ay sa pagsulat. ito ang pinakahuling natututunan ng tao.

Kahalagahan-makaaangat tayo sa iba at makakasagot sa mga katanungang nakalimbag

4.mahalagang salik sa matagumpay na pagkatuto nito .dalawang uri ng motibasyon ang.

1.)panlabas na motibasyon o extrinsic motivation.

-integratibong motibasyon,motibasyong instrumental at gusto lang ng mga papuri mula sa mga guro at
kapwa kamagaral.

2.)motibasyong intrinsisic o intrinsic motivation.

-ito ay likas na may paggusto sa wika.

5. ANO ANG KAHALAGAHAN NG PAGTUTURO NG MGA MAKRONG KASANAYANG PANGWIKA?

-ang kahalagahan nito ay upang maipahayag natin an gating saloobin sa ating kasama o dikaya ay upang
masabi natin an gating mga pangangailangan sa buhay, kaya naman ito ay mahalaga upang tayo’y
magkaunawaan sa lahat ng bagay.

You might also like