You are on page 1of 3

Ano ang teknolohiya

-Tumutukoy sa mga makinarya at mga kagamitang


ginagamit sa produksyon. Ang teknolohiya ay ang pagsulong
at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at
proseso upang tumulong sa paglunas ng mga saluranin ng
tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna
pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay
ang katagang teknolohiya sa mga imbento at
mga gadget na ginagamit kung kailan lamang natuklasang
ang proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man,
isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang
pinakalumang naimbento katulad ng gulong. Sa isa pang
kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang
teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating
kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga
kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto.
Napakahalaga ng teknolohiya sapagkat nagpoproseso ito ng
mga hilaw na materyales at nahahalinhan ng makinarya ang
mga walang kasanayang manggagawa. Ang teknolohiya ay
nakatutulong upang higit na napapadali ang pag-aangat ng
produkto, nagbibigay halaga ang kaugnayan ng presyo ng
salik ng produksyon dahil sa kalidad ng produktong nakamit
at higit sa lahat ay napapadali ang impormasyon dahil sa
internet. Malaki ang kaugnayan ng teknolohiya sa pagsulong
ng ekonomiya. Tumutukoy ito sa mga makinarya at mga
kagamitang ginagamit sa produksyon. Nagiging batayan ng
industriyalismo. Tinutukoy din nito ang pagbabagong
teknolohikal na kasabay ng pagbabagong panlipunan,
pangkultural at pansikolohiya.
Kahalagahan at di magandang epekto ng teknolohiya
-Mahalaga ang teknolohiya kaya naman mayroong
magagandang epekto nito sa atin. Ang iabang mga
magagandang epekto nito ay nagpapalaki ng produksyon.
Nakatutulong rin ito upang mapabilis ang pagbigay ng
impormasyon, nagpapataas ng kalidad ng produkto at
nagpapataas ng kasanayan ng manggagawa. Ang
teknolohiya ay mayroong kakayahan na gawing mas
produktibo, mabilis at tama ang binibigay na resulta ng
anumang pinaggagamitan nito ay sapat nang katibayang
malaki ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng bansa,Malaki
rin ang kahalagahan ng teknolohiya sa mga kabataang
katulad ko. Nakatutulong ito upang mas magkaroon ang
kabataan ng sapat na impormasyon at mas madali silang
makakuha ng sapat na kasagutan para sa kanilang mga
gawain. Mayroon ring mga hindi magandang epekto ng
teknolohiya sa atin. Ang kawalan ng trabaho sa mga
manggwagawa, ang pagkakaroon ng polusyon ang ibang
halimbawa ng hindi magandang epekto ng teknolohiya. Dahil
sa teknolohiya, naing palaasa at tama ang mga tao at
minsan nawawala na ang ugnayan sa bawat isa.
Paano malutas ang katiwalian gamit ang teknolohiya?
-Magagamit ko ang teknolohiya upang labanan ang
katiwalian at palaganapin ang katotohan sa pamamagitan
nang paggawa ng isang website upang mas madaling
ipahatid sa bawat mamamayan ang tunay na kalagayan ng
ating bansa. Ang pagnanakaw ay isang halimbawa
korupsyon at ang korupsyon ay isang halimbwa ng
katiwalian. Marapat lamang na tayo ay lumaban upang tayo
ay hindi maghihinayang at magsisisi sa huli. Mas
mapapadali ang paghatid ng impormasyon sa paggamit ng
teknolohiya upang malaman agad ng karamihan ang
katotohanan at mas maging alisto sila at hind imaging
biktima ng katiwalian. Sa paggamit ng isang website, maari
silang magbigay ng komento, malaman ang mga balita,
alisto sa mga suspek ng katiwalian at sumama sa isang
organisasyon kung saan lalaban sila sa katiwalian. Ang
buong mundo ay maaaring Makita o mabisita ang website na
ito.

You might also like