You are on page 1of 2

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon kay Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa La Salle,”kapag walang


transaksyon,walang ekonomiya at kung iisipin natin,kung walang lipunan,walang transaksyon, wala
tayong ekonomiya,’ang wika umano ay isang paraan ng paggawa ng transaksyon.Binanggit din niya na
lahat ng nangyayari sa ekonomiya ay base sa kung paano mo ito naintindihan kung kaya’t dapat ay
maipahayag morin ng malinaw sa iba ang iyong naintindihan tungkol doon. Dahil dito,masasabi na ang
wikang pambansa ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Ayon kay Jose Laderas Santos,tagapangulo ng komisyon sa Wikang Filipino (KWF), malaki ang
kahalagahan ng wikang pambansa sa pang-araw-araw na Gawain ng bawat Pilipino.Gawin na lamang na
halimbawa ang pagbili ng isang ordinaryong Pilipino sa tindahan. Ang ginagamit na wika sa transaksyon
ito ay Filipino. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat isa at nagkakaroon
ng satispaksyon sa pagitan nila dahil natamo nila ang pangangailangan ng bawat isa. Ayon kay Bernard
Macinas,komisyuner ng KWF mula sa Bicol, ang bawat bansa ay may sariling wika na ginagamit upang
magsilbing daan tungo sa landas ng pagkakaisa,pagkakaunawaan at pagmamahal. Kapag ito’y
natamo,magkakaroon ng katahimikan at kaayusan ang isang bansa. Masasabi rin na ang katiwasayan ng
isang bansa ay isa ring salik sa pag-unlad ng ekonomiya nito. Kapag nagkakaroon ng kaayusan ang isang
bansa ay maiwasan ang gulo at mas mapapaunlad pa lalo ang kanilang ekonomiya. Para naman kay
Vilma Tacbad,komisyner ng KWF mula sa pampangga, bagaman Ingles ang wika ng komersyo, hindi parin
ito ang susi sa kaunlaran ng bansa. Binigay niyang halimbawa ang mga bansang Japan,south
Korea,Thailand At China. Di tulad sa bansang Pilipinas, Ang mga bansang ito ay masasabing mahina sa
wikang Ingles. Ngunit hindi ito nagging dahilan upang paunlarin nila ang kanilang bansa .’’ Ang Japan
ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang wikang sarili. Hindi ginagamit ng Japan
para umunlad ang wikang Ingles,’’ ani Tacbad. Sa bansang ito.

Sa usapang pang ekonomiya,,ngunit kung ukukumpara ang Pilipinas sa ibang bansa mas magkakaroon
ng malaking posibilidad na mapaunlad ang ekonomiya sa pamamagitan ng paglinag sa kunganong
sariling atin,Filipino,ang wikang pambansa . Sa kabilang banda ,bagama’t mabilis ang pag-usbong ng
makabagong mundo,modernong teknolohiya at mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text
messaging at social media, hindi maiiwasan na may mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o
nalilipasan nan g panahon. Napatunayan ito sa ginawang eksperimento ng GMA news sa
pandacan,Maynila,sa mismong harapan ng bantayog ng balitang makata at manunula na si Francisco
Balagtas,na siyang nasa likod ng epikong’’Florante at Laura.’’Ayon sa isinagawang eksperimento ng GMA
News, Kung saan sinubukan nilang alamin mula sa mga kabataan ngayon at ilan sa mga matatanda ang
kahulugan ng mga lumang salita kagaya ng alimpuyok,papagayo at salakat,wala sa mga modernong
kabataan ang nakakuha ng tamang sagot o kahulugan ng mga salitang ito subalit may isang matanda ang
nakakuha naman ng tamang sagot.Ayon saulat na ito,masasabi nating mahirap para sa mga kabataan
ngayon ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wika mula sa ating kasaysayan . Ayon kina Barker at
Barker (1993).Ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito
ang ating kultura at mga tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang henerasyon, Subalit sa
pamamagitan ng wika,naipapabatid parin nila ang kanilang mga ideya,tagumpay,kabiguan,at maging ang
kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito , ang mga sumusunod at susunod
pang henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas.

Matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon saulat na ito,masasabi natin mahirap para sa
mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wika mula sa ating kasaysayan. Ayon
kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap.
Iniingatan din nito an gating kultura at mga Tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang
henerasyon,subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga
ideya ,tagumpay,kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan
nito, ang mga sumusunod at susunod pang henerasyon ay tutoo o maaaring matuto sa nakalipas na
karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o matutuwid
ang mga dating pagkakamali.

You might also like