You are on page 1of 11

LINGGUHANG GAWAING PAGKATUTO

Filipino 4, Ikaapat na Markahan


Unang Linggo

PAGBIGAY NG PANUTO GAMIT ANG


PANGUNAHING DIREKSIYON

Pangalan: ____________________________________ Seksiyon: __________________

Kasanayang Pagkatuto:

Unang Araw
Nakapagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon, F4PS-IVa-8.7

Susing Konsepto

MGA PANGUNAHING DIREKSIYON

May apat na pangunahing direksyon sa pagsasabi ng


kinalalagyan ng isang pook o lugar. Ang mga ito ay ang Hilaga, Timog,
Silangan at Kanluran. Kung titingnan mo sa mapa, makikita sa isang
bahagi nito ang sagisag ng magiging gabay sa paghahanap ng isang
lugar.

Makabayan 3 Mga Pangunahing Direksiyon, p. 2


Gawaing Pagkatuto

Gawain 1 – Ituro Mo

Panuto: Pag-aralan ang mapa sa ibaba. Pag-aralan din kung paano ang
pagbibigay ng 3-4 na hakbang gamit ang pangunahin at
pangalawang direksiyon upang matulungan si Katie na makarating
sa kaniyang nais puntahan.

Magandang araw, kaibigan. Ako si Katie. Nandito


ako ngayon sa aming bahay. Gusto ko sanang
pumunta sa plaza. Maaari mo bang ibigay sa akin
ang mga hakbang kung paano makapunta roon?
Maraming salamat, kaibigan.

Bahay ni Katie

Hinango ang mapa sa

Hhttp://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/hekasi_4_misosa__7._
north_arrow_compass_rose_lokasyon_ng_pilipinas.pdf

Posibleng mga sagot:


1. Maglakad sa Daang Mabini patungong Hilaga.
2. Lumiko pa kanan pagdating sa kanto ng Daang Mabini at Daang
Rizal.
3. Maglakad sa Daang Rizal patungong Silangan.
4. Kapag nakita na ang plaza, tumawid sa kabilang daan.

Ikaw naman ang magbibigay ng hakbang gamit ang mga direksyon.


Handa ka na ba? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Katatapos ko lang pumasyal sa plaza.


Napagpasyahan kong bisitahin ang aking kaibigan sa
ospital. Maaari niyo ba akong tulungan kung paano
makapunta roon? Maraming salamat, kaibigan.

Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGSULAT NG BALANGKAS GAMIT ANG NAKALAP NA


IMPORMASYON SA BINASANG TEKSTO

Kasanayang Pagkatuto:

Ikalawa at Ikatlong Araw

Nakakukuha ng tala buhat sa binasang teksto, F4EP-IVb-e-10


Nakasusulat ng isang balangkas mula sa mga nakalap na impormasyon
mula sa binasa, F4PU-IV ab-2.1
Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng
nakalarawang balangkas o dayagram, F4EP-IVa-d-8

Susing Konsepto

PAGBUO NG BALANGKAS NG KUWENTO

Sa pagbabalangkas, kumuha muna ng pangunahing kaisipan


sa bawat talataan. Pagkatapos, itala ang maliliit na detalyeng
tumutulong sa paglinang ng pangunahing kaisipan. Gamitin ang
malaking titik o bilang Arabiko sa pagsulat ng mga detalye. Maaaring
gumamit ng pangungusap o parirala o salita sa pagbabalangkas. Ang
balangkas ay makatutulong sa pagsasalaysay na muli ng kuwento.

Hiyas sa Pagbasa 4, p. 55
Basahin at Unawain

Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan

Narinig na ba ninyo ang pangalan ko? Marahil nais ninyong malaman


ang aking makulay na talambuhay. Maging inspirasyon sana sa mga
kabataan ang aking karanasan.

