You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin

sa Pagtuturo ng Wika
Ikatlong Baitang

I. Layunin:
Matapos ang isang oras at sampung minutong talakayan, ang mga bata ay
inaasahang:
a) Natutukoy ang pangngalan ayon sa kasarian;
b) Nabibigyang halaga ang uri ng kasarian ng pangngalan; at
c) Napapagkat-pangkat ang mga pangngalan ayon sa kasarian.
II. Paksang Aralin:
a) Paksa: Kasarian ng Pangngalan
b) Sanggunian: Bagong Filipino 3 Wika pp. 102- 106
c) Kagamitan: tsart, mga larawan, plaskard
d) Pagpapahalaga: Pagbibigay halaga sa kasarian ng pangngalan
III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata


a) Panimulang Gawain
1) Balik- Aral
Ano ang pinag-aralan natin
kahapon? Ang pinag-aralan natin kahapon ay
tungkol sa pangngalan.
Tama! Ano nga uli ang
pangngalan? Ang pangngalan ay ngalan ng tao,
hayop, bagay, lugar at pangyayari.
Magaling! Magbigay nga ng
halimbawa ng ngalan ng tao. G.Turla, Eljan,guro,Jeffrey
Ngayon magbigay naman
kayo ng halimbawa ng ngalan ng lapis, pluma, mesa, kwaderno
bagay.
Magaling! Magbigay naman simbahan, silid, bakuran,kwarto
kayo ng ngalan ng isang lugar.
Magaling! Bigyan natin ang
lahat ng isang malakas at
masigabong palakpakan.
2) Pagganyak
Ngayon, may mga larawan
akong ipapakita sa inyo. Gusto kong
tukuyin niyo kung ano o sino ang
mga nasa larawan. Sino ito? Si Piolo Pascual po.
Anong kasarian meron si Lalaki po.
Piolo? Si Sarah Geronimo po.
Ito, sino ito?

Anong naman kasarian Babae po.


meron si Sarah? Sanggol po.
Ano naman ito?

Ano sa tingin niyo ang Maari pong lalaki o babae


kasariang meron ang sanggol ito?
Tama, hindi natin matukoy
ang kasarian ng larawang ito kaya
masasabi nating nasa di-tiyak ang
kanyang kasarian. Ano naman ang Isang libro po.
larawan ito?

May kasarian ba ang isang Wala po.


libro?
Tama!
b) Panlinang nga Gawain
1) Paglalahad
Paano natin masasabing
ang tao ay babae o lalaki? Masasabi po natin ito dahil sa kanyang
anyo o kasarian.
Tama! Natutukoy natin ang
anyo ng isang bagay dahil sa
kasarian nito. Kaya ngayong
umagang ito, atin talakayin ang
kasarian ng pangngalan.
Magkakaroon muna tayo ng
pagkukwento tungkol sa isang
alamat at pagkatapos ay sagutin
niyo ang aking mga katanungan.
Ngayon may ilang larawan akong Sto. Niño po.
ipapakita sa inyo. Anong larawan
ito?

Maganda po.
Tama! Ito’y isang Sto. Niño.
Ilarawan niyo nga ang Sto. Niño.
Oo, ang Sto. Niño talaga ay Lugar ng Batangas
maganda. Ano naman ang nasa
larawan na ito?

