You are on page 1of 12

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 10: El Filibusterismo – Panghihiram ng Salita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Paula Micaela Adeza
Tagasuri: Melinda P. Iquin at Aurora M. Reyes
Editor : Albert C. Nerveza
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)

Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon

Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10

Ikaapat na Markahan
Modyul 10 para sa Sariling Pagkatuto
El Filibusterismo/Panghihiram ng Salita
Manunulat: Paula Micaela Adeza
Tagasuri: Aurora M. Reyes at Melinda P. Iquin /Editor: Albert C. Nerveza

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul para sa
araling El Filibusterismo !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay

makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng

modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul ukol sa Aralin 4 : El

Filibusterimo

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa Wikang Espanyol.
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:

1. Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang hiram batay sa pagkakagamit sa

pangungusap.
2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga pahayag na ginamitan ng mga
salitang Espanyol.
3. Naisasalin ang mga salitang hiram sa Wikang Ingles at Espanyol.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Hanapin at isulat ang mga salitang bigkas hango sa Kastila na ginamit sa
pangungusap.

_______________1. Hangad ng opisyal ng pamahalaan na maipatupad ang batas.

_______________2. Magsikap sa pag-aaral upang makakuha ng mataas na marka.
_______________3. Bawat kuwarta ay pinaghihirapan, magtipid para sa
kinabukasan.
_______________4. Ipinagbabawal na ang mga kabataan na umistambay sa kalye.
_______________5. Ang tseke na kaniyang tinanggap ay gantimpala dahil sa
kaniyang kabutihan.

BALIK-ARAL
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang bubuo sa pahayag.

sandata pangangailangan tulisan

talino tahanan rebolber

“Ipagpatawad po ninyo na sa sarili ninyong (1)__________________ ay

pinagnakawan ko kayo, ngunit (2)____________________ ang siyang nag-udyok sa
akin. Ipinagpalit ko sa inyong (3) ______________________ ang laket na
pinakamimithi ninyo. Kailangan ko ang (4)_______________________ pagkat ako’y
sasama na sa mga (5) ________________________”.
6
ARALIN
Ang Panghihiram
Isang realidad ang pangangailangan ng Wikang Filipino na manghiram sa
Ingles, Kastila at iba pang wika para matugunan ang malawakang pagpasok ng
mga bagong kultural na aytem at mga bagong konsepto na dala ng modernisasyon
at teknolohiya. Idagdag pa na ang karaniwang Pilipino ay nagpapalit-wika at
malayang nanghihiram ng mga salita anomang varayti ng wika ang ginagamit,
pasalita man o pasulat.
Pinababagal ng 1987 Patnubay sa Ispeling ang leksikal na elaborasyon ng
Filipino. Nililimitahan niya ang panghihiram ng mga salita sa paghihigpit sa
paggamit ng walong dagdag na letra (C, F, N, J, Q, V, X at Z) doon lamang sa mga
sumusunod:
 Pantanging ngalan
 Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
 Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas na
kapag binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi mabakas ang orihinal
na ispeling nito.
 Salitang pang-agham at teknikal
 Simbolong pang-agham
Kung kaya’t napapanahon lamang ang pagrebisa sa mga tuntunin sa
ispelling. May mahahalagang batayan para sa isang mabisang sistema sa ispeling.

1. Kasimplihan at ekonomiya na kaugnay ng isa sa isang tumbasan ng tunog at

letra at;
2. Fleksibilidad, ang pagtanggap ng mga linggwistikong pagbabago ng walong
(8) dagdag na letra sa lahat ng hiram na salita.
Batay rito, pinaluluwag ng nirebisang tuntunin sa ispeling ang paggamit ng
walong (8) dagdag na letra sa lahat ng hiram na salita.

Mga Tuntunin sa Panghihiram

Isa sa mga tuntunin sa panghihiram:
Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles
at iba pang wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Kastila Filipino Ingles Filipino
(1) (2)
cheque tseke centripetal sentripetal
litro litro commercial komersyal
liquid likido advertising advertaysing
telefono telepono economics ekonomiks
qilates kilatis radical radikal

