You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII-EASTERN VISAYAS
DIVISION OF LEYTE
BARUGO I DISTRICT

FILIPINO 4
SANAYANG PAPEL

Quarter 4, Week 5

Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t


ibang sitwasyon: Pagbibigay ng puna sa editorial
cartoon.

__________________________________________________
Pangalan

__________________________________________________
Baitang & Seksyon

___________________________________________________
Paaralan
MELC F4PS-IVe-12.18: Nagagamit ang magagalang na pananalita sa
iba’t ibang sitwasyon: Pagbibigay ng puna sa editorial cartoon.

Simulan Mo

Panuto: Basahin ang mga magagalang na pananalita sa bawat hanay .


Itambal ang bawat isa sa pahayag na angkop sa paraan ng paggamit nito .
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang .
Hanay A Hanay B
___1. “Nakita ko itong nawawala mong aklat.” A. “Walang anuman.”

___2. “Magandang gabi po.” B. “Mabuti naman.”

___3. “Salamat sa paghahatid mo sa aking kapatid.” C. “Salamat sa iyo.”

___4. “Aray! Natapakan mo ako.” D. “Magandang gabi


sa iyo.”
___5. “Opo, ligtas kaming nakauwi.” E. “Pasensya na.
Hindi ko sinasadya.”

Pag-aralan Natin:

2
Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa
kabuuan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng respeto at
paggalang sa kausap.

Narito ang ilang mga magagalang na pananalita at kung kailan sila


ginagamit:
• po, ho, opo - pagsagot sa tanong o tawag
• Makikiraan (po) – pakikiraan
• Salamat (po) - pagpapasalamat
• Maaari (po) ba? - paghingi ng pahintulot
• Walang anuman - pagsagot sa pasasalamat
• Magandang umaga/hapon/gabi/araw (po) - pagbati
• Pasensiya na (po) - paghingi ng paumanhin
• Paki… - paghingi ng pabor o tulong

Sa araling ito, matututunan mong gamitin ang pananalita sa pagbibigay


ng puna sa editorial cartoon.
Ano ang Editorial Cartoon?
 Isang anyo ng political cartoon na nakabatay sa isang isyu, isang
opinyon o isang pangyayaring napapanahon;
 Ito ay karaniwang gumagamit ng paraang caricature kung saan ay
inilalagay na nakakatawa ang isang pangyayari o sitwasyon; at
 Gumagamit din ito ng representasyon para ilarawan ang isang isyu o
pangyayari.

Ano ang mga nilalaman ng isang Editorial Cartoon?


 Mensahe
 Guhit

3
 Opinyon
 Pangyayari
 Isyu
 Paninindigan ng Editorial Board

Ano ang halaga ng isang Editorial Cartoon?


 Kinakatawan nito ang opinyon ng patnugutan.
 Ito ang “puso”ng pahayagan. Bakit “Puso”? - Di kailangan basahin; -
Kailangang unawain; ang Iba’t ibang interpretasyon mula sa iba’t ibang
tao.

Sino ang gumagawa nito?


 Hindi Editorial Artist;
 Hindi lang basta Cartoonist;
 Kung hindi, isang Journalist.

Paano ito isinasagawa?


 Kailangang magbasa tungkol sa isyung gagawan ng editorial cartoon.
 Dapat ay may malawak na kaalaman tungkol sa isyu.
 May matibay na background para sa gagawing opinyon.
 Ipakonsulta sa Editorial Board ang ginawang editorial cartoon.

4
Magtulungan Tayo!

Pagsasanay 1

PANUTO: Kulayan ang kung ang puna mula sa editorial cartoon ay


nagpapahayag ng magalang na pananalita at kulayan naman kung
hindi.

1.Nararapat parusahan ang mga nagpapakalat ng fake news


ukol sa Covid-19.
2.Ginagamit ang social media sa hindi magandang gawain.
3.Maniwala kaagad sa mga nababasa at nakikita sa social media
patungkol sa kumakalat na sakit sa bansa.
4. Ang maling balita na walang matibay na batayan ay nagdudulot
ng pangamba sa mamamayan at hindi dapat ginagawa.
5. Ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay
nagbanta sa mga nagpakalat ng fake news na aarestuhin sila.

Pagsasanay 2
5
PANUTO: Tingnan ang larawan at basahin ang sitwasyon. Piliin ang titik
ng angkop na magalang na pananalita na iyong gagamitin.

