You are on page 1of 8

2 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan - Modyul 2:
Nagagamit Ko Ang Aking Talino at Kakayahan

May-akda: Rosalina G. Arenas


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na


magagamit mo ang iyong talino at kakayahan. Ang mga
inihandang pagsasanay ay tiyak na makatutugon upang
makamit ang layuning ito.

Subukin
Kulayan ng asul ang kahon kung ang pahayag ay
nagpapakita ng paggamit sa talino at kakayahan. Lagyan
naman ng ekis kung hindi.
1.Tinutulungan ni Belen ang 2.Tinuturuan ni Fidel ang pinsan sa
kanyang kapatid sa pagpipinta pagbigkas ng tula dahil sasali ito
ng art activity nito. sa paligsahan.

3.Tumutulong si Arlene sa 4.Kinukwentuhan ni Patrick ang


pagbibeyk ng keyk para sa bisita ng kanyang tatay para
kanilang bisita. hindi sila mainip.

5.Lagi lamang nagkukulong ng kanyang kuwarto ni Rosie.

Balikan
Basahin ang bawat sitwasyon. Sumulat ng isang
pangungusap kung paano mo maipapakita ang
pasasalamat sa Panginoon.
1.Panahon ng pandemic ngayon. Isa sa frontliner ang iyong
tatay dahil siya ay isang pulis. Sa kabila nito, malakas pa rin
ang kanyang katawan at walang karamdaman.
2.Nawalan ng trabaho ang iyong nanay. Naisip niya na
magtinda sa harap ng inyong bahay ng mga lutong ulam.
Marami ang bumibili dito araw-araw.
3.Nagkaroon ng malubhang karamdaman ang iyong Lolo.
Matagal siyang namalagi sa ospital. Pakalipas ng ilang lingo,
unti-unti na siyang gumagaling.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Mayroon ka bang talino at kakayahan? Paano mo ito


ginagamit. Basahin ang kwento at alamin kung ano ang
gantimpalang naghihintay sa isang taong ginagamit nang
maayos ang kanyang talino at kakayahan.

Paggamit sa Talino at Kakayahan


May Naghihintay na Pagpapala
ni RG Arenas

Minsan, may isang Diwatang nagpasyang pumunta sa


mundo upang humanap ng mga batang karapat-dapat bigyan
ng mahalagang regalo. Sa kanyang paghahanap, nakapunta
siya sa iba’t ibang lugar, hanggang marating ang isang liblib na
bayan.
Nakita niya dito ang dalawang bata na labis ang lungkot.
Nilapitan niya ang mga ito at kinausap.
“Ako’y nababahala sa lungkot na nakikita ko sa inyo. Ano
ang inyong problema?” tanong ng diwata.
“Palagi po kasi kaming bumabagsak sa aming mga
pagsusulit. Wala din pong gustong makipagkaibigan sa amin.
Wala daw po kaming kayang gawin,” paliwanag ng isa.
Nag-alala ang Diwata sa kanyang narinig. “O sige. Huwag
na kayong malungkot. Bibigyan ko kayo ng mga regalo. Nais
kong gamitin ninyo ang mga ito sa lahat ng pagkakataon.
Umuwi na kayo at magpahinga. Bukas, sa
inyong paggising ay matatanggap na
ninyo ang inyong mga regalo,” tugon ng Diwata. Ganoon nga
ang ginawa ng mga bata. Umuwi silang masayang-masaya
sa pangako ng Diwata. Kinabukasan, nagulat sila sa kanilang
pagbabago. Naging mahusay sa Matematika,
pagsayaw at pagguhit ang unang bata. Ginamit niya ang mga
ito upang matulungan ang kanyang mga kaklase. Sa paglipas ng
panahon, mas lalo pa siyang naging mahusay at nagkaroon ng
maraming kaibigan.
Ang pangalawang bata naman ay naging magaling sa
maraming uri ng isports. Subalit nakaramdam ito ng inggit. Gusto
rin niyang maging magaling sa Matematika, pagsayaw at
pagguhit.
Hindi niya ginamit ang kanyang kakayahan.
Minsan sa kanyang pagtulog, nagpakita ang diwatang
nagbigay sa kanila ng regalo. Malungkot itong nakatingin sa
kanya.
“Nakita ko na hindi mo ginamit at binigyan ng
pagpapahalaga ang talentong binigay ko sa iyo. Kukunin ko na
ito at ibibigay na lamang sa iba.” Pagkasabi niyon ay agad na
naglaho ang Diwata.
Kinabukasan, napansin na lamang ng batang wala na
siyang kakayahan sa kahit anong isports. Nagsisisi siya sa kanyang
nagawa, subalit huli na ang lahat.

