You are on page 1of 7

Antas ng Wika

Antas ng Wika

1. formal at di-formal – di-formal na wika

ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad

samantalang formal naman ang wikang

gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda

2. lingua franca – wikang ginagamit ng

karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang

Filipino ang lingua franca ng mga tao

3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga

tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug,

Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi

talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga

wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng

implikasyon ng kultura ng isang lalawigan

4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika

sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli

ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang

pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa

'tara na', /pre/ para sa 'pare'

5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng

tao na halos likha-likha lamang at may kanya-

kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga

tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang

‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’.


6. edukado/malalim – wikang ginagamit sa

panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa

gobyerno, sa korte at iba pang venyung

profesyunal

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya

sa antas na ginagamit ng tao batay sa

kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang

ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon,

katayuan at okasyong dinadaluhan.

Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at

kinikilala/ginagamit ng nakararami.

Pambansa. Ito ay ginagamit ng

karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila

para sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa:

Asawa, Anak, Tahanan

Pampanitikan o panretorika. Ito ay

ginagamit ng mga malikhain manunulat.

Ang mga salita ay karaniwang

malalim, makulay at masining.

Halimbawa:

Kahati sa buhay

Bunga ng pag-ibig

Pusod ng pagmamahalan

Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan,


palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa

pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga

tao sa particular na pook o lalawigan,

makikilala ito sa kakaibang tono o

punto.

Halimbawa:

Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)

Nakain ka na? (Kumain ka na?)

Buang! (Baliw!)

Kolokyal. Pang araw-araw na salita,

maaring may kagaspangan nang kaunti,

maari rin itor refinado ayon sa kung

sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,

dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa:

Nasan, pa`no,sa’kin,kelan

Meron ka bang dala?

Balbal. Sa Ingles ito ay slang.

Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang

antas

na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:

Chicks (dalagang bata pa)

Orange (beinte pesos)


Pinoy (Pilipino)

Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang

balbal:

1. Paghango sa mga salitang katutubo

Halimbawa:

Gurang (matanda)

Bayot (bakla)

Barat (kuripot)

2. Panghihiram sa mga wikang banyaga

Halimbawa:

Epek (effect)

Futbol (naalis, natalsik)

Tong (wheels)

3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang

tagalog

Halimbawa:

Buwaya (crocodiles – greedy)

Bata (child – girlfriend)

Durog (powdered – high in addiction)

Papa (father – lover)

4. Pagpapaikli

Halimbawa:

Pakialam – paki

Tiyak – tyak

5. Pagbabaliktad
Buong Salita

Halimbawa:

Etned – bente

Kita – atik

Papantig

Halimbawa:

Dehin – hindi

Ngetpa – Panget

Tipar – Parti

6. Paggamit ng Akronim

Halimbawa:

G – get, nauunawaan

US – under de saya

7. Pagpapalit ng Pantig

Halimbawa:

Lagpak – Palpak – Bigo

Torpe – Tyope – torpe, naduwag

8. Paghahalo ng salita

Halimbawa:

Bow na lang ng bow

Mag-jr (joy riding)

Mag-gimik

Mag-MU

9. Paggamit ng Bilang

Halimbawa:
45 – pumutok

1433 – I love you too

50-50 – naghihingalo

10. Pagdaragdag

Halimbawa:

Puti – isputing

Kulang – kulongbisi

11. Kumbinasyon

Pagbabaligtad at Pagdaragdag

Halimbawa:

Hiya – Yahi – Dyahi

Pagpapaikli at pag-Pilipino

Halimbawa:

Pino – Pinoy

Mestiso – Tiso, Tisoy

Pagpapaikli at Pagbabaligtad

Halimbawa:

Pantalon – Talon – Lonta

Sigarilyo – Siyo – Yosi

Panghihiram at Pagpapaikli

Halimbawa:

Security – Sikyo

Brain Damage – Brenda

Panghihiram at Pagdaragdag

Halimbawa:
Get – Gets/Getsing

Cry – Crayola

You might also like