You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Makabayan

(Ikaapat na Markahan)

Aralin 85
I. Layunin
* Nakikilala ang mga karapatang tinatamasa ng mga batang Pilipino
* Nailalarawan kung paano tinatamasa ang karapatan ng mga batang Pilipino
* Naipahahayag ang damdamin tungkol sa isang pangyayari

Pagpapahalaga:
Maging mapagpasalamat

II. Paksang-aralin:
Pagkilala sa Mga Karapatang Tinatamasa ng Batang Pilipino

Sanggunian:
Pagsibol ng Lahing Pilipino; TX ph. 138 - 141; TM ph. 111 - 1 117
PELC 1.1 - 1.2

Kagamitan:
Mga larawan ng mga batang pinakakain, binibihisan at naglalaro sa loob ng
bahay

III. A. Pamamaraan:
Ituro ang isang awit tungkol sa kalikasan.
(Himig: London Bridge)

Mangagpunas ng mukha, ng mukha, ng mukha


Mangagpunas ng mukha, mga bata.
Mangagsuklay ng buhok
Magsipilyo ng ngipin
Magsipalit ng damit

Tanungin ang mga bata tungkol sa awit.

Anu-ano ang ginagawa ninyo sa mukha, buhok at ngipin? Ito ba ay ginagawa


ninyo?

Sino ang gumagawa nito sa inyo?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Ipakita ang mga larawan tinatamasa ng batang Pilipino

2. Paglalarawan ng mga bata sa nakitang larawan. Pagsasabi ng mga bata.


a. Karapatang isilang
b. Karapatang maging isang mamamayang Pilipino
c. Karapatang alagaan at mahalin
d. Karapatang isilang at iba pa.

3. Pagtatalakay:
Paano tinatamasa ng mga batang Pilipino ang kanilang karapatang maging
malusog? Atbp. Bakit kailangan bigyan ng gatas, itlog at mga prutas ang mga
bata?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga karapatang tinatamasa ng batang Pilipino?

2. Pagpapahalaga
Ang mga karapatang tinatamasa ng batang Pilipino ay dapat ipagpasalamat.

IV. Pagtataya o Pagbibigay-halaga:


Piliin ang titik ng wastong sagot:
1. Pinag-aaral tayo ng ating mga magulang upang tayo ay
a. matutong sumulat at bumilang
b. matuto ng masamang gawain
c. makaiwas sa trabaho sa bahay

2. Kailangan natin ng maayos na pagkain, damit at tirahan upang tayo ay


a. lumaki ng malusog at ligtas sa mga sakit
b. lumaking pangit, marumi at matakaw
c. lumaking nakikipag-away sa mga kapwa bata

V. Takdang Aralin
Gumupit ng mga larawan ng mga karapatang tinatamasa ng bata.
Aralin 86
I. Layunin:
* Nagkakaroon ng kamalayan sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan, mag-anak
at ibang ahensya sa pagtugon sa mga kailangan ng mga batang Pilipino

* Nakikillala ang tulong na ibinibigay ng pamahalaan, mag-anak at iba pang


ahensya sa pagtugon sa mga kailangan ng mga Pilipino.

Pagpapahalaga:
Pagtulong sa kapwa

II. Paksang-aralin:
Mga Tulong na Ibinibigay ng Pamahalaan sa Pagtugon ng Kailangan ng Bata

Sanggunian:
TX - Sibika at Kultura pp. 159-163
Pagsibol ng Lahing Pilipino pp. 145-151
PELC 2.1

Kagamitan:
Mga larawan ng iba't-ibang ahensya ng pamahalaan na tumutugon sa
kailangan ng bata

III. A. Pamamaraan:
Balik-aral:
Anu-ano ang mga karapatan ng mga batang Pilipino?

B. Paglalahad
Ipakita ang isang larawan na ang mga bata ay ginagamot ng doctor at ito ay
binibigyan ng gamut, injection para sa ikabubuti ng bata.

Talakayin ito at ilahad pa ang iba pang larawan ahensiya ng pamahalaan na


tumutulong sa kailangan ng mga batang Pilipino.

Talakayan sa mga iba't ibang ahensya ng pamahalaan na tumutugon sa


kailangan ng bata.

C. Paglalahad
Anong mga sentro ng pamahalaan na tinuturuan kayo o tayo ng sumulat,
sumayaw atbp.

D. Pagpapahalaga
Anong magandang ugali ang natutuhan natin dito?
Maging matulungin sa kapwa.
IV. Pagtataya:
Anu-ano ang mga tulong o paglilingkod na makukuha sa mga health centers at
paaralan?

