You are on page 1of 1

Sean Menard A.

Flores BSN-IV

Repleksyon Papel
Marami ang nagsasabi na hindi na daw mahalaga ang paggamit sa salita, kung
mali-mali ang grammar mo sa pagbibigay ng iyong gustong sabihin, basta lang
naiintindihan ang gustong mong sabihin. Ang problema na nga e, kung mali-mali ang
gamit mo ng wika e hindi mo maihahayag nang maayos at nang eksakto ang gusto
mong sabihin. At dahil diyan, naiiba tuloy ang pagkakaintindi sa nais mong
ipahayag.Karamihan ng di pagkakaintindihan ng mga mamamayan e bunga lang ng di
maayos na paggamit ng wika. Lalo na sa komunikasyon na ang tanging gamit e
pagsusulat, tanging mga salita at pangungusap lang umaasa ang mga tao para
maibigay ang gustong sabihin. Kaya dahil diyan, mapagtatanto talaga kung gaano
kahalaga ang tamang paggamit ng lenggwahe–Tagalog, Ilocano, o bisaya anumang
wika ang iyong gamit. Sa Madaling Salita Responsibilidad ng bawat tao na pagyamanin
ang kanyang kaalaman sa paggamit ng pinakamahalagang armas ng komunikasyon.
Dahil kung habang nagiging bihasa ka sa tamang paggamit ng wika e mas
nababawasan ang di pagkakaintindihan ng bawat tao. Kaya dapat ay ating pagyamanin
ang ating kaalaman sa tamang paggamit ng wika o anumang lenggwahe ang ating
madalas na ginagamit sa pakikipag usap o pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa.

You might also like