You are on page 1of 3

1

Pagsusuri sa “Lupang Tinubuan”


(Balangkas A ni Nenita Papa)
Pangalan: Anabelle D. Brosoto
Kurso/Seksyon: BSED III-F

I. Pamagat/Pagsusuri
Batay sa pamagat na “Lupang Tinubuan” aking nahihinuha na ang maikling-kuwentong
ito ay maaaring tungkol sa pagmamahal ng isang tao sa lugar na kanyang pinanggalingan. Lugar
kung saan nabuo ang kanyang mga pangarap at lugar kung saan nahubog siya bilang isang tao.
II. May-akda
Ipinanganak si Narciso Reyes noong Pebrero 21, 1914 sa Tondo, Maynila at namatay
noong Mayo 7, 1996. Naglingkod siya bilang Chairman ng UNICEF mula 1972 hanngang 1974
at Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations mula 1980 hanngang 1982.
III. Maikling-kuwento
A. Tauhan
 Danding – ang batang umuwi sa nayong sinilangan ng kanyang ama, ang ama
niya ay may sakit at ang kanyang ina naman ang bumubuhay sa kanilang
pamilya.
 Tiya Juana – tiyahin ni Danding, kasama niya sa pag-uwi sa nayong sinilangan
ng kanyang ama
 Tata Inong – ang namatay na pinsan ng ama ni Danding
 Lolo Tasyo – siya ang nagkuwento kay Danding tungkol sa masasayang ala-ala
ng kanyang ama sa nayong iyon.
B. Tagpuan
 Malawig – nayon kung saan ipinanganak ang ama ni Danding, ang daan nito ay
makitid, paliku-liko at natatalukapan ng makapal na alikabok.
C. Suliranin
Ang pagkakaroon ng sakit ng ama ni Danding.
D. Banghay
d.1 Simula
Ang kuwento ay nagsimula sa pag-uwi nina Danding at ng kanyang tiya na si tiya
Juana sa Malawig upang makiramay sa namatay na pinsan ng kanyang ama na si Tata
Inong. Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t kailanma’y di niya nakita ang
namatay na kamag-anak Nakaramdam siya nang pananabik na masilyan ang nayon ng
Malawig sapagkat ito ang nayong sinilangan ng kanyang ama. Ang Malawig ay walang
kaibahan sa alinmang nayon sa kalagitnaan ng Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko,
natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Sumakay sina Danding sa
karitela at pabirong sinabi ng kutsero na wala namang maganda sa nayon kundi ang langit
at hindi naman sumang-ayon sa kanya si Danding. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad
nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar at iba pang mga bayani ng bansa at sa gayong
mga bukid nagising ang diwa ng kabayanihan at himagsikan laban sa mga Kastila.
2

d.2 Pataas na Aksyon/ Pagkilala sa Suliranin(Tunggalian)


 Tao laban sa sarili – Si Danding ay may pagka - maramdamin at pagka-
mahiyain mas nanaisin pa niyang mapag-isa kaysa makipag-kamustahan
sa kanyang mga kamag-anak. Maaring dahil hindi niya masyadong
nailalabas ang kanyang saloobin, nang makita niya ang labi ng kanyang
Tiyo Inong ay nakaramdam siya ng lungkot hindi lamang sa ito’y
pumanaw kundi maaaring naiisip niya na posibleng ito rin ang mangyari
sa ama niya na maysakit.

d.3 Kasukdulan
Noong ililibing na si Tata Inong ay binuksang muli ang ang takip sa tapat ng
mukha ng kanyang bangkay, upang muling masulyapan ng mga nauilila ang kanyang
mukha. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at mga panangis.
Pinipigil ni Danding ang kanyang sarili ngunit nangingilid pa rin ang mga luha sa kanyang
mga mata. Nalunod ang kanyang puso ng matinding dalamhati at pakiramdam na siya
ma’y dumaranas din ng isang uri ng kamatayan. Balisang-balisa si Danding at nagsisikip
ang kanyang dibdib dahil sa pakiramdam na ito.
d.4 Pababang Aksyon/Kakalasan
Dahil sa lungkot na naramdaman ni Danding ay nais muna niyang mapag-isa
kaya naman nagtungo siya sa bukid. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang
inang humahaplos sa nag-iinit niyang noo. Umupo si Danding sa lupa, at ipinikit ang
kanyang mga mata. Dahan- dahang iniunat ang kanyang mga paa at itinukod sa lupa ang
kanyang mga palad. Inisip ni Danding ang mga masasayang kwento ni Lolo Tasyo tungkol
sa kanyang ama na nangyari sa lupang iyon kaya naman unti-unting natiwasay ang pagod
ng kanyang katawan at napanatag ang kanyang puso.
d.5 Wakas
Naunawaan ni Danding kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay mabigat
na parusa, kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha
makauwi lamang sa Inang Bayan at kung bakit ibinuwis ng mga bayani tulad ni Rizal ang
kanyang buhay para sa ating bansa. Naramdaman niya ang tinatawag na pag-ibig sa lupang
tinubuan.

E. Mga Suliraning Panlipunan


Dahil sa kung minsan ang mga malalayong nayon ay mabagal ang pag-usbong at
malayo sa kabihasnan, ang ibang mamamayan nito ay napipilitang lisanin ang kanilang
bayan upang maghanap ng mas magandang opurtunidad sa ibang bayan.
F. Kabisaan
f.1 Bisa sa Isip
Malaki ang kinalaman ng kultura ng lugar na ating kinagisnan sa ating pagkatao
f.2 Bisa sa Damdamin
Nakakalungkot na kung minsan nakikilala na lang natin ang ating mga kamag-
anak kapag sila ay pumanaw na lalo na kung malayo sa atin ang kanilang tahanan.
3

f.3 Bisa sa Kaasalan


Mas lalo ko pang pinahalagahan ang bayan na aking pinagmulan. Mas
mamahalin ko ito at aalagaan upang ang mga susunod na henerasyon ay makita din ang
taglay nitong kagandahan.
G. Teoryang Pampanitikan
 Realismo – sapagkat ito’y nangyayari sa totoong buhay. Marami sa atin ang
gugustuhin pa ring bumalik sa lugar na ating pinanggalingan sapagkat marami
tayong mga alaala dito masaya man o malungkot na bahagi na ng ating pagkatao.
H. Aral
Pagpapahalaga sa Inang bayan
I. Pilosopiyang Panlipunan
Kung saan ka ipinanganak dun rin dapat mahimlay ang iyong katawan kapag
ikaw ay pumanaw.

You might also like