You are on page 1of 1

Pamantayan sa Pagpupuntos

Kriterya Puntos
Tindig at Postyur 10%

Kaangkupan ng Kilos/Kumpas oGalaw 20%

Kaangkupan ng Lakas ng Boses oTinig 20%

Kalinawan at Kawastuhan ng Bigkas 20%

Tiwala sa Sarili 10%

Panuunan ng Paningin 10%

Pananamit 10%

Kabuuan 100%

Talumpati Tungkol Sa Pag-aaral (Bidyo)


Ang pag-aaral at pagkakaroon ng edukasyon ay siyang tunay na kayamanan na kailanman ay hindi
mapag-iiwanan. Walang ibang pinapangarap ang isang magulang kung hindi ang mapag-aral ang kanilang mga
anak na kalaunan ay inaasam rin na makapagtapos at maging isang produktibong nilalang. Isang katuparang
ganap na makita mo ang iyong mga anak na masigasig at matiyagang nagpupunyagi para sa kanyang pag-aaral.
Lahat ng pagod at hirap ay hindi mo mararamdaman kapag ang kapalit ay ang dedikasyon ng mga anak mo sa
kanilang mga akademya.

Dito sa ating lipunan hindi lahat ay nagkakaroon at nabibigyan ng pribilehiyo makapag-aral. Dahil na rin


ito sa maraming aspetong kadahilanan. Nangunguna na rito ang kahirapan sa buhay. Ang simpleng abakada at
pagsulat man lang ng sariling pangalan ay tunay na napakailap para sa mga taong isinilang na maralita. Ang
pag-aaral na dapat sana ay karapatan ng bawat indibidwal ay naging isang oportunidad sa isang lipunan ng mga
mahirap. Kapag kayo ay magkaroon ng pera at mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral, pagyamanin at
pahalagahan ninyo ito ng buong puso. Hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan.

Sa hirap ng buhay na mayroon tayo ngayon, ang pag-aaral lang natin ang tanging kayamanan na maipapamana
sa atin ng ating mga magulang. Totoong mahirap ang maging mahirap ngunit mas mahirap ang maging mang-
mang at walang alam.

Sa pakikipag-sapalaran sa tunay na realidad ng buhay, hindi sapat ang abilidad, sipag at lakas ng
pangangatawan lamang. Nangangailangan rin tayo ng katalinuhan para lubos nating maunawaan kung hindi
man ang lahat ay ang mga ibang nangyayari sa ating lipunan. Sa inyong mga kabataan maging masigasig sana
kayo sa inyong mga pag-aaral at huwag ninyong sasayangin ang bawat oras at pagkakataon na lumilipas. Ang
pagsisisi ay palaging nasa huli.

Ang pagkakaroon ng munting butil ng kaalaman ay napakahalaga sa ating buhay upang hindi tayo
magmistulang mga bulag na naglalakad sa ilalim ng liwanag at sikat ng haring araw.

You might also like