Professional Documents
Culture Documents
PilingLarang Akademik12 Q1 Mod4 Pagsulat NG Memorandum Adyenda at Katitikan NG Pulong Ver3 PDF
PilingLarang Akademik12 Q1 Mod4 Pagsulat NG Memorandum Adyenda at Katitikan NG Pulong Ver3 PDF
Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
(Akademik)
Kuwarter 1 - Modyul 4: Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Memorandum, Adyenda
at Katitikan ng Pulong
Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
(Akademik)
Kuwarter 1 - Modyul 4: Akademikong
Sulatin:
Pagsulat ng Memorandum, Adyenda
At Katitikan ng Pulong
Lagom …………………………………………………………………………………………….21
Mga Sanggunian………………………………………………………………………….. …… 25
Para Saan ang Modyul Na Ito
Ang modyul na ito ay tungkol sa akademikong sulatin sa pagsulat ng memorandum, adyenda, at
katitikan ng pulong na inihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang
baitang. Ito ay naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa mga
kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling larangan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang mahahalagang elementong kailangan upang maging maayos,
organisado at epektibo ang isang pulong sa pamamagitan ng mabisang pagsulat ng memorandum ,
agenda, at katitikan ng pulong. Hahasain ka dito sa pagsulat ng iba’t ibang akademikong sulatin sa
pamamagitan nang maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang matamo ang mga kasanayang
hinahangad.
Ang mga paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa kakayahan at
interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan, napapanahon, kawili-wili , at
nakalilinang ng kritikal na mapanuring pag-iisip .
Paano Mo Matutunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
i
Mga Icon ng Modyul
ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin. Mahalagang maunawaan ng
mga mag-aaral kung ano ang maaasahan nila sa aralin.
ii
Ano ang Nalalaman Mo
Panimulang Pagtataya
Panuto A: PAGKILALA SA SULATIN: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong
kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Pumili ng sagot sa loob
ng panaklong
(Memorandum, Adyenda, Katitikan ng Pulong )
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 10
memorandum at adyenda .
Kompleto ang bahagi ng memorandum at adyenda na nabuo at 10
nakapagbibigay ng komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakakasulat ng memorandum at adyenda nang maingat, wasto at angkop 10
ang paggamit ng wika.
Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon sa memorandum at 10
adyenda .
Kabuoang puntos 40
iii
Alamin
Subukin
Balikan
Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong lagi ninyong tatandaan. At ito ay:
kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang tanging bayan na ibinigay ng Diyos
sa inyo. Na dapat ninyo itong ingatan para sa inyong mga sarili, sa inyong mga anak, at sa
mga anak ng inyong anak, hanggang sa katapusan ng mundo. Kailangan ninyong mabuhay
para sa bayan, at kung kinakailangan, mamatay para sa bayan.
Dakila ang inyong bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan at dakilang kinabukasan.
Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng buhay at yaman ng inyong
mga bayani, martir, at sundalo. Ang Pilipinas ngayon ay pinararangalan ng taos-pusong
pagmamahal ng mga pinunong di makasarili at may lakas ng loob. Ang Pilipinas ng bukas ay
magiging bayan ng kasaganaan, ng kaligayahan, at ng kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas
ang noo sa kanlurang Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa kanyang kamay ang
ilaw ng kalayaan at demokrasya. Isang republika ng mga mamamayang marangal at may
paninindigan na sabay-sabay nagsisikap mapabuti ang daigdig natin ngayon.
Mula sa Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang (Akademik)2017
Mga katanungan:
1. Ano ang paksa ng talumpati ni Manuel L. Quezon? ___________________________________
2. Ano ang uri ng talumpating ito ayon sa layunin at ayon sa hulwaran? Bakit?________________
______________________________________________________________________________
Tuklasin
Memorandum o Memo
Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3 (2014),
ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala
tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o
pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang
inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa
kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o oraganisasyon ,magiging malinaw para
sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o
proyekto.
Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi
isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa
isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong ,
pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad
ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.
Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014) , ang mga kilala at
malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa
kanilang mga memo tulad ng sumusunod:
Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at
accounting department
Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin
nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat magtalay ng sumusunod
na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for
the Workplace 3 (2014).
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon gayundin ang
lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay
grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-
uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong kung ilagay
rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban na
lamang na napakapormal ng memong ginawa.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat ang
buong
pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin ,mahalagang ilagay ang pangalan
ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan
ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na lamang na nakapapormal ang memong ginawa.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat ang
buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama
ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad maunawaan
ang nais ipabatid nito.
6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangan ito ay
magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay
nagtataglay nito
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita
ng paggalang
.
