You are on page 1of 5

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Baliwasan District
BALIWASAN CENTRAL SCHOOL
Zamboanga City

Banghay Aralin sa MAPEH IV (Sining)

I. Layunin

A. Natutukoy ang mga kulay na matingkad at malamlam


B. Nakukulayan at nagbibigay-buhay ang iginuhit na tanawin gamit ang matingkad
at mapusyaw na kulay. (A4El-IIf)
C. Nagagawang inspirasyon ang tanawin sa pamayanang kultural sa pagkukulay ng
iginuhit na larawan.

II. Paksang Aralin

A. Elemento ng sining: Kulay (Katingkaran at kalamlaman ng mga kulay)


B. Kagamitan: Oslo paper, brush, poster paint,laptop
C. Sanggunian: Musika at Sining 4 pahina 196-197
Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa mga magagandang tanawin na makikita sa lungsod.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik Aral
Magkakaroon ng online game na may limang katanungan gamit ang Kahoot
Application.

2. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga larawan ng magagandang tanawain na makikita sa
Lungzod ng Zamboanga ang mga larawang ito ay nagpapakita ng mga kulay na
matingkad, mapusyaw, malamlam o madilim.
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Activity
1. Power Point Presentation na naglalahad sa aralin tungkol sa araling
katingkaran at kalamlaman ng kulay.

Analysis
Ano ang ipinapahiwatig ng matingkad na kulay? Ano naman ang ipinapahiwatig ng
malalamig na kulay? Paano natin gawing madilim ang mga matitingkad na kulay? Ano naman
ang idinaragdag upang gawing mapusyaw ang mga kulay? Paano ginamit ang kulay para
ilarawan ang espasyo? Bakit mahalaga ang kulay sa gawaing pansining?

Abstraction
Bakit mahalaga ang tamang paggamit ng kulay? Magbigay ng mga halimbawa ng
mainit na kulay? Ano-ano naman ang halimbawa ng mga malalamig na kulay?Anong damdamin
ang naipahahayag kapag gumagamit ka ng matingkad na kulay sa iyong larawan? Ano naman
ang ipinapahayag na damdamin kapag ang larawan ay nagtataglay ng mapupusyaw o madilim na
kulay? Ano ang dapat nating gawin upang maging mapusyaw ang mga matitingkad na kulay?
Paano naman natin gawing mapusyaw ang mga kulay?

Application
A. Video Presentation para sa Likhaing Pansining ng mga bata.
B. Gawaing Pansining
Gawain: Pagkululay ng mga naiguhit na mga bagay sa paligid.
Mga Hakbang sa Paggawa
1. Planuhin ang mga kulay na gagamitin ayon sa kahulugan na gusting ipahiwatig.
2. Gumamitng matitingakd na kulay para sa mga detalye na gusting bigyang-diin at
mapupsusyaw naman sa kulay para sa mga ibang detalye.
3. Simulan ang pagkukulay sa idinitalyeng larawan.
4. Linisin ang mesa pagkatapos gawin.
Pamantayan sa Paglika ng Gawaing Pansining
Criteria Equivalent Points
10 7 5
Malikhain at Malikhain at natatangi Ang likhaing
natatangi ang pa rin ang nagawang sining ay
likhaing sining. likhaing sining nagpapakita
Pagkamalikhai Ang mga tampok Gayunpaman, ang lamang ng
n nito ay walang ilang mga tampok nito kaunting
Creativity kapantay. ay kagaya sa larawang pagkamalikhain
ipinakita. Ang mga tampok
ay malinaw na
kinopya mula sa
larawang
ipinakita.
.
7 5 3
Ang likhaing Ang lihaing sining ay Ang likahaing
sining ay lubos na nagpapakita ng sining ay
kaakit-akit at katamtamang akit. Ang nagpapakita ng
kaaya-aya. Ang paggamit ng mga kaunting
mga elemento at elemento ng sining ay kagandahan sa
Kagandahan ng prinsipyo ng limitado lamang paglikha Walang
Pagkalikha sining tulad ng habang ang mga katibayan ng
Aesthetic mga linya, hugis, prinsipyo ng paglalapat ng
kulay, kapusyawan at mga elemento at
pagkakayari, kadiliman ng kulay ay prinsipyo ng
kapusyawan, at hindi malinaw na sining.
kadiliman ng kulay binibigyang diin.
ay maliwanag na
ipinakita sa halos
lahat ng mga
tampok
Kalinisan 3 2 1
Neatness Malinis walang Ang likhaing sining ay Ang likhaing
mga marka, o hindi gaanong malinis. sining ay
mantsa na hindi Mayroong 1-3 mga malinaw na hindi
naaangkop sa marka, mantsa ng maayos.
mga kulay. hindi naaangkop na Mayroong 4 o
mga kulay, at pambura higit pang marka
na ginawa sa mga o mantsa na
tampok nito. hindi naaangkop
na mga kulay, at
mga tampok nito.

2 .Repleksiyon
Kung ikaw ay guguhit ng larawan ng tanawing makikita sa iyong sariling
pamayanan, Anong uri ng kulay kaya ang akma sa iyong paglalarawan? Bakit? Bakit
kinakailangang ipinagmamalaki ang mga magagandang tanawin na makikita sa ating
pamayanan?

IV. Pagtataya

A. Nasiyahan ba kayo sa gawaing pansining na inyong ginawa? Bakit?


Pagmamarka ng guro sa mga ginawa ng bata.( Note: Lahat ng mga gawaing ng
bata ay isusumite sa google classroom.)

B. Sagutin ang mga katanungan gamit ang link na nasa ibaba.


https://tinyurl.com/hx5ewxfa

V. Takdang Aralin
Pumulin ng isang magandang tanawin na makikita sa lungsod ng Zamboanga.
Iguhit sa 1/8 illustration board (Landscape) at gawing makabuluhan at makahulugan ang
pamamaraan ng pagpinta.

Inihanda ni:

Bb. Wyn Kristle O. Duterte


Guro sa MAPEH

You might also like