You are on page 1of 5

Kalayaan sa madilim na hawla

By : Gillian Marilao

Kalayaan bilang isang ibon sa hawla.


Kalayaang lumipad kahit saan mapunta.
Kalayaang minsang inabuso ng iba
Kalayaang minsan ko nang nahanap ngunit biglang nawala.

Isang panaginip ang bumago


Isang kalayaan ang nawala sa buhay ko
Malaki ang pagsisisi ko
Kinalimutan ko ang sarili ko upang iahon ang ibang tao.

Kalayaan hindi ko mahagilip kung nasaan


Saan ko ba iniwan at hindi ko madaanan
‘Di ko maisip, ‘di ko mapaniwalaan
Bakit ikinulong ko ang sarili sa isang hawla sa kadiliman.

Isang bangka ang aking ginawa


Isang sagwan ang aking hinanap at nakita
Ito ang gagamitin upang makalaya
Mula sa pagkakagapos sa madilim na hawla.

Ang bawat alon mula sa karagatan


Ay magsisilbing panakot sa dumaraan
Hahanapin susi ng hawlang pinamumugaran
Nang sa gayon makamit ang tunay na kalayaan.

Ang munting ibon nitong hawla


Magbubunyi, sumasambit ng masasasayang salita
Binitawan nitong susi ng hawla
“Sabay sabi ako’y malaya na”
ASYMPTOTIC LOVE STORY
By : Lester Abellada

Nakatingin sa malayo, habang hinahampas ng alon ang aking mga paa. Ang papalubog na araw
ang siyang nagiging ilaw upang masilayan ang aking anino na animoy tatangayin na papunta sa
kawalan.

Katahimikan. Kaligayahan. Pag-ibig ang mga ito ang tanging nararamdaman naming dalawa.
Kasabay ng alon, paglubog ng araw at malumanay na simoy ng hangin ang pag-iibigan namin na
panghanggang dulo. Ang sumpaan ng walang hanggan ay aming iginuhit sa mapinong buhangin
ngunit tuluyan ding naglaho dahil sa hampas ng alon. Ito ba’y senyales na dudurog sa aming mga
puso?

"Simon, ang layo na ng narating ng ating pag-iibigan. Hindi mo ba natatanaw ang dulo nito?" Ito
ang binitawan niyang katanungan na pumukaw sa aking atensyon.

"Hindi ko na matatanaw ang dulo dahil ang katotohanan nito ay ikaw ang dulo. Ikaw ang dulo na
palagi kong pupuntahan, dahil ikaw at ako ay magsasama hanggang dulo" iyan ang sagot ko
sakanyang katanungan.

"Simon, tandaan mo ang araw na ito, ang oras na ito, at ang lugar na ito sapagkat ang araw, oras
at lugar na ito ay magpapaalala sa’yo na naging parte ako ng nakaraan mo" iyan ang mga
salitang binitawan niya na animo’y nagpapahiwating ng pamamaalam.

Ang bawat letrang binitawan niya ang siyang gumulat at gumising sa aking patulog na katawan.
Nagmamahalan kami ng sobra, ibinigay ko sakanya ang lahat pero bakit ganoon ang binitawan
niyang mga salita.

"Solana, ano ang iyong ibig sabihin? Bakit ganyan ang lumalabas sa iyong mga bibig? Bakit
pamamaalam ang iyong pinahihiwatig?" sunod sunod na mga tanong ang aking naibigkas.

"Paalam mahal, hanggang dito nalang tayo. Alagaan mo ang puso mo, ilaan mo ito sa taong
iingatan ka, mamahalin ka at ipaglalaban ka. Maligayang kaarawan ng mga puso mahal ko,
patawarin mo sana ako, sana maintindihan mo ang paglisang gagawin ko, sana balang araw
masabi ko sayo ang tunay na dahilan ng desisyong ito. Pangako, ipagdadasal kita o di
kaya'y ipagdadasal ko kayo ng taong nakalaan para sayo" huling salitang binitawan ni
Solana bago niya bitawan ang aking kamay, bago siya kumawala sa pagkakagapos sa aking
katawan.

Naiwan akong luhaan. Umayon sa aking kalungkutan ang hangin, ulan at karagatan. Patuloy na
bumuhos ang masaganang luha. Ang dating pag-ibig na pinakaiingatan ko ay tuluyan ng
tinangay sa akin. Ang pag-ibig na akala ko, hanggang dulo ay nagkaroon na ng hangganan. Si
Solana na aking minamahal na nagsilbing ilaw ko sa madilim kong mundo ay tuluyan ng
napundi at nawalan ng sigla.
Napakasakit isipin na ang pagmamahalang pinagtibay mo, pinaglaban mo, at pinagsigawan mo
ay mauuwi lang sa salitang ‘Paalam’.

Buwan, taon ang lumipas ngunit hindi pa din mawaglit sa aking isipan ang tunay na dahilan ng
kanyang paglisan. Sa araw araw na ako'y gumigising isang pangalan lang ang aking iniisip
‘Solana’.

Napalaya ko na ang aking sarili, naisagwan ko na ang aking bangka mula gitna ng dagat
papuntang pampang. Naihatid ko na ang sarili mula sa madugong labanan at iyakan tungo sa
laban na kung saan ako nalang ang nakakaalam. Nasagip ko na ang aking sarili mula sa
pagkakalunod ng sakit at iniahon ko na ito tungo sa kaligayahan.

Nasagot na lahat ng katanungan. Nasagot na ang lahat ng pagaalinlangan dahil sa sulat na


kanyang iniwan. Ang mensahe na na iniwan ng aking pinakamamahal na Solana.