7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang
pangalan sa bahaging Mula kay …
MEMORANDUM
Para sa: Mga Guro ng Ikaanim na Baitang
Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa ,sagutin ang mga katanungan ukol
dito.
Pagyamanin
Panuto: PAGSASAAYOS SA MEMORANDUM AYON SA PORMAT. Ang pagsunod sa mga paalala at
hakbang sa pagsulat ng memo ay mahalaga upang maging maayos , malinaw at mabisa ang gawain.
Ngayon, ayusin sa wastong pormat ang mga detalye ng memo o memorandum sa ibaba. Isulat sa
bondpaper.
Direktor ng Kawanihan
Direktor Panrehiyon ,Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralan
Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan;
b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;
c. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at Karunungan;
d. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.
Ang mga nabanggit na lingguhang paksa ang patnubay at magsisilbing batayan ng lahat ng
gawaing bubuuin at isagawa sa isang buwang pagdiriwang. Ang mga ito ay hindi nakaayos
ayon sa pagkakasunud-sunod upang magkaroon ng Kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng
programa.
Kagawaran ng Edukasyon
Ultra Complex , Meralco Avenue
Pasig City ,Metro Manila Philippines
Enero 18,2016
Isaisip
Panuto: PAGBUBUOD : Isulat sa isang talata ang kabuoan ng kaalamang naibabahagi sa iyo sa araling
ito.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
6
Isagawa
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 10
memorandum .
Kompleto ang bahagi ng memorandum na nabuo at nakapagbibigay ng 10
komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakakasulat ng memorandum nang maingat ,wasto at angkop ang 10
paggamit ng wika.
Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon sa memorandum. 10
Kabuoang puntos 40
Tayahin
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)
Karagdagang Gawain
Alamin
Subukin
Panuto: HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA: Basahin ang lahat ng mga pahayag bago ito sagutin.
Gamitin ang bilang 1-5 sa pagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod nito.
_____ Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa
talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa,
_____ Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na
nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras
at lugar.
_____ Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
_____ Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-
mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga
dadalo ,mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang
tatalakayin at magingang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
taong magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang
gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay
may kaugnayan sa layunin ng pulong.
_____ Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong.
Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.
Balikan
Tanong : Ano ang nararapat niyang gawin na magpapakita ng katibayan na ito ay kanyang nabasa nang
maayos at naintindihan ?______________________________________________________________
Tuklasin
Pagsulat ng Adyenda
Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang
pulong.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad
na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at
lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail
naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga
dadalo, mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang
tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa
talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang
at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay
kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa
layunin ng pulong.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong.
Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.
Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa .Sagutin ang mga katanungan ukol
dito.
1. Ano ang Adyenda
?____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2.Ano-ano ang layunin nito?_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3.Bakit mahalaga ang paggamit ng adyenda sa isang pulong ? ___________________________________
_____________________________________________________________________________________
4.Ano-ano ang bunga/resulta sa isang pagpupulong kung walang inihahandang Adyenda?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
10
Pagyamanin
Panuto: PAGSUSURI SA ADYENDA: Basahin ang buong halimbawa ng adyenda at sagutin ang mga
tanong.
Mga Katanungan:
1. Bakit magkaroon ng pagpupulong ang mga kawani sa paaralan ? Mahalaga ba at napapanahon ito?
Bakit?________________________________________________________________________________
2. Pansinin ang nakatakdang oras/minutong gugugulin na nakabatay sa Adyenda . Ano ang
naobserbahan mo rito at ano kaya ang maaaring paliwanag mo nito
?__________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Makabuluhan ba ang pagdalo ng lahat ng mga pinadalhan ng memo/memorandum ? Bakit?
_____________________________________________________________________________________
11
Isaisip
Panuto: PAGBIBIGAY KAHULUGAN: Ilapat ang Hanay A- Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Adyenda sa Hanay B . Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang .
A-Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Adyenda B- Paliwanag
1.__ Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay A.Tiyakin na nasusunod ang itinakdang
nakatanggap ng sipi ng mga adyenda. oras para sa mga adyenda o paksang
tatalakayin.
3.__ Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging C.Ginagawa ito upang matiyak na kung
flexible kung kinakailangan. kulangin man ang oras para sa
pagpupulong ay natalakay na ang
importanteng paksa.
5.__ Ihanda ang mga kakailanganing dokumento E.Ginagawa ito upang matiyak na ang
kasama ng adyenda . bawat taong dadalo sa pulong ay may sapat
na kaalaman hinggil sa mga paksang pag-
uusapan.
