You are on page 1of 8

Artikulong may kaugnayan sa pagpapaulad ng wikang filipino

Lyndon arcega
roBin MAGSombol
Lloyd ballad
Para sa amin ang pagpapaunlad ng
wika ay nagbubunga
Ng isang magandang ekonomiya...
Pagpapaunlad ng wika, nakatutulong sa
ekonomiya
ANG PAGPAPAUNLAD ng isang bayan sa kaniyang sariling wika ay mayroong tiyak
at malaking epekto sa kasalukuyang ekonomiya nito.
Ngunit ano nga ba ang kaugnayan ng wikang pambansa sa kasalukuyang
ekonomiya ng bansa?
Sa naganap na isang pulong, na pinamagatang “Pagpaplanong Pang-wika,
Pagpaplanong Pang-ekonomiya” noong Agosto 18 sa AMV-College of
Accountancy multi-purpose hall, ang tanong na ito ang naging sentro ng
talakayan ng mga eksperto sa wika at ekonomiya.
Ang panauhing pandangal ng nasabing pangyayari ay si Jose Laderas Santos,
tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), kasama ang dalawa pang
mga komisyoner ng KWF na sina Bernard Macinas mula Bicol at Vilma Tacbad
mula Pampanga.
Kinatawan naman ni Tereso Tullao, guro ng ekonomiks sa De la Salle University,
ang diskursong pang-ekonomiya. Bagaman hindi nakarating, nagpadala ito ng
kinatawan upang ipahayag ang kaniyang panig.
Ang pumalit kay Tullao na si Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks
sa La Salle, ang nagsaad ng reyalidad na hindi na maiwasan ang paggamit ng
Ingles sa pakikipagtalastasan sa mundo ng ekonomiya.
Wika: Sandata para sa kaunlaran
Binigyang-diin naman ni Santos ang kahalagahan ng wikang pambansa sa mga araw-
araw na gawain ng mga Pilipino.
“Ako’y tinanggap dahil sa wika. Sa mahabang paglakad ng panahon, natuto akong
magsulat. Nagsulat ako ng komiks, ano ang aking inilapit sa ama ng industriya ng
komiks? Wika. Sabi ko matututo akong magsulat ng komiks bigyan niyo lang ako ng
manuskrito, gagamitin ko ang wika. Ako ay natanggap at nakapagsulat at namuhay. Ano
ang ginamit? Wika,” aniya.
Dagdag niya na ang paggamit niya ng wikang Filipino ang naging paraan upang
mailuklok siya sa posisyon ng tagapangulo ng KWF noong 2008 ng dating pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo.
Bukod sa pagiging sandata ang wika, binigyang-kahulugan ni Santos ang wika bilang
“kaluluwa ng ating pagkatao at isang biyaya.” Ito, ayon sa kaniya, ang natutunan niya
kay Carlo J. Caparas, isang kilalang manunulat ng Filipino komiks.
Idiniin din ni Santos na ang mahusay na paggamit sa wika ay magdadala sa tao sa rurok
ng tagumpay.
“Ang sinuman na gumagamit ng wika ng mahusay ay nakatitiyak ng katuparan ng ating
pangarap. Walang sinuman na gumamit ng wika sa pinakamahusay na paraan ang
nabigo. Ang pinakamagagaling na tao sa buong mundo at ang pinakamagagaling na tao
sa bawat bansa, tiyak po ay mahusay na gumamit ng wika,” ani Santos.
Ayon sa isang komisyoner na si Macinas, ang wika ay sumisimbolo ng ating lahi at
kultura.
“Tunay na mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika dahil ito ay nagsisilbing
simbolo ng lahi, kultura ng bansa at sumasagisag na ang bansa ay malaya. Ang bawat
bansa ay may sariling wika na ginagamit upang magsilbing daan tungo sa landas ng
pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagmamahal,” ani Macinas.
Filipino laban sa Ingles
Para naman kay Tacbad, bagaman Ingles ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang susi sa
kaunlaran ng bansa.
Pinagtibay niya ang kaniyang paniniwalang ito sa pagbibigay ng mga halimbawa ng mga
bansang mayayaman gaya ng Japan, Thailand, at Hong Kong na maunlad bagaman hindi
naman sinasanto ang wikang Ingles.
“Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang wikang sarili. Hindi
ginamit ng Japan para umunlad ang wikang Ingles,” ani Tacbad.
Ibinahagi rin niya ang isang parirala tungkol sa pagpapalakas ng wikang Filipino mula sa
sanaysay ni Conrado de Quiros na nagsasabing ang pagnanais natin palakasin ang wikang
Filipino ay hindi nagsasantabi sa pagnanais din na palakasin ang wikang Ingles ngunit bilang
pangalawang lengguwahe lamang.
MARAMING SALAMAT SA PAKikinig!

You might also like