"Mahal kong Simon, patawarin mo ako sa aking paglisan. Huwag kang mag-alala aking mahal
sapagkat ako’y masaya na sapiling ng ating Panginoon. Nagkaroon ako ng sakit na malubha kaya
ako’y lumisan at tuluyang nagpakalayo-layo. Tuluyan man akong nawala sa mundong ibabaw
pero ang pagmamahal mo pa rin ang bitbit ko sa aking huling paghinga. Ang puso ko’y
tumitibok muli dahil sa kadahilanga ako’y naging isang donor ng puso. Ibinigay ko ito sa taong
papahalagahan ang bawat pagtibok ng puso ko. Salamat mahal ko"

"Hanggang dito nalang ang kwento namin ni Solana. Tuluyan na nga kaming naging masaya sa
napili naming landas at buhay. Hindi man kami nagkatuluyan sa mundong ibabaw ngunit
ipagpapatuloy parin namin ang naudlot na pagmamahalan sa lugar na kung saan ang buhay ay
walang hangganan na sinambit ko bago ko lisanin ang ountod ng aking mahal.

"Solana aking ilaw, ikaw ang gagabay sa akin sa aking tatahaking landas. Masaya na ako mahal
ko. Maligayang kaarawan ng puso kung nasaan ka man" masayang kong binitawan ang katagang
ito.
DAPAT BANG MAKILAHOK ANG MGA MAG-AARAL SA MGA AKTIBIDAD NG
PAARALAN?
By : Lester Abellada & Sammer Niduaza

Ang pagpasok sa paaralan ay hindi lamang umiikot sa iisang silid at hindi lamang
kinapapalooban ng kaalamang nanggagaling sa mga guro at libro. Kung kaya't isa sa mga
pinaka-aabangang parte ng pag-aaral, ay ang mga samu't-saring aktibidad na ipinapatupad ng
mga kasapi sa iba't-ibang organisasyon o hindi kaya'y mga aprubadong proyekto ng punong-
guro.

Ilan sa mga mag-aaral ng Tubao National High School ay hindi magkamayaw sa antisipasyon sa
mga nalalapit na aktibidad pampaaralan. Bagaman lahat ay bukas sa pagsali, may mangilan-
ngilan pa ring umaayaw. Sa kabilang banda, mas marami naman ang sumang-ayon sa
pakikilahok.

"Obligado ba ang mga mag-aaral na makibahagi sa mga akitibidad pampaaralan?" Iyan ang isang
malaking katanungan sa lahat. At base sa mga sagot ng mga piling estudyante, halos lahat ay
sumagot ng "oo" sa dalawang kadahilanan. Una, dahil tayo ay parte ng institusyong TNHS. Ang
mga aktibidad na pinag-isipan, isinagawa, isinasagawa at isasagawa ay para rin naman sa
kagalakan ng mga miyembro ng nasabing paaralan. Sa pamamagitan ng pakikipaglahok,
nagagawa nating ibahagi ang ating mga angking talento at ilabas ang mga itinatagong galing sa
pagsulat man o hindi kaya'y sa pag-indak, pagtula at pag-awit. Bukod pa doon, nagagawang
payabungin ng mga aktibidad ang mababang kumpyansa ng mga estudyante sa kanilang sarili.
Pangalawa at panghuli, ang pagsali sa mga programang pampaaralan ay nakababawas ng tensyon
sa pag-aaral. Nabibigyan tayo nito ng pagkakataon na mag-aliw, makisalamuha, at makipag-
kaibigan sa iba't-ibang baitang. Bukod pa doon, hindi dapat natin ibinubuhos ang ating buong
atensyon sa mga pisara, aklat, kwaderno, at panulat sapagkat maaari tayong matuto sa mga bagay
na mayroon tayong karanasan. Ang pagkatuto ay hindi lamang nakatutok sa isang sulok.
Maaaring makuha ito sa iba pang bahagi ng silid.

Bagaman layunin ng lahat ang makapagtapos, hindi naman tama na iiwas ang ating mga sarili sa
mga aktibidad na itinakda para sa atin. Sabay-sabay tayong matuto at sabay-sabay nating
subukan ang pakikipaglahok sa mga programa.
WAVES OF PHANTASM
By : Sammer Niduaza

I've been sitting along the shore for about an hour now. Next to me, is the love of my life.

We are silently waiting for the setting of the sun, but his left hand has been laguindly stroking
my thumb and his other hand is hanging loosely on my waist, making my inner sense go wild
and noisy. His feet carpeted with hairs are touching my skinny leg, like a predator guarding his
prey and almost owning my personal space. His lip is in a grim line but his eyes are coated with
so much adoration and contentment.

The wave in front of us is hitting the sand savagely, making my heart leap for a second and calm
afterwards as the serenity of the place resurfaced.

How I love this set up. How I love every bit of him. I wouldn't ask for more.

The sun then began to set. He hugged me tightly sideways and sweetly whispered flowery words
in my ears. I closed my eyes slowly and seized the feeling of our proximity. He showered me
with praises and promises and kissed me lovingly on my cheek.

The butterflies on my stomach couldn't behave and my heart is beating so fast as if I'm riding on
a horse. The long wait for the sunset is worth it, not because I've witnessed its wonderful
moment first hand, but because I'm with the person I ever wanted to be with.

I've been dreaming about this scene since then. I've read this on fictional stories and watched it
on a movie. Only that, now, I am the leading lady and my love, is my leading man.

I then slowly opened my eyes, taking a quick glimpse to the resting sun. As the spirit of darness
invade the whole place, my imagination about my prince charming sitting next to me, ended.

This time, it is the cold breeze of north that is embracing me, and it is now the humming of birds
I can hear. No more territorial stance,
because it is yet again, a seemingly vivid fantasy of mine.

The thought of not having a partner to celebrate with, awakened me. For the nth time, I'll
probably be sleeping soundly on Valentine's day.

You might also like