Tama! Ang larawang ito ay


larawan ng Batangas. Ito ay isa sa
mga sikat na lugar sa Batangas.
Ngayon, gusto niyo bang malaman Opo.
kung bakit Batangas ang tawag sa
lugar na ito?
Bago ako tuluyang Makinig po ng mabuti.
magkwento, ano-ano ang mga Hindi mag-ingay
dapat niyong gawin habang ako ay Umupo po ng maayos
nagkukwento?
Ano pa?
Ano pa?
Tama! Dapat umupo kayo
ng maayos, making kayo ng mabuti
at huwag mag-ingay. Ngayon
sisimulan ko na ang pagkukwento.
“Alamat ng Batangas”
Pinatutulog ni Lola Basyang
ang kanyang mga apong sina
Nicole at Juan.
“Lola, kwentuhan muna ninyo
kami,” sabi ni Nicole.
“ Ano ang gusto ninyong
kwento?” tanong ng kanilang lola.
“ Kahit po ano lola,” sagot ni
Juan.
“O, sige, ikukwento ko sa inyo
ang alamat ng Batangas ang ating
lalawigan,” sabi ni Lola Basyang.
“Isang kagubatan noon ang
Batangas. Napakarami at malalaki
ang punong kahoy rito. Pinuputol at
ginagawang troso ang malalaking
punong kahoy. Tinawag ng mga
tagarito na “batang” ang mga troso.
“Isang araw, nakita ng isang
piping batang lalaki ang isang
imahen ng Sto. Niño na nakasakay
sa batang. Kinawayan ng Sto. Niño
ang bata sa pamamagitan ng
kanyang mga kalaro. May ilang
matatandang nakakita sa mga bata.
Nagulat sila ng makita nila ang Sto.
Niño. Dinala nila ito sa bagong
simbahan. Ibinalita ng pari na ang
nawawalang Sto. Niño ng Cebu ay
nasa simbahan. Nang dumating ang
mga taga Cebu inuwi nila ito sa
Cebu. Pagkaraan ng ilang araw,
nakitang muli ng batang pipi ang
Sto. Niño na nag-iisang nakasakay
sa batang. Tatlong beses na kinuha
ng mga taga-Cebu ang Sto. Niño na
inuwi ito sa Cebu ngunit palaging
bumabalik, kaya hinayaan na lang
nila na manatili ito sa kinakitaan sa
kanya.
Dahil ang Sto. Niño ay nakitang
nakasakay sa batang, tinawag ng
mga tagarito ang lugar na ito ng
Batangan. Nang lumaon ito ay
ngaing Batangas.”
“ Maganda po pala ang alamat
ng Batangas.” ang sabi ni Nicole.
Matutulog na po kami, Lola,” sabay
sabi ng dalawang bata.

2) Pagtatalakay
a) Ano ang tinatawag nilang
“batang”?
Tinawag nilang batang ang troso.
b) Sino ang laging kinakawayan
ng Sto. Niño?
Ang piping batang lalaki
c) Sino ang nagsasalaysay ng
kwento na aking binasa?
Si lola Basyang.
d) Kung ikaw sina Nicole at
Juan, ano ang dapat mong gawin
para iyong maunawaan ang
Makikinig rin po ng mabuti.
kwento?
Oo, dapat talagang makinig ng
mabuti. Ngayon may mga salita ako
dito na galing sa kwento. Gusto
kong ilagay niyo ito sa tamang Lola Juan apo troso
hanay. Basyang lalaki matanda Batangas
Nicole bata Kahoy

Magaling! Bigyan natin ang


lahat ng masigabong palakpakan. Opo.
Mga bata, alam niyo bang may
kasarian ang pangngalan?
Ngayon bigyan pansin natin ang Sila po ay mga babae.
unang hanay ng tsart. Ano sa tingin
niyo ang uri ng kasarian meron ito?
Oo, ang mga salitang nasa
unang hanay ay pangalan ng babae Kung ang pangalan po ay nauukol sa
o pambabae. Paano natin masasabi babae.
na ang pangalan ay pambabae?
April, May,nanay, Aileen
Tama! Ano-ano pa ang ibang
halimbawa ng pangalan pambabae? Sila po ay mga lalaki.
Magaling! Ngayon anong
kasarian naman meron ang
ikalawang hanay?
Tama! Ang mga salitang nasa
Kung ang pangalan po ay nauukol sa
ikalawang hanay ay mga pangalan
lalaki.
ng lalaki o panlalaki. Paano naman
natin masasabi na ang pangalan ay
Jeffrey, Jason, tatay, pari
panlalaki?

Magbigay nga kayo ng iba pang


Mga salitang ang kasarian ay maaring
halimbawa?
babae o lalaki.
Magaling! Ano naman kaya sa
tingin niyo ang mga salitang nasa
ikatlong hanay?
guro, mag-aaral, tagapamahala
Tama! Ito ay mga salitang di-
tiyak ang kasarian. Magbigay pa
Mga bagay po.
nga kayo ng halimbawa?
Magaling! Ngayon bigyan
Wala po.
pansin naman natin ang ikahuling
hanay. Ano- ano ang mga salitang
Dahil wala silang buhay.
ito?
Anong kasarian meron ang mga
salitang ito?
Ilaw, litrato, damit, t.v
Tama! Bakit niyo nasabing wala
silang kasarian?
Oo, dahil wala silang buhay.
Magbigay nga kayo ng mga bagay
na walang kasarian?
Bigyang natin muli ang isa’t-isa
ng masigabong palakpakan.
3) Paglalahat
Ngayong alam niyo na ang mga
kasarian ng pangngalan, ano-ano
uli ang mga ito? panlalaki, pambabae, di-tiyak, walang
kasarian
Paano natin masasabi na ang
pangalan ay panlalaki? Kung ang pangalan po ay nauukol sa
isang lalaki.
Paano naman natin masasabi
na ito ay pambabae. Kung ito po ay ukol sa babae.
Ano naman ang ibig sabihin ng
di-tiyak? Maaring pambabae o panlalaki.
Paano naman natin masasabi
na ang bagay ay walang kasarian? Kung ito’y walang buhay.
4) Pagpapahalaga
Mga bata, may larawan ako rito
ng isang sikat na artista. Gusto niyo
ba siyang makita? Opo.
Sino siya? Si Vice Ganda po.

