You are on page 1of 26

11

www.shsph.blogspot.com

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Modyul 2.1- Teksto: Kahulugan at
Katangian
www.shsph.blogspot.com
Filipino – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kwarter 1 – Modyul 2.1: Teksto: Kahulugan at Katangian

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Dorothy H. Gabion

Editor: Eric P. Gelilio; Imelda G. Narvadez;


Mary Ann Rimpola; Daryl R. Orenciada
Tagasuri: Nora J. Laguda; Sharon A. Vito;
Ana Maria B. Gojar; Emma D. Gonzales
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo;
Shem Rei G. Cervantes; Brian Navarro
www.shsph.blogspot.com
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa
ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
www.shsph.blogspot.com

Teksto: Kahulugan at
Katangian
Panimula:
Ang lahat ng mga nababasa natin ay maituturing na
teksto. Iba-iba ang uri nito. Siguro’y sabik ka nang malaman
kung bakit?

Halina’t alamin natin ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang


ginamit ng iba’t ibang uri teksto.
O, ano handa ka na ba?

Sa modyul na ito, inaasahan na


natutukoy mo ang kahulugan at katangian
ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t
ibang uri ng tekstong binasa.

Layunin

1
www.shsph.blogspot.com
Para sa lubusan mong pag-unawa sa
modyul na ito, naririto ang mga bagong salita na dapat mong
kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin.

Talasalitaan

Piksyon (fiction). Ang pangyayaring inilalahad ay nanggaling lamang sa kathang-isip


ng manunulat.

Di-piksyon (non- fiction). Ang pangyayaring inilalahad ng manunulat ay hinango sa


totoong pangyayari sa daigdig.

Pananaw o Punto de-vista (point of view). Ito ay ang ginagamit ng may-akda sa


paningin o pananaw sa kaniyang pagsasalaysay.

Obhetibo. Ang ginagawang pagpapahayag ng manunulat ay batay sa katotohanan o


paglalatag ng mga ebidensya.

Subhetibo. Ang pagpapahayag ng isang manunulat ay nakabatay sa kanyang


imahinasyon o kaya ay opinyon lamang.

Ethos. Tumutukoy ito sa karakter, imahen, o reputasyon ng tagapagsalita/manunulat.


Ang elementong ito ang nagpapasya kung kapani-paniwala o dapat bang
pagkatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat.

Logos. Tumutukoy ito sa opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng


tagapagsalita/manunulat. Panghihikayat ito gamit ang lohikal na kaalaman.
Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung may katuturan ba ang
sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig o mambabasa na ito ay
totoo.

Pathos. Tumutukoy naman ito sa emosyon ng tagapakinig/mambabasa. Elemento ito


ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng tagapakinig o
mambabasa.

2
www.shsph.blogspot.com

Ano ba ang alam mo na sa ating


aralin, subukin mo nga?

Panimulang Gawain

Panuto: Basahin ang bawat pahayag, isulat ang T, kung tama ang ipinapahayag at
M kung mali ang ipinapahayag.
______1. Ang tekstong naratibo ay nagsasalaysay ng mga mahahalagang
pangyayari.

______2. Layunin ng tekstong persweysib na hikayatin at papaniwalain ang mga


mambabasa.

______3. Nagbibigay ang tekstong prosidyural ng magkakasunod-sunod na


pamamaraan upang maisagawa ng matagumpay ang isang bagay.

______ 4. Nakabubuo ng malinaw na imahen sa isipan ng mambabasa ang tekstong


deskriptibo.

______5. Naglalahad ng pangangatwiran tungkol sa napiling panig ang tekstong


impormatib.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 22 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
www.shsph.blogspot.com
Natutukoy mo ba agad ang kahulugan at katangian
ng tekstong nababasa mo?

Halika! Ang inihanda kong mga karagdagang


kaalaman at gawain ay magbibigay-linaw sa iyo upang
lubos mo itong maunawaan.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Naririto ang kahulugan at katangian ng iba’t ibang uri ng teksto:

TEKSTONG NARATIBO

Ang Tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na


maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang
sa kathang-isip ng manunulat (piksyon). Ang pagsulat nito ay maaring batay sa
obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din namang ito ay nanggaling mula sa
sarili niyang karanasan.

Ano-anong mga akda ang nabibilang sa piksyon? Ano-ano naman ang sa


di-piksyon?

Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong nagkukuwento na nabibilang sa


akdang piksyon ay nobela, maikling kwento, at tulang nagsasalaysay. Ang halimbawa
naman ng hindi piksyon ay talambuhay, balita at maikling sanaysay. Lahat ng
halimbawang nabanggit ay nagtataglay ng pagsasalaysay gamit ang wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon sa mga mambabasa, at nagpapakita ng
iba’t ibang imahen, metapora at mga simbolo upang maging malikhain ang katha.

4
www.shsph.blogspot.com

MGA KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO


Katulad ng iba pang uri ng teksto, ang naratibong teksto upang maging
epektibo ay may mga katangiang dapat taglayin.

Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng tekstong naratibo?

A. May iba’t ibang pananaw o Punto de-vista sa tekstong naratibo


Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga
pangyayari. Ito ang ginagamit ng manunulat sa paningin o pananaw sa
pagsasalaysay.

1. Unang Panauhan – sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay


ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit
ng panghalip na “AKO”.
2. Ikalawang Panauhan – dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit ng mga panghalip na “KA” o
“IKAW”.
3. Ikatlong Panauhan – ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay
ng isang taong walang relasyon sa mga tauhan kaya ang panghalip na
ginagamit niya sa pagsasalaysay ay “SIYA”.

Tatlong uri ng Ikatlong Pananaw:

1) Maladiyos na Panauhan – nababatid na niya ang galaw at iniisip ng lahat


ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag
niya ang iniisip ,damdamin at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
2) Limitadong Panauhan --- nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa
mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
3) Tagapag-obserbang Panauhan – hindi niya napapasok o nababatid ang
nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.

5
www.shsph.blogspot.com
Kombinasyong Pananaw o Paningin – dito ay hindi lang iisa ang tagapag-
salaysay kaya’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.
Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay
sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala
sa bawat kabanata.

Ano pa ang katangiang dapat taglayin ng tekstong naratibo?

B. May paraan ng pagpapahayag ng diyalogo, saloobin, o damdamin sa


tekstong naratibo
May dalawang paraan kung paano inilahad o ipinapahayag ng mga tauhan
ang kanilang diyalogo.

1) Direkta o tuwirang pagpapahayag. Ang tauhan ay direkta o tuwirang


nagsasaad o nagsasabi ng kaniyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay
ginagamitan ng panipi (“ “). Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging
natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din
nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kaniya
ang eksaktong mensahe o sinasabi ng tauhan.

Paano ginagamit ang direkta o tuwirang pagpapahayag sa


pagsasalaysay sa tekstong naratibo?

Narito ang halimbawa:


“Donato, kakakin na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y
abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napapansing nakalapit na pala ang
ina sa kaniyang kinalalagyan. “Abay’y kayganda naman nireng ginagawa mo,
Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha?”
- Mula sa “ang Kariton ni Donato”

2) Di- direkta o di- tuwirang pagpapahayag. Ang tagapagsalaysay ang


naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan. Hindi na ito
ginagamitan ng panipi.

6
www.shsph.blogspot.com

Paano naman ginagamit sa pagsasalaysay sa tekstong


naratibo ang di direktang o di tuwirang pagpapahayag?

Naririto naman ang halimbawa nito:


Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang ito’y abalang-
abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ina sa kaniyang
kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din
niya kung ano ba talaga ang balak niya.

TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ang Tekstong Deskriptibo ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa
katangian ng isang tao, lugar, bagay, o pangyayari. Naglalayon itong bumuo ng
malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa upang mapalutang ang
pagkakakilanlan nito. Ang tekstong ito ay laging sumasagot sa tanong na “Ano“. Ang
deskripsyon ay maaring: batay sa pandama - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan,
at narinig; batay sa nararamdaman - bugso ng damdamin o personal na saloobin ng
naglalarawan; at batay sa obserbasyon - obserbasyon ng mga nagyayari.

Sa tekstong ito, kahit hindi ka pintor ay makakabuo ka ng isang larawan gamit


ang mga salitang magmamarka sa damdamin at isipan ng mambabasa. Upang
mailarawan at mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa ang isang tauhan,
tagpuan, bagay, galaw o kilos, karaniwang gumagamit ang may-akda ng pang-uri at
pang-abay. Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy, maririnig,
malalasahan, mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na nailalarawan kahit
pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito.

Gumagamit din ang manunulat ng iba pang paglalarawan tulad ng pangngalan,


pandiwa at tayutay tulad ng pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao at iba pa. Ang
tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto, partikular sa
tekstong naratibo.

