You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN RAFAEL EAST DISTRICT
CAINGIN ELEMENTARY SCHOOL
Caingin, San Rafael, Bulacan

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga salitang magkakatugma.
F3KP-IIb-d-8

II. NILALAMAN
Pagtukoy sa mga salitang magkakatugma.

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
Pahina sa Gabay ng Guro
K to 12 GabayPangkurikulum - (F3KP-IIb-d-8)
Filipino 3 - Ikalawang Markahan – Modyul 6

B. Iba pang kagamitang Panturo


Plaskard, larawan
PowerPoint Presentation

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbigkas ng tula
Ako’y May Alaga

2. Balik-aral
Panuto: Basahin mo ang bawat grupo ng mga salita. Sabihin kung alin sa mga
salitang ang kasintunog ng salitang nasa kaliwa.

1. ilaw - dalawa dilaw isa


2. kamay - karamay kisame kulisap
3. pito - oso oto piso
4. sarap - pangarap parusa piraso
5. utak - patak patas putik

3. Paghahabi sa layunin ng aralin


Pagpapakita ng bandila ng Pilipinas att pagtatanong tungkol sa larawan.

1. Ano ang inyong nakikita sa larawan?


2. Ano ang twag natin sa mga taong nainirahan sa Pilipinas?

School: Caingin Elementary School


Address: Carmen Dela Fuente st. Caingin, San Rafael, Bulacan
Telephone No.: (044) 326-4019
Email: 105115@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN RAFAEL EAST DISTRICT
CAINGIN ELEMENTARY SCHOOL
Caingin, San Rafael, Bulacan

3. Ano ang wikang ginagamit ng mga Pilipino?

B. Pagtalakay at Paglalahad
Pagbasa ng isang tula.
(Mauuna ang guro at susundan ng mga bata at muling pagbasa ng mga bata)

“Filipino: Wika ng Pagkakaisa”


Ni: Ma. Elena M. Villangca

Wikang nasa ugat natin ay Wikang Filipino


Pilipinas ang bayang tanging pinagmulan nito,
Wikang taglay ng mga taong may pagkakasundo
Upang bigyang buhay ang pagiging mabuting tao.

Ikaw at ako ninais kabutiha’y linangin


Ang puso ng Pilipino’y tunay na mahabagin,
Mabigyang pansin pangangailangan at mithiin
Sa wikang gamit pagkakaunawaa’y kakamtin.

Sa bawat mithiin natin wika ang ginagamit


Upang ang mga tugon sa sulirani’y makamit,
Sa wikang Filipino pag-ibig laging nasa isip
Upang mabigyang lunas suliraning laging kalakip.

Dahil sa wikang Filipino baya’y nagkaisa


Nagbubuklod sa iisang diwa at pagnanasa,
Bigyang pagpapahalaga naising makabansa,
Na ang mga suliranin malutas kapagdaka.

Wika, biyaya ng Dyos, pinagkaloob sa atin


Espanyol, Intsik, Hapon man o kahit na Latin,
Lahat nagkakaisa sa mithiin at layunin
Na pagbuklurin mga bayang minamahal natin.

1. Ano ang pamagat ng ating tula?


2. Ano ang binanggit sa tula na nakakatlong daw sa pagkakaisa? Bakit kaya ito
nakakatulong sa pagkakaisa?
3. Sa ating binasang tula, maaari ba kayong magbigay ng mga salitang
magkakatugma o magkakasing tunog?
4. Saan ba natin karaniwang makikita sa ating binasa ang mga salitang
magkakatugma.

(Pagsasabi ng mga mag-aaral sa mga salitang magkakatugma o


magkakasingtunog)

( hayaan ang mga mag-aaral na sabihin ang mga magkaktugmang salita na


knilang nabasa sa tula)

School: Caingin Elementary School


Address: Carmen Dela Fuente st. Caingin, San Rafael, Bulacan
Telephone No.: (044) 326-4019
Email: 105115@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN RAFAEL EAST DISTRICT
CAINGIN ELEMENTARY SCHOOL
Caingin, San Rafael, Bulacan

-Pagbibigay ng mga mag-aaral ng iba pang halimbawa ng mga salitang


magkakatugma.

C. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Kung ikaw ay nabigyan ng pagkakatao at natira na sa ibang bansa, kakalimutan mo
na ba ang iyong sariling wika. Bakit?

D. Paglalapat
Hahatiin ng guro sa 3 pangkat ang mga mag-aaral at bibigyan sila ng iba’t-ibang
gawain na may kaugnayan sa aralin.

Pangkat I – Babasahin ang tula at sasagutin ang mga sumusunod na tanong.


“Ang Batang Malusog”
Akda ni: Linor B. Majestad
Ang wastong nutrisyon
Iyong bigyang-tuon
Pagkain ng masustansiya
Upang laging masaya.
Bilin ni nanay
Kumain lagi ng gulay
Nagpapaganda ng katawan
Matibay na buto at kalamnan.
Nariyan pa ang gatas
Sa bata’y nagpapalakas
Kumain din ng itlog
Upang ikaw ay lulusog

Pangkat II - Panuto: Kompletuhin ang tula. Punan ng wastong salita


ang patlang upang mabuo ang diwa nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Kaibigan Ko”
ni: Linor B. Majestad
man
O aking ________ saan
Kasama ko kahit ________ naririyan
Maging araw o gabi ________ kaibigan
Lagi kang ________ kagipitan
Sa oras ng ________ malalapitan
Ako ay iyong ________ pag-uusapan
Problema ay ________ masolusyonan
Upang ito ay ________

School: Caingin Elementary School


Address: Carmen Dela Fuente st. Caingin, San Rafael, Bulacan
Telephone No.: (044) 326-4019
Email: 105115@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN RAFAEL EAST DISTRICT
CAINGIN ELEMENTARY SCHOOL
Caingin, San Rafael, Bulacan

Pangkat III- Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang tula.
Gumamit ng salitang magkakatugma.

Kaligtasan
Sa panahon _________
Mahirap ang ___________
Lumabas ng _________
Talagang________________

E. Paglalahat
Ano ang mga salitang magkakatugma?

Ang salitang magkakatugma ay dalawang salitangmagkatulad ang huling tunog ng


mga ito. Kalimitan, ginagamit sa tula, salawikain at iba pang mga akdang patula ang
pagkakatugma o pagkakasintunog sa huling pantig ng salita.

IV. Pagtataya

Panuto: Iguhit sa iyong sagutang papel ang masayang mukha kung ang pares ng
salita ay magkatugma at malungkot na mukha naman kung hindi.

1. bahay – buhay
2. manatili – mahirap
3. ngayon – sitwasyon
4. panahon – tahanan
5. lagpasan – maiiwasan

V. Kasunduan
Humanap ng isang maikling tula at sumulat ng limang salita na magkakatugma na
mababasa rito.

Inihanda ni:

MA. ELENA M. VILLANGCA Binigyang pansin:


Dalubguro I
MARICOR C. JAPONE

School: Caingin Elementary School


Address: Carmen Dela Fuente st. Caingin, San Rafael, Bulacan
Telephone No.: (044) 326-4019
Email: 105115@deped.gov.ph

You might also like