Oo, ito si Vice Ganda. Anong


kasarian meron si Vice?
lalaki/ di-tiyak/ babae
Sa isang tao meron ba talagang
kasarian na di-tiyak?
Wala po.
Oo, dahil lalaki at babae lamang
ang natatanging kasarian meron
ang isang tao. Mga bata, anong
gagawin natin kapag nakakita kayo
ng tulad ng isang katulad ni Vice?
Dapat ba natin siyang pagtawanan?
Hindi po.
Mga bata, dapat natin malaman
at matutunan ang pagbibigay
halaga at respeto sa ating kapwa
lalo na sa mga katulad ni Vice o
kaya’y sa mga kaklase niyo na may
parehang kundisyon ni Vice. Dapat
rin nating malaman na lalaki at
babae lamang ang kasariang meron
ang isang tao. Maliwanag ba?
Opo.
c) Pangwakas na Gawain
Paglalapat
a) May mga plaskard ako rito,
gusto kong tukuyin niyo ang
kasarian ng bawat isa at ilagay ito
sa tamang hanay.
kuya tela Niña
ama mansanas Billy
Annabel matanda tao
Katoliko plastik ninang pambaba panlalaki di-tiyak Walang
e kasarian
Annabel kuya Katoliko tela
Niña ama matand mansanas
ninang Billy a plastik
tao
b) Pagpapangkat
Papangkatin ko kayo sa tatlo.
Ang unang pangkat ay magbibigay
ng tiglilimang pangalan ng lalaki.
Ang ikalawa naman ay pangalan ng
babae at ang ikatlong pangkat
naman ay mga salitang di-tiyak.
Pagkatapos ay tatawag ako ng
limang mag-aaral sa bawat pangkat
upang magbigay ng tig-iisang pambabae panlalaki di-tiyak
halimbawa ng naitalang salita. Peter Miriam Katoliko
John Esther matanda
James Ruth tao
Luke Hannah guro
Mark Magdalene bayani
c) Bilugan ang pangngalan sa
pangungusap. Isulat sa patlang ang
1 kung panlalaki, 2 kung pambabae,
3 kung di-tiyak at 4 kung walang
kasarian.
1) Si Bea ay masipag mag-
aral.
2) Magaling na aktor si Paolo.
3) Malaki ang libro na dala
niya.
4) Maraming mag-aaral ang
pumasok.
5) Mahal niya ang kanyang
lolo.
6) Malinis ang kanyang kama.
7) Magiting siyang bayani.
8) Malaki na si Jessa.

d) Hanapin sa kahon ang


kasalungat ng kasarian ng
pangngalang nakasalungguhit sa
pangungusap. Isulat sa patlang ang
titik ng sagot.
1) Ang reyna ay nag-ikot sa
palasyo.
2) Maganda ang balahibo ng
kanyang tandang.
3) Mahinhin kumilos ang
dalaga.
4) Mabait ang kanyang ate.
5) Magaling siyang doktor.

a) kuya
b) hari
c) inahin
d) doktora
e) binata

IV. Pagtataya
Tukuyin ang kasarian ng
pangngalan sa bawat pangungusap.
Isulat ang PL kung panlalaki, PB kung
pambabae, DT kung di-tiyak at WK
kung wala kasarian.
1) Si Nelly ay maganda.
2) Ang pari ay nagmisa.
3) Ang mag-aaral ay masaya.

4) Marumi ang kanyang damit.


5) Siya ay magaling na guro.

V. Takdang Aralin
Kopyahin ang lahat ng pangalan sa
loob ng talata sa ibaba na may
salungguhit. Itala ito sa angkop nitong
kolum sa tsart na kasunod.
“ Noong unang panahon, pilit
sinasakop ng mga dayuhan ang
Pilipinas. Ang pananakop na ito ay
sapilitan at hindi nagustuhan ng mga
Pilipino. May mga taong nagnais ng
kalayaan tulad nina Gabriela at Diego
Silang, Francisco Dagohoy at iba pa.
Kahit maraming naitulong sa ating
relihiyon at pagtatayo ng paaralan,
hindi pa rin nagpasakop ang ating mga
bayani, babae o lalaki. Andyan sina
Jose Rizal, Andres Bonifacio at
Melchora Aquino.”

Pambabae Panlalaki Di- Walang


Tiya Kasarian
k

You might also like