V. Takdang Aralin
Gumupit ng mga larawan ng ahensiya ng pamahalaan na nagpapakita ng
tulong sa kailangan ng bata.
Aralin 87
I. Layunin:
* Natutukoy ang proyekto ng pamahalaan, kamag-anak at iba pang ahensiya
para sa mga bata

Pagpapahalaga:
Pagkilala sa tungkulin ng pamahaaan sa pangangalaga ng kalusugan ng
batang Pilipino

II. Paksang-aralin:
Proyekto ng Pamahalaan para sa mga Bata

Sanggunian:
TX - Sibika at Kultura pp. 159 - 165
Pagsibol ng Lahing Pilipino pp. 146 - 151
PELC 2.1.1

Kagamitan:
Mga larawan ng sentro ng pamahalaan sa pag-aalaga ng bata, batang
kumakain sa sentrong pangnutrisyon sa paaralan, batang binabakunahan,
batang inieksamin ng doctor at batang binubunutan ng ngipin atbp...

III. A. Pamamaraan:
1. Basahin ang awit na patula:
Proyekto Para Sa Bata
Himig: Maliit na Gagamba

Karapata't kailangan
Iba-iba ngang tunay
Ito'y natutugunan
Ng pamahalaan
Anu-ano ang tulong ng pamahalaan
Nagtatayo ng sentro ng pangkalusugan
Gumagawa ng parke, mga palaruan
Gayundin ng aklatan, mga paaralan
Tulong ng pamahalaan
Dapat pasalamatan
Ang tulong ng pamilya
At ilang pangkat pa.

2. Balik-aral
Pagbabalik-aralan ang mga tulong na ibinibigay ng pamahalaan para sa bata.

B. Panlinang na Gawain
1. Pangganyak
Inaalagaan ng ating pamahalaan ang kalusugan ng mga bata. Gusto ba
ninyong malaman ang ginagawa ng pamahalaan para sa kalusugan nila?

2. Paglalahad:
Ipakita ang mga larawan
Ipakita ang sentro ng pag-aalaga ng bata at batang kumakain sa sentrong
pangnutrisyon sa paaralan at may mga samahan rin tumutulong upang maibigay
ang kailangan ng bata.

3. Pagtatalakay:
Basahin o ipabasa ang aklat pp. 159-165 o 146 - 151.

a. Anu-ano ang ibinibigay ng pamahalaan sa paaralan para sa kalusugan ng


mga bata? (tinapay at gatas)

b. Ano ang pinatago ng pamahalaan sa pag-aalaga sa mga bata? (sentro ng


pag-aalaga ng bata)

c. Anu-ano ang mga tulong na naibibigay ng mga samahan ng doktor, nars at


dentista para sa mga bata? (inieksamin at binabakunahan sila ng doktor at
nililinis at binubunot naman ng dentista ang kanilang mga sirang ngipin na
walang bayad)

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahad
Ang pamahalaan ay nagpapatayo ng Sentro ng Pag-aalaga ng bata, nagbibigay
ng pagkain at gamut at nagpapadala ng mga samahan ng doctor, nars at dentist
upang papangalagaan ang kalusugan ng mga batta. (Ano ang itinuro ng
pamahalaan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga bata.)

2. Pagpapahalaga
Bakit kailangang maging malusog tayo?

(Upang magkaroon ng lakas na mapaunlad ang sarili at makatulong sa


pamayanan)

IV. Pagtataya:
Sagutin ang mga tanong.
1. Anu-ano ang mga ibinibigay ng pamahalaan sa paaralan para sa mga
bata?
2. Anong sentro ang nag-aalaga sa mga batang kulang sa timbang?
3. Bakit binabakunahan ang mga bata?
4. Anoa ng ginagawa sa atin ng doctor, nars at dentist?
5. Bakit kailangan natin ang doctor? Nars? Dentista?
V. Takdang Aralin
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Si Mila ay maysakit, siya ay dapat dalhin sa
a. Sentrong pangnutrisyon
b. Sentro ng Kalusugan
c. Sentro ng Pag-aalaga ng bata

2. Ang mga batang kulang sa timbang ay pinakakain sa


a. Sentrong pangnutrisyon
b. Sentro ng Kalusugan
c. Sentro ng Pag-aalaga ng bata

3. Ang proyekto ng pamahalaan na nag-aalaga sa ngipin ng bata ay


ginagampanan ng
a. Nars
b. Doktor
c. Dentista

You might also like