7
Isa sa halimbawa ng awiting may mga hiram na salita ay:
"Porque (Chagalog Version)"

I. Tulala lang sa'king kwarto Ta pidi milagro, vira'l tiempo

At nagmu-muni-muni El mali hace derecho
Ang tanong sa'king sarili Na dimio reso ta pidi yo
Bakit sa'iyo pa nagkagusto Era olvida yo contigo
Parang bula ika'y naglaho III. Wag nang lumapit
Koro: O tumawag pa at baka
Porque contigo yo ya escuji? masampal lang kita
Ahora mi corazon ta supri Di babalikan
Bien simple lang iyo ta pidi Magsisi ka man
Era cinti tu el cosa yo ya cinti Ako ay lisanin
Koro:
Ta pidi milagro, vira'l tiempo Porque contigo yo ya escuji?
El mali hace derecho Ahora mi corazon ta supri
Na dimio reso ta pidi yo Bien simple lang iyo ta pidi
Era olvida yo contigo Era cinti tu el cosa yo ya cinti
II. Ang lahat ay binigay ko Bakit ikaw pa ang napili
Ngayon ay sising-sisi Ngayon ang puso ko ay sawi
Sobra sobra ang parusa Kay simple lang ng aking hiling
Di alam kung kaya pa Na madama mo rin ang pait at
Bakit sa'iyo pa nagkagusto pighati
Parang bula ika'y naglaho IV.Sana'y magmilagro
Koro: Mabalik ko
Porque contigo yo ya escuji? Mali ay maiderecho
Ahora mi corazon ta supri Pinagdarasal ko sa'king puso
Bien simple lang iyo ta pidi Na mabura na sa isip ko
Era cinti tu el cosa yo ya cinti

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1:

PANUTO: Tukuyin sa pangungusap ang mga salitang hiram na ginamit sa awiting

“Porque”.
__________1. Tulala lang sa'king kwarto at nagmu-muni-muni.

__________2. Bien simple lang iyo ta pidi.

__________3. Mali ay maiderecho.

__________4. Kay simple lang ng aking hiling.

__________5. Porque contigo yo ya escuji?

8
Pagsasanay 2:

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang kahulugan ng mga salitang hiram sa loob ng
kahon.

A. Paglipat ng isang sentro

B. Peryodikong publikasyon
C. Elektronikong gamit
D. Kabuuang dami ng tao
E. Sistema na pag-iipon ng kaalaman

_______1. Ang Pilipinas ay may malaking populasyon.

_______2. Mamahaling komyuter ang natanggap ni Eva noong Pasko.
_______3. Makatutulong ang edukasyon upang magkaroon ng magandang
kinabukasan ang isang tao.
_______4. Tinalakay namin sa paaralan ang paksa tungkol sa sentripetal na
lakas.
_______5. Nakita kita sa isang magasin, dilaw ang iyong suot at buhok mo’y green.

Pagsasanay 3:
PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang talahanayan sa ibaba kung ang salitang hiram ay
Ingles o Espanyol.

SALITANG HIRAM INGLES ESPANYOL

Bentilador
Bolpen
Pamilya
Komersyal
Titser

PAGLALAHAT
Panuto: Dugtungan ang hindi tapos na pangungusap.

Nalaman ko sa ating aralin...

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

9
Naisip ko na....

Upang higit mong mapahalagahan ang iyong natutuhan sa araling

ito, subukin mong sagutan ang tanong.

Bilang mag-aaral, paano nakatutulong ang mga salitang hiram sa

pakikipagkomunikasyon, pag-aaral at sa pang-araw-araw na pamumuhay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Bilang panapos na pagsusulit inaasahan na ikaw ay

makapagbabahagi ng sarili mong pananaw o opinyon sa napapanahong
isyung panlipunan. Salungguhitan ang mga salitang hiram na gagamitin sa
pagpapaliwanag. Ang iyong gagawing pagpapaliwanag sa isyung ito ay
mamarkahan ng guro ayon sa sumusunod na pamantayan:

PAMANTAYAN SA PAGPAPALIWANAG NG SARILING PANANAW

O OPINYON SA ISYUNG PANLIPUNAN

Impormasyong inilalahad 4
Kaangkupan ng pagpapaliwanag sa paksa 3
Kaayusan ng balangkas sa pagsulat 2
Kabuuang dating 1
Kabuuang Puntos 10

10
__________________________________________________________________________________

PAMAGAT

11
12
shorturl.at/qIOTV
shorturl.at/mwGIR
shorturl.at/jsuO2
Sanggunian
MODYUL 10
ARALIN (EL FILIBUSTERISMO)
PAUNANG PAGSUBOK PAGSASANAY BLG.3
1. opisyal 1. Espanyol
2. marka 2. Ingles
3. kuwarta 3. Espanyol
4. kalye 4. Ingles
5. tseke 5. Ingles
BALIK-ARAL PAGLALAHAT
1. TAHANAN 1.
2. PANGANGAILANGAN 2.
3. REBOLBER 3.
4. SANDATA 4.
5. TULISAN 5.
PAGSASANAY BLG.1 PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. kwarto - Nakadepende sa pagmamarka ng
2. simple guro sa tulong ng pamantayan
3. derecho
4. simple
5. porque
PAGSASANAY BLG.2
1. D
2. C
3. E
4. A
5. B
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like