You are on page 1of 1

Modern Learning Center of Iriga

City
San Nicolas Iriga City
Subject: Aral Pan

Ano nga ba Kontemporaryong Isyu? Ito ay naglalarawan sa mga pangyayari, ganap, opinyon, ideya, o
paksa tungkol; sa mga kasalukuyang panahon. Basta may interest ang mga tao at nagiging isyu sa kasalukuyang
panahon, ito ay matatawag na kontemporaryong isyu. Bilang isang kabataan na kasapi sa isang Organisaypn na
tumutulong sa paglutas ng mga ito, taas noo akong natutuwa sa dami ng paraan na pwedeng magawa ng
sinuman upang matuldukan ang mga isyung ito.

Isa sa mga simple at pinakamadaling paraan para matuldukan ito ay ang pag-aaral at pagsasaliksik para
dito. Pag-aaral tungkol sa katotohanan, katotohanan, kaisipan at impormasyon sa mundo. Kailangan ng lahat
ang angkop at makabuluhang talakayan o interaksiyon upang magbahagi ng iba’t ibang ideya ng nasabing
talakayan tungkol sa isyu. Nalilinlang nito ang kritikal na pagiisip ng lahat. Lalawak din ang koneksyon ng “sarili”
sa lipunan sapagkat mas naiintindihan natin ang dapat gawin sa isyu. Makakatulong din ito upang mapalawak
ang kaalaman. Mapapabuti at mapapablis ang pagbuo ng plano para sa mga naturang isyu. Bukod dito, mas
makakaangkop ang mga tao sapagkat batid nila ang nangyayari sa lipunan . Sa dulo nito, makakabuo tayong
lahat ng lipunang mulat mapanuri, at matalinong tumutugon sa mga hamon na tumutugon sa Kontemporaryong
Isyu.

Sa mga paraang ito maari tayong makagawa ng mas maunlad na hinaharap. Hinaharap na maunlad at
pinapakinabangan ng mabuti ng susunod na henerasyon. Nawang, magkaisa ang lahat upang matuldukan ang
issue at maibigay ang magandang kinabukasan at kasalukuyan sa mga mamamayan. Ang Kontemporaryong Isyu
ay hindi lamang limitado sa oras na ito kundi sa mga problema noon, nawa’y seryosohin nating lahat ito para sa
ikauunlad ng buong bansa.

By: Camille Camila Salvadora

Grade 10 student

You might also like