1. Lantay--ang antas kung ang ginagamit sa paglalarawan ay payak o nag-iisang tao,bagay,hayop
o lugar lamang. Halimbawa: Ang lugar na tinitirahan ng mga magkakaibigan ay tahimik at payapa. (no comparison, isa lang ang tinutukoy, yung lugar lang)
2. Pahambing-kung ito ay naglalarawan ng dalawang tao, bagay, lugar,hayop ,gawain o
pangyayari.Ang paglalarawan ay nakatuon sa dalawa. (Sasha, may dalawang uri ang pahambing, yun ay pahambing na magkatulad at pahambing na magkatulad. Under ng pahambing na magkatulad ay palamang at pasahol.)
a. Pahambing na magkatulad-kung magkatulad ang katangian ng pinaghahambing.Gumagamit
ito ng mga panlaping magka, sim-, magsing-,magsin-,ga- o salitang pareho o kapwa.
Hal. Magsinsipag sina Gagamba at Susuhong.
b. Pahambing na Di-Magkatulad
Palamang- nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.Gumagamit ito
ng higit,lalo,mas, di-hamak.
Halimbawa: Higit na matalino si Gagamba kaysa kay Susuhong.
Pasahol -kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.Gumagamit ito ng
di-gaano,di-gasino, di-masyado
Hal. Di-masyadong maingay sa gubat kaysa sa kapatagan .
3. Pasukdol - kapag ang paghahambing ay nakatuon sa higit sa dalawang bagay,lugar,pangyayari
o tao.Ang paglalarawan ay maaaring pinakamababa o pinakamataas.Ito ay masidhi kaya gumagamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan,hari ng - o pag-uulit ng pang- uri.