You are on page 1of 4

NASYON | Watawat—higit sa piraso ng tela–ay isang simbolo ng ating pagkabansa.

Ngayon
ay ginugunita ang Pambansang Araw ng Watawat. Alamin ang kasaysayan sa likod ng simbolo
ng ating kalayaan.

”On March 6, 1965, Presidential Proclamation No. 374 was issued declaring May 28 as National
Flag Day to commemorate the date the national emblem was first unfurled after the Philippine
Revolutionary Army defeated the Spanish forces in the Battle at Alapan, Imus, Cavite in 1898. On
May 23, 1994, Executive Order No. 179 was issued extending the period of celebrating National Flag
Day from May 28 to June 12. All Filipinos are encouraged to display the Philippine flag in all
offices, agencies and instruments of government, business establishments, schools, and private
homes throughout this period."

(Nasa larawan)

Ang watawat ng Pilipinas ay ginawa nina Marcela Marino Agoncillo (Asawa ni Felipe
Agoncillo), Delfina Herbosa-Rizal de Natividad (Pamangkin ni Dr. Jose Rizal), at Lorenza
Marino Agoncillo sa 535 Morrison Hill Road, Happy Valley, Hongkong.

Una itong ininawagayway sa Proklamasyong ng Kalayaan sa Kawit, Cavite, noong ika-12 ng


Hunyo, 1898. Kasabay nito ay ipinatugtog ang Marcha Nacional Filipina.

(Orihinal na disenyo ng watawat na ginamit sa Kawit, Cavite).

(Ang disenyo na pinagtibay ng Executive Order 23, 1936 ni Manuel


L. Quezon at ginagamit sa kasalukuyan).

Ang watawat sa kamalayan ng mga Pilipino.

(P.S.Gagamit sana ng flag tapos may mga arrow to indicate meaning)


Bughaw: sumisimbolo sa pagiging makabansa at hustisya.

Pula: sumisimbolo sa kagitingan at mga dumanak na dugo para sa kalaayan at kasarinlan.

Ang araw: sumisimbolo sa kalayaan at ang walong rayos ay ang walong lalawigan na nanguna
sa rebolusyon.

Puti: nagpapakita ng kapayapaan at kadalisayan. Habang ang putting tatsulok ay simbolo ng


pagkakapantay-pantay, at representasyon ng samahang Katipunan.

Ang tatlong bituin: simisimbolo sa tatlong malalaking pulo ng bansa; Luzon, Visayas, at
Mindanao.

Ang watawat ng Pilipinas ayon sa Acta de la proclamación de la independencia del pueblo


Filipino ni Ambrosio Rianzares Bautista.

(P.S. gagamit ulit ng flag tapos may mga arrow)

“Ang [tatsulok] na puti ay katulad ng sagisag na ginamit ng Katipunan, na sa pamamagitan ng


pagsasanduguan ay ibubunsod ang bayan sa paghihimagsik…”

“…Ang tatlong bituin ay nagpapakilala sa tatlong malalaking pulo ng ating bansa. Ito ay ang
Luson, Mindanaw at Panay na siyang kinaganapan ng ating bayan…”

“…Ang mga kulay ng Bughaw, pula, at puti ay sumasalamin sa mga kulay ng watawat ng
Norte Amerika, bilang pagpapakita ng malaking utang na loob sa ipinamalas niyang pagkupkop
ng walang pag-iimbot sa atin sa simula at hanggang ngayon…”

“…Ang araw ang siyang nagbabadha ng malalaking hakbang na ginagawa ng mga anak ng
bayang ito sa landas ng pag-unlad at kabihasnan…”

“…Ang walong rayos ng araw ay sumisimbolo sa walong lalawigan na nagpasimuno sa


pakikidigma.”

Paglilinaw | Ang walong rayos ng araw ay sumisimbolo sa walong lalawigan na isinailalim sa


Martial Law ni Gobernador-Heneral Ramon Blanco noong ika-30 ng Agosto, 1896. Ang
lalawigan ng Maynila at Cavite lamang ang nag-alsa bago ang pagpapataw ng Batas Militar at
taliwas ito sa mga dating impormasyon, ang walong lalawigan ay hindi ang mga unang lalawigan
na nag-aklas laban sa pamahalaang Kastila. Humigit-kumulang sa dalawang daang pag-aalsa ang
naganap sa Pilipinas bago ang taong 1896.
Ang mga lalawigan na nasa Acta ay ang Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija,
Bataan, Laguna, at Batangas. Kabilang sa mga lalawigang naipasailalim ay ang Tarlac ngunit
pinalitan ito ng Bataan.

Ang watawat ng Pilipinas ayon kay Mariano Ponce, 1899:

(P.S. gagamit ulit ng flag tapos may mga arrow)

“The blue, color of the sky, means our hope in a future prosperity, through progress; the red
means blood with which we brought our independence; the white represents peace which we
wish for ours and foreign countries…three stars are the three great groups of islands composing
the archipelago, the Luzon group, the Bisayas group, and the Mindanao group.”

“…The sun represents the progress and sometime means that the Philippine nation belongs to the
Oriental family, like Japan, Korea, et cetera, who bears also the sun in their flags…”

Paglilinaw | Ang nakasaad sa Acta na ang tatlong bituin ay mga grupo ng pulo ng bansa; ang
Luzon, Visayas at Mindanao na nilinaw ni Mariano Ponce.

Mahalagang malaman na ang watawat natin ngayon ay hindi nagmula sa mga bandila noon ng
Katipunan. Gayunpaman, mas mahalaga na ipakita natin ang pagpapahalaga rito. Dahil ito ang
simbolo na ipinaglaban ng ating mga bayani—na kinulayan ng pawis, dugo at buhay. Kaya,
ilagay natin ang ating kanang kamay sa dibdib bilang tanda ng pamamahal sa watawat—sa
simbolo ng ating kalayaan at pagkabansa.
Mga pinagkunan ng impormasyon:

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/2050/today-in-philippine-history-august-30-1896-
governor-blanco-placed-8-provinces-under-martial-law

https://www.officialgazette.gov.ph/the-philippine-flag/

https://www.officialgazette.gov.ph/1936/03/25/executive-order-no-23-s-1936/

http://malacanang.gov.ph/history-of-the-philippine-flag/

http://digitallibrary.ust.edu.ph/cdm/ref/collection/section5/id/136015

https://pocketcultures.com/2010/06/12/philippines-flag-meaning/#:~:text=The%20blue%20color
%20of%20the,for%20ours%20and%20foreign%20countries.

https://www.officialgazette.gov.ph/2011/05/28/flag-days-2/?
TSPD_101_R0=e08e5f7ed0b2686065efd460a01a1111kj900000000000000002961c670ffff0000
00000000000000000000000060a8ae27003a75acd30853bbb257ab2000a4a6862d2ab16cb77e1d6
07446a738ec4f3495699c914caf8e6a9d0665deaab708d96c0eb80a28005af0bcce7c1316ce9e1108
a38afbe3ba24c375f8fb62dfb6654a1e7d99cdc6a8614be73aa10009a7.

You might also like