May dalawang paraan ng paglalarawan upang makamit ang layon ng tekstong


deskriptibo.

7
www.shsph.blogspot.com
1. OBHETIBO O KARANIWAN. Pagbubuo ito ng malinaw na larawan sa isipan ng
mambabasa sa tulong ng pinagbatayang katotohanan. Walang kinalaman dito
ang sariling kuro-kuro at damdamin ng naglalarawan. Payak lamang ang paggamit
ng mga salita upang maibigay ang katangian ng nakita, narinig, nalasahan,
naamoy, at nararamdaman sa paglalarawan.
Halimbawa:
Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad ng
mamula-mula niyang pisngi. Mahaba ang ang kanyang buhok na umaabot
hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan
naman ng kanyang taas.
2. SUBHETIBO O MASINING. Nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa
damdamin at pangmalas ng may-akda. Ang mga detalyeng inihahayag dito ay
nakukulayan ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansarili ng naglalarawan.
May layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para
mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin
sa inilalarawan. Ginagamitan ito ng mga matatalinghaga o idyomatikong
pagpapahayag.
Halimbawa:
Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang
mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-
alon ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-inggit niyang katawan
at taas.

Basahin ang sumusunod na halimbawa ng deskripsyon.

Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda sa paglalarawan?

Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa


nag-iinit na noo ni Danding.
(Mula sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes)

Tama!

Subhetibo ang ginamit na uri ng paglalarawan ng may-akda.

8
www.shsph.blogspot.com

Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda


Magaling! sa paglalarawan?
Obhetibo naman ang Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang
ginamit na uri ng katawan at pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay
mukhang bata kaysa sadya niyang gulang. Ang kanyang
paglalarawan ng pagmumukha ay palaging anyong banal.
may-akda.
(Mula sa “Noli Me Ta ngere” ni Jose P. Rizal)

O, ano nakasusunod ka ba?


Mahusay kung ganoon.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang babasahing di piksyon. Ito ay isang uri
ng pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito
ng malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang mga tanong na
ano, kailan, saan, sino at paano. Sa ibang terminolohiya, tinatawag din itong
“ekspositori”.

Ano-ano ang katangian ng isang tekstong impormatibo?

Tama!

Dahil layunin nitong maghatid ng tiyak na impormasyon, dapat ito ay madaling


unawain. Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, ang mga manunulat ay gumagamit
ng iba’t ibang pantulong upang magabayan ang mga mambabasa para mas mabilis
nilang maunawaan ang impormasyon. Ang ilan sa halimbawa ng mga pantulong ay
talaan ng nilalaman, index at glosaryo. Maari ding gumamit ang mga manunulat ng
mga larawan, ilustrasyon, kapsyon, grap at talahanayan.

9
www.shsph.blogspot.com
Sa pagbuo ng tekstong impormatibo, mahalagang isaalang-alang ang
katumpakan ng nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na
kaalaman sa paksa, kung kaya’t dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabatayan.
Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay kailangang
mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makakabuti rin kung ang paksa ay
napapanahon sapagkat ito ay maaring makatulong upang maunawaan ng
mambabasa ang mga isyu sa lipunan.

Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatibo ay diksyunaryo,


encyclopedia, almanac, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga
balita sa pahayagan.

TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang tekstong prosidyural ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga
hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay. Nagsasaad din ito ng
impormasyon o mga direksiyon upang ligtas, mabilis, matagumpay, at maayos na
pagsasagawa ng gawain.

Ano-ano ang kapakinabanagan ng isang tekstong prosidyural?

May tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga hakbang na dapat sundin upang


matagumpay na magawa ang anumang gawain.

Tumpak!

Magagamit ang tekstong prosidyural sa tatlong iba’t ibang pagkakataon. Una,


sa pagpapaliwanag kung paano gumagana o paano pagaganahin ang isang
kasangkapan batay sa ipinapakita sa manwal. Pangalawa, sa pagsasabi ng hakbang
kung paano gawin ang isang bagay o gawain tulad ng makikita sa mga resipi,
mekaniks ng laro, alituntunin sa kalsada at mga eksperimentong siyentipiko. Panghuli,
sa paglalarawan kung paano makakamit ang ninanais na kalagayan sa buhay, tulad
halimbawa ng kung paano magiging masaya, kung paano magtatagumpay sa buhay
at iba pa.

10
www.shsph.blogspot.com
TEKSTONG PERSUWEYSIB

Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa


babasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo isip
ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang
tama. Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin ang posisyong
pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.

Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang


ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang
isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-
akda.

Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas,


propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.

Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng


panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:

1. Ethos - Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi


ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at
karanasan tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat
na maniwala rito.
Halimbawa, ang isang taong nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang
isang isla sa Pilipinas gayong hindi pa siya nakakapunta rito ay maaaring maging
kaduda-duda. Gayunpaman, may iba pang paraan upang magkaroon ng
krebilidad. Ang estilo ng pagsulat ay mahalaga upang magkaroon ng krebilidad.
Dapat na maisulat nang malinaw at wasto ang teksto upang lumabas na hitik sa
kaalaman at mahusay ang sumusulat. Ang paraan ng pagsisipi ng sanggunian ay
maaaring makatulong sa pagpapatibay ng kredibilidad. Kailangang mapatunayan
sa mga mambabasa na ang mga datos at impormasyon ay wasto at napapanahon
upang makumbinsi na ang isinulat ay tama at mapagkakatiwalaan.
2. Pathos - Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang
mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling
madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng
mambabasa ay isang epektibong paran upang makumbinsi sila. Halimbawa, ang

11
www.shsph.blogspot.com
pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng galit o awa ay isang mabisang
paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.
3. Logos – Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga
impormasyon at datos na kaniyang inilatag, ang kaniyang pananaw o punto ang
siyang dapat paniwalaan. Gayunpaman, isa sa mga madalas na pagkakamali ng
mga manunulat ang paggamit ng ad hominem fallacy, kung saan ang manunulat
ay sumasalungat sa personalidad ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito.

Kailangang tandaan na sa paggamit ng mga paraang ito dapat isaalang-alang


kung sino o anong uri ang mga taong may hawak na mataas na posisyon o mga
negosyante, makabubuting gumamit ng may kredebiilidad at mga wastong
impormasyon at datos upang sila ay makumbinsi, habang mayroon namang mga
mambabasa na nahihikayat kung gagamitan ng apela sa emosyon. Maari ding gamitin
ang lahat ng paraan o kung mayroon pang naiisip na ibang paraan na magiging
epektibo sa uri ng inaasahan mong mambabasa.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Katulad ng tekstong persuweysib, layunin din ng tekstong argyumentatib ang


manghikayat o mangumbinsi ng mambababasa. Obhetibo ang tono ng tekstong ito
sapagkat nakabatay ito sa datos o impormasyong inilalalatag ng manunulat.
Ginagamit ng tekstong argyumentatib ang paraang logos. Upang makumbinsi ang
mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga argumento, katwiran, at ebidensyang
nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.

Ang pangangatwiran ay ang diskursong sadyang isinusulat para sa


napakahalagang layuning makapaghikayat o mapapaniwala ang mga mambabasa sa
saloobin ng sumulat ukol sa kanyang paniniwala at paninindigan. Sa kayariang ito,
mariing binibigyang pagtalakay ang paglalahad ng mga detalye at kaalamang nais
mabigyan ng positibong reaksyon ng babasa o mga tagahatol nito. Dito ihahanay ng
manunulat ang kanyang proposisyon at argumentong nagbibigay-suporta sa mga
kaalamang nais niyang sang-ayunan ng mga mambabasa. Sa mga nabanggit na
kayarian, pinakasensintibo ang diskursong ito sapagkat nangangailangan ito ng

12
www.shsph.blogspot.com
mabigat na ebidensya o patunay na makatotohanan ang ipinahahayag ng manunulat
(Mabilin et al.).

Ano ang pagkakatulad ng Tama!


tekstong persweysib at Ang tekstong persweysib at tekstong
argyumentatib?
argyumentatib ay kapwa
nangungumbinsi o nanghihikayat.

Ano naman ang


pagkakaiba ng tekstong
persweysib at argyumentatib?

Tumpak!
Ang tekstong persweysib ay subhetibo,
nanghihikayat ito batay sa opinyon at at sa
pamamagitan ng pagpukaw ng emosyon ng
mambabasa at pagpokus sa kredibilidad ng may-
akda samantalang ang argyumentatib ay obhetibo.
Nanghihikayat ito batay sa datos at merito ng mga
ebidensya.
.

Sa tatlong paraan ng
panghihikayat - ethos, pathos at logos,
alin ang ginagamit ng tekstong
argyumentatib?