Diosdado Pangan Macapagal ang tunay kong pangalan. Isinilang ako


noong ika-28 ng Setyembre 1910 sa nayon ng San Nicolas, Lubao,
Pampanga. Galing ako sa maralitang angkan. Sina Urbano Macapagal at
Romana Pangan ang aking mga magulang. Ang aking ama ay isang
manunulat ng mga dulang pantanghalan sa wikang Kapampangan na
walang palagiang kita. Ang aking ina ay galing din sa mahirap na pamilya.
Hindi siya marunong bumasa’t sumulat. Kumikita siya paminsan-minsan
sa paglalabada.

Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion Road at


South Expressway, pabahay para sa mga sundalo at kawani ng pamahalaan
at ang pagtatatag ng Philippine Veterans Bank.

Sumulat din ako ng mga aklat. Ilan sa mga ito ang: Democracy in
the Philippines noong 1976; Memoirs of a President, A New Constitution for
the Philippines at Land Reform in the Philippines.

Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin ko ang


kapakanan ng karaniwang tao, kaya’t binansagan akong “Kampeon ng
Masa.” Nahirang din akong isa sa “Sampung Natatanging Mambabatas”
mula 1949-1957. Tinagurian akong “The Best Lawmaker” mula 1954-1957.

Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi hadlang ang kahirapan sa


pagkakamit ng tagumpay. Kailangan natin ang maalab na hangaring
umunlad.

Ang naranasan kong pagsala sa pagkain, pangingisda sa gabi at araw


na walang pasok at iba pang kahirapan ang nagtulak sa akin upang
marating ang tagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na batang
tulad ko ay maging Pangulo ng Bansang Pilipinas.

Hinango sa:
Misosa: Pagsulat ng Balangkas https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6795

Gawaing Pagkatuto
Gawain 2 – Isulat Mo
Panuto: Magsulat ng balangkas ng mga impormasyong nakalap mula sa
tesktong, Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan.

BALANGKAS

I. Kapanganakan at Mga Magulang ni Macapagal

A. Petsa ng Kapanganakan
B. Lugar ng Kapanganakan
II. Mga Magulang ni Macapagal
A. pangalan ng ama at ina
B. trabaho ng ama at ina
III. Mga Nagawa bilang Kawani ng Pamahalaan
A.
B.

IV. Mga Aklat na Isinulat


A.
B.
V. Mga Parangal na Natanggap
A.
B.

Hinango sa:
Misosa: Pagsulat ng Balangkas https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6795

PAGGAMIT NG MAGAGALANG NA PANANALITA SA


PAGBIBIGAY PUNA SA ISANG EDITORIAL CARTOON
Kasanayang Pagkatuto:

Ikaapat na Araw
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon, F4PS-
IVe-12.18

Gawaing Pagkatuto
Gawain 3 – Suriin Mo

Panuto: Suriin ang editorial cartoon. Bigyang puna ito sa pamamagitan ng


pagsagot sa mga tanong gamit ang magagalang na pananalita.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Tapon Dito, Tapon Doon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/04/28/1913194/
editoryal-tapon-dito-tapon-doon-ng-basura

1. Madali bang maintindihan ang ideyang ipinapakita ng editorial cartoon?


Bakit?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Sang-ayon ka ba sa ideyang ipinapakita sa editorial cartoon na ang mga


tao ay tapon dito, tapon doon ng kanilang mga basura? Bakit?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIK SA NILALAMAN

5 – naiintindihan at angkop ang isinulat


na sagot
4 - naiintindihan ngunit may kulang sa
isinulat na sagot
3 – hindi maayos ang paglalahad ng
sagot
2 – hindi maintindihan ang isinulat na
sagot
1 – hindi natapos ang pagsulat ng sagot
PAGGUHIT NG SARILING EDITORIYAL CARTOON

Kasanayang Pagkatuto:

Ikalimang Araw
Nakaguguhit ng sariling editoriyal cartoon, F4PU-IVe-3

Gawaing Pagkatuto

Gawain 4 – Iguhit Mo

Panuto: Gumuhit ng sariling editorial cartoon batay sa binasa mong


editorial tungkol sa plastic na basura. Maaari mong gamiting
gabay ang ibinigay na editorial cartoon ngunit huwag mo itong
gagayahin.

