You are on page 1of 2

Ang Totoo’t Tunay na Kaibigan

Bawat tao ay may pangangailangan


Isang kaibigan na masasandalan
Makikinig sa bawat kadramahan at problema
Nagpapayo’t marunong umunawa

Taos puso akong nagpapasalamat


Binigyan ako ng Panginoon ng kaibigan
Alam ko na sa pagsusulat ay hindi pa sapat
Sa pagbuo ng ating masaya’t matatag na samahan

Mga tawanan,iyakan at biruan


Sa kanila lagi ang pinagmulan
Maging ang aking kakulitan,kaalaman at karunungan
Na dumadaloy sa akingpuso’t kaisipan

Tunay ka ngang kaibigan


Nararapat kang pagkatiwalaan
Nawa’y ang Diyos ika’y pagpalain
Gabayan sa lahat na iyong gagawin

Patuloy sana tayong maging matatag


Na kahit na sino ma’y di’ tayo mabubuwag
Ang tama’t kabutihan ang sana’y mamayagpag
Sa habang buhay nating paglalayag

CREATIVE WRITING / TULA


Claire Olivas Tejada

You might also like