Isagawa:
Panuto : PAGSULAT NG ADYENDA: Alinsunod sa iyong naisulat na memorandum para
sa gagawing pulong sa nakaraang aralin , lakipan mo ito ng adyenda .Isulat ito sa bondpaper. Gawing
basehan ang halimbawa nito mula sa “Pagyamanin”.
12
Tayahin
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)
Karagdagang Gawain
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
13
Alamin
Subukin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Basahin nang maayos ang katanungan at piliin ang titik ng
angkop na sagot.Isulat ito sa patlang.
___1.Ito ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga
mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
A. Memo B. Adyenda C. Memorandum D.katitikan ng pulong
____2.Ang katitikan ng pulong ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado,sistematiko
at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagng detalyeng tinalakay sa pulong.
A.Katangian B.Kahulugan C.Gamit D.kahalagahan
____3.Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran. Makikita rin
dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
A.Usaping napagkasunduan B. Heading C.Kalahok D.Lagda
____4. Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas
mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay
maaaring ilagay sa bahaging ito.
A. Patalastas B.Iskedyul C.Pagtatapos D. Lagda
14
____5. Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng
pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang layunin nito.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D sa pagsimula ng Pulong
____6. Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang
mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D sa pagsimula ng Pulong
____7. Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan
ng sapat na espasyo para sa bawat paksa.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D.Sa pagsimula ng Pulong
____8 .Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay
nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng
mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D. Sanaysay ng
katitikan
____9.Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng
isyung napagkasunduan ng samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at
maging ang mga sumang-ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan na …
Napagtibay na..
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng
katitikan
____10. Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng
pulong. Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento.
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng
katitikan
Balikan:
Tuklasin
Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan . Ang
opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang
pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang
detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong ,ito ay
nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan ,kompanya , o organisasyon na maaaring magamit
bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano at
pagkilos.
15
Ayon kay Bargo (2014) dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na hindi niya
trabahong ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong. Sa halip, ang kanyang
tanging gawain ay itala at iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa
pagsasagawa nito.
Ayon kay Sudaprasert sa kanyang aklat ng English for the Workplace 3 (2014), ang kumukuha ng
katitikan ng pulong ay kinakailangang :
1.Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
2.Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4.Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
5.Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat
6.Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading
7.Gumamit ng recorder kung kinakailangan
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos
9.Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong
Tatlong Uri/ Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
1.Ulat ng katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng
mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa
mosyong isinagawa.
2.Salaysay ng katitikan – isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.Ang ganitong uri ay
maituturing na isang legal na dokumento.
3.Resolusyon ng katitikan -Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng
samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon
dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan na … Napagtibay na..
16
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Ayon kay Dawn Rosenberg McKay , isang editor at may-akda ng “The Everything Practice
Interview Book at The Everything Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang
maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang isinagawa ang pulong at
pagkatapos ng pulong .
Bago ang Pulong –
Tiyaking handa ang lahat ng mga kagamitan bago magsimula ang pagpupulong tulad notbuk, papel
,bolpen , lapatop ,recorder
Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong.
Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa.
Habang Isinagawa ang Pulong
Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang magsasalita sa pulong.
Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
Itala ang mahalagang ideya o puntos.
Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang
mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan.
Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa susunod na
pulong.
Itala kung anong oras natapos ang pulong.
Pagkatapos ng Pulong
Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang
lahat ng mga tinalakay.
Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng
pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang layunin nito.
Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos .
Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong. Lagyan ng “Isinumite ni” kasunod ng iyong pangalan.
Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan pasa sa huling
pagwawasto nito,
Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.
http://careerplanning.about.com/cs/communication/a/mimutes.html
Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA MGA KATANUNGAN: Basahin ang mga katanungan at sagutin ito nang
maayos at obhetibo.
1.Saan ginagamit ang katitikan ng pulong ? Sino ang dapat na gumagawa nito? _____________________
_____________________________________________________________________________________
2.Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng Katitikan ng pulong?_____________________
_____________________________________________________________________________________
3.Anong kahalagahan ng memo, adyenda at katitikan ng pulong sa pagsasagawa ng pagpupulong ? Paano
makatutulong sa iyo ang kaalaman hinggil sa mga ito ? _________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
17
Pagyamanin
Panuto: KATITIKAN NG PULONG: Basahin at unawain ang halimbawa ng katitikan ng pulong at sagutin
ang mga katanungan.
Mga Dumalo:(11) Daisy Romero, Joselito Pascual, Atty.Ez Pascual, Nestor Lontoc, Victoria
Gallardo, Rubirosa Manguera, Richard Pineda, Ailene Posadas, Gemma Abriza, Evangeline Sipat, Ricardo
Martinez
Mga Liban (4), Joel Ceniza, Vivin Abundo, Sherlyn Fercie, Onie Ison
I.Call to order:
Sa ganap na alas 9:00 n.u. ay pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong sa pamamagitan ng
pagtawag sa atensyon ng lahat.
