You are on page 1of 2

Louise G.

David Abril 14, 2021

Batyelor ng Agham sa Sikolohiya

Isyung Pangkasarian sa Trabaho

Ang kasarian at sekswalidad ay dalawang magkaiba ngunit magkaugnay na


konsepto. Ang kasarian ay tumutukoy sa mga biyolohikal na kalagayan at ito ay tipikal na nauuri
bilang lalaki at babae. Samantalang ang sekswalidad ay tungkol sa mga damdaming sekswal at
atraksyong nararamdaman ng tao sa kapwa. Maraming mga isyu tungkol sa sekswalidad at
kasarian ang kinakaharap ng buong daigdig. Sa maraming bansa at kultura, hindi pa rin lubos na
natatamasa ang pantay na pagtingin sa usaping ito.

Laganap pa rin ang pagbibigay ng trabaho ayon sa kasarian o pananaw na trabaho ng


babae at lalaki. Bagaman nadadagdagan ang mga karapatang ipinagkakaloob sa mga kanila sa
paglipas ng panahon, nananatiling patriyarkal ang maraming lipunan kaya’t hindi pa rin pantay
ang mga pagkakataong naibibigay sa kababaihan at kalalakihan pagdating sa trabaho. Ang pag-
iral ng “last-to-hire, first-to-fire practice” ng ilang kumpanya kung saan ay kadalasang huling
opsyon lang ang pag-hire sa mga kababaihan sa trabaho, at ito ay lalong pinalalala sa
pamamagitan ng mga “job opportunity advertisement” kung saan ay prayoridad na tinatanggap
sa trabaho ang mga kalalakihan. Kadalasang ang mga kababaihan ang unang tinatanggal sa
trabaho kapag nagkakaproblema ang kumpanya, at pati nga sa haba ng employment tenure ay
mas maaga ang mandatory retirement age sa kanila kumpara sa mga kalalakihan. “Low-skilled
jobs” lang din ang karaniwang inilalaan sa mga kababaihan at maliit lang ang nakalaang tsansa
sa kanila sa trainings at promosyon sa mas mataas na posisyon. Madalas din ay mas mababa
ang ibinibigay na suweldo at benepisyo sa mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan kahit
sa mga pagkakataong pareho lang naman ang kanilang designasyon at trabaho, at ito ay umiiral
mula sa mga kategoryang “unskilled job” hanggang “managerial at supervisor levels.”

Ayon naman sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme


(UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID) na may titulong
“Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunti ring
oportunidad pagdating sa trabaho. Gaya na lamang ni Buddy Cadag, isang gender queer na
natanggap sa isang posisyon na kanyang inaplayan sa Jollibee Foods Corp (JFC) ngunit
pinagbawalang gumawa ng trabaho sa loob ng opisina dahil sa kanyang kasarian. Makikita dito
ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa kagaya niyang bahagi ng LGBTQA+.

Dahil sa mga kaganapang ito, may mga naisulong at isinusulong ng mga batas upang
pahalagahan ang karapatan ng lahat ng kasarian at sekswalidad sa ating bansa. Ayon kay
Jinggoy, na chairman din ng Congressional Oversight Committee on Labor and Employment
(COCLE), ang patas na oportunidad sa kabuhayan at trabaho para sa mga babae at lalaki ay
ginagarantiya ng ating Konstitusyon. Bilang pagpapatibay pa rito ay niratipikahan ng Kongreso
ang United Nations Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
(CEDAW). Karaniwang nilalarawan ito bilang International Bill for Women’s Convention o United
Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na
kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil
at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pangekonomiya, panlipunan at
pampamilya. Ang Magna Carta for Women naman ay naisabatas noong 2009 upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-
pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga
pandaigdigang instrumento. Patuloy pa rin ang pagsasabatas ng Gender Equality Bill para
mawaksi ang patuloy na disriminasyon hindi lamang para sa bahagi ng LGBTQA+ ngunit sa lahat
ng kasarian at sekswalidad.

Lahat ng tao ay isinilang ng malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa,
anuman ang oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na
matamasa ng lahat ng karapatang pantao na walang diskriminasyong nag-uugat dito. Dapat ding
kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas maging sa proteksyon nito.

Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, samakatarungan at


paborableng mga kondisyon sa paggawa, at proteksyon laban sa disempleyo. May kapansanan
man, bata o matanda basta may kakayanang gampanan ang trabaho, marapat na ini-empleyo.
Anumang kumpanya, pribado man o gobyerno. hindi maaaring tumanggi o magsibak ng tao
anumang oras nilang gustuhin dahil lamang sa katangiang-pisikal ng isang indibidwal. Malayo
man ang tatahakin upang makamit ang isang bansang walang diskriminasyon, ating basagin ang
mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na
nagpapahiwatig ng hindi pantay na pagtingin sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang
pangkasarian.

You might also like