RUBRIK SA NILALAMAN RUBRIK SA NILALAMAN

5 – malinis, maganda at angkop ang 5 – naiintindihan at angkop ang


mga simbolismong ginamit sa konseptong ipinapakita sa editorial
editorial cartoon cartoon
4 – malinis, maganda ngunit may 4 - naiintindihan ngunit may kulang
mga iginuhit na hindi angkop sa sa konseptong ipinapakita sa editorial
editorial cartoon cartoon
3 – malinis at maganda ngunit ang 3 – hindi maayos ang paglalahad ng
mga ginamit na simbolismo ay hindi konsepto sa iginuhit na editorial
angkop cartoon
2 – malinis ngunit hindi maganda 2 – hindi maintindihan ang iginuhit na
ang pagkaguhit at hindi angkop ang editorial cartoon
mga ginamit na simbolismo 1 – hindi natapos ang pagguhit
1 – hindi natapos ang pagguhit
Pangwakas/Pagninilay
Binabati kita, kaibigan! Karagdagang kaalaman ang natutunan mo ngayong
linggo tulad ng pagbigay ng panuto gamit ang pangunahing direkisyon,
pagsulat ng balangkas gamit ang nakalap na impormasyon sa binasang
teksto at paggamit ng magagalang na pananalita sa pagbibigay puna sa
isang editorial cartoon.

Maaari mo bang sagutin ang mga tanong sa ibaba:

1. Ano-anong mga aralin ang madali mong naintindihan? Bakit?


__________________________________________________________________________

2. Ano-anong mga aralin ang kailangan mo pa nang mas malalim na


pagtatalakay? Bakit?
___________________________________________________________________

Mga Sanggunian

Lalunio, Lydia P., Francisca G. Ril, Patrocino V. Villafuerte and Ma. Victoria, A.
Gugol. Hiyas sa Pagbasa 4. Quezon City: LG&M Corporation, 2010,p
163.

Makabayan 3 Mga Pangunahing Direksiyon retrieved from


https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/821?page=4
Misosa: Pagsulat ng Balangkas retrieved from https://lrmds.deped.gov.ph
/detail/6795

Tapon Dito, Tapon Doon https://www.philstar.com/pilipino-star-


ngayon/opinyon/2019/04/28/1913194/editoryal-tapon-dito-tapon-
doon-ng-basura

Susi sa Pagwawasto
 Gawain 1 – Ituro Mo

Diskresiyon ng guro
 Gawain 2 – Isulat Mo

BALANGKAS

I. Kapanganakan at Mga Magulang ni Macapagal

A. ika-28 ng Setyembre, 1910


B. San Nicolas, Lubao, Pampanga
II. Mga Magulang ni Macapagal
A. Urbano Macapagal at Romana Pangan
B. manunulat at labandera
III. Mga Nagawa bilang Kawani ng Pamahalaan
A. Nagtaguyod ng mga proyekto tulad ng North Diversion Road
at South Expressway
B. Pabahay sa mga sundalo at kawani ng pamahalaan
Pagtatag ng Philippine Veterans’ Bank

IV. Mga Aklat na Isinulat


A. Democracy in the Philippines
B. Memoirs of a President
A New Constitution for the Philippines
Land Reform in the Philippines

V. Mga Parangal na Natanggap


A. Sampung Natatanging Mambabatas
B. The Best Lawmaker

 Gawain 3 – Suriin Mo

Diskresiyon ng guro

 Gawain 4 – Iguhit Mo

Diskresiyon ng guro
Mga Manunulat:

Pangalan : Jorame G. Badajos


Istasyon : Pianing Elementary School
Dibisyon : Butuan City Division
E-mail ad : jorame.badajos@deped.gov.ph

Pangalan : Michelle O. Olavides


Istasyon : Obrero Elementary School
Dibisyon : Butuan City Division
E-mail ad : michelle.olavides@deped.gov.ph

Mga Tagapagsuri:

Leah F. Macuana Sherie Rose F. Rivero


Guro sa Filipino Guro, Ampayon Central Elem. School

Rolyn M. Yandug
Division Filipino Coordinator

You might also like