You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA ARALING PANLIPUNAN-5

Guro: Rica D. Tendido

I. Layunin:
 Nahihinuha ang kahalagahan ng teknolohiya ng mga sinaunang Filipino sa kanilang
pamumuhay.
 Nasusuri ang epekto ng teknolohiya ng mgasinaunang Filipino sa kanilang araw-araw na
pamumuhay.
 Nilalarawan ang mabuting naidulot ng mga teknolohiya ng mga sinaunang Filipino.

Saloobin: Pagpapahalaga at pagbibigay kaalaman sa pamumuhay ng mga sinaunang Filipino gamit


ang mga teknolohiya na kanilang nilikha.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pamumuhay at teknolohiya ng mga sinaunang Filipino

Kagamitan: Mga larawan

Sanggunian: Elementary AP5 – V TG Pahina 62 at LM Pahina 65.

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing mag-aaral
A. Panimulang gawain
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga, titser

RICA!
Sino ang wala sa klase? Sa mga babae? Sa
mga lalaki?
(lahat po ay nandito)

Pagbabalik- Aral
Mga bata ano ang nagpag-aralan natin
kahapon?
Tungkol sa teoryang wave migration, mga ibat’
ibang uri po ng pinagmulan ng lahing Filipino
TAMA!
Sino-sino sa inyo ang makapag
-bibigay sa akin ng isang lahi ng pangkat na
pinamulan n gating lahi at nairahan ditto sa
Pilipinas?
Titser, ang mga Malay po ay isa sa mga pangkat
ng mga tao na mula sa ibang bahagi ng Asya na
nanirahan at pinagmulan ng lahing Filipino

TAMA!
Ang mga Malay ay isa sa mga pangkat ng mga
tao na naitahan sa ating lupain at siyaring
pinagmulan ng lahing Filpino.
Titser, ang sumunod pong pangkat na pumunta
dito sa Pilipinas ay ang mga Indones at mga
Negrito.

Magaling!
Mga bata, iyon ay ilan lamang ng mga pangkat
ng mga tao na pumunta at nanirahan ditto sa
Pilipinas. Kaya huwag ninyo itong kalimtan.
Naintindihan mga bata?
Opo, Titser Rica!

Pagganyak
Mga bata, alam niyo ban a kong anong
klasing pamumumhay mayroon ang mga
sinaunang filipino?
Hindi pa po titser!
Gusto niyo bang malaman?

Gusto niyo rin bang matuklasan ang mga Opo titser!


teknolohiya o kagamitan na gawa ng mga
sinaunang filipino?

Opo titser!
Bakit gusto niyong malaman?
Upang matuklasan o malaman po naming kong
papaano po naging magaan ang pamumuhay ng
mga sinaunang PIilipino gamit ang mga
teknolohiya o kagamitan na kanilang naimbento
Paglalahad
Ngayon ay pag-aaralan natin ang tungkol sa
pamumuhay at mga teknolohiya ng mga
sinaunang Pilipini.May ipapakita ako sa inyong
mga larawan at unahan kayo sa pagtaas ng
kamay upang tukoyin ito kung ito ba ay dating
pamumuhay o kasalukoyang pamumuhay ng mga
Pilipino o kong ito ba ay dating teknolohiya o
teknolohiya ng mga sinaunang Pilipino.
Opo titser!
(uupo lang ang mga bata at pabilisan ng pagtaas
ng kamay upang sumagot)

Ano ang mga masasabi at naramdaman sa


katatapos lang na Gawain?
Masaya po titser,dahil kahit hindi po naming alam
ang iba ay nalaman naman po namin ang dating
pamumuhay at teknolohiya ng mga sinaunang
Pilipino.

Pag-aalis ng balakid
(tatawag ako ng dalawang mag-aaral upang
isaayos ang dalawang salita na nasa kshon)

Y A H M U M U A P

T K E N O H I O Y A L Inaasahang sagot|:
-PAMUMUHAY
-TEKNOLOHIYA

TAMA!
Mga bata,narinig naba ninyo ang salitang
pamumuhay at teknolohiya? Opo titser!

Magaling!
Kong gayon,hindi na kayo mahihirapan o
intindihin ang ating paksang tatalakayin at mga
gawaing ating gagawin dahil may ideya na kayo
dito.

Narito ang depinasyon ng pamumuhay at


teknolohiya.Basahin nating lahat. Teknolohiya-ito ay isang uri ng kasangkapan o
kagamitan na likha ng isang tao na maaring
makatulong sa anomang paraan.
Pamumuhay-ito ay isang uri ng kultura,pag-uugali
at gawi ng mga tao na kanilang pinili.

B.Gawain/Pagsusuri
Mga bata,ngayon ay hahatiin ko kayo sa
dalawang pangkat at bawat pangkat ay iaasign ko
sa yugto ng kasaysayan ng panahon at
sasagutan ninyo ang mga tanong at ilalagay niyo
ang mga sagot sa sagotang papel,makinig ng
mabuti at isulat sa papel ang bawat tanong na
aking babanggitin
Opo titser!
(mga tanong)

Unang grupo:panahon ng bato


1.ano-ano ang mga natutunan ng mga sinaunang
Pilipino sa panahong ito?
2.ano-ano ang mga naimbento na kasangkapan o
teknolohiya ng mga sinaunang Pilipino sa
panahong ito?
3.ano ang naging pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino ng maka imbento sila ng mga
teknolohiya sa panahong ito?
4.paano nakatulong ang teknolohiya sa kanilang
pamumuhay sa panahong ito?
5.paano nila mas pinatibay o pinaunlad ang
kanilang teknolohiya sa panahong ito?