II.Panalangin:
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat
III.Pananalita ng Pagtanggap :
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy Romero bilang tagapanguna ng pulong.
VI.Ulat ng Ingat-Yaman
Inulat ni Atty. Easy na ang nalalabing pera ng institusyon sa bangko ay nagkakahalaga ng tatlumpung
milyong piso ngunit may halagang tatlong milyong piso na dapat bayaran sa darating ng buwan.
Clea L. Bulda
Mga Katanungan:
1. Anong uri/ estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong ang nabasang
halimbawa?______________________
2. Ang katitikan ng pulong na iyong nabasa ay naisulat ba nang obhetibo, organisado at sistematiko?
Ipaliwanag.____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Nasunod ba ang mga pamatnubay at paraan ng pagsagawa ng pulong ayon sa ginamit na adyenda?
Bakit? Bakit
hindi?_______________________________________________________________________
19
Isaisip
Panuto: PAGBUBUOD: Ibuod ang kabuoang kaalaman tungkol sa aralin sa isang talata lamang.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Isagawa:
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng pulong at 10
sintesis.
Kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong na nabuo at nakapagbibigay ng 10
komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakakasulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang maingat, wasto at angkop ang 10
paggamit ng wika.
Wasto ang mga naitalang impormasyon sa katitikan ng pulong at angkop ang sintesis 10
na nabuo.
Kabuoang puntos 40
Tayahin
Lagom:
Madalas marinig na ang mabisang komunikasyon ang buhay ng isang samahan o organisasyon.
Kung walang maayos na daloy ng komunikasyon sa loob ng isang samahan, kadalasan ito ay walang
kaayusan. Gayundin naman, kung ang komunikasyon ang buhay ng samahan, itinuturing namang
pinakapuso at isip nito ay ang pagpupulong. Sa pamamagitan ng epektibong pagpupulong nauunawaan at
nadarama ng bawat bahagi ng samahan ang mga lithiin at nais tahakin nito. Kaya naman, napakahalagang
maisagawa ang isang maayos, organisado , at sistematikong pagpupulong ito man ay isang business
meeting ,one-on-one meeting , o company or school meeting.
Memorandum 0 Memo
Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3
(2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong
o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang
layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung
ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid
lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o oraganisasyon ,magiging
malinaw para sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang
nasabing desisyon o proyekto.
Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi
isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa
isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong ,
pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad
ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.
Pagsulat ng Adyenda
Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang
pulong.
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan . Ang
opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang
pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang
detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong ,ito ay
nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan ,kompanya , o organisasyon na maaaring magamit
bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano at
pagkilos.
21
TAYAHIN
Pangwakas na Pagtataya
Panuto A: PAGKILALA SA SULATIN: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman
sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Pumili ng sagot sa loob ng
panaklong
Pamantayan Puntos
40
Kabuoang puntos
Modyul 4
A.Panimulang / Pangwakas na Pagtataya
1.Katitikan ng Pulong
2.Memorandum
3.Katitikan ng Pulong
4.Adyenda
5.Memorandum
6.Adyenda
7.Adyenda
8.Adyenda
9.Memorandum
10.Katitikan ng Pulong
11.Adyenda
12.Katitikan ng Pulong
13.Memorandum
14.Adyenda
15.Katitikan ng Pulong
Modyul 4 Modyul 4
Aralin 1 Aralin 3
Subukin (p.1) Subukin ( 13)
1.TAMA 1.D
2.TAMA 2.A
3. MALI 3.B
4.TAMA 4.A
5. MALI 5.C
6.B
Modyul 4 7.A
Aralin 2 8.A
Subukin ( p.8) 9.C
3 10.B
1
5
2
4
Modyul 4
Aralin 2
Isaisip ( p.11)
1.E
2.C
3.A
4.B
5.D
Susi sa Pagwawasto
23
24
Mga Sanggunian
Aklat
Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik )Phoenix
Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016 Edition
Module
DepEd CDO SHARED Options Learning Activities
Internet Sites
http://careerplanning.about.com/cs/communication/a/mimutes.html
https://www.youtube.com/watch?v=icg5z8cyx-4
tps://www.quirks.com/articles/the-benefits-of-one-on-one-meetings
ttps://www.shsk.org.uk/Beyond/School-Council.aspx
https://smallbusiness.co.uk/how-to-have-a-good-business-meeting-1646683/
https://www.teacherph.com/2016-buwan-ng-wikang-pambansa/
25