You are on page 1of 1

MGA LUGAR NA KAYSARAP BALIKAN

Isa sa mga lugar na hindi ko malilimutan ay ang Sagada. Papunta palang kami sa lugar na ito ay
madami na kaming nadaanang magagandang tanawin. Sobrang sariwa ang hangin at talaga namang
masarap na ito ay langhapin. Madami din kaming nadaaanang malalaking puno at matarik na bangin na
talaga namang nakakatakot pero nakakamangha dahil ngayon lang ako nakakita ng ganung tanawin.
Sobrang ganda ng lugar na ito kaya naman nais ko na Ito ay balikang muli.

Isa pa sa lugar na hindi ko malilimutan ay yung nagpunta kami sa Baguio. Kagaya ng sagada
sobrang ganda din ng lugar na ito. Ang taas ng puno ng pine tree ngayon lang ako nakakita ng ganung
puno. Dapit- hapon ng maramdaman namin ang lamig na lalong nakapagpagaan sa aming pakiramdam.
Madami din akong nakain dahil talaga namang masasarap ang pagkain sa lugar na ito.

Isa pa din sa lugar na hindi ko malilimutan ay nung mamasyal kami ng pamilya ko sa Enchanted
Kingdom. Sobrang saya ko dahil noong araw na din na yun ay kaarawan ko. Kapit- tuko ako sa aking ama
dahil sa maraming tao. Halos lahat ng rides ay nasakyan ko ata at ang pinakapaborito ko sa lahat ay yung
riogrande dahil kasama ko ang aking magulang ng sumakay kami dito. Basang-basa ako at talaga
namang nakatutuwa dahil masaya ako pati sila mami at dadi. Nanood din kami sa realto na parang ako
yung bida dun sa pinapanood ko dahil nararamdan ko yung nangyayari. Pigil- hininga ako dahil
pakiramdam ko ay parang bumabagsak din ako kagaya nung bida sa pinapanood naming. Sana maulit
muli na makabalik ako sa mga lugar na ito. Sana matapos na din ang pandemic at makapasyal na uli kami
ng pamilya ko sa mga lugar na ito.

You might also like