1. Mayroon kang kailangan na gamit para sa iyong


proyekto at kailangan mong sabihin ito kaagad sa iyong
nanay. Paano mo ito sasabihin sa kanya ng may
paggalang?
A. Nanay, maaari mo po ba ako ibili ng mga gamit na
kailangan ko po sa paggawa ng aking proyekto?
B. Nanay, bili mo nga ako ng gamit na kailangan ko sa
aking proyekto. Bilisan mo nanay.

2. Ikaw ay nagbabasa sa loob ng silid-aklatan nang


may dalawang mag-aaral ang pumasok at nag-uusap
nang malakas. Ano ang iyong sasabihin sa kanilang
dalawa? A. Pwede ninyo po ba hinaan ang inyong
pagsasalita? B. Ang ingay ninyo naman! Tumahimik
nga kayong dalawa!

3. Nais mong ipaalam sa iyong amo na maysakit ang


iyong magulang at kailangan mong lumiban sa trabaho
pansamantala. Sa paanong paraan mo ito ipaparating
sa kanya?
A. Sir, absent ako ng isang linggo. May sakit kasi tatay
ko.
B. Sir, maaari po ba akong lumiban sa trabaho dahil
kailangan ko pong alagaan ang tatay kong may sakit?

4. Galit na galit ang iyong nahuling babaeng drayber


dahil ito’y may nilabag na batas trapiko. Paano mo

6
sasagutin ng mayroon pa ring paggalang ang drayber
na ito?
A. Miss, huwag kang magalit. Kasalanan mo rin naman
kung bakit ka nahuli.
B. Miss, kailangan ko pong kunin ang iyong lisensya at
sumama sa amin.

5. Nasira mo ang manika ng iyong kalaro nang hindi


sinasadya. Ano ang sasabihin mo sa kanya para ito’y
hindi magalit sa iyo?
A. Sabrina, patawad kung nasira ko ang iyong manika.
B. Sabrina, ang pangit ng manika mo kaya nasira.

Pagsasanay 3

PANUTO: Hanapin ang angkop na pamagat mula sa kahon ng mga


sumusunod na editorial cartoon na ipinapakita sa ibaba. Isulat ang
tamang sagot sa patlang.

7
_______________________________
_______________________________

- Krisis sa Sistema ng Edukasyon ng Pilipinas


- COVID-19 virus, ipinapakita ang mabagal na aksyon ng Gobyerno
- Bunga ng kawalang disiplina ng mga Pilipino sa panahon ng Pandemya
- No to VIP Testing! Yes to Mass Testing!
- Bagong Bayani sa panahon ng Covid-19

Magagawa Mo!

Gawin Natin:

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng


tamang sagot at isulat ito sa patlang sa unahan bilang.

___1. Ang _______________ ay isang anyo ng political cartoon na


nakabatay sa isang isyu, isang opinyon o isang pangyayaring

8
napapanahon. Ano ang angkop na salita ang binibigyang kahulugan ng
pangungusap na ito?
A. editorial cartoon B. editorial argument
C. editorial information D. editorial tribute

___2. Ano ang tawag sa gumagawa ng Editorial Cartoon?


A. Editorial Artist B. Cartoonist
C. Journalist D. Illustrator

___3. Ano ang mga nilalaman ng isang Editorial Cartoon?


A. mensahe, guhit, opinyon, pangyayari, isyu, paninindigan ng editorial
board
B. mensahe, talata, ideya, pangyayari, isyu, paninindigan ng editorial
board C. mensahe, guhit, ideya, pangyayari, balita, paninindigan ng
editorial board
D. mensahe, talata, opinyon, pangyayari, balita, paninindigan ng editorial
board

___4. Nabali mo ang lapis na iyong hiniram. Ano ang sasabihin mo sa


taong iyong pinaghiraman?
A. Bakit mabilis mabali ang lapis mo?
B. Pasensya na. Hindi ko sinasadya mabali ang iyong lapis.
C. Anong klaseng lapis ba ito? Bakit ang rupok?
D. Pasensya na. Kasalanan ng lapis bakit ito nabali.

___5. Nais mong dumaan ngunit ang guro at ang kanyang kausap ay
nakaharang sa iyong daraanan. Ano ang iyong sasabihin sa kanila?
A. Makikiraan po.
B. Pakiusap, tumabi kayong dalawa.
C. Huwag po kayo sa daanan mag-usap
D. Bakit po kayo nakaharang sa daanan?

Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1 9
1. 😊
2. ☹
10

You might also like