Magaling!
Ang logos ang ginagamit na
pamamaraan ng tekstong argyumentatib.
Gumagamit ang may-akda ng mga ebidensyang
nagpapatibay sa kanyang posisyon o punto
upang makumbinsi ang mambabasa.

13
www.shsph.blogspot.com
Yehey! Nakakatukoy ka na ng kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng teksto.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Halika! May mga inihanda akong gawain para sa iyo


upang dagdagan pa ang iyong kaalaman.

Simulan mo na
ang iba’t ibang gawain.
Panuto: Tukuyin mo ang uri ng teksto ayon sa
kahulugan at katangian nito. Isulat ang sagot na titik
sa iyong sagutang papel.
Pagsasanay 1

a. Naratibo d. Prosidyural
b. Deskriptibo e. Persweysib
c. Impormatibo f. Argyumentatibo

______1.Ito ay uri ng teksto na nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian


ng isang tao, lugar, bagay, o pangyayari.

______2.Ito ay tekstong di-piksyon, layunin nito ang makapagbigay ng impormasyon.

______3.Ito ay tekstong manghikayat o mangumbinsi ng mambabasa sa obhetibong


tono o pamamaraan.

14
www.shsph.blogspot.com
______ 4.Ang tekstong ito ay nagkukwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring
hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon) o nanggaling lamang sa
kathang isip o (piksyon).

_______ 5. Ang tekstong ito ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang
o proseso sa paggawa ng isang bagay.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 22.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa


ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin ang kahulugan at
katangian ng ng mga salitang ginamit sa teksto at
nakasulat ng madiin sa bawat bilang.

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon: talambuhay, balita, artikulo sa


magasin. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian
ang maibibigay mo para sa di piksyon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

15
www.shsph.blogspot.com
2. Ang sumusunod naman any mga babasahing piksiyon: maikling kwento, tula,
nobela. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian
ang maibibigay mo para sa mga babasahing piksiyon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ang salitang impormatibo, ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa


pinagmulan ng salita, anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong
impormatibo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. May iba’t ibang pananaw o punto de-vista ang tekstong naratibo, unang
panauhan, ikalawang panauhan, ikatlong panauhan. Batay sa mga nabanggit na
mga pananaw ano anong kahulugan ang maibibigay mo para sa unang
panauhan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. May dalawang paraan kung paano inilahad o ipinapahayag ng mga tauhan ang
kanilang diyalogo, ang direkta o tuwirang pagpapahayag, o di direkta o di tuwirang
pagpapahayag. Batay sa mga nabanggit na paraan, anong kahulugan ang
maibibigay mo sa di direkta o di tuwirang pagpapahayag?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

16
www.shsph.blogspot.com

Balikan ang mga natutuhan sa naunang


mga gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng Pagsasanay 3


tekstong persweysib. Suriin ang bahagi na
nagpapakita ng katangian ng tekstong persweysib.
Sagutan ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang
sagot sa malinis na papel.

“Tara na’t Tangkilikin ang Sariling Atin”


Minsan may mga produktong pinoy na nababalewala na…
…dahil sa pagsakop ng mga iba’t ibang dayuhan sa bayan natin, naapektuhan ang
antas ng ating pamumuhay…
Lumipas ang maraming taon, unti-unti na natin nakakalimutan ang
produktong pinoy…mas lalong tinatangkilik ang mga produktong gawa sa ibang
bansa.
Ano pa ba ang hinihintay mo?
Ang bumagsak nang tuluyan ang ekonomiya ng bansang Pilipinas o ang
tuluyang pagkawala ng kulturang pinoy?
Huwag sana natin kalimutan ang pakikipaglaban ng mga bayaning
nagtanggol sa ating bayan!!
Kaya kumilos na at tangkilikin ang sariling produkto…
…para sa bansang ating kinagisnan.

1. Sa unang pagkakataong nabasa mo ito, ano ang iyong naramdaman? Ipaliwanag


ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano-anong dahilan ang iyong naisip at hindi ka nakumbinsi ng tekstong ito?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

17
www.shsph.blogspot.com
3. Ano-anong dahilan ang naisip mo at nakumbinsi ka ng tekstong ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Sa ngayong laganap na ang mga tekstong persweysib na nagtataglay ng mga


walang katotohanang pangako at paninindigan. Sa iyong palagay, ano ang nararapat
mong gawin bilang isang mapanuring mambabasa o matalinong mamamayan ng
bansang Pilipinas?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Anong aral ang iyong natutuhan at mas nais ibahagi sa iba pagdating sa mga
ganitong uri ng teksto?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 22.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

18
www.shsph.blogspot.com
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang
matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling
pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Nalaman mo na ang kahulugan at katangian ng bawat isa. Balikan ang iba’t
ibang uri ng teksto. Ibigay ang kahulugan at katangian nito sa tulong ng graphic
organizer sa ibaba.