Pangalawang grupo:panahon ng metal


1.ano-ano ang mga natutunan ng mga sinaunang
Pilipino sa panahong ito?
2.ano-ano ang mga naimbento na kasangkapan o
teknolohiya ng mga sinaunang Pilipino sa
panahong ito?
3.ano ang naging pamumuhay ng mga sinaunang
Pilipino ng maka imbento sila
4.paano nakatulong ang teknolohiya sa kanilang
pamumuhay sa panahong ito?
5.paano nila mas pinatibay o pinaunlad ang
kanilang tehnolohiya sa panahong ito?

Halimbawa ng mga teknolohiya at


pamumuhay:
Teknolohiya:
1.Banga-isang uri ng teknolohiya ng mga
sinaunang tao kung saan ginagamit nila ito bilang
lalagyan ng tubig imbakan ng pagkain at minsan
naman ay lalagyan nila ng mga buto ng kanilang
mga yumaong kapamilya
.2.Selpon-ito ay ang makabagong teknolohiya ng
mga Pilipino ngayon kung saan marami ang
gumagamit dahil sa maaliw at marami kanfg
matutunan ditto.
3.Flint Knife-ito ay isang uri ng armas na gawa sa
pinatalim na bato na nilikha ng mga sinaunang
Pilipino.

Pamumuhay:
1.Kweba-dito nanirahan noon ang mga sinaunang
Pilipino dahil kolang pa sila noon sa kaalaman.
2.Bahay-kubo-unang bahay na gawa ng mga
sinaunang Pilipino ng makatuhlas sila ng mga
teknolohiya o kagamitan.
3.Bahay na Bato-ito ay isa sa mga ebulosyon ng
bahay sa Pilipinas,hawig ang ibang parte nito sa
bahay-kubo
4.Town House –isa sa mga ordinaryong desinyo
ng mga tirahan sa Pilipinas kung saan tinatawag
nilang mga apartment.

C.Paglalahat

Mga bata,bakit mahalagang malaman o pag-


aralan natin ang pamumuhay at teknolohiya o
Para po malaman natin kong papaano po
kasangkapan ng mga sinaunang Pilipino?
nagbago at naging maunlad ang pamumuhay ng
mga sinaunang Pilipino gamit ang mga
teknolohiya na kanilang nilikha.

Para po maintindihan natin ang hirap na dinanas


Ano pa?Arturo
ng mga sinaunang Pilipoino noon.

Para po maintindihan natin kong papano nila


Meron paba,Lisa?
nalampasan ang hirap ng buhay noon.

Magaling!
Mga bata,maliban sa mga teknolohiya o
kasangkapan na ipinakit ko sainyo sa
larawan,may alam paba kayong ibang Meron po,titser!
kasangkapan na likha ng mga sinaunang Pilipino?
Ling-ling-o po,titser!
Maari ba kayong magbigay ng halimbawa?Rose

Tama!ang Ling-ling-o ay isa sa mga likha ng mga


sinaunang Pilipino,isa itong uri ng alahas na gawa Wala na po,titser!
sa pinakinis sa bato.meron pa ba?

D.Paglalapat
Mga bata,ngayon ay papangkatin ko kayo sa
dalawang pangkat.bawat pangkat ay bibigyan ko
ng isang blangkong papel at isusulat ninyo roon
ang inyong mga sagot sa tanong na ano-ano ang
mga magagandang naidulot ng mga teknolohiya
na kanilang nalikha sa kanilang pamumuhay?at
mag uunahan kayo sa pagdikit sa pesara ng Mga mabuting naidulot ng teknolohiya sa kanilang
inyong mga sagot,naintindihan mga bata? pamumuhay
Unang pangkat,sagot:
-umosbong ang kanilang pamayanan at
sinaunang kultura.
-nagsimula sila manirahan sa tabi ng mga dagat
at ilog.
-natutunan nilang magsaka at mag-alaga ng
hayop
-natutunan nilang gumawa ng Bangka na
ginagamit nila sa kanilang hanap buhay na
pangingisda.
Pangalawang pangkat mga sagot:
-natutu silang makipag kalakalan gamit ang mga
armas na kanilang nilikha sa panahon ng metal
-natutu silang gumawa ng Banga at palayok na
ginagamit nila bilang imbakan ng sobrang pagkain
at sisidlan ng mga buto ng kanilang yumao.
-nagkaroon sila ng espesyalisasyon sa paggawa
tulad ng pagsasaka,pangingisda,pagngangaso,at
paghahabi.

Magaling mga bata!

C.Ebalwasyon

Basahing mabuti ang bawat pangungusap,isulat


ang tama kong totoo ang sinasaad sa
pangungusap at mali naman kong hindi totoo ang
isinasad Mga sagot:
1.tama
Mga tanong:
1.ang mga sinaunang Pilipino ay lubos na 2.tama
malikhain.
2.nakatulong ng maayos ang teknolohiya na 3.tama
nilikha ng mga sinaunang Pilipino.
3.naging magaan ang pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino dahil sa mga teknolohiya na 4.mali
kanilang likha.
4.naging masama ang epekto ng mga teknolohiya 5.tama
na likha ng mga sinaunang Pilipino.
5.dapat pahalagahan at ingatan ang mga gawa
ng sinaunang Pilipno.

V.Takdang-aralin
Sagutin ang tanong:
Paano nabago ang paraan ng pamumuhay ng
mga sinaunang Pilipino kasabay ng pagbabago
sa teknolohiya ng kanilang mga kasangkapan?

Inihanda ni:Rica D. Tendido


Saloobin: Pagpapahalaga at pagbibigay kaalaman sa pamumuhay ng mga sinaunang Filipino gamit ang mga
teknolohiya na kanilang nilikha.

You might also like