Basahin ang mga tanong. Isulat ang titik ng wastong


sagot sa patlang.
1. Sino ang bumisita sa mundo para magbigay ng
mahalagang regalo?
A. ang hari B. ang diwata C. ang mga bata
2. Bakit kaya napili ng diwatang bigyan ng regalo
ang dalawang bata?
A. dahil may kabutihan ang dalawang bata.
B. dahil sila lang ang nakakita ng diwata
C. dahil umiiyak ang dalawang bata
3. Ano ang regalong natanggap ng dalawang bata
mula sa diwata?
A. mga pagkain C. mga talento at kakayahan
B. mga kaibigan
4. Paano ginamit ng unang bata ang kanyang
regalo?
A. Sumali siya sa mga paligsahan.
B. Tinuruan niya ang kanyang mga kamag-aral.
C.Lumipat siya ng ibang paaralan at doon
nagpasikat.
5. Ano kaya ang mangyayari sa ikalawang bata
kung ginamit niya ang regalong bigay ng diwata?
A. dadami ang mga taong hahanga sa kanya
B.magiging mahusay siyang manlalaro
C.magiging sikat siya
Suriin
Ang talento at kakayahan ay isang espesyal na regalo
sa atin ng Diyos. Makabubuti na ito ay gamitin at ibahagi sa
iba. Ang paggamit at pagbabahagi ng talento at
kakayahan ay isang paraan upang lalong maging mahusay
dito. Ito ay nagdudulot din ng kasiyahan sa iba. Isa din itong
paraan upang ipagpasalamat sa Diyos ang kanyang regalo
para sa atin.

Pagyamanin

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa unang


kolum kung paano ginagamit ng mga bata ang kanilang
talento at kakayahan. Isulat naman sa pangalawang kolum
kung ano ang mabuting maidudulot nito.

Paggamit sa Talento Mabuting


Larawan at kakayahan maidudulot nito

Isaisip
Kabisaduhin ang gintong aral sa ibaba.
Kakayahan at talino, Buong pagmamahal na ibabahagi ko.
Isagawa
Kumpletuhin ang concept map. Isulat sa loob ng
mga puso ang iyong natatanging talento o kakayahan.
Isulat naman sa loob ng kahon kung paano mo
gagamitin at ibabahagi ang mga ito.

Ako ay may talento at kakayahan. Ito ay ang mga

ginagamit
ko ang mga ito
sa pamamagitan ng

Tayahin
Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung ang
pahayag ay nagpapakita ng paggamit sa kakayahan at
malungkot naman kung hindi.
1.Tinutulungan ko ang aking tatay sa paghahalaman sa
aming bakuran.
2.Hindi ko pinapansin ang kamag-aral kong
nagpapaturo sa akin ng leksiyon sa Matematika.
3.Pinagagalitan ko ang nakababata kong kapatid
kapag may ginagawa ang aming nanay.
4.Kinukulayan namin ng kapatid ko ang kanyang
proyekto upang mabilis itong matapos.
5.Nanghihingi ako ng bayad kapag pinakakanta ako ng
mga bisita ng lolo at lola ko.
Karagdagang Gawain
Lagyan ng tsek ang hanay na nagpapahayag ng
iyong sagot.

Sumasang- Hindi
ayon Sumasang-ayon
1. Ang talento at
kakayahan ay bigay ng
Diyos sa bawat isa.
2.Natatangi ang
kakayahan ng bawat bata.
3.Mainggit sa batang may
iba’t ibang kakayahan.
4.Ang pagtulong sa kapwa
ay paggamit ng isang
kakayahan.
5.Natutuwa ang Diyos kung
ginagamit ang kakayahan
sa mabuting gawain.

Sanggunian

Biglete, Caraan, Catapang and Gonzales, Isabel


Monterozo. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao
Kagamitan ng Mag-aaral. Vibal Publishing House, Inc.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rosalina G. Arenas (Guro, Nangka Elementary School)


Mga Tagasuri: Sheryl O. Dado (Guro, Fortune Elementary School)
Leilani N. Villanueva
(Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao)

Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Jesus Dela Peña NHS)


Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address:

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

You might also like