Uri ng Teksto Katangian ng uri ng


Teksto

Tekstong Impormatibo

Tekstong Deskriptibo

Tekstong Naratibo

Tekstong Prosidyural

Tekstong Persweysib

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 22.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

19
www.shsph.blogspot.com
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Karagdagang Gawain Tara magtulungan tayo!

Panuto: Gamit ang iyong kuwaderno at panulat, ikaw ay naatasang sagutin ang
mga sumusunod na katanungan. Ngayong alam mo na ang kahulugan at kayangian
ng mga teksto, suriin mo naman ang kahalagahan ng bawaty isa. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

1. Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng teksto? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, alin sa mga ito ang kakailanganin natin sa pang-araw-araw na
buhay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. May uri bang sa pananaw mo ay hindi mo magagamit sa pang-araw-araw na
buhay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Masasabi mo bang naging makabuluhan ang panahong ginamit mo sa pag-aaral
ng iba’t ibang uri ng teksto? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo!

20
www.shsph.blogspot.com
MGA SANGGUNIAN:

Aklat:
Atanaccio,, Heidi c., Lingat, Yolanda S. at Morales, Rita D. 2016. Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. C & E Publishing,
Inc. Quezon City.

Bandril, Lolita T., Villanueva, Voltaire M., Bautista, Alma T., at Pamles, Diana F.
2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Vibal group, Inc. Quezon City.

Bernales, Rolando A., Cordero, Ma. Elma B., Soriano, Jose Sonny N., Abenilla,
Gerry G., Conti, Therezia O., at Gonzales, Anna Lissa M. 2016. Pagbasa at
Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Mutya Publishing House. Quezon City.

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G. 2017. Pinagyamang Pluma Pagbasa
at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Phoenix Publishing
House. Quezon City.

Gonzalvo Romeo Jr. P.2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pannaliksik.Unlimited Books Library Services & Publishing Inc. Intramuros
Manila.

Elektroniko:

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/

21
22
Panimulang Pagsubok Pagsasanay 1
1. T 1. Deskriptibo
2. T 2. Impormatibo
3. T 3. Argyumentatib
4. T 4. Naratibo
5. M 5. Prosidyural
Pagsasanay 2
1. Ang di piksiyon ay mga uri ng babasahin na may kinalaman sa salaysay ng mga
totoong pangyayari.
2. Ang piksiyon ay mga uri ng babasahin na kung saan pawang imahinasyon ng
manunulat ang ginagamit.
3. ang tekstong impormatibo ay isang urn g tekstong nagbibigay ng mga impormasyon.
4. Ang unang panauhan ay tumutukoy sa pananaw na isa ang manunulat sa gumaganap
sa kwento.
5. Kapag di direkta o di tuwirang pagpapahayag, ang tagapagsalaysay ang naglalahad
sa sinasabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan.
Pagsasanay 3
1.Nakaramdam ako ng pagkaawa/pagkadismaya dahil mas tinatangkilik ng pinoy ang ga
produktong gawa ng ibang lahi.
2. Kulang sa mga inihaing halimbawa ang binasang teksto.
3. Nahikayat ako sa bahaging “kumilos na at ytangkilikin ang sariling producto para sa
bansang ating kinagisnan”.
4. Bilang mapanuri at matalinong mamamayan ng bansang Pilipinas, marapat na maging
maalam tayo sa mga nababasa natin. Huwag magpadala sa mga fake news.
5. Huwag basta-bastang maniniwala lalo’t walang mga ebidensiyang inihain sa iyong
binasa.
Panapos na Pagsubok
1. Impormatibo- makapagbigay ng impormasyon
2. Deskriptibo-nagtataglay ng kaukulang detalye at malinaw na paglalarawan sa isip ng
mga mambabasa.
3. Naratibo- maaaring piksiyon o di piksiyon na babasahin
4. Prosidyural- may tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga hakbang
5. Persweysib- hinihikayat ang mga mambabasang tanggapin ang posisyong
pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.
Susi sa Pagwawasto
www.shsph.blogspot.com
www.shsph.blogspot.com

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like